logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER FIVE

HISTORY
****
Pagkatapos akong ayusan ng buhok ni Clara ay sya namang paglapit ni Helen upang ayusin ang aking damit. Hinayaan ko na lamang sila at tahimik silang tiningnan.
Limang araw na ang nakalipas simula ng umalis si Shaji para pumasok sa Arcanthel. Iyon ang pangalan ng akademya, nabalitaan ko rin na itinalaga mona siyang bantay sa aking kapatid. Mabuti na naman. Ang kaso ngalang hindi ako nakatakas sa responsibilidad ko bilang prinsesa.
Kung natakasan ko si Shaji, para sana maglakwatsa. Ang pangangaral naman ni Carmen ang hindi ko matakasan! Gosh, tulad ngayon. Inaayusan nila ako para lang sa study lesson ko. Hindi naman ako papasok sa school, diyan lang naman sa library. Pambihira..
"Tapos na ba?" Nakasalubong ang kilay kong tanong.
Hindi ako maldita ah, sadyang naiinip lang ako. Mukha namang nasanay na ang tatlo sa papalit-palit kong ugali. Wala na rin akong bantay dahil sa pamimilit ko kay ama. Nangako ako dito na mag-eensayo at hindi aalis sa tabi ng maids ko. Syempre, eme ko lang 'yun.
"Opo, prinsesa. Excited ka na ba sa bagong pag-aaralan mo ngayon?" malambing na tanong ni Helen.
I just nodded my head and jump out the chair. On cue, Carmen appeared.
"Mahal na prinsesa! Hindi ka dapat tumalon, hindi iyan–"
"gawain ng isang prinsesa... I know, okay." Pagpatuloy ko sa sasabihin nito.
Napabuntong-hininga naman ito at tumango. Habang ang dalawa ay nagpipigil ng tawa. Kailangan ko nang sanayin si Carmen sa pabigla-bigla kong mga galaw. Baka mahimatay siya pag nakita niya akong nagsplit.
"Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan, prinsesa." Bulong niya. Nagkibit-balikat na lamang ako.
Naglakad ako patungo sa pintuan, mabilis namang binuksan iyon ni Clara kaya nagpasalamat ako sakaniya.
"Thank you, Clara."
"Walang anuman, prinsesa."
I started walking in this long hallway. Some of the guards na nagpapatrol ay napapayuko para galangin ako, same with other maids. Syempre, gaya nga ng utos ni Carmen ay binati ko din sila pabalik. Ngayon lang 'to kapag tumanda na ako bahala kayo diyan.
Hehe.. ang sama ko ba? Parang hindi rin.
When we reached the library, Mrs. Fina my reading instructor greet me. I have five instructor to be exact and this woman is the first one. I remember her as my milk feeder. Eksakto din kasing nanganak ito at sakaniya ako pinadede. Grabe ang tutol ko nong malaman kong magbebreastfeed siya. Like eww– do I really need to? But in the end kahit anong hindi ko ay no choice ako. Kesa naman na magutom ako at mangayayat. Gross! Ayoko nang maalala, feeling ko nabastos ako.
"Magandang araw sa'yo, your highness." tumango ako.
"Anong ituturo mo ngayon?" seryoso kong tanong.
Honestly, simula nang tumuntong ako ng five years old ay nagsimula na silang turuan ako. Nakakapagod dahil hindi ko naman iyon naranasan sa dati kong buhay. Dahil ang mga batang nasa edad ko hindi tinuturuan ng etiquette lesson kundi ABC or Numbers. Dapat nga sa mga oras na ito ay naglalaro ako! Ugh, life is sucks!
"Ah! Wala na akong ituturo na lenggwahe at alpabeto sa'yo mahal na prinsesa, dahil mabilis kang matuto." puri nito saakin.
"Kaya naman ang pag-aaralin natin ngayon ay ang history." sabi niya at inilabas ang kayumangi na libro.
Kahapon ang itinuro niya ay tungkol sa language at alphabet. Those two are different from the language in earth. Kaya nung una medyo nahirapan ako, but in the end I manage naman. Pinuri pa ako nina Helen at Clara na isa daw ako prodigy. Sus, matanda lang talaga ang utak ng inaalagan niyo.
"Babasahin ko po ba iyan lahat?" tanong ko dito, ngumiti naman siya.
"Hindi na prinsesa, ako na lamang ang magkukwento para sa iyo."
That's good. Nakakapagod kayang magbasa. Noong nasa highschool ako, never akong nag-aral ng mabuti. Syempre, iba yung path na pinuntahan ko eh. Mas ginaganahan ako kung pambubully ang gagawin.
"Ang lupang kinatatayuan natin ngayon at ng iba pang kaharian ay tinatawag na Midgard. Ito ang pangalan ng ating kalawakan. Sa Midgard makikita ang walong kaharian na may iba't-ibang lakas at lahi. Isa sa mga kaharian na iyon ay ang Argus Kingdom, iyan ang pangalan ng kaharian ng mga tao. Sila ang mga taong kakaunti lang ang mana o kapangyarihan. Ilan sakanila ay pamilya ng Hari at royalties. At kahit iilan lang ang biniyayaan ng mana ang mga tao naman roon ay magagaling sa larangan ng pangangaso. Maituturing na palaka-ibigan ang mga naninirahan roon."
Wow, parang ang unfair. Pero parang hindi sila nagkakalayo sa mga tao sa earth.
"Maliban sa Argus ay may-iilan ding kaharian ang nakapalibot sa buong kalupaan ng Midgard. Pangalawa dito ay ang Solar Kingdom, sila ang kaharian na napupuno ng maraming mineral. Sagana sila sa pagkain at sila ang pangunahing lugar para sa kalakalan." tinaas ko naman bigla ang kamay ko.
"So, your saying na mas marami silang ginto kesa dito sa kaharian natin?"
"Ah..eh, hindi ko masasabi, princess pero parang ganon na nga." Alinlangan nitong sagot.
Wow! Kung mas marami silang ginto dapat pala akong pumunta dun. Jackpot pala eh! I smirked.
"Ehem..you may continue."napatango naman ito.
"Maliban sa Solar at Argus kingdom, meron ding Neva Kingdom. Ang Neva Kingdom ay napupuno ng tubig at naglalakihang mga bundok. Ang mga tao na naninirahan roon ay pawang tubig lamang ang kapangyarihan. Palagi ring umuulan sa kaharian ng Neva dahil sa pinaniniwala nilang biyaya ito galing sa Dyosa. Ito raw kasi ang luha ng Dyosang si Eva."
Ay weh? Palagi bang broken hearted ang d'yos na yun? Mabuti hindi sila binabaha.
"Kung ang Neva Kingdom ay napupuno ng tubig, mayroon ding sa apoy. Ang mga taong naninirahan sa kaharian ng Thaem ay mayroong kapangyarihan ng apoy at earth elemental, minsan lamang umulan dito dahil sentro sila ng tag-init. Sila ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa buong Midgard. Habang ang Valor Kingdom ang taga-pangalaga ng ating kalikasan. Sila ay mga elf at dwarves."
Omg! Elf and dwarves they are real?
"Legit ba yan?" Komento ko.
Nalilitong napatingin si Mrs. Fina saakin.
"Ano pong legit, Mahal na prinsesa?" I waved my hands.
"Never mind, you may continue." I said.
"Masusunod, prinsesa. Ngayon naman ay ang Estheria Kingdom. Ang kaharian kung saan nakatira ang mga witches and sorceress. Kakaunti lamang ang impormasyon tungkol dito dahil hindi naman pala-kaibigan ang mga witches. Ngunit, ilan sakanila ay nagtatrabaho saatin. Iyon ngalang ay hindi sila nagbibigay ng impormasyon, wala ding tao ang nakakaapak sa kanilang kaharian. Isa pa ang mga witches and sorcerers ay tinaguriang tapat na nilalang dito sa mundo ng Midgard."
Eh? Akala ko ba ang mga witches ang tinaguriang mapanglinlang na nilalang? They are famous in my world for being evil and cunning.
Bigla kong naalala si Shaji. Kahit hindi nito sabihin kung ano siya ay alam kong nabibilang ito sa kaharian ng Estheria. Paano ko nalaman, siya kaya ang nagsabi. Akala niya siguro hindi ko siya maintindihan kasi one year old palang ako. Aba, masyado siyang kampante.
"Hindi naman magpapahuli ang kaharian ng Archantel. Dito nakatayo ang nag-iisang akademya para sa mga mandirigma, royalties, mga batang witches, sorcerer, elf o kahit sino. Meron din naman tayong paaralan dito pero nabubukod tangi parin ang Archantel. Dahil masayahin ang mga taong naninirahan roon. Sagana rin sila sa mineral, inang kalikasan, pagkain at iba pa–"
"Ah, so tinaguriang perfect kingdom sila. I can't wait to go there!" Masayang sabi ko
"Yes you will, princess. And the last kingdom is of course, our kingdom of Asgard, isa rin ito sa pinakamalakas at tinaguriang pinakamaganda. Kahit na isa o dalawang beses lamang ang tag-init ay kinagigiliwan parin ito ng mga manlalakbay—Napangiti ka, prinsesa? Pwede ko bang malaman kung bakit?"
"Naalala ko lang kasi kapag darating ang aking kaarawan ay bigla nalang uulan ng nyebe. Pakatapos tatagal pa ng dalawa o higit pang tatlong buwan bago mag tag-init." I said while sighing.
Yes, it's true. Hindi ko alam kung sadya ba 'yun o coincidence lang pero kasi... nakakaumay na. Char! I love winter, pero ayokong nilalamigan–that's in my past life again.. dahil ngayon kahit gusto kong lamigin ay hindi ko magawa. Siguro dahil ipinanganak ako sa lugar kung saan umuulan ng nyebe o baka dahil sa dugong bughaw na meron ako. My dad–the king Coleus is an ice user, his power is wind and ice. Habang ang panganay kong kapatid ay ice at destruction while the other one is water and ice elements.
While me– wag na kayong magtanong. Hindi pa ako sigurado kung iyon na ba talaga. Basta magaling akong gumawa ng snow ball at bear.
"Siya nga prinsesa, iyon ang palatandaan ng iyong kaarawan. Oras na ipakilala ka na ng hari sa lahat ay malalaman nila kung bakit especial ang araw ng mga nyebe."
Bakit naman naging especial ang araw na 'yon, eh kasabay iyon ng pagkamatay ng aking ina. Ibang klase..
Hindi na lamang ako umimik at pinagmasdan ang librong hawak niya. Napakunot ang noo ko, sigurado ba syang panghuli ang Kaharian namin? Meron pa kasi akong nakikitang kaharian na nakasulat sa libro.
"Mrs. Fin, hindi yata panghuli ang Asgard. May tatlo ka pang hindi nababangit." Inosenteng tanong ko sabay turo sa maliit na dot.
"Huh! H-hindi panghuli na iyon, prinsesa. Sa ngayon ay tapos na ang aking pagtuturo. Maari ka ng pumunta sa susunod mong klase."
Natataranta nitong sabi.
Mukha namang napansin iyon ng tatlo dahil mabilis nila akong nilapitan. Inalalayan ako ni Carmen at mabilis na yumuko.
"Halina po kayo, prinsesa. Naghihintay na ang susunod mong guro." Nakangiti nitong sabi.
Lihim akong napairap. Ghad! Ang next lesson ang pinaka-nakakainis! Idagdag pang sobrang strikta ng gurang na iyon! Mas malala siya kay Carmen.
Kung pwede lang na i-ditch ko siya ay ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil ang hilig nyang magsumbong sa hari! Nakakainis.. sumbongera!
"Hindi ba natin pwedeng palitan iyang si Ms. Waila?" Nakasimangot kong tanong dito.
Parehong umiling sina Helen at Clara habang si Carmen naman ay tumawa ng bahagya.
"Natatakot kaba sakaniya, prinsesa." agaran naman akong umiling.
"No! Why would I, nakakasawa lang ang kanyang tinuturo! Alam ko naman iyon lahat!" Dahilan ko.
Sa lahat pa talaga kasi ng ituturo iyong kabisadong-kabisado ko na. Etiquette lesson, my ass.. I was born being maarte at the same time badass. Kaya easy lang iyon saakin. Ang nakakairita lang ay ang pagiging mayabang ng babae.
Nakakasama pa ng loob dahil bawal ko siyang barahin dahil sinusumbong niya ako kay papa. Okay lang naman eh, pero kasi kapag nalalaman ito ng hari ay hindi ako pinapayagang lumabas!
Reflect on my sin daw..
Kaya hindi talaga maari! Titiisin ko nalang ang walang kwenta niyang lessons kesa mawalan ulit ako ng KALAYAAN!
My ghad!

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    ValeJayvee chester

    thank you

    23h

      0
  • avatar
    Ce ELa Shi

    🤙🤙

    20d

      0
  • avatar
    Moncatar Jhayrun

    cool

    22/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất