logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

Mango.

Agie's P.O.V
"Agie,"
Kasunod niyon ay ang tatlong magkakasunod na katok mula kay mommy.
"Agie, ito na ang huling araw ni Bazi. Kahit ngayon lang naman sana ay magpakita ka sa lamay niya. Hindi mo naman kailangang magtagal, iparamdam mo lang ang presensya mo."
Hindi ko sinagot si mommy. Ayaw kong pumunta, hindi ko kayang humarap sa bangkay niya at harapin ang pamilya nito, lalo na kay Breazy.
Totoo naman kasi lahat ang sinabi ni Breazy. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana namatay si kuya Bazi. Dalawang taon itong na comma sa hospital, lumalaban sa buhay na kung tutuusin di dapat nangyari kung di dahil sa akin.
Mugto na ang mata ko kaiiyak maghapon, magdamag.Wala ng lumalabas na luha pero panay pa rin ang iyak ko.
Nakalock ang pinto ng kwarto ko at nasa akin lang ang susi. Lumalabas lang ako kapag kakain pero wala ring silbi kasi tutunganga lang ako sa pagkain, madalas di na rin ako lumalabas kahit oras na ng pagkain. Naghahatid dito si Yaya pero di ko pinapansin.
Tamad na rin akong mag-ayos ng sarili, magulo ang kwarto ko at lahat ng bintana isinarado ko. Ayaw kung makarinig ng kung anong ingay mula sa labas.
Hindi ko alam kung ilang araw o baka buwan na akong absent. Panay ang tawag at text nina Caroline, Jasmine, Yansea at Krystel pero hindi ko sinasagot ang mga 'yon. Dalawang beses na din silang bumisita sa bahay pero hindi ko sila nilabas. Ayaw kong makipagusap kahit kanino.
Wala na akong narinig na katok o salita mula kay mama. Bumaba na siguro at nagayos papuntang lamay..
Gumulong ako sa kama ko at sumubsob sa aking unan. Nag-uunahan na naman ang mga luha ko.
Patawarin mo ako kuya Bazi. Sana ako na lang ang namatay at hindi ikaw. Ang daya mo, sabi mo tuturuan mo akong lumangoy kapag natuto ka na.
Hindi ko na ulit napagilan ang hagulgol ko at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa hangin hanggang sa nakatulugan ko na.
Nagising lang ako ng makaramdam ako ng ginaw. Hinablot ko ang kumot ko pero giniginaw pa rin ako. Tumayo ako at pinatay ang aircon pero malamig parin, hindi ko nalang pinansin at nahiga ulit pero para lang mapabalikwas ng bumukas ang pinto bigla.
Nilock ko ang pinto, papaanong bumukas iyon? Kuya Bazi, ikaw ba 'yan, dinadalaw mo ba ako?
Tumayo ako mula sa kama at nagtungo sa pintuan. Sa harap ko mismo ay nakatayo ang lalaking nakasuot ng pamilyar na damit..,si kuya Bazi.
"Agie, magbihis ka ang baho mo na eh. Kukuhanan kita ng manga, diba gustong gusto mo 'yon?"
"K-kuya Bazi, you're alive?"
Mangiya-ngiyak na sabi ko at yumakap sa kanya. Panay pa rin ang iyak ko ng hawakan niya ako sa magkabilaan kong balikat at lumuhod para magpantay ang mga mukha namin, gaya ito ng lagi niyang ginagawa kapag umiiyak ako.
Nakangiti siya sa akin ngayon pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko.
"Bihis ka na, kukuha tayo manga. Saka wag ka na ngang umiyak, sabi ng pangit ka kapag umiiyak ka eh. Hintayin kita sa labas."
'yon ang huling sabi niya bago ako iniwan. Ako naman ay mabilis na nagtungo sa banyo para maligo, magtootbrush at magbihis.
Paglabas ko ng kwarto ay bihis na bihis na ako. Suklay na lang ang kulang.
Pagkasuklay ko ay mabilis akong nagtungo sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko si kuya Bazi.
Iba na ang suot niya ngayon. Nakabarong na siya.
"Bakit ganyan ang suot mo kuya Bazi? May okasyon? Saka papaano ka niyan makakaakyat kung ganyan suot mo."
Nang magtama ang mata namin ay malungkot na 'yon. Wala na ang ngiti niya. Anong nagyari? Pinagalitan ba siya ni nana soledad?
"Agie, pakawalan mo na ako. Masakit sa akin na iwan kayo pero pagod na ako."
"Ha? Anong sinasabi mo kuya Bazi? Saka saan ka ba pupunta? Pinapauwi ka na ba sa probinsya niyo? Don't worry, kakausapin ko si nana Soledad o si mang Dencio para dito ka lang."
I remember kasi one time na nasabi niya sa akin iyon. Kailangan daw ng mama nila ng kasama sa bahay nila sa probinsya.
"Agie.., makinig ka sa akin pagkatapos ay mangako kang pakawalan mo na ako."
"No! Hindi, hindi ka aalis dito sa bahay na 'to. Teka nasaan ba si Nana Soledad, kakausapin ko siya."
"Agie two years ago, nalunod ka sa private resort ng mga Sierra, sinubukan kitang iligtas pero pareho tayong dinala ng alon kaya prinotektahan kita para di mabagok ang ulo mo sa bato. Agie, makinig ka sa akin..."
Nang marealize ko ang sinasabi niya ay nagsimula akong umiyak. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa araw na 'yon at nagsimula na naman akong humagulgol.
"Sorry sorry kuya Bazi, I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako at pinatahan gaya ng ginagawa niya sa akin tuwing umiiyak ako.
"Shhh tahan na. Wag ka ng umiyak, wala kang kasalanan okay? Walang pumilit sa akin na gawin 'yon, ginawa ko 'yon dahil determinado akong iligtas ka at ngayon iyon ulit ang gagawin ko sayo. Kaya tahan na."
"Kuya Bazi, I'm sorry."
"Tahan na. Tahan na okay?"
Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig niya. Inaalo naman niya ako.
"Agie, bangon na at magbihis ka. Dalhan mo ako ng manga ngayon."
"Ha? Saan ako kukuha ng manga eh di naman ako marunong umakyat at..."
Napatigil ako ng mapansin kong wala akong kayakap, kasunod niyon ay mga boses ang naririnig ko.
Teka boses ni mommy 'yon? Si daddy? Saka si Yansea at si Kyler? Si Kyler? What is he doing here? Nagpapasok sina mommy at daddy ng di nila kilala dito sa loob ng kwarto ko at lalaki pa! What the hell is going on?!
Teka, natutulog ako eh. Wag silang istorbo! Wait? Ano natutulog?
Napabalikwas ako ng bangon at doon sumalubong ang mga may ari ng mga boses naririg ko kanina.
Totoong andito nga si Kyler?! Ang pagyakap sa akin ni mama ang nagpabalik sa alaala kong napag-usapan namin ni kuya Bazi.
Dahil doon ay napaiyak na naman ako pero pinilit kong wag umiyak dahil sabi niya pangit daw ako kapag umiiyak at ayaw kong makita 'yon ni Kyler.
Teka?! Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam kung anong tingin niya saakin. Tsk! Tsk!
"Mango. He said to me that he wants me to bring some mango to him right now."
"Agie what are you talking about? Anong manga? Ni wala kang kakain kain tas gusto mo ng manga?!"
Magkahalong galit at pagalala ang nahihimigan ko mula kay mommy.
"No mommy, kuya Bazi wants me to bring him a mango. He said bihis na daw ako at dalhan ko siya ng manga."
"But Agie.., did you forget? Bazi is already dead. Diba?"
"Mom, he told me to bring him a mango!"
"Of course Agie. We're gonna bring mango for him. Now go to your bathroom and clean yourself okay?"
Dad said. Masigla akong ngumiti dito at saka yumakap at hinalikan siya sa pisnge bago nagmamadaling pumasok sa banyo.
Pagdating sa bahay nina nana Soledad ay agad itong yumakap sa akin. Si mang Dancio ay tinapik ako sa balikat samantalang si Breazy ay walang imik at ni hindi nagbigay ng maski sulyap sa akin.
Nanginginig ako pero nilakasan ko ang loob ko. Bitbit ko na rin ang dala kong manga para sa kanya.
Nang makalapit ako sa kabaong ay himalang walang luha ang nahulog. Unti-unti ring gumagaan ang loob ko.
"Here's your mango now kuya Bazi. Ako ang umakyat niyan with the help of Kyler. Di mo naman sinabing kaibigan mo pala siya, sabagay tuwing nagkwekwentuhan kasi tayo laging tungkol sa akin, mga gusto ko, mga ayaw ko at mga pangarap ko. I will miss all those memories, thank you for always there to save me. I- if time give me a chance in my second life, I hope you will truly become my brother. Lagi mo pa rin sana akong gabayan kahit nasa heaven ka...kuya Bazi, I-i now set you free."
Nanikip ulit ang dibdib ko, himalang may luhang lumabas sa mga mata ko. Sinikap ko iyong tuyuin gamit ang daliri ko.
"Baz, as I promise to you. I'll take care of her."
I heard someone told it behind me. Hindi ko mawari pero humaplos iyon sa puso ko, ang mga bawat salitang binitawan ni Kyler.
Nanatili pa ako ng ilang sandali. Nakita ko din ang pagdating ng tatlong lalaki na agad lumapit kay Kyler, his friends I guess.
Dumating din sina Yansea, Jasmine, Krystel at Caroline. Ako agad ang nilapitan pagkakita sa akin.
"Sinabi namin kay Mrs. Sebastian kung bakit absent ka ng isang linggo. Naintindihan niya naman at siya nalang daw bahalang magsabi sa mga kapwa niya guro."
Tumango lang ako kay Caroline. Isang linggo lang pala ako absent pero pakiramdam ko sa loob ng isang linggo na 'yon ay buwan na ang lumipas.
"Ibibigay ko sayo ang notes ko sa lahat ng subject natin. I know di ka pa okay but I guess you need it to catch up with the lessons." Si Krystel na nag-aalangan pang sabihin. Marahil tinatansiya niya ang magiging reaksyon ko.
Gaya ng kay Caroline, tinanguan ko lang ito. Di na ulit silang nagtangka pang kausapin ako at laking pasasalamat ko dahil ayaw ko talagang makipagusap.
Sumapit ang hapon ay umuwi na kami nina mommy at daddy. Humingi lang ako ng gatas kay ate Daisy saka ulit ako nagkulong sa kwarto, pero di para magmukmok kundi panoorin sa DVD player ang nakuhang video ko noong 9th birthday ko.
Magkahalong tuwa at sakit ang nararamdaman ko habang pinapanood ko lahat lahat simula sa pambulabog nila sa tulog ko ng alasdose ng gabi noong maingay silang kumatok sa kwarto ko para salubungin ang araw ng kaarawan ko.
Everyone was there, mommy, daddy, kuya Bazi, Breazy, nana Soledad, Mang Dencio and ate Daisy.
Antok na antok pa ako ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko at nakuha iyon sa video. Si kuya Bazi ang may hawak ng pinangvideo nila.
According to kuya Bazi, it was Breazy's idea to surprise me like that. Breazy and I at that moment are pretty fine. Actually, the next video is a video of me and Breazy who's holding a gift that is from kuya Bazi, and when we both open it, it's a pair of shoes. We have the same style but different color.
The next video is a kind of a party with the JACKY. Actually this party was organized by Yansea and Caroline, while Jasmine and Krystel were assigned for the foods and drinks according to the video.
Naalala ko nga ang party na 'yon, it's actually one of the best memories of my 9th birthday because I spent the rest of the day with my family, the exact day of my birthday and then the next day I spent my time with the JACKY.
Kinukulit kong sumali sa amin si Breazy but she always refuse to me, ang katwiran niya, they're my friends and not her.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa pinapanood na video at nakita kong nasa part na naglalaro kami ng taya-tayahan sa may pool.
Sumunod na clip is that when we're inside a tent, si Yansea ang may dala ng tent na para daw gamitin naming matulog sa labas ng bahay. Transparent ang taas ng tent kaya naman kitang kita sa pagkakahiga namin ang mga bituin sa langit.
Alam ko 'yon dahil nanariwa ang alaala ko sa mga sandaling 'yon. Magkakatabi kaming nakahiga, nakatingala sa mga bituin sa langit hanggang sa dinalaw ng antok.
Based on the video, it was Jasmine who ended up recording it. That's actually the last video of my 9th birthday too.
Tumayo na ako at pinatay ang dvd at tv. Pumasok ako sa cr at nagshower at nagpalit ng pantulog. Ramdam ko ang pagod at bigat ng katawan ko, akma na sana akong mahihiga sa kama ng marinig ko ang pagkabasag ng kung ano sa baba kasunod niyon ay ang sagutan nina mommy at daddy pero ilang sandali lang ang itinagal niyon.
Hindi ko masyadong narinig kung ano ang pinagaawayan nila at wala akong balak intindihin. Itinuloy ko ang naudlot na paghiga sa kama ko at nagkumot hanggang leeg.
May narinig akong kumatok sa kwarto ko at kasunod niyon ay nagsalita si daddy. Tinatanong niya ako kung pwede bang pumasok, nakalock ang pinto ng kwarto ko at di ko 'yon pinagkaabalaang buksan.
Nagkunwari akong tulog, katahimikan ang sumunod na nangyari pero ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kinuha siguro niya ang duplicate ng susi kay ate Daisy.
Hindi nagtagal ay isinarado niya ulit ang pinto ng kwarto ko. Kasunod niyon ay narinig kong sinabi niya kay mommy na sa foundation mo na ito magpapalipas ng gabi.
Hindi ko na narinig ang sumunod na nangyari dahil dinalaw ako bigla ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Kinabukasan, maaga akong nagising, naghanda para pumasok sa school. Tinext ko si Yansea na kung pwede niya ba akong daanan sa bahay kung papasok na siya at di naman niya ako binigo.
Alasais pasado ng daanan niya ako sa bahay, nakakotse siya. Di na ako nagpaalam kay mommy, nang tanungin ko kay ate Daisy kung umuwi ang daddy ang sabi ay kaninang alaskwatro raw, naligo at nagbihis lang at agad ding umalis.

Bình Luận Sách (13)

  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    10/07

      0
  • avatar
    mendesgardenia

    muito 😍

    10/05

      0
  • avatar
    ReyesAyamedel

    very nice

    06/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất