logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 4

Maliwanag ang gabi.
Malaki ang bilog na buwan na sumisinag sa maliliit na tatlong baryo.
Kung iyong pagmamasdan ay napakaganda ng paligid, hindi mo aakalaing ang mga nakatira roon ay hindi mga normal na tao.
Sa kubo nila Kadyo ay nagkakatawanan pa ang mag-anak habang nagkukuwentuhan. Bukas pa ang mga bintana dahil sa maaakit ka namang talagang tapunan nang tingin ang labas nito.
"Kadyo lumabas kaya tayo, napakaliwanag ng buwan at hindi nakakatakot ang paligid.."  sabi ni Emma.
Natuwa naman ang dalawang bata at namilit din sa pagyaya sa kanilang ama.
"Opo itay! Ang ganda maupo sa labas at tumingala sa langit! Hi-hi!"  sabi ni Aleli.
Sumilip muna si Kadyo sa bintana. At nang makitang may mga naglalakad pa sa daanan ay pumayag din ito.
"Yehey!"  Ang malakas na sigaw ni Aleli.
Nagtatakbo palabas ang dalawang bata.
Sumunod naman ang mag-asawang magkahawak kamay pa.
Pagdating sa labas ay agad na naupo ang dalawang bata sa upuang gawa sa malaking sanga ng puno. Habang ang mag-asawa naman ay nakatayo lamang sa tapat ng hagdan.
"Ang ganda ng paligid Kadyo, wala kang maririnig kung'di puro huni ng kuliglig..pero nakakapanibago rin dahil sa atin dati ay alon ng dagat ang mauulinigan mo," nakangiting banggit ni Emma.
Hinawakan ni Kadyo ang kamay ng asawa.
"Kailangan nating masanay dito, dito na magsisilaki ang mga 'yan.."  wika nito.
Pinagmasdan nila ang dalawang bata.
Si Aleli ay humiga pa sa upuan.
Nagmamasid lamang ang mag-asawa sa dalawa nilang anak, ngunit ang hindi nila alam ay may iba pa rin palang nagmamasid sa kanilang lahat.
Masarap ang pagtingala ng dalawang bata sa malaking bilog na buwan. Halos 'di nila alintana na bago lang pala ang paligid nila.
Hanggang sa..
( Krik! )
( Shhhig! Shhhig! )
"Hmn?!"
Nakapuna si Alfie nang paggalaw sa mga halamang nasa kanilang harapan.
( Shhhig! )
"Huh?! A -- ate!" 
Muli niyang nakita ang paggalaw, sa maliit na puno ng kalamansi naman ang sumunod.
"Ate --- ate ---"
Kinalabit nito ang kanyang ate Aleli.
Abala naman ang nangingiti pang si Aleli sa pagtuturo ng mga bituin sa langit.
At muli..
( Shhhig! )
"Ate!"  Ang sigaw na ni Alfie.
Sa sobrang libang sa pagtingala sa maliwanag na buwan at panonood sa mga taong naglalakad ay hindi napapansin ng mag-asawa ang pangungulit na pagkalabit ni Alfie kay Aleli.
Ngunit may isang bagay silang napansin.
"Kadyo, bakit kaya lahat sila naglalakad payuko, at halos nagkakabanggaan na dahil sa hindi nakikitang may kasalubong? O! Tingnan mo!" Ang turo ni Emma sa mga naglalakad.
Kumibit-balikat lamang si Kadyo.
Samantalang kasalukuyan nang dumudungaw ang mapupulang pares ng mga mata mula sa madawag na halaman at pati na rin sa maliit na puno ng kalamansi.
"Ate.."
Natakot si Alfie sa kanyang nakita.
Pilit kinakalabit ang kapatid.
"Ate.."
Mas lumalaki pa ang mga matang nakadungaw sa mga halaman at puno.
Palaki nang palaki.
Patakot din nang patakot ang nakakakitang si Alfie.
Hanggang sa..
"Ate.."
Napatingin si Aleli nang makarinig ng tunog ng umaagos na tubig.
"Ay! Ano ka ba bunso??! Bakit ka umihi sa salawal mo?!" 
Napatayo ito sa pagkakahiga. "Papanghe ka niyan! Magpalit ka nga! Pumasok na nga tayo!"
Inakay ni Aleli ang hindi makagalaw sa takot na si Alfie. "Natakot ka siguro umihi 'no?!"
Ang akala ni Aleli ay dahil lang sa basang salawal nito kung kaya at hindi makagalaw ang kapatid. Ang hindi alam ni Aleli ay naihi ang kapatid sa sobrang takot sa kanyang nakita.
Ngunit hindi man lang ito binanggit ni Alfie sa kanyang ate. Paika-ikang inakay ni Aleli si Alfie pauwi ng kubo.
Nang malapit na sa hagdan ang dalawang bata ay sinulyapan pang muli ni Alfie ang mga halaman.
"Bilisan mo! Tumutulo pa ang ihi mo!"  Ang sigaw ni Aleli.
Wala na ang mga mapupulang matang kanina lang ay nakatingin sa kanya.
Nagulat naman ang mag-asawang nakadungaw pa sa kabilang bahagi ng kanilang kubo.
Tinatanaw nila ang mga taong pabalik-balik na naglalakad.
"O bakit pumasok na kayo?!"  tanong ni Emma.
Umiiyak na si Alfie.
"Ito kasi inay! Umihi sa salawal!"  sagot ni Aleli.
"Bakit ka umiiyak?!"  tanong naman ng ama.
Umiling lamang ang anak.
"Halina nga at pumasok na tayo!"
Nagsibalik na ang mag-anak sa loob ng kubo.
Samantalang ang mga nilalang pala na nagmamasid sa kanila ay ang kanilang mga kabaryo.
Kanilang mga kabaryong naaakit sa kanilang masarap na amoy at sa maliwanag na sinag ng buwan.
At maging ang kanila palang pinanonood na naglalakad ay mga aswang na nagbibilad sa ilalim ng liwanag nito.
Magda's POV
Bilog ang buwan.
Siguradong nagkalat ang lahat at nagbibilad. Sana ay hindi mapatanaw sina Kadyo sa kanilang bintana at lumabas ng bahay.
Magugulat kasi sila at magtataka kapag nakita nila ang aking mga kabaryo na naglalakad nang payuko.
Ngunit walang panganib ngayon at akin itong naaamoy. Kung may magawi man sa kanila ay tatanaw lamang sigurado dahil sa kanilang kakaibang amoy. Ngunit hindi naman sila sasaktan ng mga ito.
Huwag nga lang sanang may makakita sa mga anak niya at siguradong matatakot.
Maging ang mga taga-tubig ay hindi makalalabas ng kanilang balwarte. Hindi nila makukuhang biktimahin ang aking mga alagad dahil sa nabubulagan sila nang maliwanag na sikat ng buwan, maging ang kanilang pang-amoy ay nadadamay nito.
Ito ang mga oras na hinihintay ng aking mga alagad. Wala kasi silang kalaban kapag dumarating ang bilog na buwan. Maging sina Kadyo ay hindi nila papansinin, maeengganyo lamang silang ang mga ito ay amuyin.
***
Naglalatag na si Emma upang makatulog na sila.
"Ano ba? Bakit ka ba natatakot maghugas sa kubeta eh ang liwanag ng buwan! Sasamahan naman kita eh!" naiinis na si Aleli dahil kanina niya pa kinukulit si Alfie na magpunta sa kubeta upang maghugas ng katawan dahil sa mapanghe na siya.
"Aleli, hayaan mo na siya anak, ako na lang ang kukuha ng tubig sa tapayan at nang mapunasan na lang siya.."  Ang malumanay na awat ni Emma.
Tumigil naman si Aleli at dumampot na lamang ng unan upang makahiga na.
Pagtapos naman maglatag ni Emma ay kumuha na ito ng puting labakara.
"Hmm...Maliwanag naman.." 
Napahinto pa ito dahil nag-iisip kung dadampot ba ng gasera.
"Huwag na siguro.."  At lumabas na nga siya na walang tanglaw, kung'di ang liwanag lang ng buwan.
Paglabas ay napansin niyang marami pa rin sa kanilang mga kapit-bahay ang naglalakad nang payuko.
"Bakit kaya --- kanina pa sila nakayuko at pabalik-balik lang?!"
Napailing na lang ito at tumalikod na agad upang magtungo sa kanilang kubetang nasa gilid ng kubo.
Lingid sa kaalaman ni Emma na sa pagtalikod niya ay napahinto ang ilan sa mga naglalakad sa tapat ng kanilang bakuran.
Naakit kasi ang mga ito sa kanyang mabangong amoy, lalo na ang bata sa kanyang sinapupunan.
Dahan-dahan ang mga ito na naglakad papalapit sa kanilang kawayang bakod.
Eksakto namang nakatapos nang magbasa si Emma ng labakarang dala at pabalik na ito sa loob ng kanilang kubo.
Ngunit laking gulat niya rin nang makita ang nagkumpulang mga nakayukong kapit-bahay niya sa kanilang kawayang bakod.
"Huh?! Bakit ---"
Lumakad pa siya konti papalapit upang tingnan ang mga ito at magtanong.
"Ma -- magandang gabi!  A--- ano po'ng kailangan n'yo?!" kanyang sigaw habang nanghahaba pa ang leeg sa pagsilip.
Ngunit habang sinisilip niya ang mga ito ay mas dumarami. Mas marami ang naaakit sa kanyang masarap na amoy.
"Bakit po? Kadyo! Kadyo!" paulit-ulit tinawag si Kadyo na nasa likod-bahay pala. "Kadyo!"
Nanatiling nakatayo ang ilan sa mga kapit-bahay nilang nakayuko.
Nang dumating si Kadyo ay ikinagulat niya rin ang nakita. "Emma! Bakit -- bakit nasa labas ka?! At -- " napakunot ang kanyang noo. "Bakit nariyan sila sa bakod natin?!" tanong nito.
"Hindi ko alam, tinatanong ko nga pero 'di naman sila sumasagot!" tugon ni Emma.
Medyo iba na ang pakiramdam ni Kadyo.
Dumarami na kasi ang mga sumusungaw sa kanilang bakod.
"Pumasok na tayo Emma..."
"Oo, baka nakakaistorbo tayo sa kanila at ayaw nila ng pinanonood.."
Inakbayan na ni Kadyo si Emma papasok sa kubo.
Pagpasok sa loob ay agad ikinandado ang kanilang pinto. Tatlong pako ang kanyang mariing ibinaon. Mga malalaking pako lang na may tali kasi ang nagsisilbing kandado nito, samahan pa ng alambreng nakapulupot. Maging ang mga bintana ay ganoon din. Ngunit panatag at sapat na ang pakiramdam na sila ay ligtas kapag nakakulong na sa kanilang munting kubo.
Nang matapos mapunasan ni Emma si Alfie ay nahiga na rin ang mga ito.
"Matulog ka na Emma, mamaya na lang ako.."  Ang sabi ni Kadyo sabay silip sa siwang ng bintana.
Nakita niyang naroon pa rin ang kanilang mga kapit-bahay at nakadungaw pa rin sa kanilang bakod.
"Ano kaya ang ginagawa nila Kadyo?"
Muling sumilip si Kadyo.
"Ewan ko Emma, siguro nakagawian na lang ng mga taga-rito kapag bilog ang buwan.."
Isang tingin lang ang isinagot ni Emma at nahiga na rin ito.
Hindi maipaliwanag ni Kadyo ang muli niyang nararamdamang kutob. Mga kutob na gumugulo sa isip niya mula nang dumating sila sa maliit na baryo ng Sanana.
Muli siyang nagpahuli sa pagtulog upang magbantay sa kanyang mag-iina.
***
Madaling araw.
Grawl!
"Huh?!"
Napabalikwas si Kadyo nang makarinig ng malakas na ingay sa bandang likuran ng kanilang bahay.
"Ano 'yon?!"
Agad niyang sinilip ang labas sa maliit na siwang lamang ng bintana.
Nakita niyang nagtatakbuhan na ang ilan sa mga kapit-bahay nila. Nagtatakbuhan ang mga ito na nakataas na ang mga mukha na kanina lamang ay halos magkabanggaan na sa sobrang pagkakayuko.
"May gulo ba? Bakit nagtatakbuhan sila?!"
Napaluhod pa ito upang iawang ng mabuti ang bintana. At napansin niya ring madilim na ang paligid dahil nagtago na ang kanina lamang ay malaking buwan.
"Wala na ako masyadong makita, madilim na.."
Magda's POV
Huh?!
Nagpipiyesta na sila!
Pagsilip ko ay nakita kong nakakubli na ang buwan!
Nasa panganib na ang buhay ng aking mga kabaryo!
Dinig na dinig ko ang kalam ng sikmura ng mga taga-tubig!
Kailangan nila ang tulong ko!
***
Nakaluhod pa rin si Kadyo habang nakasilip sa may bintana.
Graawl!
Muli niyang narinig ang kakaibang ingay.
Naglilikot na siya. Hindi na mapakali kung luluhod ba o tatayo.
Hanggang sa..
"Huh?!"
Napatingin ito sa kanilang silong.
Marahan siyang umupo at gumapang pababa rito.
At muli..
"Huh?! May --- may tao sa ilalim!"
Nanlalaki ang pilit idinidilat na mga mata upang makitang mabuti ang kanyang naramdamang gumalaw sa ilalim ng silong.
Marahan.
At marahan pa siyang gumapang at dumapa.
"Huh?! Sino ka??!!"
Ang kanyang sigaw nang makita ang isa sa kanilang kapit-bahay na nakadapa at tila may tinataguan.
"Sino ka??!!!"
Ngunit..
Graaawl!
Nagulat pa si Kadyo at napasadlak sa kanilang dingding nang makitang biglang may humablot dito.
"Hah! Hah!"
Habol ang kanyang hininga.
Sa kanyang pagkabigla ay hindi na nagawa pang sundan nang tingin ang kanyang nakita.
"Kadyo? Bakit?!"
Nagising si Emma sa malalakas at mabibigat na paghinga ng asawa.
"Huh? Emma! Wa --- wala, matulog na tayo!"
Agad niyang niyakap ang asawa at sinamahan sa paghiga.
"Kadyo binangungot ka ba? Pawis na pawis ka ah!" Ang pag-aalala ni Emma.
Hindi na sumagot  pa si Kadyo upang huwag na humaba pa ang kanilang usapan. Niyapos na lamang muli ang asawa at kinumutan.
***
Paglapag ni Magda ay agad sinalubong ang mga nagtatakbuhang kabaryo.
"Bilisan n'yo! Mauubos kayo diyan!" Ang kanyang sigaw.
Malayo siya sa bahay nila Kadyo kung kaya at hindi nila maririnig ang boses ni Magda.
Tumakbo ito nang mabilis.
Mabilis dahil hinahabol ang buhay ng iba.
Ngunit nang marating niya na ang lugar na malapit sa kubo nila Kadyo ay nag-ingat na ito.
Payapa na kasi ang  paligid at alisto na siya dahil malapit na ang gawi ng gubat na balwarte ng mga taga-tubig.
Marahan ang kanyang mga hakbang. Mga hakbang na animo ay pusang lumalakad na magaan ang mga paa.
At sandali pa nga at..
Graawl!
"Huh?! Sa gubat na!"
Malakas ang kanyang pandinig kung kaya at agad niyang nalaman kung nasaan ang isang nanganganib na alagad.
Mabilis itong tumakbo.
Tumalong mataas.
At nang ilapag ang kanyang mga paa sa lupa ay agad na sinunggaban ang inabutan niya pang nagpapambunong alagad niya at isang medyo bata pang taga-tubig.
Agad itong hinawakan ni Magda sa magkabilang braso mula sa likuran.
Graawl! Graawl!
Pilit niyang binabali ang dalawang braso nito sa pamamagitan nang paghatak patalikod.
"Agh! Um!"
Habang pilit pinipilas ang dalawang braso ng taga-tubig ay unti-unti niyang nilalabas ang kanyang matatalas na kuko, kasunod ang matatalas na mga ngipin.
Nag-umpisa na ring magbaga ang kanyang mga mata.
Graawl!
Nagpipipiglas na ang buong katawan ng taga-tubig. Pumipiglas dahil unti-unti nang napipilas ni Magda ang dalawang braso nito, at idinidiing mabuti ang kanyang mahahabang mga kuko sa laman nito.
At sandali pa nga at..
( Pshik! )
Graaaaawl!!
Tanggal ang magkabilang braso. Putol ito at sagad hanggang buto.
Graawl! Graaawl!
Gumagapang na lamang papalayo kay Magda ang taga-tubig na pilas na ang mga braso. Tanging mga malalapad na mga paa na lamang nito ang kanyang pinangsasagwan kasabay ang katawan.
Ngunit sadyang walang patawad si Magda kapag ang kanyang mga matatapat na alagad ang nasa panganib.
Ngunit sandaling natigilan ang tatlo.
Napatingala si Magda sa langit at nang makitang hinahawi na ng hangin ang nakabarang mga ulap sa buwan ay napangiti ang kanyang kalaban.
"Hmn...He-he.."
Graaaw! Graaawl!
Paulit-ulit humihiyaw ang taga-tubig.
Humihiyaw na tila humihingi ng saklolo.
Lumabas na kasing muli nang tuluyan ang liwanag ng buwan.
Ang liwanag ng buwan na kanilang tanging kalaban.
Ngunit ang tanging sandata naman para sa mga kalahi nila Magdang aswang.
Graawl! Graawl!
Ilang huling hiyaw at..
"Ump! Um!"
Tsaaaaaag!!
Graa..Graa -- aa!
Winakwak ng magkabilang kamay ni Magda gamit ang matatalas niyang kuko ang buong katawan ng taga-tubig.
Mga kukong singhahaba ng kanyang buhok at singtatalas ng bagong hasang labaha.
Umpisa sa mukha nito pababa sa kanyang mga paa.
Halos magtalsikan sa buong katawan ni Magda ang kulay putik na mabahong dugo nito.
Ang masangsang na amoy din nito ang dahilan kung kaya at hindi nilapa ni Magda ang kanyang kalaban.
"Hah! Hah!"
Labas ang lamang-loob at luwa ang mga mata.
"Ma -- Magda...maraming salamat.." Ang lapit sa kanya ng kanyang iniligtas na alagad sabay halik sa kamay nito.
At ang alagad na ito ay ang nakita ni Kadyo na nagtatago sa ilalim ng kanilang silong.
Muling nagbalik ang normal na anyo ni Magda.
"Halika na, umuwi na tayo.."
Sadyang walang kapantay ang lakas ni Magda.
Ngunit kumpara talaga sa isang sumisibol pa lamang na taga-tubig ay hindi tatama ang lahat sa kanya. At alam niya ring hindi ito ang una't huli.
"Kailangan nating mag-ingat.."
Dahil ang kanilang mga mortal na kaaway ay siguradong babalik upang sa kanila ay maghiganti, lalo pa't, isang bagong sibol lamang na taga-tubig ang kanilang napaslang, na ang ibig sabihin ay...
Darating pa ang mga magulang.
June_Thirteen

Bình Luận Sách (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất