logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

TW: sexual abuse, attempted murder
“Lola,”
Wala na akong makita sa sobrang dilim. May usok, maalikabok, magulo, pero ang alam ko ay nakatayo pa rin ako sa bahay namin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at parang nakapako ang aking mga paa sa sahig. Alam kong kailangan kong iligtas ang lola ko pero bakit ayaw gumalaw ng sarili ko? B-Bakit may pumipigil?
Biglang nagbago ang paligid at naging puti ang lahat. Halos wala na nga akong makitang bagay maliban sa maliwanag na kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko tuloy alam kung nasa langit na ba ako o ano.
“Esther,”
Nag-echo 'yon sa paligid. Tila parang nagsayaw sa aking tainga ang boses ni Lola. Para akong nanginig at naiyak sa malambing at matamis niyang mga salita.
“L-Lola?” wika ko bago luminga-linga sa paligid. Pilit hinahanap ang pigura niyang hindi katangkaran ngunit ramdam ang awra niyang nakakapagbigay ng lakas sa akin.
“Apo, huwag ka munang susunod sa akin ha?”
sabi niya ngunit hindi ko pa rin siya nakikita! Nasa'n ba siya?
“Lola, magpakita ka muna sa akin, oh. M-Miss na kita eh.” Humikbi ako habang nililingon pa rin ang bawat sulok ng lugar kahit na alam ko naman na wala akong makita.
“Ayoko nga. Kukuhanin na kita kapag nagpakita ako sa 'yo.” panloloko niya ngunit lalo lang akong naiyak.
“E-Edi mas mabuti 'yon. Ayaw ko nang mag-isa, Lola. Hindi ko na kaya 'yong lungkot at 'yong pangungulila. Ang gusto ko lang naman ay ang makasama kayo, eh. B-Bakit niyo ko iniwan?” ani ko.
Nanahimik siya. Lalo akong kinabahan. “Apo, kailangan mong maintindihan na iiwan at iiwan talaga kita. Hindi naman ako pang-habang buhay na nakaalalay sa 'yo.”
Napaluhod ako. “P-Pero—”
“Apo, ang gusto ko lang ay magkaroon ka ng magandang buhay. Gusto kong maging masaya ka at mamuhay para sa sarili mo. Alam kong buong buhay mo ay ako ang inisip mo at gustong kong sarili mo naman ang unahin mo.” wika niya. “Kaya't puwede bang sundin mo ako? Iyon ang huling hiling ko sa 'yo.”
“Lola—”
“Gisingin niyo na 'yan! Laruin muna natin bago itapon.” Nakarinig ako ng bulong ngunit hindi ko alam kung galing saan.
“T-Teka muna, Lola. Nandiyan ka pa—”
Napadilat ako nang halos mabali ang aking leeg dahil sa sampal sa akin ng isang tao. Agad akong naghabol ng hininga dahil doon.
Unti-unti kong naalala kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Pagta-traydor ni Theresse, ang kaalaman na hindi pala call center agent pinuntahan ko, at ang pagpukpok ng walang'yang lalaking 'yon sa aking batok.
“Oh, ayan. Gising na pala eh.” sambit ng isang pamilyar na lalaki. Siya 'yong kasama no'ng Jester na walang-habas akong pinukpok.
“Buwiset kayo. Kausap ko pa ang lola ko!” inis kong sabi sa kanila.
Oo, naiinis ako sa kanila dahil kausap ko pa si Lola sa panaginip ko pero sinampal ako! Alam kong dapat akong tumahimik ngayon pero nanggigigil talaga ako sa kanila. Wala rin sa bokabularyo ko ang salitang pananahimik kaya't hanggang kaya ko, pipilitin kong makatakas.
Susundin ko ang habilin ni Lola sa akin.
Ang magkaroon ng magandang buhay.
“Paki namin?” nakangisi nitong tugon. Tumalikod ito at napasinghap ako nang maglabas ito ng baril. “Patay na ba ang lola mo? Gusto mong sumunod?”
Agad ko siyang sinamaan ng tingin at pilit na kumakawala sa tali. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan at ngayon ko lang din napansin na nasa taas kami ng burol. Sigurado rin akong tubig ang nasa ilalim nito dahil rinig na rinig ko ang alon mula sa baba. Halos itim na rin ang kalangitan at parang wala pang nagdadaan na sasakyan dito
“At sino namang nagsabing gusto kong sumunod?” nanginginig kong sagot, hindi alam kung dahil ba sa galit o sa takot.
Humalakhak ang dalawa bago kinasa ni Jester ang baril. Lalo akong nanlamig at parang natuod sa kinauupuan ko.
Napasigaw na lang ako nang sunod-sunod siyang bumaril sa itaas dahilan para gumawa ito ng ingay. Nakakarindi at sobrang lakas niyon. Ang mga mata ko ay nanatili lang na nakapikit dahil sa kaba.
“Ge, mauna ka na. Huwag mong masyadong ipasok at susunod pa ako sa 'yo.” Kinilabutan ako sa sinabi ni Jester, nagsitayuan pa ang aking mga balahibo sa katawan.
Ramdam ko na ang panginginig ng aking mga labi. Pilit pa rin akong kumakalas sa pagkakatali ngunit hindi pa rin ito natataggal!
Napapiksi ako nang maramdaman ko ang isang kamay sa aking hita! Pinilit kong gumalaw dahil unti-unting tumataas ang kamay niya sa akin! Pumasok na 'yon sa aking palda! Bakit ba kasi ako nag-dress?!
“Sinabing nang huwag! Walanghiya ka! Tumigil ka!” asik ko ngunit tumawa lang ang hayop! Napangiwi ako nang bigla niyang hawakan nag aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang isang kamay at pilit akong pinapaharap sa kaniya.
“Tumahimik ka. Ayaw ko pa naman ng maingay kapag kinakain.” wika niya at lalo akong napaiyak nang halikan niya ako sa leeg! Paulit-ulit 'yon at gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sa pandidiri!
Hikbi ako nang hikbi ngunit hindi pa rin makawala. Halos mawalan na ako nang pag-asa at ng lakas dahil sa pambababoy niya!
“Plase, tumigil ka na...” Nagmamakaawa na ang aking boses at hindi ko rin 'yon makilala. Ngunit parang hindi niya ako naring dahil walang habas niyang pinunit ang dress ko sa pang-itaas dahilan para lumantad ang dibdib ko.
Lalo akong nagwala!
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya at ka-manyakan. Nakangisi siya nang malawak at namungay ang mga mata habang nakatingin doon. Lalo akong naiyak. Halos nanlalabo na rin ang aking mata dahil sa luha.
“P'wedeng-p'wede ka nang ipasok sa mga VIP. Pambihira, anglaki mo.” Halos siraan na ako ng bait nang punitin niya rin ang natitira kong saplot sa itaas! Napasigaw ako at lalong lumakas ang aking iyak nang hawakan niya 'yon at pisilin nang paulit-ulit!
Wala sa sarili akong napaungol nang sipsipin niya ang kaliwang dibdib ko. Hindi ko na alam! Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig ko pero wala akong magawa! Nawalan na ako ng lakas na lumaban.
Ilang beses niya akong hinalikan sa iba't ibang parte ng katawan ko. Nanlalabo na rin ang aking mata dahil sa panghihina. Ang boses ko naman ay unti-unting humina dahil sa pagkapaos.
Pero nang maramdaman ko ang kamay niya sa maselang parte ng aking katawan ay roon ako nagising! Parang bigla akong sumabog at nakawala sa tali! Oo, pasekreto kong pinipilit alisin ang tali at kahit papaano ay lumuwang 'yon habang walang habas niya akong binababoy.
Hayop, papatayin kita!
Nagulat siya nang makita ang aking kamay na wala na sa pagkakatali. Agad kong kinuha ang ulo niya dahil nakaluhod siya sa akin. Inuntig ko 'yon sa lupa hanggang sa mawalan siya ng malay. Alam kong buhay pa siya dahil hindi naman tumama ang ulo niya sa bato. Gusto ko mang itama ngunit ayaw kong maging mamamatay tao. Ang gusto ko lang ay makaalis.
Dali-dali kong tinanggal ang tali sa aking paa habang ang aking mga mata naman ay tumitingin sa paligid, hinahanap ang lalaking nagngagalang Jester dahil sigurado akong nandito lang 'yon sa paligid.
Hindi pa rin ako ligtas!
Nang makawala ay mabilis kong isinuot muli ang nasira kong damit kahit na hindi na 'yon mabutones. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay kung papaano ako makakawala!
Tatakbo na sana ako upang makatakas nang makarinig ako ng isang tawa sa likod. Ilang beses akong napalunok at naramdaman ko pa ang mga butil ng pawis sa aking noo. Yakap-yakap ko ang sarili habang nanginginig ako sa lamig.
“Anggaling mo, nakatakas ka kay Dencio.” wika ng nakakakilabot na boses.
Unti-unti akong napalingon at doon ko nakita si Jester na hawak ang baril at pinapaikot 'yon sa kaniyang kamay. Halos tumakas lahat ng dugo sa aking katawan nang ikasa niya 'yon at itutok sa akin. Bigla kong naalala ang habilin sa akin ni Lola.
Matutupad ko pa kaya 'yon gayong nasa harapan ko na si kamatayan?
“Alam mo, dapat ay ibinigay mo na lang ang sarili mo sa amin. Malay mo palayain kita kapag nasarapan ako sa 'yo.” wika nito habang nakangisi. “Ang kailangan mo lang naman gawin ay pasayahin kami. 'Yon lang!” Napapiksi ako nang isigaw niya ang huling salita niya. “Ayan tuloy, itatapon na talaga kita.”
“H-Hindi ko naman kayo isusumbong, eh.” bulong at hikbi ko.
Tumawa siya nang malakas. “Alam mo, wala na naman kaming pake kung hindi mo talaga kami susumbong o nagsisinungaling ka lang. Ang mahalaga sa amin ay ang katawan. Sa oras na pumasok ka sa building namin, amin ka na. Kami na ang magdedesisyon kung mamamatay ka o mabubuhay ka. Ang kaso, pinipili naming patayin ang mga matitigas ang ulo dahil nakakainis sila. Alam mo ba 'yon? Nakakainis ang mga babaeng ayaw ibigay ang katawan nila!”
Napakagat ako sa aking labi dahil sa namumuong galit. Anong gusto nila? Ibigay ag dignidad namin nang gano'n-gano'n lang? Eh mga hayop pala talaga ang mga 'to eh!
Gusto ko man siyang sapakin ay wala akong lakas para gawin 'yon. Hindi ko kaya at hindi ko kakayanin. Alam kong kaunting galaw ko ay mamamatay ako.
Pero nang magtaas ako muli nang tingin ay nanlaki ang mata ko nang maaninag ang isang pigura ng babae sa likod ni Jester. Umiling siya sa akin at sinenyasan ako na huwag maingay kaya't nanatiling tikom ang bibig ko.
“Kaya kailangan ka na naming patayin—” Napatakip ako ng bibig nang pukpokin ng pamilyar na babae si Jester sa ulo. Agad itong bumagsak at doon ako napaluhod.
Naramdaman ko na lang na pilit akong itinayo ng babae at tinulungan akong maglakad paalis. Ngayon ko lang naalala na siya 'yong babaeng nakasalubong namin ni Jester kanina sa may elevator.
Siya ang tumulong sa akin ngayon.
“A-Ayos ka lang ba? Sabi ko na nga ba't dito ka dadalhin eh.” bulong niya sa akin.
“S-Salamat...” bulong ko kahit na hindi ko na alam ang mga nangyayari.
Akala ko ayos na. Akala ko ay makakaalis na kaming dalawa. Ngunit isang putok ng baril ang nagpatigil sa amin. Nagulat na lang ako nang mapaluhod ang kasama kong babae at kitang-kita ko ang dugong lumalabas sa kaniyang likod. Tutulungan ko na sana siya nang bigla niya akong itulak!
“U-Umalis ka na! Iligtas mo ang sarili mo!”
Napaiyak ako at umiling. “H-Hindi! Tu-Tutulungan kita! Dapat magkasama tayo!”
Napahiyaw ako nang bigla niya akong sampalin. Masama ang tingin niya sa akin kahit kita ko roon ang panghihina. Nauubusan na siya ng dugo. “Sinabi nang umalis ka na! Please...”
Wala akong nagawa kun 'di ang tumakbo paalis. Nakita ko pa ang nakakamatay na tingin ni Jester habang papalakad sa akin. Ngunit napatigil akong muli nang makitang wala na akong tatakbuhan. B-Bangin na ang ilalim. Tubig na ang babagsakan ko.
Nawalan ako ng pag-asa nang makita kung gaano kataas ang babagsakan ko. Malakas ang alon at itim na itim ang tubig. Para bang alam nitong dito rin ako babagsak.
Sa ilalim nito.
Nang humarap ako kay Jester ay nakatutok na sa akin ang baril. Seryosong-seryoso ang mukha nito at kitang-kita ang galit sa kaniyang mga mata. Hindi pa nakaligtas sa akin ang dugong umaagos sa kaniyang noo dulot siguro nang paghampas ng babae sa kaniya ng baseball bat.
Napaiyak ako nang todo. Ibabalik ko ang tingin sa ibaba, at muling titingin sa kaniya. Alam ko namang mamamatay na rin ako ngayong araw kaya't dapat ay pagpilian ko na rin kung paano ako mamamatay.
Lola, sorry. Kailangan ko na talagang sumunod sa inyo.
“Akala mo mapapatay mo ako?” malakas kong wika. Lalong nagdilim ang kaniyang mukha. “Mas gugustuhin ko pang mamatay sa ilalim ng tubig kaysa mamatay sa bala mo. Gago!”
At doon, ipinikit ko ang aking mga mata at tumalon sa bangin.
Halos mawalan ako ng hininga nang maramdaman ko ang aking pagbagsak. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang napakalamig na tubig na sumakop sa aking buong katawan. Napangiti ako nang makita ang buwan sa itaas ng tubig. Parang sinasabi nitong ayos na. Ligtas na ako sa ilalim ng karagatan. Hindi na ako masasaktan. Yayakapin na lang ako ng lamig nito at ihahatid sa paraiso kasama si Lola.
Ipipikit ko na sana ang aking mata dahil nauubusan na rin ako nang hininga ngunit natigil 'yon nang marinig ko ang pagbagsak ng isang bagay mula sa itaas. Nakaramdam pa ako ng kaba dahil akala ko ay si Jester ang lumalangoy patungo sa akin.
Ngunit hindi.
Isang pares ng asul na mata ang nakatingin sa akin ngayon at pilit na sinisisid ang karagatan upang maabot ako.
Nang tuluyan niya akong maabot, naramdaman ko na lang na ipinulupot niya na ang kaniyang bisig sa aking bewang ngunit huli na.
Bago pa man ako mawalan nang malay, naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa aking bibig.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    ConchasTerso

    she's my love but why did she just me like hell

    9d

      0
  • avatar
    Krisha Serrano

    I love the story

    13/07

      0
  • avatar
    Delacruzjm Delacruz

    salamat pp

    10/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất