logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

Sunog. Sigaw. Init. Pulang paligid.
“Lola! Lola!” Napaubo ako dahil sa usok at alikabok. Ramdam na ramdam ko ang init na patuloy na gumagapang sa aking balat ngunit mas mahalaga ang tanging taong umaruga sa akin buong buhay ko!
Malabo man, nahagip ng mga mata ko ang isang matandang babae na nakahiga sa may sahig. Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong wala siyang malay. Lalo akong nataranta dahil lumalaki na ang apoy sa gilid ko. Hindi ko rin alam kung paano pupuntahan si Lola.
Lalapitan ko na sana siya ngunit wala sa sarili akong napatingin sa itaas ng matandang babaeng nakahiga. Agad na sumibol ang aking talot nang unti-unting matanggal ang mga kahoy sa itaas niya at huli na nang mailigtas ko siya!
“Lola!”
Habol-habol ko ang aking paghinga nang mapaupo ako sa pagkakahiga. Ilang beses pa akong napalunok dahil parang nanuyo na rin ang lalamunan ko. Kahit ang init, ramdam ko pa.
Pang ilang beses ko na bang napalaginipan ang senaryong 'yon? Pang-isangdaan?
Binasa ko ang aking labi bago ko kinagat ang pang-ibabang bahagi noon. Napasabunot ako sa aking ulo at hindi napigilan ang aking luha na bumagsak mula sa aking mata.
Wala na, umiyak na naman.
Mahigit dalawang taon na simula nang mamatay si Lola. Dahil sa pesteng sunog na 'yon, nawala ang pinakamahalagang taong nakasama ko sa buong buhay ko. Siya na nga lang ang mayroon ako, kinuha pa.
Pagkatapos kong umiyak— tulad ng laging kong ginagawa tuwing umaga— ay mabilis akong naligo para pumasok sa trabaho. Buwiset pa naman ang nanay ni Raul. Akala mo naman kinaganda niya ang panenermon sa akin tuwing papasok ako. Miski ba wala na akong maibibigay sa anak niyang jowa ko bukod sa ganda, aawayin niya na ako?
Palibhasa, wala siyang ganda.
Napaismid ako. May naiwan namang lupa sa akin si Lola noong yumao ito ngunit hindi ko kailanman ninais na ibenta 'yon. Ito na lang ang nag-iisang ala-ala sa akin ni Lola at hinding-hindi ako magkaka-interes na ibenta ang property.
Matapos akong magbihis ay tinahak ko na ang daan paalis sa bahay tinutuluyan ko simula nang mamatay si Lola. Hindi ko kinaya ang pagkamatay niya kaya't umalis ako sa bahay ni tinitirhan namin noon. Ibinenta ko 'yon at ito ang ipinambili ko sa tinitirhan ko ngayon na bahay. Maliit lang naman ito at tamang-tama para sa akin.
Sinimulan kong tahakin ang barangay na kintatayuan ko. Hindi naman kalayuan ang bayan dito sa lugar namin dahil halos isang tricycle at isang jeep lang ang kailangan para marating ang pinapasukan kong convenient store.
Pamilya ng jowa ko ang may-ari. Si Raul.
Halos tatlong buwan pa lang na naging kami. Wala lang talaga akong magawa kaya't hinayaan ko na lang siya na landiin ako. Isa pa, mas maayos din 'yon para mabuti ang trato sa akin ng mga kasamahan ko roon. Medyo ilag kasi ako sa kanila dahil feeling ko, masama ang loob nila sa akin.
Ewan ko sa mga 'yon. First time ata makakita ng diyosa.
Pero kung may mas masama sa kanila, ayon ay ang nanay ni Raul. Aba'y halos araw-araw akong pupuntahan sa convenient store nila para pagsabihan ng masama! Kesyo ano raw ba ang nakita ng anak niya sa akin? Bakit daw ganito ang ugali ko?
Eh pakealam niya ba? Pinalaki ako ni Lola na matapang eh! Saka, sigurado naman ako na hindi bulag si Raul. Nakita niya ang meztisa kong ganda kaya na-inlove sa akin. Ang insecure kasi ng nanay niya.
“Para po,” sambit ko bago inabot ang bayad sa katabi ko. Nang masiguradong naabot 'yon ng driver ay agad akong nagpasalamat at bumaba.
Tirik na tirik ang araw nang makarating ako sa pinagta-trabahuhan ko. Maganda ang puwesto ng convenient store ni na Raul at para itong mini-mart. Kadalasan ay maraming bumibili rito dahil sa jowa kong ’guwapo’.
Hmm, guwapo naman siya. Puwede na. Mapag-tyatyagaan. Hindi nga lang ako mahilig sa mga lalaking mahilig sa tattoo pero payat naman. Hindi kasi bagay sa mukha niya. Pero ano bang magagawa ko? Katawan niya naman 'yan.
Respect na lang.
Nang pumasok ako sa mart ay naroon na si Aling Rena na handa na namang magbunganga. Handang-handa na ang tainga ko noong makalapit ako sa may counter ngunit nakangisi lang siya sa akin. Para bang good mood na good mood siya ngayong araw kaya ayaw niya akong bungangaan.
Anong nakain?
“Oh, Esther. Buti at hindi ka late. Kaso mukha kang haggard. May nang-ano ba sa 'yo?” wika nito bago inayos ang buhok niyang bagong rebond.
Kahit medyo nainis sa turan niya ay nagawa kong ngumiti nang peke sa kaniya. Iyong halatang napipilitan. “Hindi naman po ako nala-late. Talagang maaga lang kayong pumupunta rito para bungangaan ako. At anong sinasabing niyong may nang-ano?”
Ngumisi ito. “Alam mong alam ko ang tinutukoy ko.”
“Ah,” Ngumiti ako sa kaniya. “Tinatanong niyo po ba kung may nakipag-s*x po sa akin? Ay na 'ko, wala po.”
“Haha, ganiyan talaga kapag walang alindog.” halakhak nito.
“Kaya po pala hindi na rin nasundan si Raul 'no? Maaga ho bang nawala ang alindog niyo?” nakangisi kong sabat dito.
Agad na umusok ang ilong niya at hahampasin sana ako ng diyaryo sa tabi niya ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay tumawa lang ulit ito bago nanunuyang tumingin sa akin.
“Tignan natin kung makakasagot ka pa sa akin ng ganiyan bukas. Sigurado akong magmamakaawa ka na sa akin sa susunod na araw.” wika niya. Aalis na sana ito ngunit muli itong bumaling sa akin at nagsalita. “Mamayang alas-sais, pumunta ka sa may parke. Pinapapunta ka ng magaling kong anak.”
Pinanood ko lang itong umalis bago siya nawala sa aking paningin. Napabuntong-hininga ako bago tinampal ang aking bibig.
Sorry po.
Hindi naman sa wala akong modo o respeto sa nakakatanda. Pero hindi ko naman kayang tapaktapakan lang ako ng tao. Hindi ko kayang makita ang sarili ko sa sitwasyon na alam kong kaya ko namang lumaban pero hindi ko ginagawa. Hindi ako pinalaking ganoon ni Lola.
Grabe naman kasi magsalita si Aling Rena.
Napailing na lang ako sa matandang 'yon bago umupo sa may silyang nakalaan para sa akin. Si Jennifer naman ay nakatuon lang sa kaniyang telepono at halatang nagso-scroll sa social meda account niya. Alam ko namang sanay na sanay na 'yan sa bungangaan namin ng amo naming dalawa.
Maya-maya pa ay nag-ring ang telepono ko. Nang makita ko ang caller ay agad ko naman 'yong sinagot.
“Hi, baby!” Napabusangot ako sa pagtawag niya sa akin.
Kahapon, ang tawag niya sa akin ay love. Ngayon naman ay baby. Tsk, may saltik talaga 'tong lalaking 'to.
“Hi, anong ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. May maliit na ngiting sumilay sa aking labi habang kausap siya.
Sa totoo lang ay kahit papaano naman, nagustuhan ko na rin si Raul. May pagkamanyak man ito, hindi naman siya 'yong tipong mahigpit o possessive. Ayaw ko ng ganoong lalaki.
“Wala naman, Baby. Ito, kinakausap ka. Na-miss ko ang boses mo.” malambing nitong tugon.
Natawa pa ako sa kaniya bago napailing. “Sira ka talaga.”
“Ay oo nga pala, ready ka na ba mamaya?” Napaisip ako sa sinabi niya ngunit agad ding naliwanagan nang maalala ang sinabi ni Aling Rena sa akin.
“Oo naman. Biglaan ah,” natatawa kong sabi sa kaniya.
“Eh? Anong biglaan? Sinabi ko na 'yon sa 'yo kahapon, 'di ba?” nagtataka niyang tanong. “Pero hayaan na. Alam ko namang makakalimutin ka.”
Napairap ako at gusto sana siyang sagutin ngunit bumibili ng customer.
“Sige na, may trabaho pa ako.” wika ko at tumayo na para intayin ang mamimimiling pumilo ng kaniyang bibilhin.
“Kailan ka pa nagkatrabaho?“ Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nabundol ba ng truck itong si Raul at ganito ang tanong sa akin? Tanga na ba 'to? “Tsk, I-kuwento mo 'yan sa akin mamaya ha. Hindi ka na nagsasabi sa akin.”
“Huh? Sige...” Iyon na lang ang sinabi ko kahit naguguluhan. “Bye na.”
“Okay! Bye, Baby. See you later.” malambing nitong sagot bago ko pinatay ang tawag.
Napatitig ako sa telepono ko at hindi pa rin nawawala ang pagtataka. Ano kaya ang in-almusal ng mag-anak na 'yon at gaganito ka-weirdo?
“Hayaan na nga,” bulong ko sa sarili bago tinago ang aking telepono sa bulsa.
Pagkatapos kong pagbentahan ang sunod-sunod na customer ay muli akong umupo at bumuntong hininga. Si Jennifer ay nanatiling nakatayo at binibilang ang pera.
Napangisi ako. Charot-charot niya lang 'yan. Kumukupit talaga siya para may pang-motel sila ng jowa niyang halata namang pineperahan lang siya. Hindi ko na lang talaga siya pinakiki-alaman dahil noong huling sinaway ko siya, nag-away lang kami. Hindi naman maniwala si Aling Rena sa mga pinagsasasabi ko dahil sarado rin ang tainga no'n sa akin.
Bingi ang sa akin pero sa chismis hindi.
Tanghalian na nang walang paalam na umalis ang kasamahan ko rito. As in miski, ‘Hoy, aalis na ako at may gagawin kaming himala ng jowa ko.’ wala siyang sinabi. Napakabastos talaga ng batang 'yon. Mas nauna pang nakaranas ng putukan kaysa sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang sarili ko sa mart. Hindi naman mahirap ang trabaho ko dahil minsan ay matumal ang namimilo rito. Minsan lang talaga lumalakas ang benta kapag may mga kabataan o 'di kaya'y may mga ganap sa bayan.
Kaya kapag mga normal na araw, halos upo at pagche-check lang ang ginagawa ko sa mart.
Alas-singko na nang dumating si Raul dito sa tindahan. Nagulat pa nga ako dahil magkikita naman kami mamaya pero pumunta na siya rito.
May sapak talaga.
“Love! Kamusta rito?” wika niya bago tinangka akong halikan sa labi ngunit tinampal ko lang ang labi niya. Ako na ang humalik sa kaniya sa pisngi bago ko siya niyakap.
“Ayos lang. Wala namang masyadong bumili.” sagot ko sa kaniya bago sumandal sa may counter.
Nakasuot siya ng itim na t-shirt at brown na short. Kahit naman payatot si Raul ay may hubog naman ang katawan nito. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, ‘mapagtiyatiyagaan na siya’.
“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kaniya. “Saka bakit love ang tawag mo?”
Natawa naman siya sa akin na ikinataka ko. “Love kaya ang tawag ko sa 'yo! Nalulutang ka na naman.”
Lalo akong nagtaka sa mga sinabi niya. ‘Love’ ang tawag niya pero ‘Baby’ ang tinawag niya sa akin kanina?
Unti-unti kong kinuyom ang aking kamao nang maisip ang isang teyoriya kung bakit napaka-weirdo ng nanay niya, pati na rin siya.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit na gigil na gigil ako. “Ah, oo nga pala.”
“Bakit? May tumawag ba sa 'yong Baby? Sino?” Agad kong nakita ang inis sa mukha ni Raul na muntik ko pang ismiran.
“Mayro'n eh. Pero halata namang siraulo kaya babasagan ko ng itlog mamaya.” nanggagalaiti kong sagot sa kaniya ngunit hindi niya naman naramdaman ang inis sa boses ko. Mukha pa rin siyang tanga eh.
“Tama lang 'yan, Love. Dapat binabasagan ng itlog 'yong mga 'yon. Manyak eh,” siguradong-sigurado niyang komento bago ako hinapit sa bewang. Napangiwi naman ako ngunit napalitan 'yon ng ngisi nang ma-imagine ko kung paano ko siya babasagan ng itlog.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” nakangisi niyang tanong.
Umiling ako sa kaniya bago humiwalay. “Wala naman.” sagot ko. “May... may pupuntahan ka ba mamaya?”
Kitang-kita ko ang agad na panlalaki ng mata niya bago sunod-sunod na umiling.
Ang defensive.
“W-Wala, Love! Saan naman ako pupunta? Alam mo namang graduating ako 'di ba?” mabilis na aniya.
Wow. Pati pagiging graduating niya, binanggit. Edi sana all makaka-graduate.
“Wala naman. Naisip ko lang na i-date ka pagkatapos ng trabaho ko.” saad ko bago bumalik sa loob ng counter. Nagsimula kong ayusin ang gamit ko para mamaya ay diresto uwi na lang ako. Sana lang ay maagang dumating ang kapalit ko sa trabaho.
“H-Huh? K-Kaso may dinner kasi kaming buong pamilya.” nauutal na sagot ni Raul.
Humarap ako sa kaniya bago nagtanong. “Akala ko ba wala kang pupuntahan?”
Namilog ang kaniyang mata at nagsimula siyang kumamot sa kaniyang pisngi na indikasyon na kinakabahan siya.
Iyon lang ang hindi kayang pigilan ni Raul. Mukha siyang basagulero pero ni ang magsinungaling hindi niya kayang gawin. Halata namang tapang-tapangan lang miski pulis ang tatay.
“Haha, oo nga pala! Nakalimutan ko na rin.” Ngumiwi siya ngunit agad niya rin 'yong inalis.
Ilang saglit pa ay tumunog ang kaniyang telepono kaya't kinuha niya ito sa bulsa. Sumulyap lang siya roon bago niya ito muling pinatay at tumingin sa akin.
“Love, aalis na muna ako. Nagmamadali kasi si na Mama at Papa.” Tumango lang ako sa kaniya bago umupo sa aking upuan.
“Sige. Ingat,” Hindi na ako nag-abalang tumingin sa kaniya pabalik.
Akala ko nga ay maglalambing pa siya nang kaunti at magso-sorry pero hindi. Rinig na rinig ko kung paano siya kumaripas ng takbo paalis ng shop para lang iwan ako rito.
Lalong umusbong ang inis ko sa puso. Pinilit kong huwag umiyak dahil may isang oras pa bago ko malaman ang katotohanan. Mamayang alas-sais ko pa malalaman kung totoo ba ang hula ko kanina pa.
Kaya't nang dumating ang kapalit ko sa trabaho ay dali-dali akong umalis at sumakay sa jeep papuntang bayan.
“Patay ka talaga sa 'kin kapag nambabae ka.” bulong ko bago humigpit ang hawak sa strap ng aking bag.
Makikita mo talaga, Raul. Mababasag ang itlog mo mamaya.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    ConchasTerso

    she's my love but why did she just me like hell

    9d

      0
  • avatar
    Krisha Serrano

    I love the story

    13/07

      0
  • avatar
    Delacruzjm Delacruz

    salamat pp

    10/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất