logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

Nakauwi na ako galing sa hospital at ngayon naka upo ako sa aking kama at nakaharap sa bintana. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may lungkot na mababakas sa mata. Siguro dahil sa katotohanan na hindi nila ako tunay na anak at dahil sa lilipat na ako ng school ang sabi pa ay hindi raw pinapauwi ang mga estudyante roon dahil may sarili daw doon na dorm ang mga estudyante.
"Reen?" mahinang tawag sa akin ni Mom.
"Mom"
"Pasensya"
"Okay lang po Mom, alam ko naman pong inaalala nyo lang po ako kahit na h-hindi niyo ako tunay na anak" may pait kong sagot diito.
"Anak, huwag mong isipin yan kahit pa hindi ka namin tunay na anak itinuring kana naming totoong anak dahil matalik na kaibigan din namin ang tunay mong mga magulang" naka ngiting saad nito.
"Matalik po kayong magkaibigan ng mga magulang ko Mommy?"
"Oo anak, bago pa man sila mawala sa mundo ipinangako namin ng Daddy mo sa kanila na aalagaan at po protektahan ka namin sa mga gustong manakit sayo"
"Pero bakit Mom? Bakit may mga taong gusto akong saktan? May nagawa po ba ako sa kanilang pagkakamali?"
"Hindi anak... hindi mo maiintindihan kahit pa sabihin namin sa iyo ang kakaunting nalalaman namin sa pagkatao mo sa mundo ninyo" agad na sagot nito. "Kakaiba ka sa lahat, kahit ang iyong ina ay sinasabing ikaw lang ang may kakayahang baguhin ang mundo ninyo pero... hindi pa ito ang panahon para malaman mo. Huwag mong pilitin ang sarili mong maalala ang lahat anak, sa pagbalik mo sa mundong kinabibilangan mo unti-unting babalik ang mga alaala mo" nakangiting dagdag ni Mommy.
Dahil sa mga sinabi ni Mommy parang nabawasan ang mga tanong ko sa tunay kong pagkatao. Siguro'y naiiba nga talaga ako sa kanila at isa na sigurong paliwanag ang nagagawa kong pagbabasa ng isip ng ibang tao pero... bakit hindi ko mabasa ang iniisip nila Mommy? Bakit tanging iniisip lang ni Brent ang naririnig at nababasa ko? Posible kayang katulad ko rin si Brent?
Lumabas na si Mommy pagkatapos namin mag usap. Sinabi rin sa akin ni Mommy na naayos na raw ni Daddy ang mga kailangan ko para sa pag lipat ng school at mamaya rin ay darating na rin ang susundo sakin para ihatid sa bago kong school.
Bago lumabas ng kwarto ko si Mommy muli pa itong humarap sa akin at sinabing "Huwag ka mag alala anak, muli na kayong magkikita.." sabay sarado ng pinto.
Nagtaka naman ako sa binitawang salita ni Mommy, sino ang tinutukoy nito makikita ko na ulit? Posible kayang si Mavien ang susundo sakin?
••••
Lumipas ang ilang oras si Daddy naman ang pumasok sa kwarto ko para sabihing nandiyan na ang maghahatid sa akin sa bago kong school. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy at binilinan na alagaan ko ang sarili ko at huwag na huwag kong kaligtaan ang tawagan sila dahil hindi naman ipinagba bawal ang pag gamit ng cellphone sa bago kong school.
Kinuha na ni Daddy ang mga gamit ko at dinala sa sala ang mga ito. Pagbaba namin ni Daddy nakita namin si Mommy na umiiyak habang inaalo ni Manang Aida.
"Mom, huwag kana po malungkot mag aaral lang naman ako sa ibang school hindi naman po ako mawawala... kapag nagkaroon ng pagkakataon na payagan kaming bumisita sa pamilya namin ay hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon" pag aalo ko rito.
"Alam kong magiging makasarili ako kung hindi ako papayag sa desisyon ng Daddy mo... pero hindi lang ako sanay anak na malayo ka sa amin" sabay yakap nito. Hinagod ko ang likod ni Mommy para patahanin ito dahil naiiyak nadin ako.
"Hon, tama na yan pinahihirapan mo lang ang anak natin sa pag alis niya... hindi naman tayo makakalimutan ng anak natin, diba anak?" pag aalo nito kay Mommy.
"Tama si Daddy, mom. Hindi ko po kayo makakalimutan kapag nag aral ako sa malayo, lagi parin po ako tatawag sa inyo ni Daddy huwag na po kayong malungkot. Sige ka mom magkaka wrinkles ka niyan at tatanda ka agad" pagbibiro ko rito.
Tumawa naman si Mommy at Daddy sa sinabi ko at pinunasan ang luha niya. Nag papa alam pa ako sa kanila ng biglang pumasok sa eksena si Brent
"Brent?" takang tanong ko rito
"Hey"
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ahm... baka ako ang maghahatid sayo sa new school mo?"
Napatingin ako kina Daddy ng marinig ang sinabi ni Brent binigyan lang nila ako ng ngiti at kibit balikat.
"Tara na?" ani Brent.
"Bakit ikaw?"
"Kasi ako"
"Mom, Dad? Kilala niyo po si Brent? Bakit siya ang maghahatid sa akin, hindi po ba puwedeng si Manong Ernesto na lang ang maghatid sa akin?"
"Anak, hindi puwedeng si Manong Ernesto ang maghatid sayo ron hindi siya makakapasok. Isa pa, si Brent lang ang mapagkakatiwalaan namin sa kaligtasan mo papunta roon sa bagong school mo"
"Tama, ako lang ang makakapag katiwalaan sa kaligtasan mo Miss Czarina papunta roon at isa pa hindi naman maka papasok ang mga normal na tao sa boundary non" pagpapaliwanag nito. "Aileen, Rico. Salamat sa pag kupkop kay Miss Czarina isang malaking utang na loob iyon ng mundo namin sa inyo"
"Anong sabi mo Brent?!" sigaw ko rito. "Bakit mo tinawag sa pangalan ang mga magulang ko? Wala kang galang ah parents ko kaya ang kausap mo hindi basta basta" inis kong sagot dito. Naiirita ako sa kung paano makipag usap si Brent sa parents ko para bang kasing edad niya lang ito kung kausapin at parang napaka babang uri nila Mommy.
Tumawa lang ang loko sa naging reaksyon ko tila alam na niya na ganoon ang magiging reaksyon ko sa paraan ng pakikipag usap niya kina Mommy. Magsasalita pa sana ako ng biglang mag salita si Daddy.
"Anak, Reen. Naiintindihan namin ang nararamdaman mo sa paraan ng pakikipag usap ni Brent sa amin pero ganoon talaga sa mundo niyo tuwing kakausap ng isang normal na tao" nakangiting ani nito.
"Dad, mas matanda parin kayo sa kaniya kaya dapat iginagalang niya kayo!" pagdidiin ko.
Natatawa sina Mommy sa inaasta ko sa harapan ni Brent feel ko tuloy napaka bossy ko.
"Kung ganoon ay patawad, Mr. and Mrs. Alzaga" paghingi ng paumanhin ni Brent.
"Wala iyon Brent... naiintindihan namin. Naalala ko tuloy nung mga panahong nakilala namin ang mga tunay na magulang ni Reen ganyan din nila pakisamahan noon ang mga magulang namin at parehas na parehas sa reaksyon ni Reen ang reaksyon namin noon" natatawang ani Dad.
"Mortals" ani Brent. "Kailangan na nating umalis Miss Cza, delikado sa daan papunta ron kung gagabihin tayo" baling nito sa akin.
Hinatid na kami nila Mommy at Daddy sa labas ng bahay at inilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Sinabi nilang ipapaalam na lang nila kay Creige ang pag alis ko ngayon dahil nasa school pa ito at mamayang hapon pa ang uwi. Iginiya na ako nila Daddy at Mommy papunta sa sasakyan, as usual nan dito ako sa passenger sit at sa driver sit naman ang isang engkantong bigla na lang sumusulpot daig pa ang kabute.
••••
Ilang oras na kaming nasa biyahe ng makaramdam ako ng antok dahil sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Brent.
Nagising ako ng makaramdam ng isang kakaibang enerhiya na nagpataas ng sa mga balahibo sa katawan ko. Napatingin ako kay Brent at sakto namang naka tingin ito sa akin habang naka ngisi parang inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.
"A-ano yon?" nagtatakang tanong ko rito
"Isa iyong mahika na bumabalot sa mundo natin at mararamdaman mo iyon kapag nakapasok kana sa boundary" pagpapaliwanag nito.
"Mundo natin? Ibig sabihin nasa ibang mundo na tayo?" nagpalinga linga ako sa paligid pero wala namang nagbago sa lugar parang normal lang naman.
"Yup, iyon din ang dahilan kung bakit hindi si Manong Ernesto ang naghatid sayo rito dahil hindi nila nakikita ang mundong ito at lalong hindi sila makakapasok dito" saad nito. "Ang mga mortal na tao hindi nakikita ang mundo natin at hindi sila nakakapasok dito pero tayo nagagawa nating maki salamuha ng malaya sa mundo nila... maliban sa mga kinilala mong magulang" dagdag nito.
"Kung gano'n hindi nga ako normal... Posibleng iyon ang dahilan kung bakit sinabi iyon ng lalaki sa akin sa mini garden"
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Brent ng sabihin ko iyon, nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin ng ihinto niya ang pagmamaneho sa gitna ng gubat.
"N-nakita mo siya?"
"Sino?"
"Yung lalaking tinutukoy mo sa mini garden"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Inaakala ba niya na nagbibiro ako nung nasa mini garden ako?
"Malamang Brent, sinabi pa nga niya sa akin na kamukhang kamukha ko raw ang ina ko at siguradong nakuha ko raw ang abilidad niya"
Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Brent ng sabihin ko iyon sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala na nangyari iyon.
"Akala ko hindi ka niya natagpuan..." bulong nito. "Paano niyang nagawang hanapin ka ng ganoon kabilis? Kung hindi ko siguro narinig ang pag sigaw mo ng araw na iyon malamang ay may nangyari sayong masama"
"H-ha? Anong sinasabi mo? Matagal mo naba akong kilala? Sinusundan mo ba ako?!"
Hindi ito sumagot at umayos ng upo parang nag iisip ng malalim. Hindi ko mabasa ang iniisip niya sa mga oras na ito hindi tulad nung una na kaya kong basahin ang iniisip niya. Bigla itong lumabas ng kotse at pinag buksan ako ng pinto kaya naman lumabas na rin ako.
"Kailangan na nating makapasok sa Academy, Miss Cza. Hindi maganda ang kutob ko sa mga oras na ito" bulong nito.
"B-bakit?"
Hindi ito sumagot at naglakad papunta sa dalawang malaking puno na may mga baging. Sumunod ako sa kanya dahil sa pag ihip ng malakas na hangin, pakiramdam ko tuloy may mga matang nagma matiyag sa akin sa mga oras na ito.
Nakasunod ako sa kanya ng maalala ko yung mga gamit ko nasa likod pa pala ng comparment ng kotse niya.
"Brent!"
"Hmmm?"
"Y-yung mga gamit ko... nasa comparment ng kotse mo"
Huminto ito at natawa. Naglakad ito pabalik sa kotse niya para kuhain ang mga gamit ko, sumunod naman ako para tulungan siya sa pagbitbit ng mga iyon. Nakakahiya naman kung hahayaan ko lang siya na dalhin ang mga gamit ko mabibigat pa naman ang mga iyon.
Kinuha niya ang isang maleta ko at isang duffle bag at ibinigay sakin ang sling bag ko.
"Ayan na lang ang dalhin mo, ako na rito sa dalawa" ani nito.
"Sigurado ka? Mabibigat ang mga yan"
"Easy woman, parang wala ngang laman ang mga ito lalo na siguro 'yang maliit na bag na bitbit mo?" may sarkasmong sagot nito.
Abah! Porket lalaki siya at sanay sa mabibigat na gawain mamaliitin na niya ang mga gamit ko? Duh!? Eh halos hindi na nga siya makapag lakad ng maayos habang bitbit niya ang mga gamit ko.
Naglakad na ulit si Brent papunta roon sa dalawang puno habang ako ay nakasunod sa likod niya ng biglang...
"Arrgghhhhh, ang sakit. Shit! Shit! Shit!" sigaw ko ng may biglang tumamang kutsilyo sa balikat ko na hindi ko alam kung saan nang galing.
"Miss Cza!" sigaw nito sabay lapit sa akin.
Habang tinatakbo ni Brent ang distansiya namin may nakita akong isang lalaking naglalakad papalapit sa puwesto ko. Natigilan si Brent sa pagtakbo ng makita kung sino ang lalaking papalapit sa akin. Nakita kong tumingin ang lalaking iyon kay Brent at ngumisi ng nakakaloko.
"So, it's a welcome back for you Miss Czarina" ani nito habang nakangisi.
"F*ck You!" sagot ko na siya namang ikinatawa nito.
"Chill woman, I'm just giving you a welcome back surprise besides malayo naman sa bituka ang tama mo" sabay tawa nito.
Hindi ako nakasagot ng sabihin niya iyon. Anong sabi niya? Welcome back surprise? Bakit? Nang galing naba ako noon dito? Bakit natulala si Brent sa kanya? Sino ba siya?
"Ayos ka lang? bubuhatin na kita marami ng dugo ang nakakalat sa braso mo kailangan mo ng maga--" rinig kong tanong ni Brent.
"Okay lang ako" agad akong tumayo at nilapitan ang lalaking dahilan kung bakit nagdurugo ang balikat ko ngayon
"Happy? bakla kaba?! Sa tingin mo ba gawain ng isang lalaki ang manakit ng babae ha?!" sigaw ko.
"Are you kidding me Miss Czarina" sabay ngisi nito ng nakakapangilabot.
"B-bakit mo alam pangalan ko". "Bakit mo ginawa sakit iyon ha?!"
"This is the life here Ms. Czarina. Ang buhay mo dito ay parang chess, kung hindi ka marunong mag laro at lumaban para hindi ma checkmate or sabihin nating mamatay, mas mabuti pang sa umpisa pa lang umalis kana dito at bumalik sa kung saan ka nababagay. Hindi dito bagay ang mahihina"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Tila na boring ang lalaking kausap ko ng humikab ito sa harapan ko at maglakad papa layo. Biglang huminto ang lalaki at nagsalita.
"By the way Miss Czarina, I'm Zandrex the SSG Vice President of student council. Nice meeting you again, enjoy your stay sa 'Arcanum Academy' and I wish hindi sana maulit ang nangyari noon at huwag ka sanang matulad sa ibang estudyante na hindi tumatagal" aalis na sana ito ng humarap ulit sa kanya "And a piece of advice Miss Czarina, never ever trust anyone, here. Everyone here in Academy wants you to die so, you can only trust yourself dahil hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo sayo"
Pagkatapos sabihin iyon ay nawala itong bigla.
Bakit.... bakit parang kilala ko ang lalaking iyon? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang titigan niya ako, ang mga asul niyang mga mata.... Mavien.

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Marco Lalusin Castillo

    goooooooood

    16/07

      0
  • avatar
    Bhe Leona

    thank you

    30/05

      0
  • avatar
    Nick Nick

    putang Ina mo novelah

    22/12

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất