logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 04

My eyelids dropped. Humikab ako at kinusot ang mga mata ko. Binigyan ko ulit ng tingin ang laptop kung naka on sa harap ko.
Red_Rose: Did you talk to him?
I don't know why he's keep asking me about this things.
Viviluv: Wala pa.
Red_Rose: Bakit naman?
Viviluv: Nahihiya pa ako.
Red_Rose: May galit ka ba sakaniya?
Viviluv: Wala naman.
Red_Rose: Pwedi mo ba sa akin e-kwento ang nangyari sainyo, kung pwedi lang naman.
Tinitigan ko ng matagal ang reply niya. I think okay lang naman magkwento kasi hindi naman niya ako kilala in person diba? Bumuntong hininga ako at nag type.
Viviluv: Next time.
Nag logged out na ako pero matagal kung tinitigan ang screen ng laptop ko. First of all bakit ko nga ba siya kailangan kausapin? At paano ko siya kakausapin? Hayst!
I closed my laptop then went to bed.
As usual it's either maaga or late akong nakakarating sa work place ko.
“Good morning po” pag bati ko sa babaeng si Mrs. Samonte. Naka ngiti siya saakin kung kaya't umukit din ang ngiti sa labi ko dahil nakaka hawa ang abot tainga niyang ngiti.
“Good morning din,” aniya at kumaway pa sa akin bago lumihis ng daan. Binalik ko ang tingin sa daang tinatahak ko. Tumayo ako ng tuwid habang hinihintay na bumukas ang elevator. Sinulyapan ko ang taong tumabi sa akin, bigla akong napa atras at lingon sa left side ko at kagat ng ibabang labi ko.
“Good morning Ms. Cortez,” agad lumipad ang kamay ko sa nuo ko at dahan-dahang nilingon ko ang katabi ko at ang magandang babaeng kasama niya
“G-good m-morning din po S-sir,” ngumiti lang siya sa akin. Pero nanlaki nalang bigla ang mga mata ko ng maalalang paano niya nalaman ang last name ko? I mean he is the ceo of this company and hindi kami nagkakasalubong araw-araw it is even our first encounter, how?
I was going to ask him nang bumukas ang elevator at wala na akong nagawa pa kundi tumabi na lang sa ibang sakay nito na hindi ko napansing kasama rin pala naming nsg hihintay at nakakahiya naman kung dito ko itatanong sakaniya.
Inalis ko na lang sa isip ko ang pagtatanong sa CEO ng company namin dahil hindi naman gaano karami ang employee nila, I guess? I'm not sure.
Napakunot ang nuo ko ng sabay tumakbo at kumapit sa magkabilang braso ko si Lillie at Melay. At dahil doon sy muntik na rin ako matumba
“What's wrong?” naguguluhan kong tanong kasi may mapanukso ang mga tingin nila sa akin.
“W-what?” mas naguluhan ako nang pati si Ricci at Anton ay lumapit na rin.
“Someone si waiting for you,” at nginuso niya ang kabilang kwarto kung saan namin ini-intertain ang mga visitors namin. Mas kumunot naman ang nuo ko at napapailing habang tinitingnan ang pintuan nito at pabalik sa mga ka-work ko.
“Go,” si Melay na nginisian ako ng nakaka lukang ngiti.
Binaba ko ang bag ko sa chair ko ‘tsaka lumapit sa pintuan nito at kumatok ng tatlong beses bago pumasok. Bago pa ako naka pasok ay narinig ko pa ang tilian nila Lillie.
“Good morning po,” pag bati ko nang si Sir Reagan ang una kung makita.
Lumipat ang tingin ko sa lalaking naka white sweat shirt at naka talikod sa akin. Lumunok ako dahil sa biglang pagbilis ng tibik ng puso ko. Bigla nalang nangatog ang tuhod ko kaya nalilito kung tiningnan si Sir Reagan pero tinuro na lang niya sa akin ang vacant chair na nasa harap ni Mysterious guy.
Habang maingat akong pumupunta sa katapat nitong upuan ay hindi ko tinanggal ang tingin ko sakaniya. Naka pandikwatro siyang naka upo at nagbabasa ng magazine.
“G-good mornin—” my jaw dropped and my eyes went round
“Don?!” hindi makapaniwalang tanong ko habang naka ngiti siyang naka harap sa akin.
“When? I mean pagdating mo?!” umupo ako sa tapat niya and my heart jump up and down
“Weeks ago?” nag-iisip pa niyang sagot
“Omg! Wow! Ang laki ng changes ahhh! But still handsome,” hindi makapaniwalang sabi ko na siyang mas kina lawak ng ngisi niya. He became more tall and masculine though I can‘t see his body but it's obvious dahil hindi siya gan‘to dati I mean ang payat niya noon.
“You know each other?” napalingon kaagad ako kay Sir Reagan, nangungunot ang nuo niya pero sa akin nakatuon ang tingin niya
“Ah we are—”
“Classmatess in high school,” pagputol ko sa sasabihin ni Don na siyang pagtawa naman niya ng malakas
“What?!” nanlalaking matang tanong ko sakaniya
“Nothing,” umiiling niyang sagot
“You are still crazy!” bulyaw ko sakaniya pero sinabayan ko siya sa pag tawa at natahimik na lang sa biglang pag tikhim ni Sir Reagan.
“Stop laughing Ad,” ngayon naman kay Sir Reagan ako napabaling habang nangungunot ang nuo pero tinitigan lang niya ako at nag cross arms saka sumandal sa upuan niya.
“Did I mentioned you na may pinsan akong pinaglihi sa sama ng loob?” nangunot ang nuo ko sa tanong ni Don saka umiling then nginuso niya sa akin si Sir Reagan. Gulat na gulat akong napalingon kay Sir Reagan na ngayon ay pinandidilatan si Don.
“Get out of here!” bigla niyang sigaw kay Don pero tinawanan lang niya
“I didn't come here to see you, pumunta ako dito to meet Vishna,” napatahimik ako at palipat-lipat ang tingin sa dalawa
“You're cousin?” pagsabat ko sakanila at sabay nila akong tiningnan na para bang may nasabi akong hindi maganda at sabay silang humalpak ng tawa.
“W-what did I say wrong?” naguguluhan kung tanong
“Akala ko gets mo na kanina pa,” natatawa pa ring sabi ni Don
“So why are you here?” pag-iiba ko ng topic kasi naman pariho na silang tumatawa ngayon
“You know I'm writing,” tumango ako sakaniya
“I want you be my editor,” tumango ako ulit
“And personally thank you,” tumango ako ulit habang tinititigan siya
“Wait— what? You want me to be your editor?” naguguluhan kung tanong
“Vishna, may sakit ka ba?” natatawa namang tanong niya at nilingon ko si Sir Reagan pero naka ngisi din siya
“Nag susulat ka? As in writer?” hindi pa rin makapaniwala pero humalakhak lang ulit siya
“I thought you know,” naka simangot niyang sabi pero mas nangunot ang nuo ko
“Hey! Im AdDonIs,” napa awang ang bibig ko at napapailing sa harap niya
“No way,” mahinang bulong
“That famous writer?” dagdag ko pa at nilingon ko si Sir Reagan pero nagkibit balikat lang siya at ngayon tumatango lang sa harap ko si Don.
“So you didn't read my story,” tumatango niyang sabi at nag cross arms sa harap ko.
“No joke?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko at seryoso siyang tumatango sa harap ko.
Yung kaninang mukha niyang pinagtatawanan ako napalitan ng seryoso at no expression
“That's why Im here to hire you as my editor at magpasalamat sayo,” seryoso niyang sambit, nangunot naman ang nuo ko sakaniya
“Because, if it is not because of you I think I wouldn't here,” mas naguluhan ako sa sinabi niya
“Because of you I became a reader, a bookworm and it encourage me to write my own piece,” napatakip ako sa bibig ko
“No way,” tanging nasambit ko lang at tumango lang siya sa akin
“Salamat sa pag pilit sa akin mag basa ng book, sa pag sama sa akin sa mga book store at mga recommendations mo,” nilapit niya ang mukha niya sa akin at inabot ang ulo saka ginulo ang buhok ko.
“Im speechless,” mahinang sambit ko
“Deal?”
“Huh?” ako na hindi pa nakakabawi sa sinabi niya
“Be my editor?” napakurap kurap muna ako sa harap niya saka tumango

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    bikerskamote

    napakaganda

    03/02

      0
  • avatar
    RamosRichard James

    nice app

    14/11

      0
  • avatar
    Edlind Corbillon

    Awesome

    14/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất