logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4: Look Who's Back

Sheira's POV
Nabuburyo nako kakapanood sa mga naglalaro sa gitna. Wala kasi ako sa mood makisali kaya nanood nalang ako. Kaya napagdesisyonan ko munang lumabas, magpapahangin lang.
"Ahmm alis muna ako ah," paalam ko kila Meisha at Nicka.
"Sige, balik ka kaagad ha!" sabi ni Meisha habang abala sa panood ng mga naglalaro. Tumango naman si Nicka.
Lumabas ako at naramdaman ko agad ang malamig na hangin. Ang dilim na ng paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata at yinakap ang sarili.
"Hey,"
Nagitla pa ako nang marinig yun. Gusto ko nga sana mapag-isa pero may asungot na dumating. Nilingon ko ito at tumambad sa akin si Rain. Di ko siya pinansin at agad tumalikod sa gawi niya.
"I just want to talk to you. What I said yesterda—" di ko pinatapos ang sasabihin niya.
"What you said yesterday should be forgotten, and I already did, " I coldly said while not looking at him.
"Everything I said yesterday is true, you may say that I'm weird pero nung una talaga kita nakita ay nagkagusto na ko sa'yo. Siguro dahil nagkita na tayo dati, " rinig kong sabi niya. I just felt my heart pounding.
I faced him and I saw the sincerity in his eyes. Seryoso talaga siya sa mga sinabi niya. Gusto niya ko pero gusto siya ng bestfriend ko. Baka maging mitya pa ng away kung sakali. At yun ay ang ayaw kung mangyari, ang saktan ang best friend ko.
"As I said to you, hindi kita gusto," I emotionlessly said to him, "I don't like you so please stop this nonsense!! I don't want to hurt my bestfriend!!"
"Hindi mo nga ba ako gusto? O ayaw mo lang talagang saktan ang bestfriend mo kaya't pinipigilan mo lang rin ang nararamdaman mo," he said while looking straight to my eyes. Natahimik ako.
"I r-really don't l-like you" utal-utal kong sabi. Pinilit kong maging seryoso pero binigo na naman ako ng sarili ko.
Biglang kumidlat, dahilan para matakot ako. And after that, the rain also starts pouring. No! Not this time.
'I have ombrophobia or the fear of rain'
Mabilis na nanikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Bumalik na naman ang isang  pinakamasasamang alaala sa buhay ko.
*Flashback*
"Y-Your d-dad is dead n-now Sheira." sabi ni Mommy habang umiiyak.
'No hindi pwede! Hindi maaring mamatay si Dad! Nooo!!'
Nasa ospital ako ngayon dahil sa isang aksidente. Pauwi kami ni daddy galing sa Tagaytay dahil ipinasyal niya ako para sa aking kaarawan. Habang pauwi kami ay biglang umulan at dumulas ang daan. Nabangga ang sasakyan na sinasakyan namin at maswerteng naligtas ako pero di ang daddy ko. Nakaadmit pa ako ngayon sa ospital at binabantayan ako ni mommy.
"I'm sorry mom! Kasalanan ko to..this is all my fault!" sigaw ko habang umiiyak.
"Shhhh.. it's not your fault baby," pagpapatahan sa akin ni Mommy kahit pati siya ay umiiyak rin.
Sa naging masunod na araw ay lamay na ni Daddy. At na-discharge na ako galing sa ospital. Lahat ng mga kamag-anak namin at kaibigan ay nandito. I was still hugging his picture while crying loudly.
"Bakit mo ko iniwan Dad?" I said coldly but tears are still rushing down on my cheeks. It was the saddest thing that could happen in a person's lifetime. Losing someone you love and idolized the most.
I was just 13 years old and ang bata ko pa masyado para kayanin to. Dumating din sa point na ginusto kong magpasagasa nalang at sumama kay daddy pero may tumulak sakin dahilan para di yon matuloy.
*End of Flashback*
Mula noon ay nagkaroon na ako ng phobia sa ulan. Di ko alam kung bakit pero sa tuwing umuulan ay naalala ko ang pagkamatay ng pinakamamahal kong ama. Nanginginig ang kamay kong pinunasan ang aking mga luha.
Naramdaman kong may yumakap sakin. Alam kong si Rain yon, pero di ko kayang nainis ngayon dahil hinang-hina ako.
'And I should admit that I felt comfort'
Bahagyang nabawasan ang takot at lungkot ko. Patuloy lang akong umiyak habang nasa bisig niya nang marinig ko ang aking mga kaibigan.
"Okay ka lang ba Sheira?" nag-aalalang tanong ni Meisha.
"Maayos lang ba pakiramdam mo?" sabi ni Nicka na nag-aalala din.
Tumango lang ako sa kanila at agad na hinanap ng mata ko si Jill. Nakita ko siya sa likuran lang nila Meisha at Nicka ngunit malayo ng konti. Blanko ang mukha niya pero makikita mo ang pag-aalala sa mga mata niya. Mabilis akong kumalas sa pagyakap sakin ni Rain at nilapitan si Jill.
Niyakap ko siya agad at napagitla pa siya.
"Masyado mo akong pinag-alala." sabi niya saka marahang hinaplos ang buhok ko.
"Sorry," yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko.
"You don't have to say sorry Sheira, wala kang kasalanan,"
"But—"
"Don't worry, so okay ka lang ba? May performance pa tayo mamaya, kakayanin mo ba?" nag-aalalang tanong niya at tumango naman ako.
"Okay lang ako, tara na sa loob!" sabi ko saka nilingon sina Meisha at Nicka at sinenyasang pagpasok na kami sa loob. Di ko naman na pinansin si Rain pero kahit papano ay thankful akong nandito siya kanina.
Pumasok na kaming lahat at sakto namang tinawag na kami ng Emcee para magperform. May hawak na gitara si Nicka kaya nakaupo siya samantalang kaming tatlo naman ay nakatayo.
"Open eyes, through the waves cut through me." kanta ko habang nakangiti.
"Hypnotized, by the sounds I'm breathing in." si Jill.
"Hold tight, hold tight, chemicals collide." si Meisha.
"Hold tight, hold tight, hold tight" kaming tatlo.
"Tripping lights, paint the skies, all because of youuu" si Nicka.
"Tripping lights, paint the skies, only youuu" kaming dalawa ni Jill.
"Can make me moovee, you, you, you make me mooovee" si Meisha at Nicka.
"You make me mooovee" kanta naming tatlo.
Natapos namin ang kanta at nag group hug pa kami. Ang saya sa pakiramdam na nakakasama mo ang mga kaibigan mong gawin ang mga bagay na gusto mo. Pagdating namin sa backstage ay naghawakan kami at nagtatatalon.
"Yieeeeee!!" sigaw naming apat.
"Ang galing natin girls!" masayang sabi ni Meisha.
"Oo nga and as usual gandang-ganda na naman sila sa boses natin." ani naman ni Jill.
Pagkatapos ng pagpuri namin sa aming sarili ay nagsibalikan na kami sa table namin.
Nagsimula ang sayawan at wala akong pakialam sa paligid ko, nakatingin lang ako sa sahig. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Lalong-lalo na si Jill, alam kong nasaktan siya ng makita niya nakayakap sakin si Rain. Kailangan kong maipaliwanag sa kanya ang nangyari.
Humarap ako kay Jill at akmang kakausapin siya na sana hindi ko nalang ginawa. Nakita ko kung paanong niyaya ni Rain na makipagsayaw si Jill sa kanya. Nasasaktan ako pero kailangan kong maging masaya para sa kaibigan ko.
'Ginusto mo yan diba?! Kaya tiisin mo Sheira!! Namnamin mo ang sakit'
Parang gusto kong manlumo nang nakangiting tinanggap ito ni Jill. Dapat maging masaya ako para sa kaibigan ko pero di ko magawa. Parang sinasaksak ang puso ko habang pinapanood sila. Inaamin kong nagugustuhan ko na rin si Rain. Pero ayaw kong saktan ang kaibigan ko.
'Ang martir ko na ata'
Di ko nalang sila tiningnan at akmang lalabas ulit ako ng pinigilan ako ni Nicka.
"Opss! Saan kanaman pupunta?" taas kilay niyang tanong sakin.
"Lalabas sana uli—"
"Di pwede! Dito ka lang, baka kung ano pang mangyari sa'yo,"
Napabuntong-hininga nalang ako at umupo ulit. Alam kong nag-aalala lang siya sakin kaya dapat sumunod ako. Buryong-buryo na talaga ako at parang gusto ko ng umuwi.
"Can I dance with you?"
Di na ko nag-expect na may magyaya pa sakin pero mas di ko ineexpect ang taong nasa harapan ko ngayon at niyaya ako. Briemar Alteria, my crush when I was in Grade-8. Wala na kong feelings sa kanya ngayon because it's been 2 years. We became friends back then pero noong pinagchismisan ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay ako na ang lumayo. Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinasaksak ako ng patalikod and to avoid it kailangan kong dumistansya sa kanya. Until then ay hindi na kami nag-usap.
'Ngayon lang'
"Are you sure?" nagtatakang tanong ko.
He just smirked and nodded. Friends naman kami noon so walang malisya kung makisayaw ako sa kanya. Pero ang inaalala ko ay ang mga babaeng nakaaligid sa kanya. But in this time, I don't care. Gusto ko ding matapos ang gabing ito na may nakipagsayaw sa akin.
Ngumiti siya ng malaki nang tinanggap ko ang alok niya. I take his hand and stand up. Nakita ko naman sila Meisha at Nicka na nakatingin sakin ng may panunukso. Nalimutan kong nandito sila.
Pumunta kami sa harap at inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya, nilagay niya din ang kamay niya sa bewang ko. And we slowly waved our bodies. I really felt embarrassed, lalo na't ang daming nakatingin sakin.
Tiningnan ako ni Briemar ng may pag-aalala tila alam niyang nahihiya ako bagama't di ko ito pinapakita.
"This is kinda awkward" he almost whispered.
"A-Ahmm yeah"
"Don't worry, this is just a friendly dance. Pakitunguhan mo nalang ako tulad ng dati noong magkaibigan pa tayo,"
Siguro nga tama siya, I shouldn't make it hard for him na pakisamahan ako. So I smiled at him at ganon din ang ginawa niya.
We talked about our lives noong di na kami nag-usap. And nalaman kong nalungkot siya ng sobra dahil don, I should've considered his feelings bago ko siya nilayuan. Pinaalam ko din sakanya kung bakit ko ginawa yon. Sorry tuloy siya ng sorry kahit di niya naman kasalanan.
Pagkatapos ng kuwentuhan namin ay tumahimik ulit kaming dalawa. Feeling the music.
This night I've realized that I've fallen for Rain but I denied it. Just to make my friend happy eventhough I'll be the one whose gonna be hurt.
Pinikit ko ang mata ko when I feel a sudden pain in my heart. In the choices between to fight and to sacrifice, I choose to sacrifice. At sana di ko yon pagsisihan.
When I opened my eyes, I was shocked because he's staring at me. Nasa likod lang ni Jill si Briemar at magkaharap naman kami ni Rain. Nakatingin siya sakin ng blanko pero andaming nais ipahiwatig ng mga mata niya.
'They say that the best feeling is when you look at someone and they are already staring at you, but in my case, he's staring at me blankly, it was like he's saying that I'm already free'

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Howard Domingo

    a good day for school

    19d

      0
  • avatar
    Christoph Famisaran

    🥰🥰🥰🥰🥰

    17/06

      0
  • avatar
    Melen Emit Nobleza

    haggsvshzhvshshsknsksnzjsgusvshuzbakakanakznsbuzbsjzksnsksmskihavzhuzbsjzjzbgzhabsiznsnozzbusvajsjzvhzhabskznzjsjzgvshauzvsbajsbbzgzgvskanzjizvagJanabczaoanBuzvzvkzabhzvavjzbzbzhiznakakvVzhzvvsbajzhavakbanUzgvajaizvnaakgavagHajabagUHbyxkh injabajbshsjavagvakziznbayvacjavzjkznshgsvanakzjvayzgacanzkshavvazjhavajzvvajahscuVabzufakabakzkmagcsajvsvauavahhavuakbsoanzhgabakhamshcaiansvusvaugaknamzigsvsjsgfaackabkgczjacyajavaujzvsucaksbiagscaguagancsuabjsigscyahavajugaccag tx shonsbizgcacusgajsihanzisgc

    16/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất