logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

Ang Kasalukuyan, 2017
Bumalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at saka hinihingal nang walang dahilan. Medyo nahihilo pa rin ako sa mga oras na iyon at agad inayos ang magulo kong buhok. May laway pa pala sa aking bibig kaya agad ko iyon pinunasan ng aking kamay. Eeeew!
Hindi ko alam pero parang totoo ang aking panaginip. Sumasakit din ang buo kong katawan at parang naninikip din ang aking dibdib. Nang mapatingin ako sa aking kamay, nagulat na lang ako dahil suot ko na pala ‘yung singsing sa aking daliri. Pero paano? Kung sabagay sa panaginip ko lang naman nawala ang singsing.
Pero ang mas ikinagulat ko ay may puting tela na nakabalot ngayon sa aking daliri. Dahan-dahan ko namang inalis ang puting tela na iyon at saka nakitang may sugat. Mukhang presko pa ang sugat dahil hindi pa ito nahihilom. Napanganga na lang ako sa mga nangyayari.
“Hoy, Doray! Bumangon ka na nga riyan! Hindi ka ba magsisimba?” nagulat na lang ako nang hinampas ni Geoff ang aking likuran. Mukhang na-miss ko ang baklang ‘to.
Napatingin na lang ako sa kaniya. “Anong araw ba ngayon?” tanong ko sa kaniya. Napataas naman ng kilay ang bakla at saka ipinakita ang screen ng kaniyang phone.
“Gurl it’s Sunday, you know. Kaya bumangon ka na riyan at maligo na pagkatapos ni Antoinette.” sabi niya at agad na akong inilayan ng bakla na tumayo. Mukhang nagulat ako nang sinabi niyang Sunday pa lang.
Sa mga oras na ‘yun ay parang wala ako sa aking sarili. Hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan kung bakit nagkaroon ako ng sugat galing sa aking panaginip. Medyo mahapdi pa nang kaunti ang maliit kong sugat at aksidente namang nahawakan ito ni Geoff. Aray!
“What happened, Doray?! Teka, anong nangyari rito?” sabay dampot ni Geoff sa aking nasugatang daliri. Napatahimik ako sandali. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya. Baka pagtawanan niya pa ako pagsinabi kong nagkasugat ako galing sa aking panaginip. Muli niya akong tinanong ngunit hindi ko man lang sinagot ang kaniyang katanungan.
“Oh my Gosh, Doray.” sabi niya lang at agad akong binigyan ng band aid galing sa kaniyang drawer. Wow, ang sweet naman ng bakla.
“Maligo ka na gurl at saka lagyan mo na rin ng band aid ang iyong pretty finger, okie dokie?” payo niya sa akin at tamang-tama rin na lumabas na si Antoinette galing banyo.
“Sino na ang susunod na maliligo?” tanong niya sa amin.
“Si Flor na ang susunod na maliligo, gurl.” sabi ng bakla at agad naman akong napatango kay Antoinette. Ngunit bago pa ako makapasok ng banyo ay bigla ko namang naisip ito at napatanong sa kanila.
“Guys, sino ang bumuhat sa akin kagabi?” tanong ko bigla.
“Ako, gurl. I don’t have any idea why you were sleeping on that sahig. Baka talagang pagod na pagod ka kahapon kaya napatulog ka na lang diyan.” sagot niya sa akin habang humihigop ng mainit na Milo sa kaniyang Hello Kitty themed mug.
Napa isip na rin ako sa mga sandaling ‘yun at agad nasilayan ang libro na nakapatong sa mesa na nasa aming dining area. Ang Historia de Iloilo! Agad ko namang pinuntahan ‘yun at saka kinuha sa ibabaw ng mesa. Nakasara ito at agad binuklat upang hanapin ang pahina kung saan ko nakita ang litrato ni Timoteo Castellana.
“Ito ba ang hinahanap mo, gurl?” pagbasag naman ni Geoff sa aking likuran habang hawak-hawak niya ngayon ang litrato na aking hinahanap. Lumaki agad ang aking mga mata nang makitang nasa kaniya pala ang larawan ni Timoteo.
“Don’t worry gurl. Isasauli ko rin ‘to sa’yo noh. In fairness ha? Ang gwapings nito. Mas gwapo pa siya compare kay papa Shawn.” sabi niya habang nakatitig sa larawan ni Timoteo. Mukhang pinagpiyestahan naman ng bakla ang larawan ni Timoteo. Hoy!
“Patingin nga Geoff.” agad namang inagaw ni Antoinette ang larawan sa bakla. Napatingin din si Antoinette sa larawan. “Uy, hearthrob ha. Pero mas gwapo pa rin si papa Shawn ko noh?” sabi naman niya habang nakatingin sa bakla.
“Ko? Bakit ano mo ba si papa Shawn Mendes? Asawa mo?” pang-aasar naman ni Geoff kay Antoinette.
“Oo. Bakit?” sagot niya sa bakla. Mukhang mag-uumpisa na naman silang mag-asaran sa mga oras na ‘yun.
Agad namang ibinigay ni Antoinette sa ‘kin ang larawan at aakmang hahampasin si Geoff gamit ang kaniyang 1 litered lotion na hawak-hawak niya ngayon. Bumawi naman ang bakla nang hampasin si Antoinette gamit ang kaniyang malaking unan at saka naman natumba si Antoinette sa kaniyang kama. Mukhang nagkasiyahan ang dalawa.
Nang mapasaakin na muli ang larawan ni Timoteo ay mukhang nararamdaman ko muli ang matinding pintig ng aking puso at napangiti na lamang. Hindi ko maalis sa aking isipan ang unang tagpo namin ni Timoteo. Ang makita siya nang personal at masilayan ang mala-anghel nitong ngiti na nagpasingkit sa kaniyang mga mata at paglitaw ng dalawa niyang biloy sa pisngi. Mukhang nag-iinit na naman ang aking mukha. Kailan ko uli siya makikita sa aking panaginip?
“Ano bang nangyayari sa kanila riyan?” tanong ni Marie na mukha ring tatawa sa mga pinang-gagawa ng kaniyang mga kaibigang baliw. Katatapos niya ring magbihis at saka nagsusuklay ng kaniyang buhok.
“Ewan ko sa kanila. Sige, maliligo muna ako.” sabi ko naman sa kaniya habang papasok na ng banyo.
**********
Mga alas-otso na nang umaga at narito kami ngayon sa Jaro Cathedral Church. Tamang-tama rin ang aming pagdating dahil magsisimula na rin ang misa. First time din naming pumunta rito kaya excited na rin kami. Medyo maraming tao ang nasa loob at mukhang hindi na kami makakaupo sa mga upuan. Pero talagang pinagsiksikan namin ang aming mga sarili sa madla kaya nakapuwesto kami sa unahan para makita namin ang sinasabi nilang magandang altar ng simbahan.
Talagang maraming tao sa loob at karamihan talaga sa mga nagsisimba ay ang magkakapamilya. Mukhang nami-miss ko na rin ang aking pamilya sa Maynila. Naka-white sleeveless dress ako ngayon at saka nakasuot ng blazer na color blue. Malamig na rin kasi ang simoy ng hangin sa labas.
Nang mag-umpisa na ang misa ay agad akong napatingin sa aisle ng simbahan para makita ang grand entrance kung saan papasok na ang pari kasama ang kaniyang mga sakristan. Pero nagulat ako bigla nang makita si doc Matthew na kasama rin nila sa pagpasok. Wait lang, isa siya sa magiging readers? Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil na rin sa pagkagulat.
Si doc Matthew ang nagbabasa ng first reading ng misa at talagang makikita mong bihasang-bihasa siya sa pagbabasa ng mga bible verses. Mabuti na lang dahil English ang ginamit na wika sa pagmisa ngayong araw.
Nung nasa kaligitnaan na nang misa ay may napansin akong lalaki na nakasuot na casual clothing na white polo habang papasok papuntang pulpit para kantahin ang responsorial psalm. Nang matanaw ko ang lalakeng ‘yun sa kaniyang kinatatayuan ay talagang nagulat ako nang makilala ko ang kaniyang mukha. Hindi ito maaari! Baka naman namamalik-mata lang ako. Talagang kamukhang-kamukha niya si…
Timoteo…
Mula sa kaniyang tindig at tinataglay na kagwapuhan at pati na rin kung paano siya kumilos ay kuhang-kuha niya. Muli ko siyang tiningnan nang matagal ngunit talagang…
Siya nga…
Nang mag-umpisa na siyang kumanta ay biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo nang marinig ang mala-anghel nitong boses na mas pinagaganda pa nang sabayan siya ng mga kasamahan nito sa choir malayo sa kaniyang gilid. Tunay ngang talented ang lalaking ‘to. Aside sa magaling siya magpinta ay may talent din siya sa pagkanta.
Nang matapos na rin ang misa ay agad naming pinuntahan si doc Matthew sa unahan kung saan may kasama siyang pari. Mukhang masaya silang nag-uusap.
“Good morning po doc Mat at sa’yo rin father.” bati naming apat. Napangiti naman silang dalawa sa aming harapan.
“Eto ba silang apat ang sinasabi mong taga- Maynila, Matthew?” tanong ng pari sa kaniyang tabi. Agad namang tumango si doc Matthew sa kaniya.
“Opo, tito. Mukhang hindi ka rin nag-iisa rito sa Iloilo.” sabay tawa habang nakatingin sa amin. Mukhang napatawa rin father habang kaming apat ay patuloy na nakatingin sa kanila.
“Ako nga pala si Rev. Fr. Ferdinand Casquejo. Ako rin ang tito ng inyong gwapong doktor na nasa inyong harapan.” masayang pagpapakilala naman niya sa amin. Mukhang namumula naman sa hiya si doc Matthew. Hmmm, pa-humble naman.
“Katulad niyo ay hindi rin ako taga-rito at laking Maynila rin kaya lang naimbitahan lang ako ng arsobispo ng lalawigang ito na magdaos ng misa rito sa Jaro Cathedral Church. Mabuti lang din dahil may titirahan pa ako pagdating ko rito.” sabi niya sa amin.
“Basta ikaw tito, walang problema sa amin.” ani ni doc Matthew. At sabay naman silang tumawa.
“Flor, Marie, Antoinette at Geoff. Sabay na kayo sa amin pumunta sa aming tahanan. May handaan kami ‘run.” sabi naman ni doc at agad naman kaming nagulat sa kaniyang alok.
“Sige na. Minsan lang naman ‘to.” pagpupumilit pa ni doc Matthew sa amin. Mukhang wala naman kaming choice kundi pumayag na lang at sumunod sa kanila. Baka ano na lang ang iisipin ni doc kung tatanggihan namin siya ‘di ba?
Nang tuluyan na kaming nakalabas ng simbahan ay sinalubong kami ng malamig na hangin na dumadampi ngayon sa aming mga balat. Maganda rin ang sikat ng araw at halos lahat ng tao na nakasalubong namin ay may mga dalang maiinit na bibingka't puto na binili nila sa gilid ng simbahan. Ang iba naman ay bumibili ng mga iba’t-ibang kulay ng kandila para ipagdasal ang kani-kanilang mga kahilingan. Mukhang gusto ko ring gawin ‘yun.
“Teka, nasaan ba ang iyong pinsan na si Timothy?” tanong naman ni Fr. Ferdinand kay doc Matthew. Napatingin naman ako sa kanila nang banggitin ni father ang pangalang Timothy.
“Nauna na siyang umalis, tito. Pumunta pa siya sa dangwa para bumili ng mga bulaklak.” sagot niya. Napatawa naman ang kaniyang tito.
“Mahiyaing bata talaga si Timothy. Pero hindi ko maitatangging isa siyang talentado at may pangarap sa buhay. Nabalitaan ko na nasa murang edad niya pa lang ay isa na siyang sikat na pintor sa inyong lalawigan. ‘Di ba’t sa UP siya nag-aaral, Matthew?” tanong niya.
“Opo, tito. Bachelor of Fine Arts ang kinuha niya and at the same kumuha rin siya ng Business Management.” sagot naman ni doc Matthew sa kaniya. Mukhang nacu-curious talaga ako kung sino si Timothy. May kung ano na namang bumabagabag sa aking nilalamunan at hindi ko maiintindihan kung bakit mayroon akong kakaibang nararamdaman sa mga oras na ‘yun.
“Feel ko ang gwapo rin ng pinsan ni doc. Kung hindi ko makukuha si doc Mat, ang pinsan niya lang ang kukunin ko…” mahinang sambit ni Geoff at agad tumawa nang mag-isa.
“Huwag ka nang mangarap, gurl. Hindi naman kayo para sa isa’ isa eh. ‘Di ba sabi mo walang forever?” pang-aasar naman ni Antoinette kay Geoff. Agad namang siniko ng bakla ang tagiliran ni Antoinette at saka binelatan nito. Agad namang bumawi si Antoinette nang hampasin niya nang malakas ang malusog na braso ni Geoff gamit ang kaniyang payong. Napa-aray naman ang bakla at saka tatawa ulit. Mukhang hindi sila titigil. Nakakahiya kina doc at father.
“Uy! Magsitigil na nga kayong dalawa?” suway naman ni Marie sa kanila.
“Pagpasensiyahan niyo na po sila. Talagang gawain na nilang mang-asaran.” sabi ko na lang kina doc Matthew at Fr. Ferdinand na mukha ring nasisiyahan sa pinanggagawa ng mga baliw kong kaibigan.
“Mga bata talaga. Sige, tayo na’t humayo na.” sabi naman ni Fr. Ferdinand sa amin at saka na lang ding tumigil ang dalawa.
“Saan ba tayo tutungo, doc?” tanong naman ni Marie sa aking tabi. Mukhang maagang na-stress si Marie kina Geoff at Antoinette na para bang nahulugan ng langit dahil sa mga pasaway na alaga. Tiningnan ko naman sina Antoinette at Geoff na nasa aming likuran na maaga ring napagod dahil sa kanilang pinanggagawa.
“Tutungo tayo sa aming tahanan sa Oton.” ngiting sabi ni doc habang patungo na kami sa kaniyang kotse. Mukhang excited din kaming pumunta sa kanilang tahanan at higit sa lahat mukhang libre na rin ang aming maagang pananghalian. Let’s Go!
**********
Mga ilang minuto rin ang biyahe namin papuntang Oton at narito na kami sa tapat ng malaking gate at may matataas itong fence gawa sa mga malalaking bato at marmol. Napamangha naman kami sa aming nasilayan.
May mga baging din sa itaas at ang iba naman ay nasa gilid ng gate. Binuksan naman ng mga guardia ang malaking pintuan nito at agad na rin kaming pumasok. Bigtime na bigtime talaga si doc Matthew. Hindi ko talaga ma-imagine na ganito siya kayaman!
“Maayong aga, sir! (Magandang umaga, sir!)” bati naman ng guardia kay doc. Agad namang tumango si doc Matthew at tuluyan na kaming pumasok patungo sa kanilang tahanan. Maraming mga pine trees ang aming nadadaanan habang tinatahak ang malawakang konkretong daan. Nasa gilid lang ang mga ito na para bang mga royal guards na sinasalubong ang pagdating ng reyna.
Nang bumaba na kami mula sa sinasakyang kotse ay bumungad sa amin ang mala-mansiong tahanan ni doc Matthew. Talagang napanganga kami sa aming nakikita at napatulala sa kagandahan nito.
“Oh, ehm gee.” hingal na sinabi ni Geoff habang nagwa-walling na naman sa tapat ng malaking pine tree na nakapuwesto sa tabi ng kotse ni doc. Mukhang naglalaway din ang bakla habang minamasdan ang malaking tahanan ni doc Matthew. Napangiwi naman ako sa kaniyang ginawa. Haha!
“Hoy, Geoff! Ang laway mo tumutulo na naman!” sigaw ni Antoinette sa kaniya na mukha ring tatawa sa mukha ng kaibigan.
“Gurl, ang boses mo ano ba? Baka marinig ka ni hubby ko.” pabebeng sinabi ng bakla at saka tumingin kay doc Matthew.
“Hubby? Eeeww. Talagang nakakahiya ka. Bago ka lumandi riyan, paki-erase naman ng laway mo sa ‘yung dirty mouth.” ani naman ni Antoinette na ngayon ay tumatawa na. Mukhang nakikitawa na rin ako sa mga oras na ‘yun. Pupuntahan sana ni Geoff si Antoinette upang maghiganti ngunit biglang nagsalita si doc Matthew sa aming unahan kasama si Fr. Ferdinand.
“Welcome sa aming tahanan.” ngiti niya at sabay na rin kaming pumasok sa loob nito.
Tunay ngang malawak at maganda ang kanilang tahanan. Puwede ko ‘tong maihahalintulad sa mga nakikita kong mga mansion sa aking panaginip. May mga modern chandeliers na nakasabit sa kanilang kisame, may mga malalaking ceiling fan din, at may mga iba’t ibang paintings din na naka-display sa kanilang malalapad na dingding.
Agad naman akong lumapit sa mga paintings na naka-display at agad napatingin sa isang abstact style painting.
“Mahirap intindihin ang ganyang klaseng istilo ng pagpinta….” Nagulat naman ako kay doc Matthew at saka lumingon kung saan nakikita ko siyang papalapit sa akin.
“Kahit hindi mo alam ang eksplenasyon nito ay naaangat pa rin ang kagandahan nito. Kung sa mga normal na tao katulad natin ay siguro walang halaga kung ano man ang ibig sabihin nito. Pero sa taong nagpinta nito, mukhang may malalim siyang pinagdadaanan at iniaabot niya lamang ang kaniyang malalim na ideya sa madla.” dagdag nito at agad tumabi sa akin.
“Sino po ba ang nagpinta nito, doc?”
“Ang aking pinsan.”
Bumilog naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Baka si Timothy ang sinasabi niyang pinsan. Mukhang napataas ang aking kuryosidad na makita ang pagkatao ni Timothy.
“Mukhang nandito na kayo ng iyong tito, Matthew.” pagbasag naman ng isang malalim na boses sa aming likuran. Nagulat naman akong napatingin sa kaniya at agad naman siyang tumingin sa akin. Sino naman ang taong ‘to?
“Mukhang may bisita ka rin dito, anak.” dagdag pa niya. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. Anak? Siya ba ang ama ni doc Matthew?!
Malaki ang pangangatawan nito. Maputi, mabalahibo ang kaniyang braso at mapapansin kong may malaki siyang tiyan. Nakasuot siya na barong tagalog na pinaparesan ng kaniyang mahahaling relo. Napayakap naman si doc Matthew sa kaniyang ama na nakangiti.
“Nasaan na ang iyong tito? Ba’t hindi ko siya nakikita?” tanong niya habang umiikot ang kaniyang mga mata sa paligid. Nagkatinginan naman kami ni doc sa mga oras na ‘yun. Oo nga. Nasaan na ba sila?
“Herbert!”
Agad naman kaming napatingin sa likuran at nakitang si Fr. Ferdinand na papunta sa aming gawi. Napalinga-linga naman ako sa aking paligid upang hanapin ang aking mga kaibigan. Naasan kaya sina Antoinette, Geoff, at Marie?
“Naku, kuya Ferdinand! Mabuti at nakita na rin kita sa wakas.” sabi naman ng ama ni doc Matthew. Nagyakapan naman ang magkakapatid na mukhang bago lang sila nagkita.
“Kamusta, Herbert? Mukhang narinig kong umuunlad na ang lalawigang ‘to dahil sa iyong magagandang plataporma.” sabi niya habang tinatapik ang likuran ng kaniyang kapatid.
“Tungkulin ko naman ‘yun bilang isang responsableng alkalde ng siyudad na ‘to.” sabi niya na may bahid nang kasiyahan. Mayor? Mayor ng siyudad na ito?
“Mukhang nagulat ka, Flor.” siniko naman ako ni doc Matthew habang ako’y nakikinig sa pinag-usapan ng kaniyang ama’t tiyo.
“Mayor ang ama mo, doc Matthew?” tanong ko sa kaniya gamit ang maliit kong boses. Tumango naman siya habang nakangiti. Woah!
“Hija, ba’t ka pa nandito? Nandun na ang iyong mga kaibigan sa hardin sa isang salo-salo.” sabi naman ni Fr. Ferdinand sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi.
“Mabuti nakadalo kayo ngayon sa aming kaunting selebrasyon, hija. Sabayan mo na ang iyong mga kaibigan at susunod na lamang kami.” sabi naman ni Mayor Herbert at nakatingin naman agad kay doc Matthew sa aking tabi.
“Mat, sabayan mo na rin sila.” Agad namang tumango si doc Matthew at nauna na kaming umalis sa loob ng kanilang tahanan papuntang hardin.
Ang sinasabing hardin ay matatagpuan lamang sa likod ng mansion. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kaganda at kalawak ang kanilang hardin. May mga iba’t ibang klaseng bulaklak ang makikita sa paligid. May fountain din na umaandar sa gitna na siyang malaking atraksiyon sa lahat.
May nakita rin akong pavilion na nakatayo sa gitna ng hardin kung saan matatagpuan ang malaking salo-salo. Mukhang dumarami na rin ang mga bisitang dumarating. Nang makarating na kami sa salo-salo ay agad kong hinanap ang aking mga kaibigan. Pero hindi ko sila nakikita. Saan naman sila pumunta?
“Doc Matthew, kamusta? Nasaan pala si Mayor Herbert?” tanong ng lalake na mukhang isang opisyales.
“Nandun pa sa loob si dad kausap ang tito kong pari galing Maynila. Lalabas din sila sooner.” ngiting sagot ni doc Matthew sa kaniya at agad ring umalis ang lalaking ‘yun sa aming harapan.
Tumingin agad si doc Matthew sa ‘kin. “Nasaan na ang mga kaibigan mo, Flor?”
“Hindi ko rin po alam. Hahanapin ko muna sila.” sabi ko na lang sa kaniya at matiyagang sinuri ang aking paligid upang hanapin ang mga lokong ‘yun. Nasaan na kaya sila? Mukhang ako ‘yung taya sa larong Hide and Seek.
Hinanap ko ang mga baliw kong kaibigan sa kung saan-saan. Tinungo ko ang water garden nila na matatagpuan lang naman sa gilid ng kanilang nagtataasang bakod pero wala sila roon. Tinungo ko naman ang kanilang rose garden na may kaunting layo sa water garden pero wala pa rin sila ‘dun. Napakamot na lang ako ng ulo at saka tinawagan sila. Mukha ring hindi sila sumasagot sa mga tawag ko. Ano bang ginagawa nila?
Pinagpatuloy ko pa rin ang aking paghahanap hanggang sa malayo na ‘ko sa pavilion. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may napansin akong fountain na nakatayo sa gitna ng isang malawak na taniman ng mga pulang rosas. Pinuntahan ko agad ang fountain na ‘yun at talagang napamangha ako sa kakaibang istilo nito. Kakaibang-kakaiba ito sa isang fountain na nakita ko kanina. Gawa ito sa marmol at kumikislap na parang silver dust sa ilalim ng araw. Ang mga pulang rosas naman ay puro malulusog at magaganda habang pinalilibutan ang nasabing fountain.
May mga iba’t- ibang kulay na paru-paro rin ang lumilipad sa paligid na siyang napamangha sa ‘kin. Nang masilip ko kung ano ang nasa loob ng fountain, nagulat na lang ako na puro barya ang aking nakikita. Wishing fountain pala ito!
“Anong ginagawa mo rito?” pagbasag naman ng isang boses na nasa aking likuran. Nagulat naman ako bigla at parang narinig ko na dati ang boses na ‘yun. Unti-unti akong humarap sa kaniya at laking gulat ko na lang na makita siya ulit. Mukhang nagulat din siya nang ako’y kaniyang muling nasilayan.
Nagkatitigan kami nang matagal na para bang hindi makapaniwala na nagkita ulit kami. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ang lalaking nakilala ko sa aking panaginip ng nakaraan ay makikita ko ulit sa aking hinaharap.
Lumapit siya sa akin nang kaunti at tinapik ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. Mukhang nag-iinit na naman ang aking mukha sa kaniyang ginawa. Bigla niya ring hinawakan ang aking mga kamay at napansin kong may suot din siyang singsing na katulad ko.
Muli akong tumingin sa kaniya. Hindi ko alam pero ang puso ko’y parang sasabog na sa saya na makita ko siya ulit.
“Ikaw ba talaga ‘yan……..” Napalunok na lang ako nang marinig ulit ang kaniyang boses.
“Binibining Florentina?”

Bình Luận Sách (34)

  • avatar
    Fernandes MelgarEduardo

    bom

    17/01/2025

      0
  • avatar
    DimapilisJudyann

    5.0

    02/12/2024

      0
  • avatar
    LaugoJocel

    very nice ,, super , and it's can relieve my stress

    20/10/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất