logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 6

“Anong sabi mo!?” tanong sa akin ni Fhella nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin kanina. “Nakita mo si Ace!?” Tumango ako bago kumagat sa tinapay ko na binili kaninang umaga.
“Ibabalik ko sana sa kaniya ’yong uniform pero sabi niya ay itatapon niya raw ’yon kapag hindi ko kinuha, nanghinayang naman ako kaya kinuha ko na. Sayang,” k’wento ko at sinubo ang natitirang tinapay sa kamay ko.
Kinuha ko ang bote ng tubig at ininom ’yon.
“Hindi ka ba natakot!? Ikaw lang mag-isa, tapos nakita mo pa siya!?” Nagpunas ako ng bibig bago sumagot sa kaniya.
“Oo natakot ako, konti. Pero mukhang mabait naman siya,” sagot ko sa kaniya.
Wala pa ang lecturer namin kaya naman nakakapagk’wetuhan pa kami ni Fhella.
“Nakita ko siya nasa field siya kanina, bakit ba parang gulat na gulat ka?” tanong ko sa kaniya dahil parang hindi siya makapaniwala na nakita ko si King
Umupo siya sa tabi ko bago ako hawakan sa braso.
“Hindi mo pa talaga alam, walang nakakakita kay Ace rito sa campus tuwing break at kung may makakakita man sa kaniya ay walang nagtatangkang lumapit sa kaniya!” aabi nito at parang nagdasal pa siya.
Inalala ko ang mukha ni King at hindi naman nakakatakot ’yon, sa boses niya lang ako natatakot dahil sa sobrang lalim at sigurado ako na kapag sumigaw siya ay manginginig ka dahil sa takot.
Mukha namang mabait si King kaya ang pinagtataka ko ay kung bakit sila natatakot dito.
Nahilo ako ng alog-alugin ako ni Fhella dahil baka raw nagkukunwari lang si King.
“Hindi ko alam, pero hindi naman siya nakakatakot,” simpleng sagot ko lang kay Fhella dahil hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.
Buti na lang talaga ay dumating na si Sir Aly kaya naman nahinto na siya sa pangungulit sa akin. Sinabi niya pa na mag-usap daw kami mamaya at sumabay raw ako sa kaniya sa pag-uwi.
Patago akong kumakain ng Pan de coco dahil nagugutom na ako.
Sa huling subo ko ng tinapay ay bigla namang tinawag ang pangalan ko ni Sir Aly.
“Miss Caleb?” tawag nito sa akin kaya naman nalunok ko ng buo ang tinapay, hindi ako makahinga. Sinuntok nang sinuntok ang dibdib ko dahil sa laki ng tinalay ay sigurado akong babara talaga ’yon. “Ms. Caleb? Are you okay?” tanong sa akin ni Sir Aly kaya naman nag-thumbs up ako kahit na m*mamatay na ako.
Dali-dali kong kinuha ang tubig ko at ininom ’yon. Naririnig ko ang mahihinang hagikhikan ng mga kaklase ko dahil sa akin.
Huminga ako ng malalim ng dumaloy na ang tinapay na bumara sa dibdib ko.
Mamamatay ako ng maaga ng dahil sa Pan de coco.
Humarap ulit ako kay Sir Aly at ngumiti.
“Yes Miss?” tanong ko rito, paborito ko ang subject niya na history kaya naman may buhay akong sumagot.
“Sino ang unang naging pangulo ng ating bansa?” tanong naman nito kaya ngumiti ako.
“President Emilio Aguinaldo po,” sagot ko sa kaniya at napapalakpak naman siya.
Mahilig akong magbasa ng mga libro lalo na at kung tungkol iyon sa history.
“Ano ang pinakamatandang lugar sa ating bansa?” muling tanong nito kaya naman sumagot ulit ako.
“Cebu City,” sagot ko at pinaupo na niya ako.
“Bida-bida,” rinig kong bulong ni Kiera alam ko namang ako ang pinaparinggan kaya naman nagsalita ako.
“Sadyang matalino lang,” sabi ko at nakita ko naman na umikot ang mata nito dahil sa sinabi ko.
Habang nagdi-discuss si Sir Aly ay nagno-note na rin ako.
Kung hindi niyo natatanong hilig ko talaga ang pag-aaral, simula bata palang ay masipag na akong mag-aral dahil natutuwa ako na may bago akong nalalaman araw-araw.
Ang kuwarto ko ngayon sa bahay na tinitirahan ko ay puno ng libro na binili pa sa akin nila nanay no’ng bata pa ako. Hindi pambatang libro ’yon dahil ayon ang hinihiling kong pasalubong kila Nanay tuwing uuwi sila galing Maynila.
Nakaka-miss lang ’yong araw na may masama pa ako sa buhay, na kumpleto pa ang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung may galit pa ang panahon sa akin dahil lahat ng mahal ko sa buhay ay binawi na nila. Simula kay Lolo hanggang kay nanay. Wala akong kapatid kaya naman mag-isa na lang ako, walang mga magulang at wala na ring mga Lolo at Lola. Ako na siguro yung matatawag na ulilang lubos.
Hindi ko na namalayang nakaalis na pala si Sir Aly nagulat na lang ako ng alugin ulit ako ni Fhella.
“’Wag ka nang hihiwalay sa akin,” anito at hinila ang upuan niya papalapit sa akin. “Lagi ka nang sasabay sa akin paglalabas ng school.” Sumilip-silip pa ito sa paligid na parang tinitingnan kung may mga kalaban ba.
Natawa na lang ako sa hitsura niya, napaka-protective niya.
“Lagi ka nang sasabay sa pagkain sa akin,” saad niya pa kaya naman napabuntong-hininga ako.
“’Di ba nga bawal akong pumasok na sa cafeteria,” wika ko at napanguso, paano na ako ngayon? Saan na ako kakain? Magbaon na lang kaya ako? Oo magbabaon na lang ako.
Pero bago ko problemahin ang pang-baon ko kailangan ko munang isipin kung saan ako kukuhang panggastos ko. Kailangan ko ng trabaho.
“Nakakatakot ang maging target ng mga ’yon,” ani Fhella na nanlalaki pa ang mga mata.
“Bakit naman?” tanong ko sa kaniya.
“May isa kasing estudyante ang napag-initan nila ayon hindi kinaya, nagsumbong pero bumaliktad pagdating sa faculty. Siya ang napaalis imbes na sila Ace,” sambit nito, hindi ko alam kung nananakot lang ba itong si Fhella pero sa  mukha niya ay halata naman na totoo ang sinasabi niya.
“Madami ba sila?” tanong ko bago mapalunok.
Pumitik naman si Fhella bago sumagot.
“Oo!” sagot nito kaya naman hinintay ko na lang siyang magk’wento dahil alam ko naman na magkuk’wento siya kahit hindi ko sabihin.
“Kung natatandaan mo ang sinabi ko sa’yo kanina? Si Thaddeus?”taanong nito sa akin kaya naman napatango ako. “Si Thaddeus ang —”
“Okay et’s start.” Parang may gulong ang upuan ni Fhella dahil sa bilis nitong nakabalik sa totoong p‘westo niya ng dumating na ang sunod naming teacher. Natatawa ako dahil sinesenyasan niya ako na mamaya na lang daw.
Napapailing na lang ako bago mapatingin sa labas ng pinto namin kung saan tanaw namin amg kabilang building.
Pagtingin ko rito ay may isang lalaki ang nakatayo at nakatingin dito sa kabilang building... o mas maayos atang sabihin na sa akin nakatingin? Parang namumukhaan ko siya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
Bahagya akong tumalikod sa kaniya para hindi niya akong makitang nakatingin sa kaniya. Sinilip ko siya sa pagitan ng hibla ng mga buhok ko at napalikit ako nang makita ko na nakatingin pa rin siya sa akin.
Napansin ko rin ang mga estudyanteng madaraan sa likod niya dahil daig pa ng mga ito na umiiwas kay k*matayan dahil sa bibilis ng mga lakad.
“Miss Caleb!” Gulat naman akong napatingin sa teacher namin ng bigla niyang isigaw ang apelyido ko. “Nasaan ba ang atensyon mo!? Kanina pa kita tinatawag!” galit na sabi nito kaya naman yumuko ako bago magsalita.
“P-pasensya po,” sabi ko. At tiningnan ang lalaki sa kabilang building at ang loko nando’n pa rin at parang nang-aasar ang tingin niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.
“Aray!” sigaw ko dahil may tumama sa ulo ko na notebook.
“Last warning Miss Caleb! Lalabas ka na!” sigaw nito sa akin at narinig ko na naman ang mga hagikhikan ng mga kaklse ko.
Tumingin ako kay Fhella at sinenyasan niya ako na tumingin sa harap.
“Sino ba ang tinitingnan mo sa labas at d’yan ka nakatingin!?” tanong nito kaya naman sumilip siya sa labas at agad na tumalikod ng makita ang nasa kabilang building.
“Uy, si Thaddeus ba ’yon?”
“Oo nga si Thaddeus.”
“Hala nakatingin dito si Thaddeus.”
Bulungan ng mga kaklase ko kaya naman tiningnan ko muna ang lecturer namin kung nakatingin ba sa akin at no’ng makita ko siyang hindi nakatingin sa akin ay mabilis akong tumingin sa labas at nakita ko na ’yon lalaki kanina.
“O-okay, let’s proceed.” Napatingin naman ako sa lecturer namin dahil parang biglang nag-iba ang tono ang boses nito at parang naging takot na tupa.
“Thaddeus?” mahinang bulong ko sa sarili ko at pumikit. “Thaddeus....”
Napadilat ako nang maalala ang eksena kahapon sa may isang hallway, ’yong lalaking nagpaiyak kay Vanessa. “Si T.L...” Mahinang sabi ko at bigla namang sumama ang timpla ko.
Siguro ay kaya siya nakatingin dito dahil tinitingnan niya si Vanessa? Baka may balak siyang paiyakin ulit si Vanessa.
Lagot talaga sa akin ang lalaking ’yon.
“Miss?” rawag ko sa lecturer namin kaya naman ttumingin ito sa akin.
“Why?” mataray na tanong nito sa akin at tinuro ko naman ang labas.
“May I go out?” tanong ko rito at tumango naman siya kaya naman tumayo ako.
“Hoy, saan ka punta?” tanong ni Fhella habang pasimpleng tumitingin sa lecturer namin.
“Mag-ccr lang ako.” Sagot ko dahil naiihi ako, anong akala niyo? Susundan ko ’yong T.L na ’yon? Ha! Akala niyo lang ’yon.
Kinuha ko ang maliit na tissue ko sa bag bago magmadaling pumunta sa cr.
Pumasok ako sa isang cubicle at naupo sa toilet. Sobrang sakit na nang puson ko dahil kanina pa ako naiihi.
Nagpunas lang ako bago lumabas at maghugas ng kamay.
Napahinto pa ako nang may makita akong babae na nagrere-touch ng make-up niya.
Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay.
Tiningnan ko ang babae sa repleksyon ng salamin. Maganda ito pero mukhang mataray. Humahalimuyak din ang pabango niya na mamahalin.
“Anong tinitingin-tingin mo?” mataray na tanong nito sa akin kaya naman umiling ako.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa bago tingnan na parang nandidiri.
Niligpit niya ang mga kolorete niya bago ako irapan at naglakad palabas, namangha pa ako sa uri ng lakad nito na parang model.
“Ang galing, ang kaso mataray.” Napangiwi ako bago mapagpasyahang lumabas na rin sa C.R
Wala akong estudyanteng nakikita na palakad-lakad sa hallway dahil oras ng klase malamang.
Mapayapa akong naglalakad pabalik sa room namin pero naudlot ’yon nang may parang tumamang kung ano sa likod ko.
Napanhinto ako dahil pakiramdam ko ay nabasa ang likuran ko. Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at nakita ko ro’n ang isang lalaki na nakangiti sa akin habang may hawak na cup.
Sinamaan ko siya ng tingin bago piliting abutin ang likod ko at tama nga ako nabasa ang damit ko. Inamoy ko ’yon at agad akong napangiwi ng maamoy ko ’yon.
‘Anong klaseng amo’y ’to?’
Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko at magsasalita na sana ang kaso ay tinapon niya sa’kin ang isa pang cup na hawak niya.
At halos magkandaduwal ako dahil sa amoy nito.
“Ano ba!?” inis na tanong ko rito at nakita ko na tumaas ang kilay niya at ngumisi. “Ano bang problema mo!?” tanong ko rito at nagkibit balikat naman siya.
“Sa tingin ko ay nakuha mo na ang souvenir mo?” tanong nito bago humakbang palapit sa akin kaya naman umatras ako.
‘Magsisimula na ba ang impy*rno?’
“A-anong souvenir?” kabadong tanong ko sa kaniya.
Nagtaka naman ako nang umatras siya at magtakip ng ilong.
“Ang baho mo,” reklamo nito at nilapit ko siya pero masyado siyang mabilis para makalayo sa akin. “’Wag ka ngang lumapit sa akin!” maartemg sabi nito kaya naman agad na nag-init ang ulo ko.
“Adik ka ba!? Ikaw may kagagawan kung bakit ako mabaho ngayon!” singhal ko sa kaniya pero ang loko nginisihan lang ako.
“Ah, ako ba may kakagawan? Ang akala ko kasi literal na mabaho ka na,” mapang-asar na sabi nito at sinundan ng isang malakas at nakakab’wisit na tawa.
Tumawa ako ng peke bago siya bigyan ng pamatay na tingin pero parang wala lang sa kaniya ’yon. Napansin ko ang cup sa paa ko kaya naman kinuha ko ’yon bago ibalibag sa kaniya na nakapagpatigil sa tawa niya.
Ako naman ako ng tumawa dahil sa hitsura niya, may laman pa kasi ng kakaunti ang cup kaya sigurado ako na nabasa rin siya kahit na papaano. “Ang baho mo lumayo ka nga sa akin,” pang-aasar ko sa kaniya at nakita ko ang mukha niya na lukot na lukot kaya naman natawa pa lalo ako.
“May kasalanan ka pa sa akin tapos dinagdagan mo na naman!” sigaw ko rito.
“What the f*ck!?” mura nito bago humakbang papalapit sa akin kaya naman lumayo na ako nang lumayo sa kaniya. “Arrggghhhh!” anito nang maamoy ang sarili niya, ’yan ang bagay sa’yo.
Tiningnan niya ako nang masama kaya naman kumaripas na ako ng takbo papunta sa cr. Hindi ako puwedeng bumalik sa room namin na ganito ang amoy ko, amoy ako parang bulok na pagkain.
Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, nakakab’wisit pero ayos na rin kasi nakaganti ako.
Pagpasok ko sa cr ay walang tao na ipinagpasalamat ko naman. Dumeretso ako sa may bandang dulo nito dahil ang alam ko ay nandito ang liguan.
Pumasok ako sa isang cubicle bago hubarin ang damit ko, lalabahan ko na lang ’to dahil wala akong baon na ibang damit.
Sumilip ako sa labas kung may ibang tao at laking pasasalamat ko ng walang tao ro’n dahil naka-bra na lang ako. Maingat akong naglakad palapit sa isang kabinet dito namukhang lalagyanan ng mga sabon.
Binuksan ko ’yon at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na timba-timba ang sabon na panlaba. Kumuha lang ako ng kaunti at nagmadaling bumalik sa cubicle ko.
Nakakita ako ng timbang maliit kaya naman kinuha ko iyon at nilagyan ng tubig, nilagyan ko ng sabon ang tubig bago kusutin do’n ang damit ko.
Ang baho, b’wisit!
Nakailang kuha ako ng sabon para lang matanggal ang amoy ng damit ko. Sa pag-anim na sabon ko ay inamoy ko na ’yon. Mabango na at wala na ang amoy na mabaho.
Pinigaan ko ’yon upang mas mabilis matuyo. Ngayon hindi ko alam kung paano papatuyuin ’to.
Sinampay ko siya sa may pinto.
Hindi ko dala ang bag ko at wala rin akong cellphone na puwede kong gamitin para matawagan si Fhella o kahit si Vanessa.
Umupo ako sandali dahil sumakit ang balakang ko sa pagkayuko ko kanina habang nagkukusot.
Anong oras ako makakalabas dito? Hindi ko nga alam kung anong oras na, baka mamaya nagagalit na ang lecturer namin. Ang paalam ko lang ay mag-c-cr lang.
Sinandal ko ang likod ko at dinukmo ang ulo ko sa dalawamg tuhod ko. Pagod ako. B’wisit na lalaki na ’yon parang adik.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako basta ay nagising ako nang may kumakatok sa pinto kung nasaan ako kaya naman dali-dali akong tumayo at kukunin sana ang damit ko pero nagulat ako nang makita kong wala na ’yon do’n.
Kinusot ko pa ng ilang beses ang mata ko pero wala na talaga.
Anong gagawin ko?
Napakagat ako sa daliri ko at nagpaikot-ikot.
Narinig ko ulit ang pagkatok kaya naman bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip do’n. May isang babae na siguro ay nasa first year high school ang nakatingin sa akin.
“You are Zelestaire?” tanong nito at tumango naman ako.
“Ako nga, anong kailangan mo?” tanong ko at napatingin naman ako sa inabot niyang damit.
“Ku— I mean someone give it to you.” Inabot niya sa akin ang isang damit na kulay puti. Nagtataka naman ako habang nakatingin sa inaabot niya.
“J-just take it,” sabi nito at pinilit na ibinigay sa akin ang damit.
Hindi na ako nakapagpasalamat dahil bigla na lang itong tumakbo palabas ng cr.
Tiningnan ko ang damit na inabot niya, may design ito na parang Japan ang sulat pero hindi ko na iyon pinansin at sinuot. Hahanapin ko pa ’yong damit ko.
Lumabas ako at sinilip-silip ang mga cubicle na walang laman dahil baka nilipad lang ’yon kung saan.
Makailang balik-balik na ako pero wala akong nakitang damit. Nagpapadyak ako bago magpagdesisyonan na lumabas na ng cr.
Wala na, nawala na ’yong damit ko.
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik sa room namin, napansin ko na medyo palubog na ang araw kaya naman alam kong malapit ng mag-uwian.
Paakyat ako sa taas ng may makabunggo ako. Naamoy ko pa ang pabango nito na parang ang sarap singhutin nang singhutin pero wala ako sa mood ngayon, nawala yung damit ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pagpasok ko sa room namin ay agad akong sinalubong ni Fhella na nag-aalala ang mukha.
“Zelestaire! Saan ka ba galing!? Kanina pa kita hinahanap, ang paalam mo lang ay mag-c-cr ka pero inabot ka ng tatlong oras!” bungad niya sa akin bago ako makaupo sa upuan ko.
Nangalumbaba ako bago tumingin kay Fhella.
“Anong mukha ’yan!? May ginawa ba sa’yo si Ace!? Ano!? Magsalita ka!” tanong nito sa akin at inaalog pa ako.
“Wala, wala namang nangyari bukod sa nawalan ako ng damit,” ani ko sa kaniya at agad namang nangunot ang noo niya.
“Ano? Nawalan ka ng damit? Paano? How?” sunod-sunod na tanong niya.
“Gan’to kasi ’yon...” sinimulan kong magk’wento halos madurog ang ballpen na hawak ni Fhella dahil sa inis kay Trinity nang ik’wento ko sa kaniya ang ginawa nito sa akin
Kinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari sa akin sa cr at pati siya ay nagtataka kung saan napunta ang damit ko.
“Baka naman na-misplace mo lang?” tanong nito sa akin at ilang bese pa ako umiling, hindi kasi pwedeng na-misplace ko lang dahil nakatulog nga ako ’di ba. “O baka may kumuha?” tanong nito at tumango ako.
P’wedeng may kumuha no’n o mayroon talagang kumuha? Sa dalawa lang na ’yan. May kumuha o may nakakuha.
Pagnalaman ko lang talaga kung sino ang kumuha no’n ay kakalbuhin ko siya. Paborito kong damit ’yon dahil bigay pa sa akin ’yon ni kikoy.
Ayon ang unang regalo s aakin ni Kikoy, dati ay hindi ko pa nasusuot ’yon dahil medyo malaki sa akin at ngayon naman kasya na sa akin ay kung kailan puwede ko nang isuot ’yon ay at saka naman nawala!
“Kakalbuhin ko talaga kung sino ang kumuha no’n,” sabi ko.
“Oo, kakalbuhin natin,” pagsang-ayon ni Fhella sa sinabi ko.
Nilagay ko ang ko sa lamesang nakadikit sa upuan ko.
Inamoy ko ang damit na suot ko dahil parang naaamoy ko rito ang pabangong naamoy ko kanina sa sa may hagdanan sa taong nakabangga ko kanina.
Sininghot-singhot ko pa ’yon at tama nga, kaamoy ito ng pabango kanina.
Napaisip ako.
Hindi kaya siya ang nagpabigay nito?
Pinilit kong isipin ang pangyayari kanina at hindi ko maalalang tiningnan ko ang mukha niya.
Nakuyom ko ang kamay ko bago magbuntong hininga.
‘Sino kaya ’yon?’
“Red hair!” Biglang nag-ingay ang buong floor namin ng may sumigaw sa pangalan ko.
Agad kong tingnan ’yon at agad na tumaas ang kilay ko.
‘Anong ginagawa niya rito?’

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất