logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 4

- MGA LARAWAN NG PAG-ASA -
Maaga pa lamang ay mulat na ang mga mata ng tindahan ni Luisa. Napakagaan ng kanyang pakiramdam paggising pa lamang kung kaya at marami na agad ang kanyang benta.
Nang umalis na ang kanyang huling kostumer ay naupo na muna sa labas ng tindahan gamit ang bangkong kahoy na ginawa ni Abel.
" Nasaan na kaya siya? Maaga pa naman kasi, siguro tulog pa 'yun. "
Si Isabel ang tinutukoy niya. Pagdilat pa lamang ng kanyang mata ay si Isabel na ang nasa isip.
Ilang sandali pa at napangiti na siya sa kanyang narinig.
" Pa-pandesal! "
Naroon na ang boses na kanyang inaabangan kagabi pa. Agad napatayo si Luisa nang marinig si Isabel. Malayo pa lamang ay nakatanaw na rin pala ito sa kanya at abot tenga ang ngiti.
At nang makalapit na ay..
" Ma-magandang u-u-umaga! Heh! Ma-may d-dala ako. " agad na sabi ni Isabel.
" Talaga?! Pandesal naman ang tinda mo ngayon, bakit hindi ka ba papasok sa karinderya?! "
Naupo si Isabel sa bangkong kahoy. Napansin agad ni Luisa ang isang malaking kahon na bitbit nito.
" Ano naman 'yan? Paninda rin ba? " tanong ni Luisa.
Napahagikgik pa muna si Isabel sabay napayakap sa kahong tinutukoy ni Luisa.
" I-ito 'yung m-mga i-i-iginuhit ko. D-dinala ko na pa-para ma-makita m-mo. "
Kinuha ni Luisa ang kahong akap ni Isabel. Isang kahon ito ng pizzang nabibili sa kanto, may karumihan pa nga at halatang pinulot lamang kung saan.
Hindi naman maipinta ang kasiyahan sa mukha ni Isabel.
At nang makita na nga ni Luisa ay..
" Ikaw ang gumawa nito? " nanlaki ang kanyang mga mata.
Tumango-tango lang si Isabel habang panay ang ngiti.
Humanga si Luisa sa magagandang larawan na kanyang nakita. Iba't-ibang klase ng lugar at bagay ang mga nakaguhit sa bond paper lamang. Larawan ng malawak at magandang dagat, bulubundukin at kung ano-ano pa. Kahit lapis lamang ang ginamit at ipinangkulay na rin ay buhay na buhay ang dating. Ngunit kapansin-pansing sa lahat ng iginuhit ay ang dalawang batang babaeng magkasama.
At ilang buklat pa rin ni Luisa ay..
" Si-sino siya?! "
Isang larawan ng magandang dalaga ang umagaw ng atensyon niya, napakaganda ng pagkakaguhit dito maging ang mga matang bilugan ay kuhang-kuha. Napatingin tuloy si Luisa kay Isabel.
" Sino ang babaeng ito?! Napakarami niyang larawan na iginuhit mo, madalas mo siguro siyang tingnan kaya kuhang-kuha mo ang buong detalye ng kanyang mukha.. Napakaganda ng gawa mo! " may pag-hangang sabi ni Luisa.
Kinuha ni Isabel ang isa sa mga larawang hawak ni Luisa.
Hinaplos ito at.. " Si-siya si J-Joy.. A-ang ga-ganda n-niya 'no?! "
Nakita ni Luisa ang lungkot sa mga mata ni Isabel. Muli niyang sininsil ang tingin sa dalaga, nais niya muling makita ang imahe ng isang pang dalaga na kanyang madalas makita.
" Siya ang madalas na nasa isip mo 'di ba? Siya 'yung madalas kong makita sa mukha mo.. " lahad niya.
At sandali pa ay..
" Hmp.. Ma-malayo n-na si-siya. Hi-hindi n-na ka-kami nag-nagkikita e! "
" Hindi na kayo nagkikita?! Bakit nasaan ba siya?"
At umagos na nga ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi na maikubli ni Isabel ang damdaming matagal itinago.
Umiiyak na siya.
" Hi-hindi n-na nga si-siya bu-bu-bumalik! Huhu! Sa-sabi niya, ba-babalik d-daw siya pe-pero h-hindi na! Hmmmm.. Hmm.. " iyak na nitong tuluyan.
Muling kinurot ang puso ni Luisa. Sa kanyang nakikitang pag-iyak ni Isabel ay ramdam niya ang tunay na pagmamahal at pananabik sa kaibigang nalayo.
" Huwag ka na umiyak, magkikita pa rin kayo sigurado.. " alo ni Luisa.
Tuloy pa rin sa pag-iyak si Isabel.
Iniligpit na ni Luisa ang mga larawan upang tumigil na rin ang kalungkutan.
" Ang mga paninda mo, nabasa na. "
Napabalikwas naman si Isabel at agad na inayos ang mga pandesal niya. " Na-naku! B-baka hi-hindi n-na ma-mabili, ka-kailangan k-ko pa-pa na-naman ng pe-pera! "
Napakunot noo si Luisa sa narinig.
"Bakit?! Wala ba kayong pagkain ngayon?! "
Nagpunas ng luha si Isabel at tumayo na. "H-hindi! Su-sundan k-ko ka-kasi si J-Joy sa Ma-Maynila. Ma-marami n-na nga a-akong i-ipon e! Na-nasa 500 na! Sa-sabi ka-kasi n-nila 'yun la-lang p-wede na a-ako p-pumunta ro'n! " sabi nito.
Gusto sanang salungatin ni Luisa ang sinabi ni Isabel ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. Sigurado kasing masasaktan ito at ayaw niyang ito ay madismaya.
" Ganoon ba? Sana nga makapunta ka at magkita kayo. " sabi na lang niya.
Kahit mali ay sinakyan na lamang niya ang mga sinabi ni Isabel, ayaw niya kasing masira ang loob nito at mawalan ng pag-asa.
Sandali pa at nag-paalam na si Isabel.
Mabilis itong naglaho sa paningin ni Luisa. Huli na nang mapansin niyang naiwan nito ang kahon ng pizza kung saan naroon ang kanyang mga iginuhit.
" Naku! Ang mga drowing niya! "
Agad siyang tumakbo sa gitna ng kalye upang tanaw-tanawin pa si Isabel ngunit talagang wala na ito.
" Hintayin ko na lang siguro siyang dumaan ulit."
Binitbit na lang ni Luisa ang kahon at pumasok na sa tindahan.
***
Luisa's POV
Ang dami kong natuklasan sa sandaling oras pa lamang ng pag-uusap namin ng dalagang nagtitinda. Sa kanyang mga sinabi ay nabatid kong kaya pala siya nagsisipag ay dahil sa gusto niyang maka-ipon ng pera upang makasunod sa kanyang kaibigan na nasa Maynila.
Ngunit mali ang kanyang nais gawin. Mali ang nagsabi sa kanya na sa halagang limang daan ay makakarating na siya roon. Totoo ang makakarating siya, ngunit paano na siya kapag nakarating na nga roon?
Hindi magkakasya ang halaga ng pera na kanyang naipon. Pamasahe lang niya at pambili ng kaunting kutkutin. Bukod doon -
Ay wala na siyang iba pang mabibili.
Hindi biro ang pumunta sa Maynila. Nanggaling na ako roon kung kaya at alam ko kung gaano kahirap ang buhay doon lalo pa at sa katulad niyang may problema sa pg-iisip. Lilinlangin lamang siya ng kanyang mga makakasalamuha.
Hindi ko dapat talaga sinakyan ang mga sinabi niya ngunit hindi ko rin naman nais na masaktan siya. Nakita ko kasing punong-puno ng pag-asa ang mga salita niya, punong-puno ng pananabik ang bawat tulo ng luha niya. Kung may magagawa nga lamang ako upang pigilan siya ay gagawin ko. Ngunit ang mga utak ng tulad niya ay mas mapilit kaysa sa mga normal na tulad ko. Ang sa atin ay kaunting paliwanag lamang at kapag nabatid na talagang hindi uubra ay titigil na.
Sa aking pag-iisip ay natapunan ng tingin ang kahon na bitbit niya kanina.
Dinampot ko ito at binuksan upang muling makita ang mga gawa niya.
Inisa-isa ko ang larawan ng magandang babae na iginuhit niya.
" Kung hindi na sila nagkikita.. Paano niya nalaman ang hitsura ng babaeng ito?! Kung susuriin mo ay akala mo nasa tabi niya lang kaya at kuhang-kuha niya ang lahat. Hindi naman kaya naisip niya lang na ganito na lang ang hitsura ?! Maaari.. "
Paulit-ulit kong tinititigan ang mga larawan. Tunay na napakahusay ng dalagang nagtitinda. Iba't-ibang klase ng larawan ng babae ang naiguhit niya. Simula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyang edad ay siyang-siya pa rin ito sigurado. Nag-iiba man ang hitsura ay siya pa ring talaga.
" Paano niya kaya ito nagawa?! Ang tindi naman ng memorya niya.. "
Itinago ko na ang mga larawan. Sa pagkakasalansan ko ay nahulog ang isa sa mga larawan na ang nakaguhit ay ang isang babaeng nakatayo sa tabi ng isang malawak na kalsada. Akap-akap ang isang maliit nakahon at may bitbit na malaking bag. Sa kanyang likuran ay makikita ang isang malaking punong nakatayo at madawag na mga damong tila sumasayaw pa sa ihip ng hangin.
" Parang siya 'to a! "
Iginuhit niya siguro ang sarili niyang papaalis na at nag-aabang nang masasakyan.
" Napakagaling niya talaga, maging ang pag-alis niya ay inilarawan na niya.. "
Kahanga-hanga ang kanyang mga kamay. Sa kabilang banda ay nakakaawa rin siya.
Dahil sa pagguhit na lamang niya tinutupad. .
Ang mga nais niya..
__________
- ANG KAHONG MALIIT -
Alasdose ng tanghali.
Umuwi na si Isabel upang dalhan naman ng makakain ang mga kapatid. Matapos maglako ng pandesal ay isang bilaong kakanin naman ang kanyang bitbit. Sadyang walang puwang sa kanya ang katamaran. Daig pa niya ang may malaking pamilya na binubuhay sa sobrang kasipagang maghanapbuhay.
Nang makapasok ay inilapag na muna ang bilao saka tinawag ang mga kapatid.
" A-Ana! N-Neng! Ka-kain n-na k-kayo! Ma-may da-dala s-si ate n-na ha-hotdog pa-paborito n-n-ninyo. " Ang sigaw ni Isabel.
Tuwang-tuwa ang dalawa niyang kapatid nang makita ang hotdog na dala ng kanilang ate. Parehong bata pa ang kanyang mga kapatid sa ama. Maging si Isabel ay nakisaya rin sa kanila. Si Ana ay apat na taon habang si Neneng naman ay tatlo lang.
Ngunit agad binawi ang mga ngiti ni Isabel nang lumabas ang kanyang tiyuhin mula sa pintuan ng kusina. Naka-inom na naman ito at may mga kasama pa; ang kanyang mga kainuman kahapon.
"Pahinge! " agad dinampot ang isang pirasong hotdog na nasa plato ng anak, umiyak ang bata.
Kumunot naman ang noo ni Isabel at nagsalubong ang dalawang kilay. Ayaw niya kasing umiiyak ang kanyang mga kapatid.
" T-Tiyo Do-Domeng! K-kay Ne-Neneng po 'yan! Hu-huwag p-po nin-ninyong k-kunin! " Ang sabi ni Isabel sabay agaw sa hotdog na nasa kamay ng amain.
Agad namang isinubo ng amain ang hotdog at tinapik pa ang kamay ni Isabel.
" Ang damot mo! Kumain na ang mga 'yan! Ang tagal mo kasi sa kalye kaya hindi mo alam! " nandidilat pa ang mga matang sabi nito.
Nanahimik na lang si Isabel.
" Um! " Itinulak pa siya ng amain bago umalis.
Wala talagang nagagawa si Isabel kapag kinagagalitan o sinasaktan ng amain. Parang paslit kung ituring siya nito kapag umaatake na ang pagkabarumbado.
Inasikaso na lamang niyang muli ang mga kapatid.
***
Alasdiyes na ng gabi.
Maagang nagtinda ng balot si Isabel upang maka-uwi agad. Kahit pa maghapon sa paghahanapbuhay ay nakukuha pa rin nitong umuwing nakangiti. Hindi niya inda ang pagod o kahit pa ang pamimintig ng mga binti. Ang tanging mahalaga lamang sa kanya ay ang perang maidadagdag niya sa pamasaheng iniipon.
Ngunit..
Hindi niya inaasahan ang daratnan sa bahay.
" T-Tiyo D-Domeng?! A-ano pong ginagawa n-ninyo d-diyan?! "
Inabutan niya kasing nagkakalkal ang amain sa kanyang kuwarto at nakita nito ang kahong maliit na itinatago ni Isabel.
Agad sumunggab ang dalaga.
" T-Tiyo hu-huwag p-po nin-ninyong pa-pakialaman 'yan! "
Pilit inaagaw ni Isabel ang maliit na kahon.
" Punyeta ka! Ang dami mo palang pera! "
Muling sumunggab si Isabel upang agawing muli ang maliit na kahon. Sa kahong iyon pala nakalagay ang perang iniipon niya.
" Hu-huwag p-po! Ka-kailangan ko po 'yan!! " Ang malakas na sigaw na ni Isabel.
Naulinigan naman ng mga kasamang nasa likod bahay pa rin pala ang malakas na pagsigaw ni Isabel. Agad itong nagsipasok at inabutan pa nilang nakikipag-agawan si Isabel sa maliit na kahong hawak ng amain.
" Haha! Ang dami niyan p're! Hindi tayo mabibitin diyan! Haha! " sabi ng isa.
Tila nainis naman si Isabel sa sinabi ng lalake kaya ibinato nito ang hawak na supot na may lamang balot.
" Aba! Loko pala 'tong anak-anakan mo e! "
Nagkatawanan silang lahat. Umalingawngaw ang lakas ng mga bunganga nila sa loob ng kuwarto.
" A-ang sa-salbahe n-n'yo! Huhu! A-akina 'yan! " iyak na ni Isabel.
Sa kabila ng kanyang pag-iyak ay pilit pa ring inaagaw sa amain ang maliit na kahon. Ngunit anong laban ng normal sa hindi, wala na siyang nagawa pa nang ibalya ng amain palayo.
" Agh! "
Sa lakas ng pagkakatulak ay nasubsob si Isabel sa kanyang papag sabay nahulog pa sa kabilang bahagi nito nang bumagsak. Sumabit pa muna ang daster na suot nito kaya at nasira ang harapang bahagi nito. Dahil sa wala sa ayos ang kanyang pagkakahulog ay tumama ang kanyang mukha sa paanan ng maliit niyang aparador.
Bumagal ang kanyang pag-kilos. Tila masama ang kanyang bagsak.
" Agh.. "
Marahan siyang bumabangon upang lingunin ang mga lasing na nakamasid sa kanya. Pagkapa niya sa kanyang noo ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang bahid ng dugo sa kamay.
" Hah! Aaaah! "
Nanginig siya sa takot. Ngunit mas natakot siya sa nakita niyang mga nakatitig sa kanya.
" Ahaaah! "
Nakataas pala ang kanyang damit sa likuran at nakatambad sa kanila ang puwetan niya. Nagmadali siya sa pag-ikot upang maka-upo at maibaba ang damit. Matapos ay namaluktot na lamang paupo.
" Napakakinis pala ng balat mo Isabel.. Haha! "
" Oo nga! Lagi ka kasing nakadaster e kaya hindi naaarawan ang mga legs mo! "
Nanatiling nakabaluktot paupo si Isabel. Umiiyak na lang habang pinagmamasdan ang kanyang amain sa pagkalkal ng kahon niyang maliit. Natakot na siyang kumilos dahil sa mga sinabi ng mga lasing na nakapaligid sa kanya.
At sandali pa at..
" O! Kahon mo! "
Ibinato sa kanya ng amain ang maliit na kahon.
" Dalawang daan lang kinuha ko! Ibabalik ko pagdating ng nanay mo! "
Matapos ay lumabas na sila ngunit naiwan ang isa sa mga lalake at ngumisi pa muna kay Isabel.
" Magno! Halika na! Sasakitan ka lang ng puson diyan! Haha! " biro pa ng isa.
Hindi nagtagal at umalis na rin ito.
Nang makaalis na ang lahat ay ginapang ni Isabel ang maliit na kahong ibinato ng amain, pinulot niya ang mga perang nagkalat upang maibalik sa kahon.
Walang humpay ang daloy ng kanyang mga luha habang inaayos ang perang inipon.
Nang makuha na lahat ay niyakap ang maliit na kahon at saka humagulgol ng malakas.
" Waaaa! Aaaaahaaaah! Waaaaa! "
Narinig ng mga kalalakihang nag-iinuman ang kanyang palahaw.
" P're! Nabaliw na yata lalo! Haha! "
" Ta'ena p're, hanep pala sa kinis ng balat no'n! Umn! Naman! " kagat labi pang sabi ng isa.
Lumapit ang isa at bumulong kay Domeng.
" P're, buti hindi ka nauutog do'n?! Wala pa naman si Melba! Hahaha! " pang-aasar naman ng isa.
Ngumisi lamang si Domeng at hindi kumibo.
" Alam n'yo, madali namang kunin 'yan si Isabel e! Bibigyan mo lang ng pera 'yan solve na! "
" Tanga! Hindi naman talaga baliw 'yan e! Ang galing ngang magsukli niyan! "
Muling umatake ang malisyosong utak ng isa nilang kainuman.
" Bakit 'di na lang natin p'wersahin?! Isang bigayan lang 'yan tulog 'yan! "
" Gago!! E kung magsumbong?! "
" Hindi magsusumbong 'yan! Tatakutin lang natin! "
Nagkatinginan ang limang magkakaibigan. Tila nagkaintindihang agad. Mga utak na nagkatugma-tugma na ang iniisip.
June_Thirteen

Bình Luận Sách (115)

  • avatar
    Jhanmark Padilla

    thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰

    04/06/2025

      0
  • avatar
    Michael Lawingco

    sobrang ganda karugtong pala sya storya ng paslit

    15/11/2024

      0
  • avatar
    Lilibeth Gomez

    Ang ganda NG story

    09/10/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất