logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 03

Mabibigat at mabilis ang lakad ko patungo sa table namin.
“let's go?” agad kung hinabot ang bag kung nasa chair ko lang.
Hindi pa man kami tuluyang naka labas mas dumuble ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ninanais na niyang kumawala sa kinaroroonan niya and I bit my lower lip
“Ba't ang tagal mo?” nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng kasama niya
“Ahm I met someone I know,” para akong binuhusan ng malamig na tubig, is he remember me? No! Of course!
“Who?” narinig ko pang tanong ng kasama niya
Hindi pa tapos magbayad si Anton ay nauna na akong lumabas kaya hindi ko na narinig pa ang sagot niya mabibigat ang mga lakad ko at hindi na ulit lumingon pa sa pinaggalingan namin.
Napapikit na lang ako nang makalayo kami.
“Bakit ka ba nag mamadali? Hintayin mo naman kami!” sigaw ni Melay. Huminto ako sa pag lalakad at hinintay sila
“Bakit parang gulat na gulat ka kanina at madaling-madali maka alis?” napalunok na lang ako sa tanong ni Lillie at umiwas ng tingin sakanila
“Ahm naalala ko may hindi pa kasi pala ako na edit sa story ni Ms. Ellen,” sabay-sabay silang tumango syempre kasinungalingan lang 'yon
What if naaalala niya nga ako? Eh ano naman noh? Gosh! Napasabunot na lang ako sa sarili kung buhok at natatawa habang nag fa-flashback sa akin ang lahat 5 years ago.
“Uy!!! Anong nangyayari sa‘yo?” napa-upo ako ng ayos at nahihiyang binabalik ang tingin sa monitor dahil lahat sila naka tingin sa akin.
Hindi ako maka focus sa ginagawa ko dahil paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina lang. Ni hindi ko na nga na review iyong work ni Ms. Ellen eh.
Halos tatlong oras din akong nakatitig lang sa monitor ko at wala pang nasisimulan sa bago kong eni-edit.
“Tititigan mo lang ba yang monitor mo?” Niingon ko si Melay pero tinaasan lang niya ako ng kilay
“May hindi talagang magandang nangyari sa restaurant eh,” si Ricci na nakatitig ngayon sa akin. Umiwas ako ng tingin at hindi na sila sinagot pa.
Hindi man maka focus dahil sa mga tingin ni Melay at Ricci sa akin ay pinagkibit balikat ko na lang ito. Mas uusisahin nila ako kapag nagkwento ako.
Pilit kung iniintindi ang binabasa ko pero mukhang masisira ko itong tinatrabaho ko kung patuloy akong wala sa focus.
“Who wants coffee?” umangat ang timgin ko kay Anton dahil sa tanong niya at lahat kami tumaas ng kamay.
“Okay,” tumango siya saka nagpipindot sa cellphone niya.
Nagtitigan lang ulit kami ng monitor ko hanggang sa dumating na ang kape na inorder ni Anton pero wala talaga akong natapos kaya naman I decided to turn off my monitor at umuwe na lang ng maaga.
“Una na ako,” paalam ko sakanila pero tinaasan lang nila ako ng kilay
“Hindi pa uwean, Vey” nangunot ang nuo ko at nilingon ang binta at ang wall clock. Napa simangot na lang ako at bumalik sa upuan ko.
Ang dilim na sa labas pero hindi pa nag alas singko. Ngumiti ako sakanila nang mapansin na nagtitinginan sila.
Pagpatak ng alas singko ay agad akong nagpaalam sakanila at nauna nang umuwe.
Tahimik kung hinihintay ang pagbukas ng elevator at sa pagbukas nito si Sir Reagan ang bumungad sa akin. Yumuko lang ako sa kaniya baka kasi panaginip lang kako iyong kagabi.
“Uuwe ka na niyan Vey?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya? At nangunot ang nuo ko habang tinataas ang tingin ko sakaniya, so hindi talaga iyon panaginip?
“Yes, Sir” nahihiya kung sagot at hindi ko alam kung mag thank you pa ako sa kagabi or baka panaginip lang talaga iyon, pero tinawag niya akong Vey
“I told you, just Reagan,” aniya saka tuluyan nang lumabas sa elevator at bago pa ito mag sara ay pumasok na rin ako. Kumaway pa sa akin si Sir Reagan bago mawala sa paningin ko. Nangungunot naman ang nuo ko sa nangyari. Kung hindi panaginip ang kagabi, bakit kaninang umaga parang hindi niya ako nakikita? Napapakamot tuloy ako sa ulo habang tinatahak ang daan pauwe.
Pagdating ko ng condo, humarap ako sa laptop ko at nag log in sa isang app na ginagamit ko recently, and it called HiTech. It is an app that you can use to find friends, to chat other people and post without knowing your real identity.
Pag open ng account ko may isang message rito. My forehead frowned, usually wala naman talaga akong ka-chat more on notifications lang dahil sa mga posts ko at sa mga commentor nito. I opened it and it from Red_Rose one of my commentor.
Red_Rose: If you want someone to talk to, I'm here.
Agad akong nag type ng reply ko. Maybe it because of my post last night. About the guy.
Viviluv: Thank you.
Red_Rose: How's your day?
Ang bilis naman niya mag reply. Anyway, this is our first chat pero madalas siyang nag co-comment sa mga post ko.
Viviluv: Okay na medyo hindi. Hahaha
Though we both don't each other I'm not comfortable to tell him or her what happened today.
Red_Rose: Why medyo hindi? Did something happened wrong?
Kumunot ang nuo ko, feeling close naman ata siya. ‘tsaka madalas lang din ako mag reply sa mga comment sa mga post ko dahil hindi pa rin ako comfortable magkwento.
Viviluv: Nope.
Red_Rose: Kung gusto mo ng kausap I'm always available.
Viviluv: Thank you.
Red_Rose: how's the guy in your neighbor door?
Natigil ako sa pagtatype at napatitig sa chat niya. I read it three times before it sink-in in my mind.
Viviluv: I think he's good.
I smiled bitterly before I click the send button.
Red_Rose: Why don't you talk to him? I mean if you feel bad for him.
Natawa ako sa nireply niya. Me? Feel bad on him?
Viviluv: I don't know.
Napatitig lang ako sa screen habang pinapanuod ang nasa screen na gumegewang na tatlong tuldok at typing.
Red_Rose: Baka may gusto lang siya sabihin sa taong iyon, he felt sorry or guilty. I'm not in the position to say this pero try to talk to him and comfort him baka may pinagdadaanan lang din. If you pity him, comfort him. Lakasan mo ang loob mo. You can do it!
Wtf! Like what? Like what he said I'm not in the position to do that! Matagal kung tinitigan ang reply niya at inalala ang mga bagay na malabo na sa akin. After high school wala na akong balita sakaniya. But still I replied ‘Thanks to her or him’.
Then...
I logged out.
.
Habang naglalakad ako papuntang elevator ay huminto muna ako at nilingon ang kabilang corridor kung saan madalas ko siyang nakikita. Halos sa loob ng isang taon araw-araw siyang nandyan at never akong nagpakita o inapproach man lang siya 'cause I don't have the courage. I feel bad, sorry and mad at him that's why I choose to ignored him.
Pumikit ako at sa pagmulat ko ay nagmadali akong sumakay sa elevator at pumunta sa work.
“Okay ka na?” ngumiti at tumango ako sa tanong ni Ricci
“Buti naman kung gaanon,” si Anton. Ngumiti lang ako sakanilang lahat ‘tsaka dumiretso sa table ko at binuksan ang monitor ko.
Dahil wala akong natapos sa bagong tinatrabaho ko kailangan kong mag focus ngayon.
Inangat ko ang tingin ko sa door ng office dahil sa tatlong katok.
“Ms. Cortez, come to my office,” napatitig ako sa seryosong mukha ni Sir Reagan.
“Ako?” tanong ko pa sa mga kasama ko pag alis ni Sir at sabay-sabay silang tumango. Nangungunot naman ang nuo ko while going to Sir Reagan office.
As I arrived to his office door I knocked three times then get inside. But before akong pumasok sa loob ay inayos ko muna ang suot kung black pencil skirt at ang white blouse ko and of course my natural mid-back length body wave hair ‘tsaka bumuntong hininga.
“Good morning po,” lumapit ako sa table niya. Hindi man lang niya ako tiningnan.
“You finished Ms. Ellen story?” may pinag pipindot pa siya sa laptop niya saka niya ako tiningnan
“Yes, Sir,” sagot ko kaagad at nag aalanganin yung mukha ko kung ngingiti ba o hindi kasi naman po seryoso si Sir.
“Good,” napatitig na lang ako sakaniya habang bumalik siya sa pag pipindot sa laptop niya. Iyon lang ba? Pwede na ba ako lumabas?
Ilang minuto akong tumayo sa harap niya pero wala man lang siyang sinabi pa.
Napatingin ako sa kabuoan ng office niya. I don't know why his office separated from us sa ibang department hindi naman e. His office was black and gray theme. Wala man lang ka disenyo-disenyo only the gray wall clock ang naka sabit sa dingding niya malapit sa door way at calendar.
“Ahm-- lalabas na po ako,” pabulong kung sambit dahil nahihiya ako. Hindi ulit siya kumibo kaya humakbang na ako palabas
“Vey,” natigil ako sa paghakbang at dahan-dahan siyang nilingon
“Yes, Sir?” Nangungunot ang nuo ko dahil nakatitig siya sa akin ngayon at parang may gustong sabihin pero pinili niyang itikom ang bibig niya.
“Kung wala po kayong sasabihin lalabas na po ako,” nahihiya kung sabi sakaniya at tinitigan lang niya ako ng ilang minuto bago tumango. I squeezed my hands then force a smile ‘tsaka tumalikod at tuluyan nang lumabas
Paglabas, naka hinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko na kay bilis ng tibok. Wala namang ginagawa si Sir Reagan pero bakit gan'to na lang ako kung kabahan? Gosh! Nag iinit ang pisngi ko.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    bikerskamote

    napakaganda

    03/02

      0
  • avatar
    RamosRichard James

    nice app

    14/11

      0
  • avatar
    Edlind Corbillon

    Awesome

    14/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất