logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Pagdating ko sa kuwarto ay nag-shower na muna ako.
“Okay na okay ka na Jane. Okay na okay ka na.” Kausap ko ang aking sarili sa harap ng full size mirror habang pinapatuyo ang buhok. Bearable pa naman yung sakit ng tiyan ko ngayon at siguro nga ay tama si Vangie na kung iinuman ko ito ngayon ng gamot ay wala ring bisa since nakainom nga ako. Kailangan ko lang sigurong mag-fetal position sa pagtulog para medyo maibsan ang sakit.
Before I close my eyes ay umusal muna ako ng munting panalangin.
“Good night world, good night, Lola. Sana patuloy mo lang po akong gabayan. Thanks to you at naibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko noon.” Muli akong naluha nang maalala ko si Lola Mystica. She’s the greatest blessing na natanggap ko all my life. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya.
Ngayon ngang wala na siya ay medyo masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya pero lagi niyang sinasabi sa akin noon na hindi ako pwedeng maging malungkot. Wala daw akong karapatan maging malungkot dahil nasa akin daw ang lahat ng karapatan para maging masaya.
As I closed my eyes ay parang may malamig na hangin na dumapo sa bandang noo ko. Hindi ko na ito pinansin dahil iginupo na ako ng antok.
I was running and he is holding my hand so tight! No, we were running together! What the f! Bakit nandito sa panaginip ko si Miguel? Yeah, alam kong nananaginip ako sa mga sandaling ito dahil blurred ang paligid. Ang malinaw lang ay ang mga bulto namin ni Miguel. Why are we running? Anong meron?
Pakiramdam ko rin ay lumulutang sa ere ang katawan kong mahimbing na natutulog kasabay ng walang tigil na pagtakbo namin ni Miguel. Ramdam kong nakaangat ang katawan ko sa kama.
What the f is happening to me? Half of my mind ay nagsasabing nananaginip lang ako at tumatakbo nga kasama si Miguel but then the other half is saying na tulog ako at nakalutang nga sa ere ang katawan ko.
Bigla bigla ay naramdaman ko na lamang na muli akong bumagsak sa kama. But I chose to still shut my eyes na waring inaanalyze ko pa kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.
Am I dreaming while I am floating in the air? Paano kong nalaman ang mga bagay na yon? Is it because of my subconscious mind? Wala na rin ang sakit ng tyan na nararamdaman ko bago ako makatulog. I heard my room’s door opened pero parang wala akong sapat na lakas para bumangon kaya’t pinagpatuloy ko nalang ang pakikiramdam. My eyes are still shut closed.
The door got closed again. The next thing I knew ay may isang malaking katawan na ang nakayakap sa akin.
My heart beats fast at parang ito ang nagbigay sa akin ng lakas. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ng kung sinuman na Pontio Pilatong ito at sinipa siya paalis ng kama ko.
Blag!
Dali-dali akong tumayo para buksan ang switch ng ilaw at huwag na kayong magtaka kung bakit ako nagulat pagkakita sa lapastangan na pumasok ng kuwarto ko, “Sheet! Migz?! What are you doing here in my room?!” Inis kong bulyaw pagkalapit ko sa kanya.
Nakasalampak pa rin siya sa de-tiles na sahig at tila may iniindang sakit. “Ahhhh. Aray…” Aniya habang hawak hawak ang left arm and leg niya.
Napangiwi ako dahil mukhang malakas yata ang pagkakasipa ko at hindi naging maganda ang pagkakabagsak niya sa sahig. Tinulungan ko siyang tumayo at maka-upo sa kama. Amoy ko ang matapang na alak sa hininga niya. Nalasing yata siya dahil sobrang pula ng mga pisngi niya at parang hindi niya na kayang buhatin ang sarili niya. “Sige, alak pa.” panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
“Tss….”
“Bakit nandito ka sa kuwarto ko?” wish ko lang ay may makuha akong sagot sa kanya. Sa lagay niyang ito ngayon, malabo.
“Hikaw, baket ka hik- nandito? Kuwarto namin ni.. burp.. Mirasol dito hah!”
“Abnormal. Sa room A kayo!” singhal ko sa kanya.
“Baket?” medyo napalakas ang boses niya. Lasing na nga talaga siya. Hahaha! Ang sarap niyang picturan.
“Room A naman hito hah! Hito kaya yung yung una!”
Ay, tanga. Wala na, tinamaan na nga talaga ang magaling. Bago kasi ang room A ay ang kuwarto ko muna.
“Ewan ko sa’yo. Tara na, ihahatid na kita sa kuwarto niyo.” Sinubukan ko siyang tulungang tumayo pero wala eh…. Ang bigat niya masyado!
“Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz……..” narinig ko na lang na humihilik na siya habang nakaupo.
Siya lang ang may kakayahang gumawa nun. Nakaupo habang nakakatulog.
Ang cute!
Sinita ko ang sarili ko at inayos na lamang ang pagkakahiga niya sa kama ko.
Hay naku ka talaga, Miguelito Ruiz. Iinom-inom hindi naman pala kaya.
Lumabas na lang ako ng kuwarto ko at dun na lang ako kina Liza tatabi.
Natanaw ko sa pool si Ken. Nakahiga siya sa isang bench doon. Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang maglakad papunta sa kuwarto niya which is Room C. Medyo mabigat din itong si Ken pero nakokontrol pa naman niya yung katawan niya kaya medyo hindi ako nahihirapan.
“Isa ka ring wasted. Iinom-inom nang sobra, hindi naman pala kaya. Gagawin kang fried chicken ng mga lamok dun sa pool area.” Sabi ko sa kanya habang patungo kami sa kuwarto niya.
“Ang dami ko talagang nakita kanina. Mga lima sila. Tatlong babae, dalawang lalaki.” Kinilabutan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
“Siguro kanina ka pa may amats dahil kung anu-ano na ang nakikita mo. Hahahha!” Pagdating namin sa kuwarto niya ay nagpaalam na ako. “Good night Ken. Sleep well.” Sabi ko at dumerecho na ako sa kuwarto nila Liza at Ruth.
Naiiling nalang ako. Hindi na sila nakapag-lock marahil ay dahil sa kalasingan. Kunsabagay ay wala namang problema dun dahil kami kami lang naman ang nandito. Ako nga din pala ay nakalimutang mag-lock kaya napasok tuloy ako ng masamang ‘bangungot’.
‘Bangungot talaga Jane? Bitter na bitter lang ang peg kay Miguel ah.’
Haha, hindi naman masyado konsensya. Tseh!
Tulog na tulog na ang dalawang hitad pero ginising ko pa rin sila. “Liz, Ruth, uy!”
“Uhhmmmm…” Ungot nila pareho.
“Tatabi ako sa inyo ha. May asungot kasi na nanloob ng kuwarto ko. Tatanga-tanga namin kasi ako at nakalimutan ko mag-lock.” Sabi ko at siniksik ko ang sarili ko sa gitna nila.
Paminsan-minsan ay natatakot pa rin naman ako. Pero secret lang natin yun ah. Ha-ha. Walang ibang pwedeng makaalam na medyo natakot ako sa napaniginipan ko kanina at dahil dun sa sinabi ni Ken.
Ako na si Jane na matapang ngayon. Good night.
MADILIM pa nang muli akong magising. I checked on my wrist watch. It says 4:30 a.m.
Nature is calling actually kaya ako nagising. He-he. Nagtungo na nga akong C.R. to do my business.
Pabalik na sana ako sa kama nang matapat ako sa bintana at parang may nakita akong anino sa gilid ng mata ko.
I didn’t hear any sound but curiosity kills me kaya naman lakas loob pa rin akong lumabas ng room.
It’s Migz. Medyo kumalma ang puso ko. Tao naman pala ang nakita kong anino.
Papunta siya sa may tabing dagat.
At ako ‘tong si tanga ay nakasunod lang sa kanya.
Sumalampak siya sa buhanginan at tumingala sa kalangitan. Napatingala rin tuloy ako. Ang daming stars ngayong gabi! Nakakatuwa naman.
Lumapit na ako sa kanya at tumabi.
“Bakit ka nagising?”
Hindi muna siya sumagot sa tanong ko. Tinignan niya ako. Medyo mapungay pa ang mga mata niya. May amats pa siguro ‘to.
“Huy, tulog ka pa ba?” Tanong ko ulit at medyo siniko ko pa siya. Malay ko ba kung nag-sleep walk lang pala ‘to.
Ngumiti lang ang loko at pagkatapos ay humiga na siya sa buhanginan.
Sinita ko siya, “Huwag kang matulog dito. Baliw ka.”
“Na-miss kita.” Wika niya habang nakapikit.
Nagulat naman ako. Ako ba kausap neto? Nasa huwisyo na ba to?
“Huh? Pinagsasabi mo? Kilala mo ba ako?” Natatawa kong tanong sa kanya.
“Jane.” Wika niya habang nakapikit. Kilala naman pala niya kung sino kausap niya sa mga sandaling ito. Siguro medyo nahimasmasan na siya.
“Oh?” Sagot ko naman.
“Na-miss talaga kita.”
Talaga ba?
Gusto ko sanang itanong pero hindi na ako sumagot.
Itinakip niya ang kamay niya sa kaniyang mukha.
“Balik na ako sa kuwarto nila Liza. Ikaw rin, tumayo ka na diyan, doon ka sa kuwarto matulog.” Paalam ko sa kanya nang medyo kumalma na ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Ayokong bigyan ng malisya ‘yon. Baka nga na-miss niya lang ako as a friend. May fiancée na siya. I should always remind myself. Kailangan ko nang dumistansya sa kaniya. Ayokong makasira ng relasyon. I better go back sleeping. Bahala na kung makataluog pa ako ulit o hindi na dahil sa isiping ito.
Patayo na sana ako nang bigla niyang hilahin ang laylayan ng tshirt ko. “Dito ka lang. Saglit lang.”
“Problema neto?”
“Five minutes.” Anas niya.
“Okay, sige.”
Uto-uto ka girl.

Bình Luận Sách (70)

  • avatar
    Jed Cabalida

    wow nice

    3d

      0
  • avatar
    Matias Talleres Toto

    ididkd

    10d

      0
  • avatar
    Rica Calzado

    super happy and beautiful for me

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất