logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 7

---
Sana all may label
---
KALAHATING oras na akong late sa trabaho. Masama din ang gising ko dahil sa pasyenteng inoperahan ko kahapon. I was so frustrated lastnight because of that. Limang oras kami sa operating room. May dalawang segundo sa buhay ko na dumaan sa isip ko na hindi ko na maiililigtas pa ang buhay ng batang inoperahan ko. Nawalan ako ng pag - asa lalo na nang marinig ko ang pagtigil ng tibok ng puso nito sa heart monitor. Paano kapag si Althea ang nasa sitwasyon nito susuko ba ako kapag nawalan na din ako ng pag - asa sa kanya?
Dahil nasa sitwasyon ako ng mga oras na iyon. I did my best to save my patient's life not because it's my job but because he deserves to live in this cruel world.
It was an exhausting 5 hours of my life. Inabot kami ng gabi bago naging succesful ang isinagawa naming operasyon. Hindi iyon ang unang beses na ginawa ko iyon. Ngunit iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng takot na baka hindi ko ito mailigtas. I felt an unfamiliar feeling that time. Tuwing may operasyon ako iwinawaglit ko sa isip ang lahat ng problema para hindi iyon makasama sa konsentrasyon ko but that day was really different to me. I felt bad for myself.
Parang hindi ako naging propesyonal. Inisip ko nalang na baka dahil hindi na ako madalas nakakatanggap ng operasyon kaya kinakalawang na ako. Paulit ulit ko lang iyong ipinapasok sa utak ko ng makauwi ako haggang sa makatulog ako.
Ang masama nalate pa ako. Mula ng pumasok ako sa kompanya ni Karrick ay lagi akong maaga para lang masilayan siya.
Kahit late ay wala akong pakialam na umupo sa sariling cubicle. Naghanap ako ng gagawin pero wala. Natapos ko iyon noong sabado.
Narinig ko ang pagsitsit ni Irish. Sigurado akong siya iyon kahit hindi ko lingunin. Malamang na nagtataka siya kung bakit ako nalate ngayon. Alam niyang may pasok ako kahapon sa hospital kahit wala akong day off maaga parin akong pumapasok.
Ngayon Monday lang ako pumalya tapos hindi ko pa nakita si Karrick kaya lalong sumama ang umaga ko. Wala pa akong kain simula nang umuwi ako kagabe. Natatakot akong maging kalansay at hindi na ako gustuhin ni Karrick.
Mamayang lunch siguro ay lalamon ako ng madami.
Patuloy sa pagsitsit si Irish. Ayoko siyang lingunin. Naghanap uli ako ng gagawin binuksan ko ang PC. Nagkunwaring may pinagkakaabalahan doon pero ang totoo ay tulala parin ako.
Hanggang dumating ang lunch break.
"Anong problema mo. Hindi mo ako pinansin kanina, bruha" sita sa akin ni Irish.
"Anong meron?" sabi ng sumulpot na si Ara. Nakabalik na ito galing sa isang linggong leave niya. Para ngang ganda ganda ng aura hindi gaya ko. Parang gusto ko na ding humingi ng leave. Kakayanin ko kayang hindi makita si Karrick?
Bagsak ang balikat na naglakad ako sa counter ng canteen.
"Hoy! Bakit nga? Anong drama mo d'yan" sabi ng makulit na si Irish. Buti pa siya may love life. Kailan ba kasi ako liligawan ni Karrick. Matagal na din akong nagpapalipad hangin sa kanya. Hindi manlang makaramdam. Sana all may label. Kahit wala naman talagang namamagitan sa amin.
"Baka kasi nalate siya at hindi nakita si Sir kaya ganyan. Bakit ka ba nalate, Meszia, first time yun ah" usisa ni Ara. Tinapik tapik pa ako.
"Wala" tipid at nakasimangot na sabi ko. Mabuti nalang at hindi na sila nag - usisa pa. Sanay na sa pabago bago ng mood ko.
Tahimik lang kaming kumain. Paminsan minsan ay nag - uusap ang dalawa.
Nakabalik na kami sa kanya kanyang cubicle ay tulala na naman ako. Kahit anino ni Karrick ay hindi ko parin nakikita. Maging si Aldous na sekretarya niya ay wala. Malamang may meeting na dinaluhan.
Bakit ngayon pa. Kailangan ko siya para gumanda ang araw ko. Nangalumbaba ako.
"Meszia. Pinapatawag ka ni Sir Karrick" sabi ng kaopisna ko na kalalabas lang 'ata sa loob ng opisina ni Karrick.
Tumayo ako bigla at nagulat naman ito. Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Ara. Nasa likod ko lang kasi ang cubicle niya.
Pero wala akong pakialam kung nagulat ito sa pagtayo ko. Si Karrick lang talaga ang makapagbabalik ng sigla ko.
Inayos ko ang nakalugay na buhok at nagmamadaling pumunta sa opisina nito. Kumatok saka binuksan na ang pinto kahit wala pa ang pahintulot niya. Akala ko nasa business meeting sila ngayon. Nandito pala siya at hindu lumabas. Napansin ko ang mga tambak na files sa center table nito.
Nakita ko agad siya na nakatayo malapit sa table nito at may kausap sa cellphone. Nakita niya ako kaya sinenyasan niya akong upo sa may L-shape sofa. Lumapit naman ako sa itinuro nito at excited na umupo habang hinihintay siyang matapos sa kausap. Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw nito, kung paano ito magsalita at ang paghagod niya ng buhok niya pati ang matipunong katawan ay hindi pinalagpas. I rested ng head in my hand.
Isang pitik ng daliri ang gumising sa nananaginip kong utak. Nasa harap ko na pala siya. Kunot noo itong nakatingin sa akin. Nagtataka sa nangingiti kong mukha kahit wala namang nakakatuwa.
'Crazy'
Narinig ko pa ang pabulong.
Umupo siya sa harap ko. Tinignan niya ako ng matagal. Ngayon lang ako napipilan sa kanya.
"Bakit? I mean, bakit niyo po ako pinatawag, Sir" magalang na sabi ko. Syempre baka maturn off siya lalo sa akin kaya dapat lie low muna ako ngayon. Napatawa ako sa isip.
Napataas kilay naman siya.
"I need a date tomorrow night" saad niya.
Pakiramdam ko nasa gitna ako ng maraming tao at pulos sila nagtitilian para sa akin. Kung pwede lang tumalon talon na ako dito ngayon.
Niyaya niya akong magdate!
"Don't get it wrong, woman. Remember, Dr. Gutler? It's his birthday tomorrow he wants me to bring you there as a date. I don't have a choice. Isa siyang bagong investor sa bagong car dealings ko. I don't want to make a bad impression. Tutal ikaw ang nagsabi sa kanya na may relasyon tayo. You didn't even give me a chance to deny it to him that day." inis na sabi nito. Parang iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Ang mapadikit sa kanya.
Ang haba ng sinabi niya. Iyon ang unang beses ko siyang narinig na magsalita ng mahaba.
Kahit ano pang sabihin niya. Masayang masaya ako ngayon nabawi ang ng lungkot ko ang sinabi niya. Kahit si Dr. Gutler pa ang nagsabi. Magpapasalamat talaga ako ng malaki sa kanya!
Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"And about the car I bought. I was informed na nasa address mo na ang sasakyan ko. Someone will fetch my car there" imporma niya. Tumango lang ako. Wala naman sa akin ang susi non. Nalaman ko lang na nadoon na sa park ng condominuim ko pero hindi binigay yung susi sa akin malamang nasa kanya.
Okay lang sa akin na kunim niya iyon. Kunin na din niya amg lahat sa akin. Haha.
Malawak parin ang ngiti ko. Kagat labi pang nagpipigil ng tili. Mas lalo tuloy siyang nagtataka sa itsura ko.
"Are you okay?" kunwari concern lang siya iniisip na naman siguro niyang nababaliw na ako.
"Ayos lang" mahinhin kong sabi. "Anong oras mo ba ako susunduin sa condo ko? Saan ba yung venue?" mahinhin paring tanong ko.
Tumikhim ito.
"I didn't say na susunduin kita. Magkita nalang tayo sa Hermosa Hotel at eight o'clock in the evening"
"Ha? Dapat sabay tayo do'n magtataka si Dr. Gutler kapag nakita niyang hindi tayo sabay dumating doon" Ano ba yan. Naisahan niya ako.
Ewan ko ba kung natawa siya o ano.
"Woman. Listen to me. First, your not my girlfriend to demand. Second, remember this is just a set up ikaw ang gumawa ng gulong ito. Kapag nandoon na tayo pigilan mo 'yang sarili mong magsalita nang kung ano ano. I hate the way you talk. Lastly, Don't interrupt me again and do things that is againts my will." masungit na sabi niya.
Againts his will? meaning yung akala ni Dr. Gutler na kami? Wala naman akong sinabing boyfriend ko siya hindi sa akin nanggaling iyon. Sinakyan ko lang.
"Okay! uhm.. ano palang susuot ko. Dapat match tayo" excited na sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili nanipakita dito.
May iba pa itong sinabi at pinaalalahan siyang 'wag gagawa ng ikagagalit nito kung hindi  daw ay patatalsikin niya ako sa trabaho. Tumango tango lang ako na parang isang masunuring bata.
Tumayo ito at bumalik sa table niya.
"Get out"
Get out. Aso lang.
"Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain dito?" tanong ko na may kasamang lambing.
"Ms. Aldrich if you won't get out. Baka totohanin ko ang sinabi ko kanina" banta niya.
Dalidali naman akong lumabas bago pa niya ako sesantihin. Hindi mawala ang ngiti ko buong araw. Nagtataka ma sila Irish at Ara sa pagbabago ng mood ko. Nagkaideya ma siguro sila kung bakit.
Pakanta kanta pa akong umuwi sa bahay at nagpalit bago pumasok ulit ng apat na oras na duty sa hospital. Nagpaalam din ako sa Director namin na hindi ako papasok bukas ng gabi dahil may date ako. Natawa naman ito at pinayagan ako agad.
***

Bình Luận Sách (308)

  • avatar
    QuiabangAki4012

    update na po please

    28/06

      0
  • avatar
    redSpicy

    Ganda... Kaso di PA tapos hehe

    15/02

      1
  • avatar
    Lyn Mae Collamar

    pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac

    05/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất