logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 SIX

CAILEIGH MARIE AVILA
"Ano ba? Hindi ka pa ba lalabas dyan?" Katok ni Zorell sa pinto ng kwarto.
Rinig na rinig ko siya sa loob ng banyo kasi hindi ko naman 'yon sinara. Hindi ko magawang sumagot. Bumabaliktad na naman ang sikmura ko at halos isuka ko na pati lamang loob ko. Naiiyak tuloy akong humawak sa inidoro.
Maaga akong nagising ngayong umaga dahil masama ang pakiramdam ko. Bigla na lang sumama ang tyan ko at nagtapuan ko na lang ang sariling sumusuka sa banyo habang buhaghag ang buhok, wala pang ligo at wala pang ayos.
Narinig ko na lang na bumukas ang pinto pero kahit ang lumingon, hindi ko magawa. Naghahalo na ang sipon, luha at pawis ko kaya nakakahiya. Nang maramdaman ko ulit ang pagsama ng tyan, sumuka ulit ako.
Naramdaman kong hinawakan ni Zorell ang buhok ko at tinali. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng panali, siguro sa gilid-gilid lang, kung saan-saan ko lang naman kasi nilalagay 'yon.
Katulad ni Zorell, kapag hinanap, ayaw magpakita pero kapag hindi naman hinanap, magpapakita.
Pagkatapos niyang talian ang buhok ko, hinagod niya naman ang likod ko. Nang matapos ako sa pagsusuka, agad akong tumalikod sakanya para pumunta sa lababo at nagmumog.
"Ayos ka lang?" Malambing niyang tanong.
Kumuha siya ng pamunas at pinunasan ang mukha ko. Napasandal na lang ako sakanya dahil sa panghihina habang hawak niya naman ang bewang ko.
"Masakit ba ang tyan mo? Gusto mong pumunta tayo sa doctor? Teka, tawagan ko si Mommy."
Kukunin niya na sana ang cellphone niya sa bulsa nang pigilan ko siya. Inangat ko ang tingin. "Ayos lang ako, Zorell. Morning sickness daw ang tawag dito sabi ni Ivory. Normal 'to sa buntis."
Bumaba sa bewang ko ang kamay niyang nanginginig. Mukhang nagpa-panic na naman siya. "Putanginang, morning sickness 'yan. Pinapahirapan ka." Bulong niya na hindi ko narinig.
Yayakap na sana siya sa akin nang lumayo ako. Tinanggal ko rin ang kamay niyang nasa bewang ko na nagpakunot ng noo niya.
"A-ahm, kasi bawal. Amoy pawis ako tsaka kama. Hindi pwede. Ligo muna ako, Zorell. Labas ka muna." Mabilis na paliwanag ko at tinulak-tulak pa siya palabas.
"Hoy! Mag-ingat ka, ah? Madulas!" Sigaw niya pa bago ko sinara ang pinto.
"Oo na!"
Mabilis akong kumilos. Hinubad ko na agad lahat ng suot at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng dress. May lakad kami ngayon, eh. May check-up ako kasama si Zorell at Tita Zina.
Habang nag-aayos ako, nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Tumatawag si Cams.
"Hello, Cams! Miss ko na kayo!" Naiiyak na bungad ko nang sagutin ko ang tawag.
Natawa siya sa kabilang linya. "Tangek. Ivory 'to. Ginamit ko phone ni Cams, Dzae kasi wala akong load. Pero nandito naman siya sa tabi ko, nakikinig. Ayos ka lang ba dyan?"
Tumango-tango ako kahit hindi naman nila nakikita 'yon. "Oo. Ayos lang ako. Nagtatampo ako kasi ngayon lang kayo tumawag! Ni hindi nga kayo bumisita rito."
"Hoy. Punyeta, busy kami sa work tsaka sa school ngayon. Tinambakan kami, bruha. Pasensya ka na. 'Wag kang mag-alala, tatawag kami kapag nagka-oras tsaka bibisita na rin. Papabili ako sa'yo ng bagong lipstick, afford mo naman na, eh. Swerte, yaman ng jowa." Tawa ni Cams.
Ngumuso ako. "Hindi ko jowa 'yon. Wala akong pera."
"Ay, mahina ka. Hindi kita kaibigan." Pang-aasar ni Cams.
Tumawa sa kabilang linya si Ivory. "Dzae, 'wag ka nang mag-worry dyan. Isipin mo ang baby mo parati. Naiintindihan mo, Caileigh? Miss ka na rin namin."
"Miss ko na rin kayo..." Malungkot kong sagot.
"O, sige! Babye na, dzae. Tapos na break namin, ingat ka palagi!"
Napatay ang tawag pagkatapos kong magpaalam. Nagpapasalamat talaga akong naging kaibigan ko sila. Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin si Zorell.
"'Di na ako pumasok. May kausap ka." Saad niya na tinanguan ko.
Hinawakan niya agad ako sa bewang nang pababa na kami ng hagdan. Nang lingunin ko siya, titig na titig siya sa hita kong nakalitaw dahil sa suot na maiksing dress. Regalo sa akin ni Ivory 'to.
"May problema ba?" Tanong ko sakanya.
Umangat ang tingin niya sa akin. "Bakit kailangang ganyan ang suot mo?"
"Ha? Wala namang problema sa suot ko. Maganda naman!"
Umirap siya. "Masyadong maiksi. Sa susunod, 'yong hanggang tuhod naman. Kaunting hangin lang dyan sa suot mo, makikitaan ka na."
Napanguso ako. May short naman ako sa loob.
Kumain muna kami ng breakfast at naiilang ako kasi tutok na tutok siya sa hita ko. Hinihila ko tuloy paibaba ang dress kong mas lalong umiiksi kapag umuupo.
Bago kami pumunta sa OB para sa check-up, dinaanan muna namin ang Mommy ni Zorell na ilang beses siyang hinampas dahil hindi raw nito sinasagot ang tawag ng ginang.
"Mom, busy nga ako!" Naiinis na saad niya habang inaayos ang nagusot na damit.
Inabot ko rin ang buhok niyang medyo nagulo at inayos. Nginitian ko siya pagkatapos.
"Busy?! Siraulo ka! Sa susunod na hindi mo na naman sasagutin ang tawag ko, malilintikan ka sa'kin." Nanggigigil na saad ni Tita sa anak.
Nang bumaling sa akin si Tita, mabilis na nagbago ang anyo nito. Para itong anghel na ngumiti sa akin.
"Anong nararamdaman mo, hija? May morning sickness ka raw?" Nag-aalalang tanong niya.
Ngumiti ako. "Ayos na po ako, Tita."
"Eh, itong unico hijo ko kasi masyadong kabado. Akala ko na talaga nanganak ka na sa pagpapanic niya kanina." Irap ni Tita sa anak.
Umungol lang si Zorell na tinawanan ko. Ang cute nila.
Na-miss ko tuloy si Mama. Sigurado akong magkakasundo sila ni Tita kung nandito pa siya.
Nang makarating kami sa clinic, naka hawak lang sa bewang ko si Zorell habang nasa unahan si Tita Zina. Nakanguso si Zorell habang naglalakad. Nakikiliti ako dahil sa ginagawa ng daliri niya sa bewang ko, kung ano-anong sinusulat niya kaya para matigil, hinawakan ko na lang ang kamay niyang nasa bewang ko.
Bumaba ang tingin niya sa akin. "Ayos ka lang?"
Tumango ako. "Ikaw, ayos ka lang?" Tanong ko pabalik.
Bumuga siya ng hangin at dahan-dahang umiling. "Kinakabahan ako."
Tumawa ako. Lumapit naman sa amin si Tita Zina at yumakap sa braso ko. "Maiiwan siya rito sa labas, hija. Mahihimatay siya sa loob."
Bumaling ako kay Zorell na nakita kong napanguso. "Sasama ako sa loob."
"Ayos lang naman kung kami lang." Nakangiti kong saad sakanya.
Napaka-nerbyoso niya kasi.
"Sasama na ako. Kaya ko. Bakit ako mahihimatay?" Inis na tanong ni Zorell sa ina.
Tumawa lang si Tita. Nang makapasok kami sa clinic, ngumiti agad si Doktora. Nalaman namin ng araw na 'yon kung ilang buwan na si baby sa tyan ko. Tuwang-tuwa si Tita kasi magiging Lola na raw siya.
Wala namang ibang ginawa si Zorell kundi ang hawakan ang kamay ko. Mahigpit na mahigpit 'yon habang nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang ko. Kahit no'ng in-ultrasound ako, nasa gilid ko siya at hindi talaga ako iniiwan. Haplos pa siya nang haplos sa likod ko kaya napapangiwi na lang ako. Nakakakiliti kasi.
Sinabi lahat ni Doktora kung anong kailangang gawin, anong hindi gagawin. Mga kakainin at iba pang mga advices na ikinailang ko habang si Zorell, wala namang reaksyon at seryosong nakikinig.
Marami agad na naging plano si Tita Zina sa baby namin. Naiilang pa ako kasi hindi ako sanay. Sigurado akong kapag lumabas siya, marami ang magmamahal sakanya. Mamahalin siya ng lahat, hindi lang ako. Pati ang Daddy, ang Lola at lolo niya.
Hihintayin ka namin, baby.
Unang hinatid ni Zorell ang Mommy niya sa kompanya ng Daddy niya. Doon din daw nagtatrabaho si Zorell na ikinamangha ko. Hindi na kami pinalabas ni Tita sa kotse dahil baka pagod na raw ako. Gusto ko sanang magpumilit pero sumang-ayon na rin si Zorell.
Napanguso na lang tuloy ako. 'Di naman ako pagod, eh.
Umuwi kami sa bahay na ingat na ingat pa rin sa'kin si Zorell. Hanggang sa kwarto, sinamahan niya ako.
"A-anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko nang buksan niya ang closet ko at kinuha lahat ng damit sa loob.
"Ililipat ko na 'to." Sagot niya na hindi ako nililingon.
"Ha? Saan?!"
"Sa kwarto ko. Kunin mo na lahat ng gamit mo dyan, ililipat na natin."
Kahit naguguluhan, sinunod ko siya. Binitbit ko lahat ng gamit ko, lahat-lahat. Kahit si Zowzow, dinala ko. Naiilang na pumasok ako sa kwarto niya.
"Zorell, bakit mo nilipat dito?"
"Para mabantayan kita. Hindi ako mapakali kapag nasa kabilang kwarto ka. Lalo na ngayong may nangyayari pala sa'yo tuwing umaga. Masyado ka pang mabilis gumalaw, paano kung madulas ka katulad nang sinabi ng doktor?" Tuloy-tuloy na paliwanag niya na ikinakurap ko.
So, magsasama kami sa iisang kwarto? Sa iisang kama? Hindi ba siya maiilang sa akin?
Napanguso ako. Natatakot ako at baka magreklamo siya. Si Cams at Ivory nga, isang beses pa lang akong nakatabi sa kama, sumuko na. Masyado raw akong malikot sa kama.
Hindi na lang ako nagsalita. Lumapit na lang ako sa banyo para makaligo. Huhubarin ko na sana ang dress na suot ko nang hindi ko na maibaba ang zipper. Naiinis na sinubukan ko ulit pero walang nangyari kaya agad akong sumigaw.
"Zorell!"
Mabilis na bumukas ang pinto ng banyo at kunot-noong pumasok si Zorell.
"Ano?"
Ngumiti ako. "Pakibaba ng zipper ko."
Narinig ko na lang ang pagmumura niya.

Bình Luận Sách (354)

  • avatar
    Gracelyn Gaudia

    super worth it basahin, yung plot, kung pa'no idescribe ng author mga characters nya, nando'n na lahat, superbbb

    25/07/2022

      0
  • avatar
    SandovalIlyn

    good story

    31/01

      0
  • avatar
    JurendoEpe

    so satisfying

    14/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất