logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chasing Karrick

Chasing Karrick

HeraValderrama


Kabanata 1

"HOY babae. Ano tutunganga ka nalang diyan sa tapat ng elevator" sabi ng kaibigan at katrabaho kong si Irish. Kinutusan pa ako.
"Ano ka ba. Wala ka bang orasan, Irish" Bumaling ako dito. Tsaka maaga pa para magsimula sa trabaho no. Kaya nga maaga akong pumasok para abangan ang taong yun dito sa elevator. Nagpapasalamat ako at nasa harap lang ng elevator ang cubicle ko. Kahit na hindi ko siya makita 'lagi, makita ko lang siyang papasok at palabas ng elevator ayos na sa akin. Para na akong nasa cloud nine buong araw.
"Nako. Ewan ko sayo" Umiiling ito habang sinasabi iyon.
Hindi ko siya pinansin at tumingin muli sa elevator para mag-abang. Minsan na nga ako makasilay may kokontra pa talaga.
"Tigilan mo na si Meszia. Kahit naman anong gawin mo, patay na patay pa rin yan kay Sir Karrick. Ang gwapo kaya ni Sir" sabi naman ni Ara na kinikilig pa. Sinamaan ko siya ng tingin na ikina bungisngis nito.
Aba't aagawan pa ako ng isang ito. Sabagay halos lahat ng kababaihan dito ay patay na patay sa Boss nila kahit masungit at may pagkasuplado ito. Umaabot kasi ng 100 degrees ang hotness. Nakakatakot lang kapag nagagalit dahil titiklop ka. Pero baka kapag ako ang sinigawn nito kiligin pa ako.
I dreamily looked at the elevator na parang nandoon ito.
"Dear God! Dalhin mo na yan sa Psychologist bago pa mabaliw dito, obssess na ang lola niyo" ani Irish na parang isang malaking kalokohan ang ginagawa ko. Hindi pa ba sila sanay halos umabot na sa isang taon ko na itong ginagawa. Okay, aaminin ko, awtomatiko na talagang napapatingin ako sa elevator kapag naririnig ko ang pagbukas niyon, kahit na hindi siya ang sakay niyon. Aaminin ko na, totoo ang sinabi ni Irish, obssess na nga siguro ako kay Karrick.
Inasar -asar pa ako ng dalawa bago nila ako iwan sa cubicle ko.
Sakto naman na bumukas ang elevator kaya agad akong tumayo. Lumabas doon ang gwapo nilang boss na si Karrick Zeffier.
OH MY GOSH! Ohh gee !
Mamaya ko na pupunasan yung laway ko. Kumabog bigla ang dibdib ko ng masilayan ito ng tuluyan ang gwapong mukha nito. He's with his usual office attire. Nakapamulsa ito at diretso ang tingin walang pakialam sa paligid.
Inihanda ko ang ngiti at unang binati si Sir Karrick. Bumati naman ang ibang employee kasama ng dalawang kaibigan ko.
Tulad ng dati hindi na naman lumingon sa kanila nakasunod dito ang secretary nito.
Nanghinayang naman ako nang hindi siya lumingon. Magtataka pa ba ako, sa tagal ko dito ay kahit isang sulyap nito ay hindi ko pa naranasan.
"Oh anyare sayo, kanina ang saya saya mo ah. Kahit ikaw ang unang bumati kay sir hindi 'yan lilingon sayo" pang-aasar ni Irish saka ako tinalikuran ulit gusto lang talaga akong asarin.
Hinila ko naman ang buhok nito.
"Aray ko, Bakla! Bagong rebond ko pa to lastweek ha"
"Pake ko naman" Inirapan ko s'ya
"Asar ka naman. Joke lang sabi ko nga sayo gayumahin mo na si Sir Karrick baka pumatol pa sayo" tumawa pa ito at patakbo ng pumunta sa sarili nitong cubicle kaya hindi ko na siya nagawang mahabol pa.
Kaasar talaga siya. Tumingin muna ako sa pinto kung saan pumasok si Karrick. Nagflying kiss pa ako doon bago umupo. Ayos na sa akin na makita ko siya ngayon araw, gaganahan na ulit akong magtrabaho.
Magiging akin ka din. Just wait!
----
NAGMAMADALI akong tumakbo papasok sa kompanya kung saan ako nagtatrabaho.
Nakakainis ang traffic kanina muntik pa akong magalit sa taxi driver kanina kung bakit kasi sa kabilang lane ito dumaan na ipit tuloy sila sa traffic. Kung hindi ba naman nasira ang sasakyan ko hindi ko na sana kailangan pang magtaxi ngayon.
Hawak ko ang pares na heels ko sa kamay. Wala akong pakialam kung nakatingin ang mga kasamahang empleyado doon. Kahit nakayapak ay hindi ko alintana ang lamig ng tiled floor basta makasabay ko lang si Karrick sa elevator masaya na ako!
Panay din ang tingin ko sa suot na wrist watch. Sa ganitong oras ay naka sakay o naghihintay pa si Karrick sa pagbukas ng elevator.
Hinalungkat ko sa bag ang company ID ko at mabilis na isinuot sa leeg, kailangan pa kasing icheck ng security personnel kung employee ka bago ka papasukin.
Natanaw ko agad si Karrick Baby na saktong papasok na sa elevator. Biglang nagrigodon ang puso ko dahil nakaabot pa ako. 'Buti nalang tinanggal ko ang heels ko kung hindi baka 'di ko na naman s'ya naabutan.
Dagli ko'ng pinigilan ang pagsara ng pinto. Napasulyap naman s'ya sa'kin. At sa kipkip kong heels sa dibdib. Pero parang balewala ako dahil diretso na ulit ang tingin nito sa harap.
Gusto ko tuloy magpagulong - gulong sa sobrang kilig. Thank you lord ang bait mo talaga!
Nginitian ko ito kahit hindi siya nakatingin. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator. Kinagat ko ang ibabang labi para maiwasan ko ang pagtili.
Nang marealize kong hawak ko parin ang heels ay ibinaba ko 'yon para isuot na uli.
"Aray"
May paltos na ako, kaya dahan - dahan ko 'yong sinuot.
Nang matapos ay nag - angat na ako ng tingin.
Tinignan ko s'ya. Nakatingin pa rin ito sa harap at nakapamulsa. Ang gwapo talaga!
"Good morning, Sir" hindi ko mapigilan ang sarili at binati ko ito. Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga animo nagpapacute. Kinikilig talaga ako dahil malapit lang kami sa isa't isa.
Parang mag-isang lang ito sa elevetor dahil hindi manlang pinansin ang pagbati ko. Okay lang, sanay naman na ako.
Ngunit sadyang makulit talaga ako kayo hindi ko na naman napigilan ang sarili.
"Uhm. Kumain ka na ba?" walang kwentang tanong ko. Gusto ko lang kunin ang atensiyon niya.
Hindi pa rin ito nagsalita.
"May dala akong lunch baka gusto mo" sabi ko ulit.
"Free ka ba mamayang gabi?" Tanong ko ulit nang hindi parin niya ako tinatapunan ng sulyap.
Nagbukas ang elevator ay hindi pa rin ito nagsalita.
Lumabas ito ng hindi man lang ako nililingon!
"Sandali!" pigil ko dito.
Naiwan ako sa elevator na bagsak ang balikat. Nakakainis!
Ilang buwan ko din 'tong ginagawa pero wa epek parin!
Pumadyak - padyak ako na parang bata sa elevator bago tuluyang lumabas.
Sumalubong naman sa akin si Irish na  humahagikgik. Nakita siguro nito ang nangyari.
Sinimangutan ko ito.
"Ilang libro na ba ang nabasa mo para lang mapaamo si Sir Karrick. Kung ako sayo bumalik ka nalang sa hospital, Doc" pang - aasar nito sa'kin.
Bagsak parin ang balikat na naupo ako sa sariling cubicle.
"Irish. Mahal ko pa rin s'ya kahit anong mangyari. Tinadhana kami para sa isa't - isa. Alam mo 'yan" madramang sabi ko dito.
"Baliw" sabi nito na hindi pinatulan ang drama ko sa buhay. "Magtrabaho ka nalang d'yan. Hindi 'yung lagi ka lang maaga para makasabay s'ya sa elevator. Nandito ka para magtrabaho hindi para lumandi" sabay bagsak sa mesa ko ang makapal na files. Ang sakit talaga niya sumampal ng realidad.
"Ang dami naman nito!"reklamo ko. Kailangan ko ba'ng itype to lahat sa excel. Bakit ba ako napunta sa Finance Department.
Oo nga pala kasi nandito 'yung office ni Karrick Baby!
"May angal ka, bakla? Ginusto mo 'yan. Panindigan mo" sabi pa nito. Napasimangot ako.
Wala ako'ng nagawa kundi gawin ang trabaho ko.
"Laters, darlin' " paalam sa'kin ni Irish. Tumango lang ako dito bilang sagot.
Kahit sobrang pagod ay nagtrabaho parin ako.
Isang taon na akong regular employee dito. Hindi ko minsan pinangarap magtrabaho bilang isang office girl sa isang kompanya. Ang totoo'y isa akong Doctor.
Ngunit dahil patay na patay ako sa long time crush ko na si Karrick Zeiffer ay iniwan ko ang pagiging Doctor ko para mag - apply dito at makita s'ya araw - araw.
Aaminin kong nakakapagod na din ang maging isang Doctor. Hindi ko kinaya ang sunod - sunod na operasyon. Para lang akong robot na walang pakiramdam at nagtatrabaho para lang sa sarili halos naging tirahan ko na din ang hospital kung saan ako nagtatrabaho.
Hanggang sa makita ko si Karrick sa isang interview n'ya sa TV. Katatapos ko lang no'n sa apat na oras na operasyon. Naiisip kong kumain sa canteen ng hospital dahil wala pa akong kahit anong kain nang magsimulang dumagsa ang mga pasyente.
Lalagpasan ko na sana noon ang pinagkakaguluhan ng mga nurse pero napatigil ako sa pangalan na binanggit ng host.
Doon muling bumilis ang tibok ng puso ko ng makita muli si Karrick sa TV habang ini-interview ng isang sikat na TV host. Seryoso ang mukha nito doon.
Wala akong naiintindihan sa mga tanong ng host dahil kay Karrick lang ako nakatingin. Nakatutok sa kanya ang camera kaya malaya kong nakikita ang pagbabago sa mukha niya. Mas lalo itong naging gwapo sa nakalipas na taon na hindi ko ito nakita. Nawala na ito sa isip ko sa dami ng nangyari sa buhay ko.
Matapos ko siyang makita ng araw na 'yon kahit sa TV lang ay nagresearch ako tungkol dito. Isa na pala itong bilyonaryo. Ang pinaka batang bilyonaryo sa bansa at the age of 27. Naging successful ito tulad ng inaakala ko noong college palang kami.
Dahil siguro naging busy na ako sa mga seminars, training at ilang medical missions ay nawala ito sa isip ko.
Nafeature ito sa front magazine at mayro'n akong kopya, may mukha rin ito sa mga billboard na gustong - gusto kong daanan lagi.
Minsa ay naglalaan na ako ng oras para abangan kung may interview pa siya pero wala. 'Yon pala ang una at huli nitong interview sa sikat na TV Host. Puro business lang naman nito ang usapan nila sa interview na 'yon at hindi personal na buhay nito.
Tulad noong college sila ay wala paring nagbago sa ugali nito, seryoso parin.
Naging inspirasyon ko ito tuwing papasok ako noon sa trabaho ko bilang Doctor.
Siguro ito ang dahilan para kumuha ako ng break mula sa trabaho ko.
Kaya agad akong nagfile ng resignation ng malaman ko 'ding hiring sila sa finance department sa kompanya nito.
Mula sa pagkakalumbaba ay nagising ako sa pagday daydream ng dumating ang babaeng pakialamera.
"Hoy, lunchtime na may balak ka bang  hintayin si Boss. 'Wag ka nang umasa hindi kumakain 'yon"
Inismiran ko ito at tumayo na. Kinuha ko ang wallet at cellphone sa bag. Kami nalang pala ang nandoon sa floor.
Sabay kaming naglakad sa elevator. Inabala ko ang sarili sa cellphone, tinignan ko kung may email, hanggang sa makapasok kami sa loob.
Hindi nagtagal ay sumara ang elevator. Wala akong email kaya pumunta ko sa gallery at tinitigan nalang ang mga litrato doon.
Mahina akong siniko ni Irish. Hindi ko siya pinansin. Siniko pa uli ako pero hindi ko siya pinansin.
Nakaka - istorbo siya.
Mas lumakas ang pagsiko niya sa'kin na ikinainis ko. Ang sakit ha!
"Ano ba Irish! Kita mong nakatitig ako sa litrato ni Karrick Baby. 'Wag ka ngang distorbo!" angil ko dito
Tinignan ko siya ng masama. Ngumiwi naman ito na parang ewan. Tapos ginalaw pa ang mata na parang may sinesenyas sa harap namin. Bumaling naman ako doon.
Lumawak ang ngiti ko ng makita si Karrick sa harap namin. Nandito s'ya!
Tumabi ako dito yung medyo malapit lang. hehe
"Hi. Kakain ka na ba? San ka kakain sa canteen ba o sa restaurant? Pwede ba akong sumama? Wag kang mag - alala libre ko. Hindi ikaw ang magbabayad" kinikilig pa ako habang magkasiklop ang palad sa likod ko.
Alam ko ang kapal ng mukha ko. Hindi man lang ako nahiya.
Hindi ko pinansin ang  pagtirik nang mata ni Irish sa mga pinagsasabi ko.
"Naku Sir! Pasensya na po! Pasensya na talaga may saltik po talaga 'tong babaeng 'to. Napabayaan sa mental kaya lumala. Sorry po sa distorbo" may payuko yuko pang sabi nito sabay hila sa akin ni Irish papunta sa pinakagilid ng elevator para ilayo kay Karrick.
Ngayon ko na nga lang nakita si Karrick na lumabas pipigilan pa ako.
Pinilit kong kumawala dito at lumapit kay Karrick.
"Ano na 'san tayo kakain ha? Kahit saan okay lang sa'kin" Nasa harap na niya ako. Kumunot naman ang noo nito.
"Who are you, woman?" What? Hindi n'ya ako kilala?
I felt ang pang in my chest, pero mabilis ko ding binalewala.
"Hala! hindi mo na ako kilala. Ilang buwan na tayo'ng nagsasabay sa elevator hindi mo parin ako natatandaan. Ako 'to si Meszia, hindi Messy, hindi Zia kundi Meszia kung ayaw mo pwede namang baby nalang" malawak ang ngiting sabi ko kinindatan ko pa s'ya.
Sinubukan ko lang yung line na binasa ko sa internet baka tumalab. Sana nga tumalab.
Hinila na naman ako ni Irish at humingi ulit ng pasensya kay Karrick.
Nakakasira s'ya ng diskarte!
Bago pa ulit ako makalapit dito ay bumukas na ang elevator at lumabas ito.
"Crazy woman" narinig ko pang sabi nito.
Crazy for you! hihi
Pinalo palo ako sa balikat ni Irish. Sobrang nakakahiya daw yung ginawa ko. Hanggang sa makarating kami sa canteen ay wala itong tigil sa pagsermon sa akin sa ginawa ko daw na kahihiyan.
Kahihiyan ba 'yon. Wala naman akong naramdamang kahihiyan do'n. Mas kinilig pa nga ako.
Hindi ko alintana ang masakit na balikat dahil sa pagpalo nito kanina dahil masaya ako. Sobrang saya ko at nasilayan ko na naman siya!
Titili sana ako pero madaming tao sa condo ko nalang siguro itutuloy.
Natapos kami sa pagkain ay bumalik na kami agad sa taas para ipagpatuloy ang trabaho.
Nakangiti parin ako habang ginagawa ang trabaho.
***

Bình Luận Sách (308)

  • avatar
    QuiabangAki4012

    update na po please

    28/06

      0
  • avatar
    redSpicy

    Ganda... Kaso di PA tapos hehe

    15/02

      1
  • avatar
    Lyn Mae Collamar

    pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac

    05/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất