logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

That Promise

That Promise

EveDreame


KABANATA 1

SIMULA
“Kikoy, gagaling ka na,” nakangiting sabi niya na agad naman kinakunot ng noo ng batang lalaki. “Sabi ni nanay ay dadalhin ka na raw sa ibang bansa para do’n gamutin,” ani nya pa, ang kaninang masayang ngiti ay unti-unting nawala.
“Kay?” rawag ng batang lalaki sa kaniyang kaibigan at kinakapa ito, hinawakan ng batang babae ang kamay nito upang sabihin kung na saan siya.
“H-hanap daw kayo ng, ano tawag don?” tanong ng batang babae sa kaniyang kaibigan.
“Donor,” maikling sabi nito.
“Oo ’yon, sa ibang bansa raw madaming ganon do’n.” Mababakas ang lungkot sa boses ng babae. “Ibig sabihin non... i-iiwan mo na ako.” Tumulo ang luha sa mata niya at tumingin sa kaibigan niyang bulag, hinawakan niya ang kamay nito at pinisil-pisil tulad ng nakasanayan niyang gawin.
“Kay? Umiiyak ka ba?” tanong nito at bigla namang lumakas ang iyak ng batang babae.
“A-alis na ikaw! Whaaaa!” atungal nito kaya agad siyang inakbayan ng kaniyang kaibigan para aluin.
“M-magpapagamot lang ako at saka... At saka b-babalik naman ako e,” ani ng batang lalaki para patahanin ang kaniyang kaibigan pero hindi ’yon imepekto dahil mas lalo pang lumakas ang iyak nito at kahit siya ay naiiyak na rin pero pinipigilan niya.
“S-sabi ni nanay, d-do’n na r-raw ikaw t-titira.” Niyakap ng batang babae ang kaibigan niya ng mahigpit dahil ayaw niyang umalis ito, siya lang ang kaibigan nito rito.
“Babalik ako,” siguradong sabi nito sa kaibigan na umiiyak, kinapa nito ang mukha ng kaibigan para hawakan sa dalawang pisnge. “Kay, babalik ako.” Ngumiti ito at kahit hindi nakakakita ay pinilit nitong punasan ang mga luha sa mata ng kanyang kaibigan.
“Pangako?” humihikbing tanong nito sa kaibigan.
“Oo, pangako at pagbalik ko ay makikita na kita.” Ngumiti ito kaya napangiti na rin ang kaniyang kaibigan na kanina ay umiiyak. “At pagbalik ko, lalaki tayo at magpapakasal.” Huminto ito at hinawakan naman ang kamay ng kaniyang kaibigan. “Payag ka ba no’n Kakay? Payag ka bang maging asawa ko?” tanong nito na nagpamula sa pisnge ng batang babae.
“Oo naman, Kokoy, payag ako,” nakangiting sabi nito at tumawa silang parehas.
Hinubad naman ng batang lalaki ang k’wintasna bigay sa kaniya ng kaniyang ina.
“Sa’yo na ’to.” Inabot nito ang kwintas sa kaibigan niyang nagtataka.
“Para saan naman ’to?” tanong nito sa batang lalaki.
“’Yan, tanda ’yan na tayo ang ikakasal,” nakangitin sabi nito. “Papakasalan kita kakay.”
Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa bintana kung saan nanggagaling ang sinag ng araw.
“That promise...”
ZELES’s POV
Pagtapak ko sa HIS ay napapikit ako ng umihip ang malakas na hangin na tumama sa mukha ko, talagang nasa maynila na ako.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng paaralan at namangha sa mga nagtataasang gusali sa aking paligid, ang ganda. Nagnining-ning ang mga mata ko habang inililibot ito sa paligid.
Ang uniform nila ay maganda ang kaso mahal kaya mas pinili ko na lang na magsibilyan dahil wala akong pambiling uniform. Sa tuwing may dadaan sa akin ay napapatingin ako sa uniform nila dahil ang ganda ng kulay nito na maroon at mukhang malambot ang tela.
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa isang malaking covered court, maganda ito at maganda. May taas din ’to kung na saan ang mga upuan ng mga manonood siguro. Inikot ko pang muli ang aking paningin at hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
“Huw— Aray!” Natumba ako ng may mabangga akong isang matigas na bagay. Unang tumama ang p’wet ko kaya hawak-hawak ko ’yon habang tumatayo.
“A-ah sorry miss, I didn’t mean that,” sabi ng nakabangga ko at tinulungan akong tumayo. “Are you ok?” tanong nito kaya tumingin ako sa kaniya at para bang napunta ako sa langit, angel ata ’tong nasa harap ko.
Ang gwapo!
“Miss? Are you ok?” Napailing ako para bumalik sa ulirat ko, tumingin ako sa kaniya at ngumiti bago sunod-sunod na tumango.
“Yes, I’m fine,” sabi ko at pinagpagan ang kamay upang makipagkilala rito, sayang ang pagkakataon lulubos-lubusin ko na. “Hi, I’m Zelestaire Caleb,” pakilala ko sa kaniya at inabot ang kamay.
Natawa naman ’to bago mapakamot sa ulo niya at nakipagkamay sa akin. “I’m Dark.,” anito at nakipagshake hands.
“Ang dilim naman ng pangalan mo, gusto mo paliwanagin natin?” biro ko rito at natawa naman siya.
“By the way, bago ang mukha mo sa paningin ko, transferee?” Tanong nito sa akin at tumango naman ako. “I see”
“Actually naglilibot ako rito para hindi ako maligaw pero mukhang kailangan ko ng mapa,” sabi ko at natawa naman siya.
“Gusto mo ba samahan kita?” tanong niya sa akin at para namang nagningning ang mga mata ko.
‘Ang s’werte mo naman Zeles, may pogi kang tour guide.’
Tumingin ako rito at ngumiti at saka tumango.
Naglakad kami at panay ang kwento noya.
“D’yan ang faculty office at sa may katabi naman ay ang conference room.” Turo niya sa dalawang naglalaking room na kulay puti.
“Conference room?” tanong ko dahil walang gano’n sa dati kong school.
“Yeah, d’yan nagme-meeting ang mga teachers and SSG officers,” sabi nya at napatango naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. “’Yan ang cafeteria, may isa pang cafeteria do’n ang kaso ay malayo rito,” sabi niya at nilibot ko naman ang paningin ko sa ubod ng laking cafeteria.
“Wow ang laki,” sabi ko at mangahnag-manghang nakatingin dito.
Naglakad na ulit kami at kanina ko pa napapansin ang masasamang tingin sa akin ng mga kababaihang nadadaanan namin kaya naman pinanlakihan ko sila ng mata at mas lalong sumama ang tingin ng iba sa amin at ang iba naman ay nag-iwas nang tingin.
“Ito ang field.” Tumingala ako at namanghang muli, napapalibutan ng pader ang field nilang ubod ng laki.
Nabanggit ni Dark na square ang hugis ng field nila pero ang oval ay nasa gitna.
“Sa gilid ng field paikot, may takbuhan kung saan madalas nagjo-jogging ang mga players,” paliwanag niya at napatango ako habang manghang-mangha.
“Ano yon?” ranong ko at tinuro ang isang mataas na gusali sa may bandang dulo.
“Dorm, Dorm ang tawag d’yan. May mga estudyante d’yan na tumutuloy dahil malalayo ang mga bahay nila rito,” sabi niya at tumingin sa akin. “Pagdineretso mo ang daan na ’to makakarating ka sa isang gate at makikita mo na ro’n ang dorm.” Ang galing nakahiwalay pala ang dorm na ’yon. “Tara sa iba naman tayo.”
Naglakad kami at madami pang mga nakakamanghang bagay ang nakita ko.
“At ang—”
“She look’s so desparate.”
“Duh, as if naman magugutuhan sya ni Thaddeus.”
“Mukha s’yang dumi pagdumidikit s’ya kay Thaddeus.”
“Oo nga!”
Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Dark dahil mas naagaw ng kumpulan ng estudyante ang atensyon ko, pakiramdam ko ay may mali.
Hindi ko namalayan na papunta na ako sa mga kumpulan ng mga estudyante at habang palapit ako ng palapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
“Hey! Zelestaire!” rinig kong tawag sa akin ng kasama ko pero hindi ko na siya nagawang lingunin.
“Excuse me po, excusem—” Napatigil ako ng makita ko ang eksena sa loob ng kumpulan ng mga estudyante.
“Get out,” mariing sabi ng isang lalaki na may katangkaran pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa akin....
“Vanessa...” bulong ko at mas tinitigan pa ang babaeng nakaupo sa baba at may mga sirang papel sa harap nito habang umiiyak. “Vanessa!” tawag ko rito at agad na nilapitan ang kaibigan ko.
Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin, nilapitan ko siya at tinulungang tumayo. Pinagpagan ko rin ang uniform niya na katulad ng sa iba.
“Anong nangyari sayo?” tanong ko rito at nakatingin lang siya sa akin bago maiyak ulit kaya tumingin ako sa lalaking nasa harap namin. “Hoy! Sino ka ba!?” tanong ko rito at ang damuho wala man lang reaksyon.
“T.L.” Napatingin naman ako sa Dark na halatang nakisingit din. “Anong nangyayari dito?” Tanong niya at tumingin sa lalaking nasa harap ko at nakatitig lang sa akin.
“T.L? Anong klaseng pangalan yon?” taka kong tanong at parang natigilan ang lahat at naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa qkin ni Vanessa sa braso. “T.L? Ta*ng lusaw?” lagkasabi ko non ay isang malakas na tawanan ang narinig namin mula sa mga estudyanteng daig pa nanonoon sa isang palabas.
‘Kung yun ba naman ay tinulungan nila ang kaibigan ko kanina.’
“Z-zeles,” tawag sa akin ni Vanessa kaya lumingon ako rito at para bang takot na takot siya habang nakatingin sa harap namin kaya tumingin din ako sa tinitignan niya. Napaatras ako nang bahagya ng makita ko ang mukha ng lalaking kaharap namin.
“How dare you?” anito at ’yong boses niya nakakatakot. “Get out!” biglang tumaas ang boses niya kaya napaatras ulit ako at si Vanessa na kaninang nasa tabi ko ay biglang nawala.
Naglakad papalapit sa akin ang lalaking nasa harap ko at inilapit sa tainga ko ang bibig niya.
“Ready your self,” sabi niya at pinitik ang noo ko.

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất