logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 4

PRENTENG NAKAUPO SI Cassius sa loob ng eroplano habang pinagmamasdan ang kalangitan.
Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan ang tungo nila ngayon. Nagulat na lamang siya ng dakpin siya ng tauhan ng kaniyang ama at isakay rito. Sa pagsakay niya ay naabutan niya ang kaniyang mga magulang na nasa loob na rin ng eroplano.
Akala pa nga niya ay kung saan siya dadalhin ng mga ito. Bigla na lamang kasi siyang dinakip at hindi man lang ipinaalam sa kaniya kung saan ang punta.
Naramdaman ni Cassius na mayroong naupo sa upuan sa harapan niya ngunit hindi niya iyon nilingunan. Bagkus ay nanatili ang kaniyamg tingin sa bintana. Nasisiguro rin naman niyang iyon ang kaniyang ina.
“Tayo ay patungo sa Aldepania,” simula nito. Tama siya ng hinala, ang kaniyang ina ang nangahas na guluhin ang pananahimik niya.
Siya ay naiinis. May usapan sana sila ngayon ni Angela na magkikita ngunit dahil sa eksena ng kaniyang mga magulang ay hindi man lang niya nasabihan ito.
“Inaasahan ko na hindi ka gagawa ng kalokohan doon, Cassius. Importante sa iyong ama ang hapunan kasama si haring Edgar,” seryosong banggit nito ngunit mahina lang.
Batid niya ay natutulog ang kaniyang ama at ayaw nitong magising ito dahil pinakaayaw nito ang ginugulo ang pagtulog niya.
Binalingan niya ng tingin ang kaniyang ina. Mula ng magkaisip siya ay wala na siyang ibang nakita kung hindi ang pagsunod nito palagi sa gusto ng kaniyang ama. Parang kahit kailan ay hindi pa niya nakitang nasunod ang gusto ng kaniyang ina.
“Kailangan mong makuha ang loob ni haring Edgar at ng anak niya, ang prinsesa.”
Tumaas ang kaniyang kilay sa na sambit ng kaniyang ina. Umiwas ito ng tingin at itinuon ito sa bintana.
“Bakit ko gagawin iyon?” tanong niya kahit pa nagkakaroon na siya ng ideya.
“Mayaman ang bansang Aldepania, Cassius. Kung maikakasal ka sa susunod na punong estado na siyang reyna rin ng bansa ay magiging mas makapangyarihan ang Grebanio. Maraming pwedeng maibigay sa atin ang Aldepania.”
Iling-iling na iniwasan ni Cassius ang ina. Tulad nito ay muling sa kalangitan niya itinapon ang tingin.
“Hindi negosyo ang pagpapakasal, ina,” puno ng pait niyang sabi.
Matagal na niyang alam na maaari siyang maikasal sa hindi niya kakilala ngunit umaasa pa rin siya na hindi iyon mangyari at tanging sa minamahal niyang kay Angela lamang siyang mapunta.
“Emira Sullivan ang pangalan ng prinsesang dalaga, Cassius. Dadalawa ang anak ni haring Edgar. Si Emira at Silas. Si Emira ang panganay at siya ang susunod na reyna. Pakikisamahan mo siya sa ayaw at sa gusto mo,” sabi nito na tila hindi man lang narinig ang kaniyang sinabi kanina at iniwan siya.
Ibinaba pa nito ang isang folder na naglalaman ng impormasyon kung sino si ba Emira Sullivan.
BUNTONG HININGA NA bumaba si Cassius sa eroplano na kanilang sinakyan patungo sa bansa ng Aldepania.
Kasunod niya ang kaniyang ama at ina na nakasuot ng tradisyunal na kasuotan ng Grebanio. Magarbo iyon at mainit sa katawan. Mabuti na lamang ay malamig sa bansang pinuntahan nila. Habang siya ay nakasuot ng trench coat at itim na pantalon at ang paborito niyang sapatos na sneakers.
Hindi na siya nakapagbihis dala na rin na siya ay dinakip lamang at hindi man lang sinabihan sa mga plano nito.
Gawain iyon ng kaniyang ama sa tuwing ayaw nito na tumutol ang binata. Kung sinabihan ng hari ng maaga ang prinsipe ay tatakas ito at hindi sisipot.
“Nasa paaralan ho ang prinsesa ngayon ngunit nandoon naman po sa palasyo ang hari upang salubungin kayo,” ani ng sumundo sa kanila na mula sa palasyo.
Nakasakay na sila sa sasakyan. Nasa harapan si Cassius habang ang kaniyang mga magulang ay nasa likod. Mayroong dalawang sasakyan na nakasunod sa kanila at isa sa harap habang mayroong tatlong motorsiklo sa harap nito.
“Nasabihan mo na ba ang batang iyan?” rinig niyang tanong ng kaniyang ama sa kaniyang ina.
Sinilip naman niya ang mga ito sa rearview mirror. Nakaangkla ang mga braso ng kaniyang ina sa braso ng kaniyang ama at nakahilig doon.
“Nasabihan ko na. Huwag ka ng mag-alala sa iyong anak,” sagot nito.
Napailing siya. Minsan iniisip niya kung talaga bang mahal ng kaniyang ama ang kaniyang ina o pinakikisamahan lamang dahil sa posisyon nito.
Wala ng nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sa palasyo.
Sobra ang paghanga niya sa sasandaling oras niya na nandoon. Malinis ang lugar, maraming puno sa paligid at walang gaanong sasakyan kaya naman wala silang traffic na nadaanan. Halos lahat ng tao ay kung hindi naglalakad ay gumagamit ng biskleta.
Napansin din niya iyon kanina paglabas nila sa paliparan. Maraming tao ngunit hindi nagkalat. Disiplinado itong naglalakad sa kung saan lamang sila dapat maglakad.
Pagdating sa palasyo ay mas maraming puno iyon at nasa dulo ang palasyo. Sa pakiwari niya ay mayroon lamang dalawang palapag ang palasyo ngunit mukhang mahaba ito at malaki.
Nang huminto ang sasakyan ay napansin niyang nakaabang na ang hari roon. Kilala niya si haring Edgar. Nakakahiya sa mga makakaalam kung hindi niya kilala ang hari. Ang hindi lamang niya kilala ay ang mga anak nito.
Bumaba na ang kaniyang mga magulang upang salubungin ito. Pinagbuksan pa ito ng kawal. Bababa na rin sana ang nagmaneho para sa kanila ng pigilan niya ito sa kaniyang braso upang bumaba.
Diretso naman ang kaniyang tingin habang ramdam niya ang nagtatakang tingin ng kawal.
“Prinsipe,” tawag ng kawal kasabay ng pagkatok bintana ng sasakyan sa kaniyang gawi.
Diretso pa rin ang kaniyang paningin ng pindutin niya ang button ng sasakyan at bumaba ang salamin nito.
“Cassius,” rinig niyang tawag ng kaniyang ina. Sinusubukan nitong kumalma ngunit umaakyat na agad sa kaniyang ulo ang inis sa anak.
Matapos nitong siguraduhin sa asawa na hindi gagawa ng kalokohan ang anak ay heto ito ngayon, ayaw bumaba ng sasakyan.
Sa paglingon ni Cassius ay diretso sa mata ng hari ng Aldepania ang kaniyang naging tingin at nagsalita.
“Gusto kong puntahan kung nasaan ang prinsesa.”
Hindi kaagad nakasagot si haring Edgar. Kahit si punong Graciana na nakaabang sa gilid ay nagulat sa tinuran ng binata.
Hindi naman maintindihan ni Fabiana kung ano ang ginagawa ng anak kaya naman bumitaw ito sa asawa upang lapitan. Nagtatangis naman ang bagang ni haring Caesar dahil sa ginagawa nito. Hindi lamang niya pinapakita dahil sa ganito naman magaling ang matandang hari.
“Hindi pupuwede ang iyong gusto. Hindi ka pa nakikilala ng prinsesa,” mariing bulong ng kaniyang ina.
Para sa mga matatanda ay isang kapangahasan ang magpakita ang isa sa mga nakatakdang ikasal ng hindi pa nagkakakilala. Sabi nila ay maaaring hindi matuloy ang kasal o ‘di kaya ay magdala ng malas sa pagsasama nila.
Hindi niya sinagot ang ina at muling ibinalik kay haring Edgar ang tingin.
“Maaari ho ba?” hingi niyang pahintulot.
Maya-maya pa ay hindi napigilang matawa ni haring Edgar at tumango.
“Ihahatid ka ni Jonathan kung nasaan si Emira.”
Napangiti siya rito at nagpasalamat. Itinaas na niya ang bintana ng sasakyan, hindi na pinansin ang mga magulang na nagulat sa pagpayag ng hari at umalis na kasama ang nagmaneho kanina.
Alam niya kung bakit tutol ang kaniyang ina sa pag-alis. Iniisip nito na tatakas siya. Sa totoo lang ay naisip na niya iyon ngunit agad din niyang naisip na wala ng sayaay iyon. Sa huli ay ikakasal pa rin siya at kahit anong takas ang gawin niya ay ito pa rin kababagsakan niya.
“Kamusta ang inyong prinsesa?” tanong niya kay Jonathan.
Naguguluhan namang tumingin ang kawal sa kaniya at ibinalik din agad ang tingin sa daan.
Pinindot muli ni Cassius ang bintana upang bumukas. Habang nakikita niya ang dami ng puno ay lalo siyang nasasabik na maramdaman ang natural na hangin mula sa mga puno.
“Matalino po ang prinsesa. Mabait din. Madalas po siyang natatagpuan sa lugar kung saan hindi dapat siya nakikita,” anito at iniliko ang sasakyan.
Tumaas ang kaniyang kilay. “Anong ibig mong sabihin?”
“Lumaki po sa labas ng palasyo ang prinsesang iyon, mahal na prinsipe. Kung mayroon man pong nakakakabisado ng Aldepania, iyon ay ang prinsesa. Kaya naman po sa tuwing tumatakas ang prinsesa ay nagugulat na lamang kami kapag nakikita naman siya sa mga lugar na hindi namin inaakala na nandoon siya,” natatawang saad nito. Tila naaalala kung paano siya naghahanap sa prinsesa.
“Tumatakas?” naguguluhang tanong niya. Tumango naman ang kawal.
“Madalas pong tumakas ang prinsesa lalo na sa umaga. Nais po nitong mag-ikot-ikot lalo na sa bayan. Kapag nalaman niyang hinahanap na siya ay nagsisimula na siyang magtago. Gaya po ng aking sabi, sa labas ng palasyo lumaki ang prinsesa kaya naman malapit ang kaniyang loob sa mamamayan ng Aldepania.”
Hindi na siya sumagot. Sasandali pa lamang siya sa Aldepania ngunit mayroon na kaagad siyang nalaman sa prinsesa.
Nasorpresa rin siya sa kwento ng kawal. Marami na siyang nakilalang prinsesa dahil madalas silang magpunta sa iba’t-ibang bansa kapag naiimbitahan ang kaniyang ama. Halos lahat ng nakikilala niya ay mahihinhin at masunurin sa magulang. Sa narinig niya ngayon, nasisiguro niyang isang sakit sa ulo ang prinsesa.
“Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa loob?” tanong ng kawal sa kaniya nang makarating sila sa paaralan.
Umiling siya at kinuha ang litrato na nasa loob ng kaniyang suot na trench coat. Litrato iyon ni Emira na kinuha niya sa papel na ibinigay ng kaniyang ina kanina.
“Ako na lamang. Hintayin mo na lamang ako rito,” aniya at naglakad na papasok.
Pinapasok naman siya agad dahil ipinakilala siya ni Jonathan sa guwardiya na nasa gaye na agad ding sinabihan ang mga guwardiya na nasa loob na papasok ang prinsipe.
Nagsimulang mag-ikot si Cassius. Marami ng estudyante at nagtatakbuhan halos ang lahat at patungo sa iisang direksiyon.
Sinundan niya iyon. Naisip niya na nandoon ang prinsesa. Hindi naman magmamadali ang mga estudyante kung wala roon ang isang panauhin.
Tama ang kaniyang hinala. Sa isang gym siya dinala ng mga estudyante kung saan nagaganap ang pamimigay ng pagkain dahil tanghali na at mga kagamitan sa pag-aaral.
Napansin niyang wala sa pinagdadausan ang kaniyang hinanap kaya naman iginala niya ang kaniyang tingin.
Nang madako ang kaniyang tingin sa palaruan ay nangingiti siyang nailing at umalis na rin agad.
HAPON NA NG makauwi si Emira mula sa paaralan. Tinagpo pa siya ng kagawaran ng edukasyon doon upang pag-usapan ang ilang kailangan ng mga estudyante kaya naman hinapon siya.
Pag-upo niya sa kaniyang kama ay siyang katok sa kaniyang pinto. Sumama ang tingin niya roon at nakita si Aiden na nagbukas ng pinto.
“Pasensiya na prinsesa,” hingin paumanhin nito pero natatawa naman. “Ano na naman iyon?” aniya sa naiinis na boses ngunit pabiro naman. Natawa si Aiden.
“Pinapaalala lang ni punong Graciana ang hapunan. Huwag ka raw tatakas,” babala nito sa kaniya.
Tumango-tango naman siya at pinaalis na ang kaibigang bantay. Iniwan naman siya nitong natatawa at narinig na lamang niya ang pagsara ng kaniyang pintuan.
Sa pagod na nararamdaman niya ay wala na siyang balak tumakas. Sa isip niya, kung ibang araw ito ay baka talagang tumakas siya, ngunit wala talaga sa kaniyang isip ang tumakas. Gusto niyang maintindihan ang kaniyang ama kung bakit siya pinagkasundo sa pamilya Advincula. Malalaman lamang niya iyon kung dadalo siya sa hapunan ngayong gabi.
Tumayo siya sa kaniyang kama at naghanap ng maisusuot.
Sinabi kanina nina Elijah na nasa palasyo na ang mga panauhin kanina pang tanghali. Mabuti na lamang din at hindi siya ipinatawag upang salubungin ang mga ito at kahit ipatawag siya ay hindi siya uuwi. Para sa kaniya ay hindi mahalaga iyon.
Nang dumating ang ika-alas sais ng gabi ay dumating si punong Graciana sa kaniyang kwarto. Nagulat pa ito ng makitang nakaayos na.
“Bakit para namang supresang-surpresa ka sa nakita mo, punong Graciana?” birong turan ni Emira habang isinusuot ang kuwintas.
Agad namang lumapit ang matanda ng mapansing nahihirapan na ikabit ng dalaga ang alahas.
“Akala ko ay hindi ka kikilos dahil tutol ka sa dahilan ng hapunan na ito,” anito at inabot ang kaniyang korona ngunit pinigil niya ito.
“Hapunan lang naman. Huwag na,” malumanay niyang sagot at tinignan ang sarili sa salamin.
Hindi naman sumagot si Graciana at inilapag na lamang sa unan na maliit ang korona kung saan laging nakatabi ito.
“May dahilan ang aking ama at gusto kong malaman iyon. Kapag nalaman ko ay tiyaka ko pagdedesisyunan kung katanggap-tanggap ba iyon o hindi.”
Hindi sigurado si Emira sa pupuwede niyang malaman ngunit naisip niya, mas marami ng nangyari mabigat sa kaniya kaysa sa pagpapakasal na ito. Kung napagdaanan niya ang mga iyon, nasisiguro rin niyang malalagpasan niya ito.
Sana.
Bulong niya sa kaniyang sarili.

Bình Luận Sách (31)

  • avatar
    NicaFarah

    for just an money

    7d

      0
  • avatar
    Harry Velasco

    ang Ganda ng kwento

    24d

      0
  • avatar
    Vianne Mae Provido Calauod

    nice story and i like it

    08/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất