logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 02

Taas nuo akong naglalakad papunta sa elevator at ngumingiti sa mga taong nakaka salubong ko na naka ngiti rin sa akin.
“Good morning,” I formed a smile and answered her, “Good morning din po,” she smiled as well at lumihis ng daan. She was one of my co-worker from different department. Lagi kaming nagkakasalubong kaya ganun na lang ang naging treatment namin sa isa't isa. Not that close but we greet each other.
Namulsa ako nang nasa harap na ako ng elevator at binigyang ngiti ang katabi kung nag aabang din. He just nodded kaya napataas na lang ang left eyebrow ko at binalik ang tingin sa elevator. Bumukas ito at nauna pang pumasok ang lalaking katabi ko bago ako.
Pumunta ako sa left side nito at tinapunan ng tingin ang kaninang lalaki na ngayon ay may kinakalikot sa cellphone niya. Tumayo ako ng tuwid and my eyes widened nang may humarang na kamay sa door ng elevator at mukha ni Sir Reagan ang unang bumungad dito.
Sumilay ang ngiti sa labi ko at itinaas ang kanang kamay para mag hi man lang pero tumabi siya at may limang babaeng pina-unang pumasok bago siya kaya naman nasiksik ako sa likod. Ang isa pa rito ay nasa middle 40s na at mukhang strict dahil sa kilay niyang isang line lang iyong gumuhit lang ng isang linya tapos mapula rin ang labi and the rest are young and beautiful, halatang nasa 20s. Hinihintay ko na magtama ang mga mata namin pero nang maka pasok siya ay tumalikod na sa akin. Napatitig na lang ako sa likod niya ‘tsaka isiniksik ang kamay ko sa bulsa ng trouser ko.
Nilingon ko ang kaninang lalaki na ngayon ay naka ngiti sa akin. Napa layo ako sakaniya ng kunti at tumagilid dahil bigla na lang ako naka ramdam ng kakaibang takot sa ngiti niya, creepy.
While Sir Reagan is on my front I'm watching him. He's wearing his usual look. I noticed he loves wearing trouser and dark sweat shirt.
Pagbukas nang elevator ay nauna siyang lumabas since nasa front nga siya at agad naman ako lumabas para maabutan siya para mag hi man lang pero mabilis na itong naglakad at nawala sa paningin ko. Napasimangot na lang ako at pumunta sa office.
Baka hindi niya ako nakita.
“Good morning po,”
“Vey, did you finish it?” salubong sa akin ng ka-work kung si Melay na medyo mausisa rin ito or let's say may pagka marites.
“Not yet,” nilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng table ko
“Good morning people,” binigyan ko ng tingin ang isa ko pang ka-trabaho na si Lilliane na ngayon ay naka ngiting dini-distribute sa amin ang biniling kami sa Starbucks.
“Iba talaga pag ma-pera,” biro ni Anton sakaniya. Anton is the only guy in our department, well except Sir Reagan because his office was separated from us. Anton was a nice person and we almost in same age.
“Ano ka ba Anton wala iyon,” pabirong sagot ni Lilliane na umiiling pa kaya naman napuno ng malakas na tawanan ang office
“Maka pag-vlog na rin,” si Melay na ngayon ay naka harap sa camera ng cellphone niya
“Magkano ba nagiging sahod mo?” baling niya kay Lilliane na ngayon ay nakatayo na rin sa harap ng cubicle niya
“Four digits,” tumaas ang isang kilay ko ‘tsaka tumango sakaniya
“Talaga?” sabat ni Ricci
“Sana lahat noh? Nakakahiya naman kasi mag vlog ewan ko ba bakit ang cute ko sa salamin pero sa harap ng camera ewan na lang,” ani ni Melay na nagdadabog sa kaniyang upuan habang sinusuri ang mukha sa katapat na salamin at camera ng cellphone niya
“Why don't you try Vey? Maganda ka naman atsaka afford mo bumili ng equipments,” I glance Ricci. She's seriously looking at me
“Make it as your part-time job,” dagdag pa niya but I just nodded
“I agree,” pag tugon ni Melay
“You know what Melay, you don't have to be pretty to start vlogging as long as you have talent or you're not doing anything wrong,” pagbaling ko sakaniya
“Tama, atsaka uso na rin iyong mga silent vlogs ngayon,” tumango ako sa sagot ni Ricci habang sinisimulan na ang trabaho
“Nakakatakot pa rin maging public influencer,” si Melay na ngayon ay malalim na nag-iisip.
“If you want to do it, do it. If you don't then don't,” nilingon niya ako ‘tsaka ngumiti.
Sabay-sabay kaming napalingon sa door ng office nang may kumatok, si Sir Reagan. Agad tumaas sa ere ang kanang kamay ko and my face form a wide smile. Pero kaagad ko rin ito naibaba and look down at my feet. Ano ba iyan feeling close ko naman kay sir. Well he didn't even glance at me.
“Ms. Lapid go to my office,” I look up and my eyes darted on him, he’s serious. Nanlaki naman ang mga mata ni Lilliane sa pag tawag sakaniya ni Sir Reagan.
Ang akala ko lilingon pa sa banda ko si Sir pero agad na siyang umalis. Sino ba naman ako para tingnan niya? Maybe panaginip lang iyong kagabi.
“Me?” mahinang bulong ni Lilliane na nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango sakaniya.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa monitor at tuloy ang trabaho. Ngayong araw tapos na ito.
.
“What happened to you?” naka nguso akong lumingon kay Melay
“Parang pasan mo ang problema ng mundo?” dagdag pa niya
“I just finished editing Ms. Ellen work,” mahinang sagot ko ‘tsaka bumuntong hininga
“What happened? Is it tragic?” interesado niyang tanong, umiling naman ako.
“What's the ending?” si Lilliane na naka abang na rin
“Maiispoiled ko kayo,” tumayo ako at nag unat
“Ano nga? May namatay? Or hindi nagkatuluyan?” si Melay na dinudungaw pa ang monitor ko.
“Wala naman, happy ending,” sagot ko
“Eh bakit parang problemadong-problemado ka?” tinaasan ako ng kilay ni Melay
“You are not satisfied with the ending,” halakhak ni Lilliane, umiling lang ako.
“Hay naku! Gutom lang yan tara kain!” si Anton
“Saan tayo? Sa canteen or sa labas kakain?” nagkatinginan ang tatlo at tulad ni Ricci nag aabang din ako ng isasagot nila
“Labas na lang tayo,” nagkasundo ang lahat na sa isang malapit na restaurant na lang kami kakain, hindi naman ito expensive katulad sa kinainan namin ni Sir Reagan kagabi.
Wait.... Magkasama ba talaga kami kagabi? Pero bakit parang hindi naman ako nakikilala ni Sir? Pinagkibit balikat ko na lang ito, baka nga talaga I'm just imagining things.
Nilakad lang namin ang restaurant dahil malapit lang naman talaga e. Pagdating sa loob kaagad kami pumunta sa madalas naming inuupuan dahil pang limahan ito at lima lang din kami.
“Doon ka Ricci,” turo ni Melay sa tabi ni Anton
“Kahit kailan talaga si Melay,” pagdadabog nito pero tinawanan lang namin.
Sa kalagitnan ng pag-uusap namin about sa mga tinatrabaho namin ay napasulyap ako sa pinto dahil sa biglang pagbukas nito at pumasok ang isang matangkad na lalaki na may kasamang halos kasing tangkad lang din niya. Pariho silang naka formal attire, I mean they are both wearing black suit at ayos na ayos ang kanilang hair para nga silang umattend ng prom eh. May binulong iyong isa sa kasama niyang mas matangkad na lalaki and they laugh. I feel butterflies in my stomach and I found myself wide eyes and sweating. Napalunok ako at umiwas kaagad ng tingin sakanila.
Bigla kong naalala ang story ni Ms. Ellen.
“Vey, ano sayo?” gulat na gulat akong nilingon si Lilliane
“S-same as yours,” naisagot ko na lang at sinulyapan ulit ang dalawang lalaking naka upo sa tabi ng binta.
“Omg! Hindi ba't si Ryle 'yan?” mahinang bulong ni Ricci, lahat naman kami ay napalingon sa gawi nila
“Oo nga, anong ginagawa nila dito?” si Lilliane
“Malamang kakain, restaurant 'to Lillie,” pag irap ni Anton
“Ulitin mo nga Anton, you look like a gay,” sumimangot na lang siya at kinalikot ang cell phone
“Ang mga katulad niyang Mayaman ay kumakain rin pala sa mga gan'tong restaurant,” si Melay na kada minuto sumusulyap sakanila
Well hindi naman ito totally lowkey na restaurant at expensive in short nasa middle lang ito. Atsaka maganda rin ang ambiance nito at tanaw ang mga sasakyang dumadaan.
“Kahit talaga sa malayo sumisigaw pa rin ang karangyaan niya at ang kagwapohan niya,” sa sinabi ni Melay ay agad na naman akong napalingon sa gawi nila
“Pero gwapo rin naman si Sir Delmundo, diba Vey?” halos mabilaukan ako sa sarili kung laway sa tanong ni Lillie
“Ah oo,” sagot ko na lang
Katulad ni Melay ay minu-minuto rin akong napapa sulyap sakanila at naaalala ang story ni Ms. Ellen.
Is it the right time? At kailan ba nagkaroon ng right time sa akin? Or maybe I always had but I never had the courage. Napa buntong hininga na lang ako.
Nang dumating ang foods namin ay balik ulit sa work ang topic namin. At ganun pa rin hindi ko maiwasan hindi sumulyap sa gawi nila.
Nagpaalam akong mag c-cr lang ako. Pagkatapos ko mag hugas ng kamay ay agad akong lumabas. Nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan ang message na natanggap ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mag bounce ako dahil sa matigas na bagay na nabangga ko, muntik na ako matumba at sa gulat ko kay napatitig lang ako sa katawang nasa harap ko. I blinked many times while recovering from shocked. Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko na nung isang linggo ko pa lang binili.
“Are you okay Miss?” hindi ako naka sagot kaagad dahil sa gulat
“A-aayos lang po,” kumurap-kurap kong sagot ‘tsaka tiningala siya
.
.
.
My eyes more become widened and my jaw dropped when our eyes met. My palm starting getting sweat and my heart beat so fast. I show how his worried look turned into shocked like me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig... I shallowed ‘cause I feel lump in my throat but it becomes hard for me to gulp it.
I want to say something pero tila umurong ang dila ko. Mas dumagundong ang pagbilis ng tibok ng puso ko when he opend his mouth and it makes my knees weak
“Y-you—” bago pa niya matuloy ang sasabihin ay inipon ko ang natitirang lakas ko at agad umalis sa harap niya at dali-daling bumalik sa mga kasama ko na hindi na siya nilingon pa.
Damn…

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    bikerskamote

    napakaganda

    03/02

      0
  • avatar
    RamosRichard James

    nice app

    14/11

      0
  • avatar
    Edlind Corbillon

    Awesome

    14/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất