logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2: Lady Protector of the Northern Wilds

THE night was supposedly dark yet the evening happened to be gorgeously aesthetic, the moon was shining brightly amidst the dark skies. The wind was cold, gently embracing the lenient sanguine night of Northern Wilds in Fatum Kingdom. I am holding myself not to whimper against the long candescent before midnight hour. I am trying hard not to make any kinds of sound to secure my hideout together with the lost bleating hollow-horned gregarious ruminant mammal of my father that's typically timid and defenseless.
Iba sa Kaharian ng Fatum. Kung kailan gabi, kung kailan madilim, kung kailan ang lahat ay dapat na nagpapahinga o natutulog na, saka naman buhay na buhay ang lahat. Marahil ay dahil iniisip ng karamihan na tulog na o nagpapahinga na ang bawat isa kaya malaya ang sinuman na gumawa ng anuman ang nais nilang gawin.
Talamak ang nakawan na nangyayari sa Heimdall, ang pinakamaliit at pinakamalayong nayon sa Kaharian ng Fatum. Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging uso ang nakawan sa kasalukuyan, siguro'y dahil taghirap ngayon. Ngunit hindi naman iyon katanggap-tanggap na dahilan para magnakaw ng pinaghirapan ng iba. Gayunpaman ay wala akong karapatang manghusga sapagkat hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak at buhay nila.
Mariin akong napasiksik sa aking pinagtataguan habang hila-hila ang tupang aking hawak nang makarinig ako ng kaluskos. Natagpuan ko ring buhay ang tupa sa wakas. Mahigpit kong hinawakan ang lumang espadang palaging ipinapadala sa akin ng aking Ama kapag naglalakbay ako.
Malaki ang tiwala sa akin ng aking Ama. Apat kaming magkakapatid, lahat babae at ako ang panganay. Dahil doon ay responsable ako sa mga gawaing dapat na ginagawa ng lalaki sa aming bahay. At dahil wala kaming lalaki, tanging ang Ama ko lamang na matanda na, sa akin naipasa ang responsibilidad na buong puso ko namang tinanggap.
"Hush," bulong ko sa tupang hawak ko na nagsisimula na namang lumikha ng tunog, "Keep quiet, someone's coming."
I gripped the old sword to prepare myself from any kinds of attacks. The sword was remarkably old yet I never missed a single smash against my opponent using it. The blade was still sharp, kaunting hasa lamang ay kikintab na iyon. It is a two edge sword and I still wonder how did or where did my father get that kind of sword.
"Nandito lang 'yon kanina, Pre!"
Napakislot ako nang makarinig ng mga nag-uusap. Hindi nga ako nagkamali nang isipin kong may paparating. Ang balak ko lang ay magpahinga, maghapon akong naghanap ng nawawala naming tupa. Hindi ako huminto sa kakahanap hangga't wala akong nakikitang bakas na bangkay nito. Hindi rin kasi kaya ng konsensya ko dahil hindi rin matahimik si Tatay kapag kulang ang mga tupa niya.
"That damn bobcat, trace him. Didn't he morphed already?"
"I'm afraid so. If he did then it'll be very hard for us to track him down."
Tahimik akong kumawala ng isang hininga. Grupo ito ng mga kalalakihan, paniguradong hindi maganda ang kalalabasan kapag hinarap ko sila. Unang-una sa lahat ay lalaki sila at babae ako. Hindi dahil sa mabilis nila akong masasalungat, kundi dahil makakatanggap ako ng mga makakapagbabang salita galing sa kanila.
I am probably one of those that are hard to counter in Heimdall. Not to boast but I am certainly known in our Village, probably because I am the only lady who fearlessly face everybody as if the law doesn't exist. That damn law.
"I smell something..."
Ganoon na lamang kabilis na tumambol ang puso ko. Mas lalo akong naghanda nang maramdaman ang kanilang presensya na papalapit sa kinaroroonan ko.
"What is it? Another wolf? Or that damn bobcat?"
"Sypher, it's not a wolf."
Nahugot ko ang aking hininga nang sa isang iglap lamang ay nasa harapan na sila ng pinagtataguan ko. Napapikit ako ng mariin habang hawak-hawak ang tupa na animo'y ramdam rin ang tensyon dahil tuluyan itong nanahimik.
"Then what is it? Tell me." Ani naman ng lalaking tinawag na Sypher na sa tingin ko'y nakangisi. Ramdam ko iyon, ang pagkurba ng kaniyang labi habang nakatingin sa sabsaban na pinagtataguan ko.
Napabuntong hininga akong muli. Mukhang wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ang bagay na tumatakbo sa utak ko.
"Shall we burn this feed through?"
"Sure. Unless someone comes out and face us."
Nangunot ang noo ko. Bakit ba nasa labas pa ang mga binatang ito sa gitna ng gabi? I really have a reason why am I still in the Northern Wilds amidst the dark night, and I don't know what's up with these guys wandering around. Probably to trip someone? Oh, I almost forgot I've heard they're after someone. A bobcat.
"Burn it."
Narinig ko ang pagpitik ng lighter na animo'y binuksan. Alam kong hindi pa masusunog ang sabsaban na kinaroroonan ko, ngunit ayoko na ring magtagal pa sa nakaka suffocate na lugar na iyon.
Another trouble again. Hindi ba ako pwedeng layuan ng kapahamakan kahit sandali lang? Pakiramdam ko'y hinahabol talaga ako nito 'eh.
I gripped my sword tight, held the sheep on my other arm and strongly jumped against the feed through as it somewhat exploded the moment I came out. I extended my limbs, flexed my body to lose weight so that I could jump higher and farther from the people trying to pester me.
"Oh gosh!"
"Wow."
I growled the moment I landed on the surface. Ngunit hindi ako doon nahinto, hindi ko na hinintay pang magsalita ang kung sinuman sa mga iyon at mabilis na tumakbo habang bitbit ang tupang nagsimula nang umiyak.
Nakarinig pa ako ng mura at sigawan ng paghanga matapos akong tumakbo. Ngunit agad akong nangilabot nang lumikha sila ng tunog sa kanilang anyo, ibig sabihin lamang niyon ay handa na silang habulin ako. The howling voices of the large predatory canids thundered the wilds, and it made me roused faster to get away from the human wolves chasing me. Good thing they haven't morphed yet, I can still run away faster than them.
"A girl?!" Natatawang sigaw ng isang lalaki.
"Nope, a lady!" Sigaw pa niyong isa.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Pakiramdam ko'y mas lalo silang nadadagdagan. Kung kanina ay tatlo lamang ang aking naramdamang presensya, ngayon ay lima na.
Gosh, I am doomed.
"What is a lady doing here?" Randam ko ang pagkurba sa tinig niyong lalaking tinawag na Sypher, "Oh c'mon, you've got to be kidding me! You came all the way here for a fucking sheep?"
Hindi ko sila pinansin sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo.
"C'mon, stop running. You know you can't escape from us now, Lady. You are just a girl!" Sigaw nang kung sinuman sa kasama ni Sypher na ikinatubo ng galit ko.
Ito ang pinaka ayokong naririnig, ang minamaliit kami. I always hear, 'You are just a girl'. C'mon people, we are not just girls. We are girls! We are not just ladies, we are ladies, we are women. And no one have the rights to look down on us.
"She'll get tired."
"She's just a lady. Soon she'll drain around here, why are we chasing her?"
"Bloody night. I want blood." Nakakakilabot na sagot ni Sypher.
Ganoon na lamang ako kabilis na napalingon sa kanila, tantya kong isang daang metro lamang ang layo ko sa kanila at masyado na iyong malapit. Naramdaman ko na ang aking paghangos, dumadagdag pa ang kaba sa aking dibdib kaya nararamdaman ko na ang pagod. Gayunpaman ay hindi ako huminto sa pagtakbo, sa halip ay mas lalo ko pang binilisan ang tangkang paglayo sa kanila.
Habang tumatakbo ay lumilikha na ako ng plano para tuluyang makawala sa kanilang bitag.
"Stop right there!"
"This will be fun! I am enjoying! I never knew a girl could run fast like this!"
"Dude, I never thought a girl could escape from us."
Napasimangot ako. Ang pagkalabog ng aking puso ay hindi na matawaran, pabilis ito ng pabilis. Ang pagkalabog nito'y palakas rin ng palakas. Mas mabilis pa sa kabayo ang mga nilalang na humahabol sa akin, at iniisip nilang madali nila akong mapapatumba dahil babae ako. Ngunit doon sila nagkakamali, dahil nga babae ako.
I never morphed before, so I never knew what kind of voice I shall make whenever I'm mad. But I let out a roar as I raised my hand gripping the two edge sword and stepped high on a rock, turned around, aimed my sword at my back, and faced the scary wolves chasing me.
Lahat sila'y napahinto dahil sa aking pagkilos. Ngunit nagpatuloy ako, at siguro'y hindi nila inaasahan ang ginawa kong pag-atake kaya naman hindi kaagad sila nakailag. I fiercely swung the sword to hit the first man nearest at me, he immediately fell down due to my sudden attacked. But I didn't stopped there, using one hand I drew my sword to the next guy who tried to dodge my attack. But I am undoubtedly fast, it does run on my blood so in a swift movement I reached his face and created a scar on his cheeks.
"Sypher!" Tawag ng mga kasama ng lalaking natamaan ko sa mukha.
Mabilis akong napatalon pabalik sa kinaroroonan ko at inihinda ang sarili. Lahat sila'y sinundan ako ng tingin, lalo na iyong Sypher na hindi parin makapaniwala.
"Argh, woman." Bulong niyong isa habang nakamasid sa bawat kilos ko, "Woman, woman."
"How dare you!" Sigaw ni Sypher at humakbang palapit sa akin, "I will not let you get away with this!" Galit nitong saad habang pinupunasan ang dugo sa nahiwa niyang pisngi.
"Oh," Matapang kong sagot atsaka tumindig ng maayos habang bitbit parin ang tupa na natalsikan ng kaunting dugo.
"Who are you?" Galit na palakat ni Sypher.
"Me?" Ako naman ang ngumisi habang iwinawasiwas ang espada ko, "I am the lady protector of the Northern Wilds."

Bình Luận Sách (60)

  • avatar
    Lanie Pecson Orgas

    ggs

    1d

      0
  • avatar
    Hayati Umaiza

    very nice story

    26d

      0
  • avatar
    Ikaw Lng Sapat Na

    nice

    16/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất