logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

QWEIN'S POV
"Hindi pa kami makakauwi ng Daddy mo dyan dahil sobrang busy pa rito sa probinsiya. Uuwi kami dyan next week, okay? Basta lagi kang mag-iingat dyan anak," saad ni Mommy bago binaba ang tawag.
My mother is a lawyer while my father is an engineer. May kasong hinahawakan si Mommy sa probinsiya kaya hindi siya pwedeng umalis d'on samantalang may isang hospital pa na tinatapos sina Daddy. Masyado silang focus sa trabaho pero wala naman akong karapatang magcomplain. Lagi nilang sinasabi na ginagawa nila ito para sa akin at naiintindhihan ko naman sila. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi mabalewala ang paghihirap at sakripisyo na ginagawa nila sa akin. Pero hindi naman ako siguro babagsak kung aabsent ako ngayong araw.
Matagal na pag-iisip ang ginawa ko bago mapagpasyahan na aabsent na lang ako at babalik sa pagtulog. Pinauwi ko muna si yaya sa kanila dahil kaya ko namang maglinis dito sa bahay. And besides, ayokong magsumbong siya kina Mommy at Daddy tungkol sa mga bully.
Pipikit na sana ako nang makarinig ako ng busina sa labas ng bahay. Wala akong inaasahan na bisita kaya binalewala ko na lamang iyon. Maya-maya ay bumusina na naman iyon. Hindi ko na sana papansinin nang marinig ko ang boses ni Devon.
"Q!Andyan ka pa ba?" Napabangon ako. Dali-dali akong dumungaw sa bintana. Doon ko nakita ang sasakyan ni Ryker. Nasa gate si Devon samantalang nakasandal naman si Ryker sa kotse niya na bored ang mukha.
Wala sa sariling tumakbo ako pababa. Suot pa rin ang ternong pajama ay binuksan ko ang gate.
Nagulat pa si Devon nang makita ang suot ko. Ibinaling ko ang tingin kay Ryker na ngayon ay maayos na ang tayo at tinitingnan ako. Nagtataka.
"Hindi ka papasok?" Bumaling ako kay Devon.
"Sayang learnings girlll," hirit pa niya.
Umiling ako.
Pagkatapos n'on ay nagpaalam na si Devon sa akin.
Buong hapon akong nakahilata sa kama. Nilagyan ko ng cream na binigay sa aking ni Wade kahapon ang lahat ng sugat ko. Medyo magaling na sila kinagabihan. Sana lang, hindi na sila madagdagan bukas.
At dahil buong araw akong natulog, hindi na ako makatulog ngayong gabi. Naisipan ko na iopen ang facebook account ko. Medyo matagal na rin ang last na online ko rito since hindi naman ako mahilig dito. Gumawa lang ako nito for school's purposes. Tiningnan ko ang messages. Puro gc lang naman kaya hindi na ako nag-abalang tingnan. Tiningnan ko naman ang friend request ko, karamihan sa kanila ay estudyante from Tabor University. Mga classmates ko ang iba. Nakita ko rin ang pangalan ni Jeo at Devon kaya inaccept ko na. Maya-maya ay may biglang tumawag sa akin. Unknown number kaya hindi ko sinagot.
Pinatay ko na ang ilaw sa baba. Paakyat na ako nang may tumawag na naman ang parehong number. Nakaramdam ako ng kaba. Ngunit sa kabila ng kabang 'yun ay sinagot ko pa rin ang tawag.
Walang may nagsalita.
"Hello?" kabadong saad ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala pa ring sumagot kaya agad ko itong pinatay at dali-daling umakyat sa taas at sa kwarto ko. Unang pumasok sa isip ko na tawagan si Yaya but it is already 12 midnight kaya sigurado ako na tulog na siya.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Everything will be okay Winona.
Pipikit na sana ako nang may marinig akong andar ng kotse sa labas. Huminto ito. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na huminto ito sa tapat ng bahay namin. Halos mapatalon ako nang tumunog ang doorbell namin. Nasundan iyon nang pag-ring ng phone ko. Same number pa rin.
"Sino ka? Anong kailangan mo?" nanginginig ang boses na tanong ko.
Katahimikan ang sumagot sa akin.
Ayoko pang mamatay, pambihira naman oh.
"Please, kung sino ka man, tigilan mo na ako. Kung isa ka sa mga nambubully sa akin, please bigyan mo naman ako ng katahimikan, kahit ngayong gabi lang."
"Just open the goddamn door." Malalim ang boses na tugon niya. That's when I realize kung sino siya. Ryker.
Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa dis oras ng gabi. Hindi kami close at halos kakilala lang namin kaya hindi ko alam kung ano ang plano niya. Oh no! Sana mali ang iniisip ko na may gagawin siyang masama sa akin. Sa kabila ng pag-aalinlangan ko, pinagbuksan ko pa rin siya.
He looks cute on his blue terno pajama. Magulo rin ang buhok niya at nakabusangot ang mukha niya.
"Use this." Iniabot niya sa akin ang isang maliit na supot. Kinuha ko iyon.
I was gonna asked him kung ano 'to nang bigla na lang siyang tumalikod. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakasakay sa kotse niya nang tumingin ito ulit sa akin.
"Don't forget to lock your door," aniya at pumasok sa kotse niya at pinaharurot iyon.
D'on ko lang naalala na hindi ko pala nalock ang pinto namin. Pero bakit tumawag pa siya at sinabing buksan ang pinto kung alam naman niyang hindi naman iyon nakalock?
Cream. Ang laman ng supot na binigay niya ay cream para sa mga sugat ko. Nakita ko rin sa loob ng supot ang ID ko. Hindi ko maiwasang magtaka sa inasta ni Ryker. Why are you doing this? You're making me confuse Ryker.
££

Bình Luận Sách (12)

  • avatar
    Rubie Casuncad

    Ang ganda beh ng storyy and ung pov's nya real life ata to e haha

    16d

      0
  • avatar
    JuarezHermelyn

    very nice 👍

    27/07

      0
  • avatar
    Cindy Ella Amen

    jjjbn

    04/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất