logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

PIGIL ni Laila ang hininga habang dahan-dahang binubuksan ang pinto sa backdoor sa kusina.
Ala-una na nang madaling araw at tiyak na tiyak niyang nagpapahinga na ang lahat ng tao sa mansyon lalo na’t alam niyang pagod at puyat ang lahat dahil sa naging sagutan nila ng Daddy niya pagkagaling sa party na ginanap sa mansyon ng mga Villones.
Nang iwan niya ang mga magulang at kapatid sa family room at kahit nang makapasok na siya sa silid niya ay dinig na dinig pa rin ng dalaga ang galit na galit na pagsisigaw at pagmumura ng kanyang Daddy. Ilang beses din siyang sumilip sa labas ng sariling silid nang makarinig nang pagbagsak at pagkabasag ng kung ano. Walang dudang nagwala talaga ang Daddy niya.
Kaya hayun ang dalaga, sinamantala ang pagkakataon at ang sariling emosyon para maglakas-loob na mag-alsa balutan na ang dala lang ay isang malaking duffel bag kung nasaan ang kanyang mga damit at backpack kung nasaan ang kanyang mga importanteng gamit gaya ng mga dokumentong kakailanganin niya para sa sarili, pera at ang kanyang laptop.
Nakasuot si Laila ng itim at plain T-shirt, itim ring pantalon na tinernuhan ng itim na rubbershoes habang ang kanyang buhok ay nakatali sa ilalim ng itim na sombrero para matakpan ang kanyang mukha na tinakpan rin niya ng itim na mask.
Nang sa wakas ay maingat at walang tunog na nabuksan ni Laila ang pinto sa kusina ay dahan-dahan siyang sumilip mula roon at inobserbahan ang paligid kung mayroon ba doong bantay sa labas. At nang makasigurado ang dalagang walang tao sa likod-bahay ay nakahinga siya nang maluwag bagaman may nararamdaman pa rin siyang kaba sa kaliwang dibdib.
Nag-aalala siya. Paano kung mahuli siya? Siguradong ikukulong siya ng Daddy niya kahit sabihin pa niyang matanda na siya at mayroong sariling buhay sa labas ng mansyon bilang isang guro sa pampublikong paaralan. Tiyak niyang madali lang na magagawan ng paraan ng ama ang mga bagay na gaya niyon lalo’t sa simula pa lang naman ay tutol na ito sa mga naging desisyon niya para sa sarili.
Puno nang pag-iingat na nilakihan ni Laila ang pagkakabukas niya ng pinto upang makadaan siya at nang maingat na makalabas mula sa kusina ay dahan-dahan at pigil din niya ang hininga habang isinasara iyon at nagdadasal na walang pumasok sa kusina mula sa loob o di kaya ay hindi makagawa ng kahit anong ingay ang pagsasara niya ng pinto niyon.
Bitbit ang duffel bag at sukbit sa balikat ang may kalakihan niyang backpack ay nagpalinga-linga si Laila saka dahan-dahang gumalaw sa dilim paalis sa pintuan at nagkubli sa mga halaman na nasa paligid lang ng mansyon.
Mabuti na lang mahilig sa mga halaman at mga puno si Mama dahil kung hindi mas mahihirapan akong magtago para maghanap ng madadaanan. Ni hindi ko alam kung paano ako makakalabas, aniya sa isip habang malikot ang mga matang nagmamasid.
Matamang tinitigan ni Laila ang paligid mula sa kinaroroonang likod ng puno na nakatanim hindi kalayuan sa harap ng mansyon kung saan naroon ang halos lahat sa mga security guards ng ama niya. At dahil maliwanag sa parteng iyon ay alam na kaagad niya sa sariling imposibleng doon siya makakahanap ng daan palabas.
It’s either I go inside again and let this thing happens to me or I shoud try to climb on the walls, sumasakit ang ulong pagkausap niya sa sarili kasabay nang paglinga-linga sa paligid habang naghahanap ng mababang parte ng mataas at batong bumabakod at naghihiwalay sa mansion sa kalsada sa labas.
Ilang sandali pa ay napakunot ang noo ni Laila nang may mapansin siyang isang bahagi ng pader na hindi kalayuan sa kinaroroonan sa harap ng pinto ng kusina sa likod-bahay kung saan siya lumabas.
Weird, aniya sa isip. Mayroong hilera ng mga namumulaklak na halaman sa parteng iyon ngunit sa gitna niyon ay mayroong dalawang malalaking paso na natatamnan ng bulaklak ng gumamela ang naligaw.
Puno ng kuryusidad na iniwan niya ang duffel bag sa likod ng puno at maingat na kumilos papunta sa paso ng mga gumamela at tinitigan iyong mabuti.
Bakit nandito ‘tong mga ito? tanong ni Laila sa sarili kapagkuwan at dahan-dahang hinila ang isa sa mga paso. “Ang bigat!” nakangiwing mahinang saad niya habang hila-hila ang paso at ganoon na lang ang naging panlalaki ng mga mata niya nang may makitang butas doon na kasyang-kasya ang isang tao!
Oh my God! It’s a secret passage! Tuwang-tuwang impit pang napatili ang dalaga saka mabilis ang kilos na bumalik sa likod ng puno para kunin ang duffel bag niya at tingnan na rin kung mayroon bang bantay ang naglalakad palapit sa direksyon niya at papunta sa likod-bahay. “This is the time when I can say that it’s a good thing that our house is a mansion. It’s huge that someone has to run first before he can come to the backyard,” mahinang sabi niya sa sarili na may matagumpay na ngiti sa mga labi.
Nang makatiyak na ang mga bantay ay nananatili sa kani-kanilang mga puwesto sa harap ng mansyon at walang pakalat-kalat malapit sa punong pinagkukublihan ay agad na umalis doon si Laila at binalikan ang butas na magiging escape door niya. Mabuti na lamang din dahil may kadiliman sa bahaging iyon at tanging sa harap lang ng masyon may ilaw.
Kung bakit may butas doon at kung sino ang may gawa niyon, ayaw nang isipin pa ni Laila. Ang mahalaga ay mayroon siyang madaraanan para sa kanyang pagtakas. Agad na ibinaba ni Laila ang duffel bag na dala at inilusot iyon sa butas at itinabi niya sa gilid. Muli siyang nagpalinga-linga kapagkuwan at ang suot na backpack naman ang inalis sa likuran niya para ilabas din doon. Mabilis ang tibok ng puso niya habang ginagawa iyon kaya may halong pagmamadali ang kanyang mga kilos. At nang matapos ay nakahinga siya nang maluwag. Ngayon, sarili na lang niya ang kailangan niyang ilabas.
Maingat na iniurong ni Laila palayo sa butas ang isa pang malaking paso na naroon upang walang maging sagabal sa kanya at hindi siya sumabit sa mga dahon at bulaklak ng gumamela at lalong lumuwang pagkakangiti niya nang mapagtantong malawak din pala ang pagkakabutas sa pader, kasya na roon ang may kabilugang katawan ng kung sinumang nais dumaan.
Kasunod ay yumuko na siya at inilusot ang ulo upang masilip ang nasa labas ng pader. Maliwanag sa kalsada sa tulong ng mga lamp post na nasa gilid ng daan bukod doon ay tahimik ang paligid at walang katao-tao.
Napalunok si Laila. Kaya ko bang lumabas sa kasagsagan ng dilim? Parang hindi ko yata kaya, aniya na napahawak sa kaliwang dibdib nang maramdaman niyang kinakabahan siya.
Ano ba Laila? Umalis ka na bago pa may makapansin sa’yo, kontra naman ng isang bahagi ng isip niya.
Para namang iniaadya nang pagkakataon na bigla siyang nakarinig nang kaluskos at mga yabag at dahil nakatalikod si Laila mula sa loob, kinain ang buong sistema niya ng kaba at takot na baka mahuli siya nang kung sinumang mga parating. Kung kaya naman, wala nang pagdadalawang-isip pang agad siyang gumapang palabas sa butas sa kabila ng pader.
Paupong sumalampak si Laila sa gilid ng kalsada nang makalabas na siya mula sa bakuran ng sariling tahanan.
Gusto sana muna niyang maupo pa roon kahit sandali lang upang kalmahin ang sarili subalit mula sa kanyang kinauupuan ay malinaw na naririnig ni Laila ang dalawang taong nag-uusap patungo sa likod-bahay. Sa mga iyon marahil galing ang mga yabag at kaluskos na narinig niya.
“Hindi ko alam kung bakit tayo nag-iikot pa, eh,” narinig niyang reklamo ng isa sa mga lalaki. Napatakip ng bibig si Laila nang hindi sinasadyang mapasinghap siya, mabuti na lamang dahil sa tingin niya ay hindi naman iyon narinig ng dalawang nag-uusap at tila hindi pa rin napapansin ng mga ito ang butas na dinaanan niya.
Sana nga hindi nila mapansin ang butas, piping hiling ni Laila habang dahan-dahang hinila ang sarili papunta sa gilid ng pader kung nasaan ang mga gamit niya.
“Naku, trabaho natin na maglibot-libot sa malawak na lugar na ito kahit gabi. Huwag ka ring magreklamo dahil dito tayo kumukuha nang pampakain natin sa pamilya natin,” ani naman ng pangalawang lalaki.
Bahagyang yumuko si Laila at pasimpleng sumilip sa butas na nasa gilid lang niya at nanlaki ang mga mata niya nang makitang isa sa mga lalaki na tiyak niyang mga bantay nila sa mansyon ay nakatayo patalikod doon.
Natatarantang agad tumayo si Laila at isinukbit sa mga balikat ang backpack niya at binitbit ang duffel bag na may kabigatan saka malalaki ang hakbang na lumayo doon. Hindi puwedeng may makakita sa kanya. Hindi siya puwedeng mahuli ng mga guards.
Bilisan mo ang lakad, Laila, aniya sa sarili habang naglalakad nang may halong pagmamadali at walang lingon-likod na iniwan ang kinagisnang tahanan baon ang sama ng loob sa dibdib niya at takot para sa magiging konsekwensya ng ginawa niya.
Nang tuluyang makalayo at makakita ng pumapasadang tricycle na pangmadaling-araw ay agad na pinara iyon ni Laila.
“Saan tayo, Ineng?” tanong ng may-edad ng driver ng tricycle.
Inayos naman muna ni Laila ang sarili sa loob ng tricycle at maingat na niyakap ang backpack niya saka sumagot. “Sa terminal po tayo ng bus.”
Ilang minuto din ang itinagal ng biyahe ng dalaga hanggang sa makarating sila sa terminal.
“Magkano ho?” magalang na tanong ni Laila nang makababa at mailabas ang dalang gamit mula sa sasakyan. Napansin niyang sinisilip ng matanda ang mukha niya sa kabila ng sombrero at face mask na suot kaya naman mas lalong ibinaba ng dalaga ang sombrero hanggang sa hindi na makita ng matanda kahit ang mga mata niya.
“Singkuwenta, ineng. Malayo din kasi ‘to mula sa pinagsakyan mo kanina tapos solo ka lang,” sagot ng matanda kapagkuwan.
Agad naman niyang inabot ang bayad dito. “Salamat po.”
“Salamat din. Saka mag-iingat ka, Ineng. Baka kako di ka sanay bumyahe nang mag-isa na sakay ng bus,” paalala ng matanda.
Natigilan si Laila ngunit hindi na siya nagkomento pa sa halip ay tinanguan na lamang niya ito saka agad na tumalikod at naglakad palapit sa mga bus na nakaparada.
“Heto na ‘yon, Laila. Kakawala ka na talaga sa marangyang buhay na nakasanayan mo,” bulong niya sa sarili habang tinitignan ang mga bus na mayroon ng mangilang-ngilang mga pasahero. “Kayanin mo, utang-na-loob. Kayanin mo.” Kasabay niyon ay ang pagpatak ng isang butil ng luha sa mula sa kanyang mga mata na agad din niyang pinalis bago umakyat sa isa sa mga bus na naroon.
There’s no turning back, now. Magbabago na ang lahat at makakalayo na siya.
Iyon ang akala ng dalaga.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    YuGabriel

    hi I love to read this coming Thursday ok lang

    18d

      0
  • avatar
    Rhydian Chan

    very noice

    06/11

      0
  • avatar
    EligarcoSetty

    very good

    05/07/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất