- BISITA - Makalipas ang tatlong araw. Alastres pa lamang ng hapon ay nasa kalye na si Isabel at naglalako ng mga pagkaing tira galing sa karinderya. May lakad kasi ang matandang may -ari kung kaya at maaga silang nag-sara. " U-ulam! Gi-ginataan! Bi-bili na kayo! " Ang malakas niyang sigaw. Huminto siya sa unang tindahan na kanyang natapatan. " Ma-manang G-G-Glo, bi-bili p-p-po kayo? " Ang alok niya habang isa-isang inilalabas sa basket ang kanyang mga dala. " M-may me-me-meryenda r-rin po a-a-ko. " Namili naman ang matandang babae at ilang balot din ang binili. Dahil sa mabait si Isabel ay hindi siya kahit kailan pa nahihirapang makakuha ng mamimili, madalas ay hindi na siya lumalayo upang ito ay maubos. Ngunit ang ibang bumibili sa kanya ay awa na lamang ang umiiral kaya kahit paisa-isa ay kumukuha sila. " Sa-salamat p-p-po.. " Matapos kunin ang bayad ay umalis na si Isabel at muling sumigaw kahit hirap sa tuwid na pagsasalita. Ilang lakad pa niya at madaraanan na ang tindahan ni Luisa. Nang matapat ay huminto ito at tumitig sa bagong bukas na tindahan. Dalawang araw niya na rin kasi itong nadaraanan at dalawang beses na ring sa karinderyang pinapasukan niya kumakain sina Elena at Luisa kaya pamilyar na sa kanya ang mga mukha nila. " A-ano ka-kaya a-a-ang t-t-tinitinda ni-ni-la di-diyan? " tanong ni Isabel sa sarili. At sandali pa rin sa kanyang pagkakatayo ay natanaw na pala siya ni Luisa mula sa loob ng tindahan. " Ano naman kaya ang bitbit ng babaeng ito? " Lumakad si Luisa papalabas upang tingnan si Isabel na seryoso pa rin ang tingin sa tindahan. Nang makalabas si Luisa at makita niya ay napangiti agad si Isabel. " Heh, d-d-diyan ka-ka n-nakatira? " tanong niya kay Luisa nang makitang lumabas. Ngumiti rin naman agad ang Luisa at nilapitan pa siya. " Ano 'yang mga dala mo? " tanong nito. Tila nahihiya pa si Isabel at napapayuko pa sabay hawi ng kanyang buhok upang itakip sa kanyang mukha. Matapos ay humahagikgik pa. " U-lam at m-m-meryenda p-po, gu-gusto n-n-ninyong bu-bu-bumili? " masayang alok nito. " Galing ba iyan sa karinderya? Bakit inilalako mo? " Muling humagikgik bago sumagot. " A-alis p-p-po kasi s-s-si ma-manang ka-kaya i-i-iniwan na sa-sa a-a-akin ang m-mga i-ito. " sabi ni Isabel. Inabot ni Luisa ang basket at sinilip ang mga nakabalot na pagkaing narito. " Ang dami pa nito a! Mabuti at ibinigay lang sa iyo. " " I-iyan p-p-po ka-kasi ang sa-sahod k-k-ko, ka-kapag na-nakabenta a-a-ako. " " Ah ganoon ba?! Malaki rin ang kalalabasan nito kapag naubos. " " A-ang i-i-iba po ay da-dalhin k-k-ko sa b-bahay pa-para s-s-sa m-mga ka-kapatid k-k-ko. " Isang matamis na ngiti ang sumungaw sa labi ni Luisa. Tunay na humanga siya sa napakagandang asal ng babaeng kaharap niya na kahit sa kabila ng hirap niyang magsalita ay naroon pa rin ang tiyaga niyang magsisigaw at maglako ng kanyang mga paninda. Ngunit sandaling napawi ang ngiti ni Luisa nang may muling makita sa babaeng kaharap niya. At hindi na nga siya nakapagpigil. " Sino siya?! " Nagulat naman si Isabel kaya napalingon sa kanyang likuran dahil inakalang naroon ang tinutukoy na 'siya' ni Luisa. " P-po?! Wa-wala n-naman p-p-po a-akong ka-kasama e! " sagot ni Isabel habang palinga-linga pa. Sandaling nanahimik si Luisa. Pinakikinggan ang tila bumubulong sa kanya. At.. " Ang babaeng madalas nasa isip mo?! Sino ba siya sa buhay mo? " Naguguluhan na si Isabel. Dahil sa hindi naman normal makaintindi ay naiiyak na ito at tila natatakot. " Ba-ba-babae?! Si-sino p-pong ba-babae?! " " Nakakakita ako ng mga larawan na madalas mong hawakan, isang babae ang madalas mong iniisip habang ikaw ay gumuguhit. Sino siya? " " A-alam p-po ni-ninyo n-n-na m-mahilig a-a-ako gu-gu-gumuhit?! Haha! A-ang ga-galing! " Natatawa pang sabi ni Isabel. Tuwang-tuwa siya dahil ito ang unang pagkakataong may nakapansin sa pagguhit niya na mula pa sa isang estrangherong hindi pa lubos na kakilala. " Gu-gusto p-p-po ba-ba n-n-ninyong ma-makita?! " *** Isinama ni Isabel si Luisa sa kanilang bahay. Dahil sa sabik sa kaibigan ay hindi siya nagdalawang isip nang sabihin ni Luisa na nais niyang makita ang mga iginuhit nito. " Ang layo pala ng bahay mo sa karinderyang pinapasukan mo. " Nagmamadaling binuksan ni Isabel ang kanilang pintuan, inilapag agad ang basket ng mga paninda at tinawag ang mga kapatid. " N-Neng! A-Ana! Ma-may d-dala si a-ate para sa-sa i-inyo! P-pasalubong ko! " Muling kinurot ang puso ni Luisa sa kanyang nasaksihan. Napakabuting tunay ng kalooban ni Isabel. " Mga kapatid mo?! " Nagulat siya dahil ang dalawang batang babae na lumapit kay Isabel ay mga normal na bata at hindi tulad niya. Naitanong niya tuloy.. " Tunay ba kayong magkakapatid? " Muli na namang naguluhan si Isabel. " A-anong tu-tunay? Ta-tao b-ba? O-oo, ta-tao si-sila! " sagot nito. Ngumiti na lang si Luisa, batid niyang maraming bagay na hindi talaga naiintindihan ng isang tulad ni Isabel kung hindi mo rin lamang ipaliliwanag mabuti. Sumenyas si Isabel na sandali lamang at bibigyan niya muna ng pagkain ang kanyang mga kapatid. Tumango naman si Luisa at naupo na lang muna. Habang kumikilos si Isabel ay nagmamasid siya sa buong bahay. Maliit lamang ang kanilang bahay, walang maayos na kagamitan at tanging lumang aparador lang ang iyong makikitang naroon. Ngunit malinis ito, halatang may isang masipag na nakatira. Sa sandaling pagmamasid ay may naulinigang ingay. Isang malakas na tawanan ang kanyang narinig na sa likod bahay nanggagaling. Malalakas na tawa ng mga kalalakihan. " Sino ang mga 'yun?! May mga kasama pala kayo rito sa inyo?! " Biglang nalungkot ang mukha ni Isabel. Tila nagkaroon bigla ng takot. Biglang napatayo si Luisa nang biglang pumasok ang isang matangkad na lalaki mula sa pintuan ng kusina. May hitsura ito at halatang hindi pa katandaan. Malaki ang katawan at mahaba ang kanyang buhok. " Ti-tiyo D-Domeng?! " agad na bati ni Isabel. Nanatili namang nakatayo lamang ang kanyang tiyo Domeng, hindi rin ito nagulat man lang kung may bisita ba sila. Panay lang ang himas nito sa kanyang tila bundat sa alak na tiyan. " Magandang hapon po.." magalang na bati ni Luisa. Ngumisi lang si Domeng, lumapit ito kay Isabel at may ibinulong. Nakita naman ni Luisa ang pagtango ni Isabel at naramdaman niya ring hindi nito gusto na may ibang tao sa kanila. Matapos ang pagbulong ay tumingin pa muna ito kay Luisa bago lumabas at bumalik na muli sa likod bahay. Lumapit si Luisa kay Isabel at nagtanong. " Nakakatakot ang mga tingin niya, sino siya?! " Sumilip pa muna si Isabel sa likuran bago sumagot. " T-tatay ni-nila.. " sagot ni Isabel sabay turo sa mga kapatid. " Ano ang sinabi niya sa'yo? " " Sa-sabi ni-niya, p-p-pauwin na-na d-d-daw ki-kita. " Hindi naman nagulat si Luisa sa sinabi ni Isabel. Mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw niya ang limang kalalakihan kasama na ang tiyuhin ni Isabel. Mga lango na ito sa alak at hindi na maganda ang kanilang nga tingin. Dahil sa hindi naman sanay sa mga ganoong tao si Luisa ay nagkaroon ito ng takot at nais na ring umalis. " Sige aalis na ako, baka kasi makagalitan ka pa..Babalik na lang ako sa susunod para makita ang mga iginuhit mo.. " Napangiti si Isabel sa kanyang narinig. Panay na lamang ang tango nito kay Luisa. " Aalis na ako, huwag mo na ako ihatid alam ko naman ang daan palabas.. " At hindi na nga nagtagal pa si Luisa, hindi na rin siya nagpaalam pa sa tiyuhin ni Isabel na lasing na. Samantala.. Nakasalubong na ang kilay ni Elena habang nakapameywang na nakatayo sa labas ng tindahan. " Saan kaya nagpunta si Isang?! Hindi man lang nagpaalam! Hmp! Hindi ko pa naman alam ang presyo ng iba niyang paninda! " muling himutok nito. Ngunit sandali pa at nakita niya na si Luisa na naglalakad at galing sa isang looban. Agad sumigaw si Elena. " Isang!! Saan ka ba galing?! " Nginitian lang ni Luisa ang galit na si Elena. __________ - ANG BANTA - Alasdiyes na ng gabi. Tahimik na ang paligid ng buong kapitbahayan nila Isabel ngunit may mga bungangang walang sawa sa paglagok ng alak kasabay ang maingay na pag-uusap. Naroon pa rin ang mga kaibigan ng kanyang Tiyo Domeng at nag-iinuman pa rin. Nakikinig lamang si Isabel mula sa kanyang kuwarto, gising na gising pa ang kanyang diwa dahil sa nakararamdam ng takot. Madalas kasi siyang kagalitan ng amain kapag ito ay naka-inom. " Ta'ena p're! Isang linggo ba kamong mawawala si Melba?! Aha! Eh 'di isang linggo rin ang pauga mo! " sabi ng isang lalakeng kainuman ni Domeng. Sabay-sabay pang nagkatawanan ang mga ito, mas lalo tuloy umingay ang paligid. " Saka isa pa, tigang ka niyan! Haha! Masarap pa naman kumayog-kayog kapag naka-inom! Haha! Ganadong ganado! " segunda pa ng isa. Natatawa lamang si Domeng sa pinagsasasabi ng mga kaibigan. Napansin nitong wala na silang tubig na pang-chaser sa alak na iniinom. Lasing na rin ito kaya at hindi na makatayo, naisipan na lamang nitong tawagin si Isabel. " Isabel! Puta! Nasaan ba ang toyo na 'yun! " " Baka naglako ng balot, hindi ko pa nga rin nakita mula kanina e! " sagot ng isa. " Isabel! " muling sigaw ni Domeng. Naririnig man ni Isabel ay ayaw nitong sumagot. Ayaw niyang gumalaw sa kinalalagyan dahil sa siya ay natatakot. Lasing na kasi ang mga ito at ayaw niya nang magpakita. " Tingnan mo nga! Baka may tira pa at wala na tayong pulutan! " sabi pa ng isa. Kahit duling na ay tumayo pa rin si Domeng. Ilang sigaw na rin kasi ang kanyang nagawa ngunit walang Isabel na lumalabas. Suray-suray siya kaya at panay ang kalampag ng mga dingding nilang yero. Sa tuwing kakalampag ang dingding na yero ay siya namang bilis ng tibok ng puso ni Isabel sa takot. " Isabel! Punyeta kang baliw ka alam ko nariyan ka lang pero hindi ka sumasagot! " sigaw ni Domeng. Napasigaw si Isabel nang bumalagbag ang amain sa kurtina ng kanyang kuwarto. Mapungay na ang mga mata nito dahil sa kalasingan at hindi na rin makatayong diretso. " Ti-tiyo D-Domeng?! " bulalas ni Isabel. Agad siyang hinablot ng amain sa buhok. " Punyeta ka talagang toyo ka! Sabi na nga ba at narito ka lang e! Bakit hindi ka sumasagot?! " Pagbitaw ng amain sa kanyang buhok ay ibinalya naman siya sa dingding. Napa-upo si Isabel dahilan upang lumilis ang laylayan ng kanyang daster na suot. Napako ang tingin ng amain sa kanyang dalawang malalaking hita na tumambad, lumabas din kasi ang panty ni Isabel. Napansin naman itong agad ni Isabel kung kaya at agad siyang tumayo upang iayos ang sarili. Nanatiling nakapako ang tingin ng lasing niyang amain sa kanya. Nanginginig naman si Isabel sa takot. At sandali pa ay.. " Lagyan mo kami ng tubig sa pitsel! Bilisan mo at lasing na ako! " Hindi na kumibo si Isabel. Nagmamadali na siyang lumabas ng kuwarto upang sumunod. Upang makaiwas sa mga matang nag-iinit. Nang makakuha ng tubig ay agad nagtungo sa mga kalalakihang nag-iinuman sa likod bahay at taranta pang inilapag ang pitsel sa lamesa. Matapos ay agad na umalis. Ngunit.. " Sandale! " Ang awat ng isa sabay hawak sa braso niya. " M-may u-utos p-p-pa p-po ba ka-kayo ku-kuya?!" takot na sabi ni Isabel. Isang nakakalokong ngisi ang ginawa ng lalake, tiningnan din siya mula ulo hanggang paa. Sabay.. " Wala na! Sige na pumasok ka na sa loob! " sabi nito sabay bitaw sa braso ni Isabel. Tumakbo na si Isabel papasok sa loob. Pagdating sa loob ay nakabanggaan pa niya ang sumusuray na amain. Dahil sa kalasingan ay napasadlak pa ito sa dibdib niya. Agad itong itinulak ni Isabel nang maramdaman ang pagdampi ng dibdib ng amain sa maumbok niyang dibdib. " Ugh! " Muling napako ang tingin ng amain sa kanya. Sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang buong katawan. At.. Napangisi pa ito. " Matulog ka na! " sabi ng amain sabay alis na. Nang makapasok na sa kanyang kuwarto ay nag-iiyak na si Isabel. " Hu-hu.. I-Inay.. Na-nasaan p-po ka- kayo.. Na-natatakot p-po a-ako.. Hu-hu.. " *** Luisa's POV Kanina pa ako naka-abang dito sa tapat ng aking tindahan. Hinihintay ko kasi ang babaeng nagtitinda ng balot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan, nakalimutan ko kasing itanong kanina noong magkasama kami. Ngunit tila hindi yata siya nagtinda ngayon. Hindi naman maaring sa iba siya daraan dahil laging dito ang gawi niya at doon siya sa looban banda sa dulo lalabas. " Bakit kaya wala pa siya? " Napatingin ako sa aking cellphone. Mag-aalasdose na pala ng hatinggabi. Siguro nga ay hindi siya naglako ngayon dahil sa nagtinda na rin siya kanina ng mga tirang pagkain nila sa karinderya. Hindi ko alam bakit napakagaan ng loob ko sa kanya. Habang ako ay naka-upo rito sa tapat ng aking tindahan ay ang mukha niya ang naiisip ko. Ang matatamis niyang ngiti na kahit pa hindi perpekto ay sumusimbolo sa kanyang inosenteng pagkatao. Naisip ko tuloy kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito. Kung siya ba ay tulog na o gumuguhit pa. " Naku! May mga lasing nga pala sa kanila kanina, hindi kaya siya natatakot sa mga 'yun?! Saka parang hindi ko nakita ang kanyang ina?! " Hindi ko nga nakita ang kanyang ina nang magtungo ako sa kanila. Dapat ay hindi niya basta iniiwan ang mga anak lalo pa at babae ang mga ito at ang isa ay may karamdaman pa. Nang makita ko kasi ang mga lalaking naglalasing kanina ay medyo nakaramdam ako ng takot. " Hindi naman siguro gagawa ng masama ang mga 'yon. " Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang babaeng nagtitinda. Bigla kasi akong nag-alala sa kanya nang maalala ang mga kalalakihang nasa bahay nila kanina. Parang nais ko tuloy maglakad-lakad at magtungo sa kanila sa mga sandaling ito. Tumayo na ako upang mag-ayos, aalis ako at tutungo sa kanya. Palakad na sana ako nang biglang.. " Saan ka na naman pupunta babae?! " mataray na tanong ni ate Elena. " Pumasok ka na nga sa loob at gabi na! " Hindi na ako sumgot pa. Sa kabila ng edad kong ito ay ate pa rin ang turing ko sa kanya at sumusunod pa ring talaga. Binuhat ko ang upuan at pumasok na sa loob. Bukas ko na lamang aabangan ang babaeng nagtitinda. June_Thirteen
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 54 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (115)
Jhanmark Padilla
thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰
thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰
04/06/2025
0sobrang ganda karugtong pala sya storya ng paslit
15/11/2024
0Ang ganda NG story
09/10/2024
0Xem tất cả