logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

NAGISING ako na puro puti ang nakikita ko sa aking paligid. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid at doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako ngayon. Napabuntong-hininga ako at napakagat-labi pagkatapos. Nakaramdam ako ng kaba dahil paniguradong magagalit na naman sa akin si Maximo.
Nang sa pagtingin ko sa isang gawi ay tumigil ang aking paningin sa lalaking nakatalikod sa akin na ngayon ay kausap ang doctor. Sa paraan palang ng pagtindig nito ay nakilala ko na ito.
"M-Maximo" Tawag ko pa dito sa paos na boses. Tumingin naman agad ito sa akin para lang bigyan ako ng walang emosiyon na tingin. Bumaling din agad ito sa kausap nitong doctor.
"Just monitor your wife's foods Mr. Dela Fuente and she'll be fine" Paalala pa dito ng doctor. Tumango-tango naman ito.
"Thank you doc" wika pa nito bago bumaling sa akin. Nang makalapit ito sa akin ay tahimik lang nitong inayos ang dextrose na nakakabit sa akin. Umupo naman ako sa patient bed na ikupado ko.
"A-are you mad with me?" Hindi ko napigilan na itanong dito.
"We will return to house once you consumed all the liquid from your dextrose" Instead he answered. Hindi ko napigilan ang mapasimangot dahil sa hindi nito pagpansin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa ginagawa nito. Simula noong naging mag-asawa kami five months ago ay hindi pa ako nito nagawang tiisin kaya hindi ko alam kung bakit nagagawa nito iyon ngayon. Sumobra na ba talaga ako?
"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa mga nasabi ko?" Nakalabi na tanong ko dito pero katulad kanina ay hindi pa rin nito pinansin ang tanong ko. I feel irritated. "Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Iiyak ako dito" Pananakot ko dito pero mukang wala naman iyong epekto dito kaya ginawa ko nga ang sinabi ko.
"Huwaaaaahhh!" Palahaw ko kahit wala naman talagang lumalabas na luha sa mata ko. Gusto ko lang talaga kunin ang atensiyon ni Maximo. Napansin ko na kumunot lang ang noo nito. Lalo pang lumakas ang palahaw ko noong tumayo si Maximo at aktong tatalikuran na ako.  "Huwaaaaaaahhh!!!!"
"Tsk! Childish" wika nito na humarap na ulit sa akin. Lihim na nagbunyi ang kalooban ko dahil nagawa kong kunin ang atensiyon nito.Hindi ko pa muna itinigil ang pagpalahaw ko para hindi ako nito mapansin.
"Stop" Utos pa nito pero hindi ko ito sinunod. Tumingin ito sa paligid kung saan nakatingin na sa amin ang lahat ng pasyente na naroon at masama na ang tingin sa amin. Narinig ko ang pag-asik ni Maximo. Lalo ko pang nilakasan ang palahaw ko para mas maasar ito. "If I can't stop you by words then I better seal your lips with this" Dagdag pa nito. Hindi ko pa man naiintindihan ang binitawan nitong salita ay nagulat na ako no'ng lumapat ang labi nito sa labi ko. I stop from mourning automatically.
What the?
"Now I found how to stop you, childish wife" wika ni Maximo pagkatapos nitong bumitaw sa halik. Naiwan akong nakatulala sa mukha nito. Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko no'ng makita ko itong ngumiti.
Nang makabawi ako sa pagkagulat ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nadagdagan pa ang pamumula ng aking pisngi noong mapansin ko ang mapanuksong tingin ng mga tao sa akin. Napatakip ang mga kamay ko sa aking mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Uggghh Maximo!
Nabigla pa ako noong maramdaman ko ang paghawak ni Maximo sa aking kamay. "Let's go home" seryoso na ang boses na wika nito bago ako inalalayan sa pagtayo sa kama. Noon ko lang napansin na wala na pala ang dextrose na nakakabit sa akin. He really occupied my mind.
––
Nang makarating sa bahay ay parehas kaming tahimik ni Maximo. Nararamdaman ko ngayon ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Tumikhim ako ng mahina noong mapatapat na ako sa aking kwarto.
"D-dito na ako matutulog sa kwarto ko" Paalam ko dito na binigyan pa ito ng pilit na ngiti.
"Ok" Balewalang sagot naman nito bago ako iniwan para pumunta sa sarili nitong kwarto.
Napabuntong-hininga nalang ako no'ng mawala ito sa aking paningin. At no'ng makapasok ako sa aking kwarto ay inihagis ko ang aking pagod na katawan sa kama at tumitig sa kisame kasabay ng pag-alala kung paano ko naging asawa ang isang Maximo Dela Fuente.
-Flashback-
"Kuya, a-ano naman itong pinapapirmahan mo sa akin?" Umiiyak na tanong ko dito. Hindi ko na magawang basahin pa ang ibinigay nito sa akin dahil nakatutok ang paningin ko dito. Napansin ko na nahihirapan na itong huminga kaya sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "A-are you alright k-kuya? W-wait lang! Tatawagin ko ang mga doc-----" Hindi ko na naituloy ang tangkang pagtayo para tawagin ang mga doctor no'ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni kuya sa kamay ko.
"N-no need na b-baby g-girl, just s-stay beside me. Ha-hanggang dito nalang ta-talaga ako" May pilit na ngiti na wika pa sa akin ni kuya dahilan para mapahagulgol ako ng malakas. I don't want him die.
"Huwaaaaahhh d-don't say that k-kuya! D-don't leave me please. I-I still need you" Humahagulgol na wika ko dito na hindi na napigilan na yakapin ito ng mahigpit. Alam ko na nahihirapan na ito at hindi na nito kaya pero nagpapakatagtag lang ito dahil sa akin. "P-please s-stay k-kuya. I love you! Mahal na mahal kita kuya" umiiyak na sabi ko pa dito. Hindi ko na pinansin ang sipon na sumasabay sa pagtulo ng luha.
"Ssssh s-stop c-crying b-baby girl" Bulong nito sa akin habang hinahagod ang aking likod pero lalo lang tumulo ang mga luha ko. "D-do you want y-your k-kuya b-become h-happy?" Hirap ang tinig na tanong pa nito sa akin. Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango habang umaalis sa yakap ni kuya.
"I love you kuya Brie" Pilit ang ngiti na sabi ko dito. Pagod na ngumiti ito sa akin bago pinahid ang luha sa may pisngi ko gamit ang daliri nitong nanginginig pa.
"I-I love y-you m-more b-baby g-girl and I-I want you ----h-happy" Iniabot nito sa akin ang papel na gusto nitong papirmahan sa akin. Agad ko naman iyong kinuha dito habang nagsisimula na namang tumulo ang aking luha. "P-please s-sign this p-paper b-baby g-girl--- P-please" Pakiusap pa nito sa akin. Tinitigan ko sa mga mata si kuya at nakita ko mula roon ang kislap kaya walang pagdadalawang-isip na kumuha ako ng ballpen at basta nalang pinirmahan ang papel na ibinigay nito sa akin. I want him to be happy even for the last time.
Nang bumaling ako kay kuya ay malawak ang pagkakangiti nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay ni kuya habang patuloy na lumuluha. Hinawakan din ako nito ng mahigpit kahit pa alam ko na nauubusan na ito ng lakas. Ngumiti ulit ito sa kabila ng matamlay nitong mata at maputlang mukha. Pinunasan pa nito ang mga luha ko na lalo namang nagpaiyak sa akin.
"S-stop c-crying b-baby girl" Pagpapatahan sa akin ni kuya pero imbes na tumigil ay lalo akong napaluha. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag nawala ito. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol.
Napapunas pa ang kamay ko sa ilong ko ng maramdaman ko na pati iyon ay lumuluha na naman. Narinig ko pa ang pagod na pagtawa ni kuya habang mahinang pag-asik naman ng isang lalaki na kanina ko pa napapansin na nasa aking likuran. Hindi ko naman ito kilala kaya binalewala ko nalang ito.
"K-kuya" Humahagulgol na tawag ko dito na niyakap pa ito ng mahigpit. Hinagod nito ang likod ko bago tumingin sa lalaking nasa aking likuran.
"P-please, a-alagaan mo ang k-kapatid ko huh? P-pakiusap" sabi pa nito sa paos na boses. Napansin ko pa ang pagtulo ng luha ni kuya.
"Don't worry, I'll take care your sister" sagot naman ng lalaking nasa aking likuran. Ngumiti si kuya bago bumaling sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
"D-don't worry b-baby girl, he is v-very good p-person. A-and I know, y-you'll be h-happy with h-him. A-always r-remember that k-kuya loves you and----a-and----" Hindi na natapos ni kuya ang gusto nitong sabihin dahil inubo na ito ng sobra. Nang mapansin ko na unti-unti nang nawawalan ng buhay ang kuya ko ay nakaramdam ako ng pagkataranta at napahagulgol na ng malakas.
Agad namang dumating ang mga doctor para subukang i-retrieve si kuya pero makalipas ang lang ang ilang minuto ay tumigil na rin ang mga ito at napailing-iling. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ito kaya napasugod ako sa kuya ko para yakapin ang walang buhay nitong katawan.
"Kuya! Please d-don't leave me. No kuya!" Pakiusap ko kahit alam ko na imposible na iyon. Bahagya akong natigilan at naramdaman ko ang pagkalma ng aking sarili no'ng may humagod sa aking likuran.
"I-I'm here. Please stop crying" wika ng lalaking nasa aking likuran habang patuloy na hinahagod ang aking likod.
-End of Flashback-
Napahagulgol ako matapos kong alalahanin ang huling sandali ni kuya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot sa tuwing maaalala ko ito.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili at alisin sa isip si kuya Brie. Pinunasan ko ang mga kumawalang luha sa mata ko.  Umayos din ako ng higa sa aking kama kahit alam kong hindi rin naman ako makakatulog kahit ano pang gawin ko. Napabuntong-hininga nalang ako.
I need him!

Bình Luận Sách (197)

  • avatar
    Sienna Rose

    I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛

    03/08/2022

      0
  • avatar
    YanMochie

    kailan po ang update author im excited 😍

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Mark Andrei Calatraba

    none

    10d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất