logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Arcanum Academy (The Royals)

Arcanum Academy (The Royals)

Elleeeey


TEASER

Naiiyak na ako sa paghahanap ng kapirasong papel na iyon dahil yon na lang ang isang mumunting bagay na nagbibigay ng alaala sa kaniya. Hindi ko parin makita kahit na paulit ulit ko nang halungkatin yung drawer kung saan ko huling nilagay yon. Hanggang sa maalala ko na mahilig pala pumasok si Creige sa kwarto ko malamang ay pinag ti tripan na naman niya ako.
"Creige!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya.
"What?!"  Sagot nito mula sa loob ng kwarto nito.
"Ibigay mo saken, hindi ako nakikipag biruan Creige!"
"What? What are you talking about ?"
"Give it to me!" sigaw ko.
"Reen, I told you... I didn't know what are you talking about"
"I-ikaw lang naman lagi ang nan ti trip saken ng ganito"
"But I didn't know what are you talking about" pangungumbinsi nitong sagot.
"That's the only thing na binigay niya saken pero... hinayaan ko pa mawala"
Napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa  tanging mga hikbi ko lang ang ingay na maririnig ng biglang pumasok si Mom at may pinakitang isang kapiraso ng papel.
"Reen, anak..."
"Mom" itinaas ko ang paningin ko kay Mom at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano yung hawak ni Mom.
"Ito ba ang hinahanap mo Reen?" tanong nito.
Hinablot ko agad ang kapiraso ng lapel na hawak hawak ni Mom at tinago sa ko sabay takbo palabas ng kwarto ni Creige. Halatang pag aalala ang huling nakita ko sa mga mata ni Mom nang lagpasan ko siya, narinig ko rin ang ibinulong ni Mom...
"Magkikita rin kayo anak..."
Hindi ko alam kung paano nakuha ni Mom ang sulat na ito pero bakit ganoon na lang ang lungkot sa mga mata niya? bakit parang may alam siya na hindi ko alam? Nakikita kaya ako ni Mommy na gabi gabing umiiyak habang hawak hawak ang sulat na ito, siguro'y naaawa siya sa akin dahil hanggang ngayon naniniwala parin ako na babalik siya.
••••
Lumipas na ang ilang oras simula nung sugurin ko si Creige sa kwarto niya at pag bintangan na kinuha nito ang sulat na iyon. Nahihiya man ako pero kailangan ko humingi ng tawad sa kanya. Oo, hilig niya ang pag tripan ako pero hindi siya nag sisinungaling sakin, tapos kanina lang ipinipilit ko pa sa kanya yung bagay na hindi naman niya ginawa.
"I'm sorry"
"I-it's okay Ate Reen, alam ko namang hindi mo sinasadya yon siguro dahil palagi rin kitang pinag ti tripan kaya ako yung napag bintangan mo" ani nito sabay ngiti.
"H-hindi sa ganoon Creige, nagpanic lang ako kasi... iyon na lang ang natitirang alaala niya sa akin"
"Si kuya Mavien ba ang dahilan ate Reen?" pang uusisa nito.
Tinitigan ko lang siya sa tanong na iyon ayokong isipin niya na hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa biglaang pagkawala nito. Halos isang taon na ang nakalipas pero sariwa parin yung mga alaala niya. Paano kaya kung hindi na lang ako naka kita? Mananatili parin kaya si Mavien sa tabi ko? Siguro kasama ko pa siya hanggang ngayon.
"Ate Reen, huwag ka mag alala mahal ka ni kuya Mavien... siguradong may mahalagang dahilan kung bakit hindi siya nakapag paalam sayo ng personal" pangungumbinsi nito.
"Salamat, Creige. Napagaan mo ang nararamdaman ko, alam kong nag aalala lang kayo sa akin dahil sa nangyayari sakin ngayon. Maraming salamat talaga Creige kasi kahit na kung minsan palagi tayong nagbabangayan nan diyan kapa rin palagi para sa akin"
Niyakap ko siya at pinasalamatan agad ng biglang tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa ginhawang nararamdaman, ganito pala kapag may taong nasa tabi mo. Habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko may nahagip akong anino sa labas ng bintana ng kwarto ni Creige tila pinag mamasdan kami nito sa ginagawa at pinakikinggan sa usapan namin kanina lang, naka tayo lang ito. Humiwalay ako sa pagkaka yakap kay Creige at lalapitan ko na sana ang aninong iyon nang bigla itong gumalaw at nawalang bigla.
••••
Bumalik na ako sa kwarto pagtapos kong humingi ng sorry kay Creige. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano yung nakita ko sa labas ng bintana ni Creige na anino. Bakit kaya nakatayo lang yung anino ron? Binabantayan kaya non ang bawat galaw naming dalawa?
Nasa malalim na pag iisip ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Mommy.
"Anak"
"Mom"
"Pasensya kana anak kung pinakealaman ko ang gamit mo, hindi ko naman sinasadya" pagpapaliwanag ni Mom.
"Ayos lang po, Mom. Pasensya na po kayo kanina kung ganon yung naging pakiki tungo ko sa inyo, hindi ko po sinasadya"
"Walang problema sa akin iyon anak... palagi mo sanang tatandaan anak na kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin ng Daddy mo" nakangiting ani nito habang hawak hawak ang mga kamay ko.
"Mahal na mahal ko rin po kayong lahat Mommy"

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Marco Lalusin Castillo

    goooooooood

    16/07

      0
  • avatar
    Bhe Leona

    thank you

    30/05

      0
  • avatar
    Nick Nick

    putang Ina mo novelah

    22/12

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất