logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Madaling natapos ang klase kahapon ng hindi ko namalayan. Masyado kasing kinain ng Martel ang utak namin.
Maaga akong gumising dahil magte-take ako ng exam para maging scholar ako. Sana nga. Hindi ko talaga papalagpasin ang oras na ito. Maaga kasi ang schedule ng Rosswell high base sa nakita ko sa kanilang fb page, so gumising ako ng maaga.
Tapos na akong kumain at habang naghahanda pa ako ay biglang nag vibrate ang phone ko, kaya tinignan ko naman iyon. Isang message galing kay Laurene.
Loreen:
Uy! Where na u? Ikaw nalang inaantay namin.
Adelise:
Nasa Martel na kayo?
Loreen:
Yeah, inaantay ka namin dito wag kang pa special. We're dying girl. -_-+
Adelise:
Oh sige OTW, pakamatay ka lang diyan hehe ^_^
Napansin kong nag reply siya pero hindi ko na tinignan iyon at nilagay sa bulsa ang phone. Tinawag ko si mama para magpaalam na.
"Ma, I will bye bye na!" paalam ko, huminto naman siya sa pagwawalis sa bakuran at lumingon sakin.
"Ang aga naman ata, wala ba kayong klase?" tanong niya.
"Wala po kasi may seminar lahat ng teacher sa Rosswell including papa. Sakto namang ngayon ang sched para sa exam." sagot ko at napatango naman siya.
"Sigurado ka bang doon mo gustong mag aral anak? Pano kung hindi talaga namin kaya ng papa mo ang mga gastusin doon?" problematic na tanong niya. Napa buntong hininga naman ako at inakbayan siya.
"Mama, kaya nga magtake ako ng examination para may scholarship ako, para mabawas bawasan ang gastusin natin doon. Basta ako bahala, support niyo lang ako ma." pagkombinsi ko sa kanya.
"Aba oo syempre naman, iyan lang ang pinaka kaya naming ibigay sayo nak. Suporta" saad niya at agad ko naman siyang niyakap.
"Thankyou ma, hulog kayo ng langit." sabi ko at bumitaw na sa pagkakayakap.
"Oh sige, baka ma late kana't hindi mo na maabutan iyon" aniya at nag ayos naman na ako.
Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay agad naman akong sumakay sa taxi. May pasok sila Agnes kaya hindi ko siya nakita ngayon at si papa naman ay nag attend ng seminar kaya taxi nalang ako.
Alam mo iyong feeling na magsisimula ka palang sa paglalakbay? I feel it inside, Aral na aral na ako sa Martel. There's a part of me na gustong gusto kong bawiin iyon, pero paano? I also feel that there's a chance. Ewan ko, naguguluhan ako sa ngayon. I'm not ready, bigla ko nalang kasing nararamdaman.
Hindi nagtagal, ramdam kong nasa Martel University na kami. Sa labas nga lang. Biglang huminto ang taxi at pagtingin ko sa labas ay kita ko na ang matataas at matatayog na building ng Martel U, kung titignan ay parang bagong tayo pa ito at parang hindi lumuluma. Hindi lang matataas na building ang pwede kong makita dahil nasa labas pa kami.
"Dito lang po tayo hihinto maam, kasi para lang sa mga estudyanteng nag aaral doon ang gagamit ng parking lot." biglang sabi ni manong. Kaya pala nasa tabi kami ng isang restaurant huminto. Akala ko pa naman ito na ang parking lot.
"Sige manong ito na po pamasahe ko" tinanggap naman niya ang pera, sakto lang naman iyon at walang sukli kaya lumabas agad ako sa taxi.
Hindi ko alam kung saan ako dadaan kasi napakalaki ng highway. Kailangan pang tatawid ang lola niyo mga gaiz.
Maraming mga estudyante ang kasabay kong tumawid sa pedestrian line, katulad din sila sa akin baka mag te-take rin sila. Kanina ko pang hindi pinapansin ang pag vibrate ng phone ko. Kailangan ko nang magmamadali dahil kanina pa silang nag aantay.
Bawat hakbang ko habang naglalakad papasok doon ay biglang nag iba ang pakiramdam ko dahilan para mapahinto ako. Parang unti unti kong naalala ang huling pangyayari na nandito kami sa Martel noon. Habang naaalala ko ang mga iyon ay kasabay non ang pag sakit ng ulo ko't hindi ko alam kung bakit. Wrong timing ata 'tong utak na ito!
Sa sakit ng ulo ko na may halong paghihilo at mabilis na pagtibok ng puso ko ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Parang nag iiba ang paningin ko sa di malaman na dahilan. Wala akong maalala na may kinain akong iba. Hindi ko alam kung bakit, basta bigla nalang lumalabas sa utak ko ay ang kalagayan nila Mom at dad bago kami umalis sa lugar na ito at hindi lang iyon, Ang masayang mukha ni Caldence na nakangiti sa akin.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, biglang may bumangga sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig at kasabay non ang pagwala ng aking pagkahilo. What?! Pano nangyari iyon?
"Tss. Stupid" sabi nung nagbangga sakin, manly ang boses niya kaya alam kong lalaki ito.
Pagkatayo ko habang nakahawak sa aking sintido, hahanapin ko na sana ang bumangga sa akin kanina pero isang Black at malusog na wallet ang umagaw ng pansin ko, pero mas lalong lumaki ang mata ko nang makitang Louise Vuitton ang brand ng wallet na iyon.
Taray ng may ari! Sino kaya may ari nito?
"HOY ADELISE! BAKIT ANTAGAL MO?!" napapitlag ako sa malakas na sigaw ni Laurene na galing entrance gate ng Martel. Nakita ko rin sila Ryan at Jerlyn na tumatakbo papalapit sakin.
"Hoy teh, alam mo bang kanina ka pa inaantay namin?! Tignan mo, tumatanda na mukha namin kakahintay sayo ng milyong taon!" mataray na si Ryan, ganun na rin ang dalawa.
"Matanda naman talaga mukha niyo" sa pagkasabi kong iyon, agad naman nagsalubong ang kilay nila.
"Hoy! Excuseme? Sa pagkakatotoo nga ay ikaw ang pinakamatangka-Oh! What's that thing in your hand?" nagbago ang reaksiyon ni Laurene nang makita ang hawak ko. Bakas naman ang pagkagulat sa itsura nila habang nakatingin sa hinawakan ko.
"Owemji gurl! Libre mo kami ah?" abot tenga ang ngiti ni Jerlyn.
"What the? Louise Vuitton wallet mo? Taray mo teh ah" si Bakla. Agad ko namang tinago iyon at nagsalita.
"Hindi sa akin ito," panimula ko.
"Eh bakit nasa iyo 'yan? Owemji, don't tell me na ninak--" hindi natuloy ni Jerlyn ang sinabi niya.
"Hoy efway-ay, Hindi ako magnanaka--" hindi ko rin natapos ang sasabihin ko sa biglang pagsabat ni Laurene.
"Ok! Ok! Sinakripisyo namin ang pagpila doon at malapit na sana kami, pero pinili nalang naming ibigay sa iba iyon para lang sundan ka." aniya at sumang ayon naman ang dalawa.
"Eh nasan si Joanna?" tanong ko.
"Hindi siya pinayagan ng parents niya kasi mahal daw dito. Ikaw? Can you explain to us kung bakit ka late?" nakataas ang kilay ni Ryan.
"Actually, kanina pa ako dito and my pakening brain ay nahihilo, while I'm suffering from panghihilo ay may bigla nalang bumangga sa akin na Lalake at hindi ko nakita ang pakening face niya, So he left his pakening wallet na itong hawak ko ngayon at kailangan nyo akong tulungan isauli ito" hingal na hingal ako pagkatapos kong pinaliwanag iyon. Nakita ko ang nakalaglag na panga nila habang nakataas ang kilay sa pagkagulat.
"W-Whaaat? Alam mo ba kung ano ang laman niyan?" nakapamewang na ani Jerlyn. Umandar naman ang pagkasarkastiko ko.
"Hindi eh, baka isda ang laman nito." sagot ko at umismid naman ito.
"Ok! stop with your kabobohan na," sabat ni Laurene. "The right is kailangan nating isauli ang wallet kahit na 1 peso lang iyan. And tara na baka hindi na natin maaabutan ang examination." sabi niya kaya nagsimula na kaming naglakad papasok sa gate.
"Ay hep wait!" bigla kaming pinigilan ni Ryan.
"Ano iyon bakla?" sabay sabay naming tanong.
"Pwede ako nalang magsauli ng Wallet?" nakangising pakiusap niya with matching pa cute, pero hindi naman cute. Nagkatinginan naman kami tatlo except kay Ryan at sabay napasmirk.
"Ano ngang ginagawa sa mga taong may masamang balak?" sarkastikong si Laurene at pinapatamaan ang bakla.
"Magkaroon ng pimples sa pwet!" sagot namin ni Jerlyn. Ramdam naman namin ang emosyon ni Ryan.
"Uy naguiguilty HAHAHAHA" Tukso namin.
"Key! Fine, kayo na mag sauli" nagtatampong sabi niya at nagpaumunang pumasok sa gate habang kami naman ay panay ang tawa.
Napalitan ng pagkamangha ang mukha ko nang mapansin ang napakagandang Martel University. Masyadong hindi ko na matatandaan ang itsura nito noong bata pa ako.
Napakalawak ng feild nila at hindi lang iyon. Malaki ang main building nila na nakatayo sa gitna at sa gilid naman nun ay dalawang mahaba at maliit na flush glazed building. May mga estudyanteng masayang naglalakad sa loob doon, at nakakaagaw pansin din ang uniporme nila.
Sa babae ay blazer with a ribbon tie, and lead color knife pleated skirt. Sa mga lalake naman, ang iba ay naka blazer at ang iba naman ay naka long white sleeve.
"Meygeshh! Ang popogi ng mga lalake dito, diba Adelise?" tili ni Laurene at mabilis naman akong napatango.
"Marami akong crush dito, puro mga mayayaman at hindi lang gwapo, matatalino rin!" anas ni Jerlyn habang kurot kurot kay Ryan dahil sa kilig. So ayun, ganyan talaga sila ka landi at wala na tayong magawa.
"Hoy!" biglang sigaw ko at natauhan naman sila. "Saan tayo mag tetake? Ano? Tatayo lang tayo dito?" sarkastikong tanong ko .
"Doon sa function room, marami ang mga nakapila na pareho lang din sa atin." tugon ni Ryan habang nakaturo sa isang maliit na building malapit sa gate. Tama nga siya, marami ang nakapila doon.
"Halina! Baka ma full na sila at hindi na natin maaabutan!" biglang sigaw ni Laurene kaya agad naman kaming tumakbo papunta doon at pumila.
Matagal na kaming nakapila doon, rinig ko rin ang mga usap-usapan nila. Chismosa rin ang lola niyo kaya nakikinig nalang din ako.
"Vivore, what is your current grade level?" tanong ng isang babae sa katabi niya.
"Oh, Am I the only one who knows?" sagot naman nung Vivore na ikinataka ng kausap.
"About what?"
"Lahat ng mga nakapila dito ay 3rd year high school and sa pagkakaalam ko, it depends on schedule." Imporma nito. Napaisip naman ako, ako rin hindi ko alam.
Nag uusap pa sila while ang tatlo ko namang kaibigan ay may kani kanilang grupo din. Makikinig pa sana ako nang biglang may tumawag samin.
"Next 5 batch!" tawag ng isang ginang na may makapal na salamin. Agad naman kaming napatayo nila Ryan at pumasok doon.
Katulad ko ay nanginginig din sila sa kaba while ang isa namang babae na naka twin braids at may bangs na ka batch namin ay normal lang. Umupo na kami sa kani kaniyang arm chairs. Binigyan naman kami ng questionaires saka nagsimula nang sumagot.
Hindi nagtagal ay natapos na naming sagutan iyon. Lumabas na kami sa function room at habang nasa labas kami ay nagsalita si Jerlyn sabay nakatingin sa kanyang phone.
"Girls, mauna na ako ah? Nag text na sakin si Mader, uuwi na raw ako" pagpapaalam ni Jerlyn. Agad namang nagsalita si Laurene.
"Ay ako rin, uuwi na ako. Sayang naman hindi tayo makakagala, strict kasi parents ko" malungkot na aniya.
"Nakss, next time nalang. Baka kailangan ka nila sa bahay." sabi ko naman at tumango sila.
"So pano? Mauna na kami. Halikana Ryan. Ikaw Adelise, 'wag mo kalimutang isauli ang wallet HAHAH" nakangisi akong kumaway sa kanila habang papalabas na sila sa gate.
Hindi nagtagal ay natapos na naming sagutan iyon. Lumabas na kami sa function room at habang nasa labas kami ay nagsalita si Jerlyn sabay nakatingin sa kanyang phone.
Ako nalang mag isa at wala masyado akong kakilala dito sa Martel. Kaunti na rin ang estudyanteng nakapila sa function room.
Now, paano ko hahanapin ang may ari ng pesteng wallet na 'to? Sana hindi na siya magpakita para may pang Jollibee ako. Mwehehehe
Pa lakad lakad ako kung saan saang parte ng Martel University, napakalaki nito at mukhang maliligaw ako. Bigla kong naisipan na tignan ang laman ng wallet na ito, baka may picture or name ng may ari.
Pagbukas ko, nagulat ako nang makita ang 20.00 na pera sa loob non. Taena! Ang astig ng Louise Vuitton na may bente pesos lang hahahhaha. Ayon lang, wala nang ibang laman.
Nagulat ako nang may biglang tumulak sa akin dahilan para mabitawan ko ang wallet na hawak ko at napabagsak ako sa sahig.
Ang saket shet!'
"JARED! HALIKA RITO BABAE ANG MAGNANAKAW!" sigaw ng isang lalaking naka sombrero ng patagilid. Dumating naman ang isa na tinawag niya at kinuha ang wallet.
"HOY! Hindi sa inyo ang wallet na iyan! Ibigay niyo iyan sa may ari!" sigaw ko. Lahat na ng mga estudyante ay nakatingin na sa amin, lalo na sa akin. Nakakahiya!
"At bakit naman namin ibibigay sa'yo ito? Ikaw ba may ari? Magnanakaw ka!" nagsalubong ang kilay ko dahil sa bintang ng lalaking naka kagis ang kilay, mukhang adik.
"Lakas niyo namang pagsabihan ako ng magnanakaw, eh andito nga ako para isauli iyan kahit bente pesos lang ang laman niyan!" asik ko habang hawak ako ng lalaking naka sombrero na parang jejemon. Unti unti ko namang narinig ang mga bulong-bulongan ng mga estudyante.
"Hindi taga rito ang girl kasi naka civillian siya"
"Nakakahiya naman, bente pesos lang pinag aagawan."
"I hate that two jejemons, may pa kagis pa ng kilay Eeeww"
"Kawawa si girl"
Lumapit sa akin ang lalaking nakakagis ang kilay at tinignan ako ng masama, pero tinarayan ko naman siya. Kadiri mukha mo.
"Bitawan mo ako sabi!" sigaw ko habang pilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin. Binitiwan naman niya ako at tinignan ko siya ng masama.
"Miss, Sama ka nalang samin sa headmistress's office." sikmat ng nakakagis na kilay na ang pangalan ay Jared. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit naman? Estudyante ba 'ko dito? May kasalanan ba ako?! Sisiguraduhin niyo munang tama ang desisyon niyo!" singhal ko at naglalakad papalayo sa kanila, nang biglang nagsalita ang nakasombrero.
"Inaantay ka ni Xandrei, gusto ka raw niya makita" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Teka, sa buong buhay ko wala akong kakilala na Xandrei ang pangalan. Sino ba iyan?" napa iling ako at inikrus ang braso. Gaya ng kanina, maririnig ko pa rin ang mga bulong bulongan nila kahit ayaw ko naman.
Sinenyasan ni Jared ang kaibigan at naglalakad papalayo sa'kin. "Desisyon mo na kung susunod ka samin o hindi" bulong nung naka sombrero saka nilampasan ako.
Naisip kong baka nga importante iyon kaya wala sa sariling sumunod ako sa kanila.
"Tsk. Susunod rin naman pala" sabi ng sino sa kanila pero hinayaan ko nalang iyon.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad. Pumasok na kami sa main building at walang ibang magawa kundi sumunod nalang sa kanila.
'Wallet na may lamang 20.00, na nakita ko at isauli sana, na umabot na sa ganitong kalagayan. Taenana!'
"Hoy! Babae! Hindi diyan ang daanan, dito!" napahinto ako sa paglalakad nang maisip na nasa ibang direksion pala ako papunta.
Napatingin ako sa direksiyon kung saan sila, nang makitang papasok ito sa isang pinto, agad ko namang hinabol iyon at nagmamadaling pumasok bago isara.
Pagtalikod ko sa pinto, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hindi inaasahan. Parang nabuhayan ang aking puso at hindi makapaniwala,
Jusko! Totoo ba itong nakikita ko?! Nandito siya. Bumalik na siya! Biglang tumulo ang luha ko nang makita si Caldence.

Bình Luận Sách (2)

  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    09/12

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    11/04/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất