logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

MALAKING eyebags, lantang katawan. Zombie mode ako paggising. Hindi rin ako nakatulog nang maayos. Bakit? Sinipa-sipa lang naman ako ni Azeya habang tulog siya. Ang saya, 'di ba?
"Ano ba namang klaseng pagmumukha 'yan? Maghilamos ka nga! Baka pati ipis, matakot sayo, e," aniya habang kumakain ng tinapay. Wow. Just wow. Nakuha pa niyang manita. Kainis.
And so I went to the bathroom at naghilamos. Diretso ligo na. Super duper puyat talaga 'ko, e. So I let the water flow down on my body. Hindi ko feel ang lamig ng umaga. Siguro inaantok pa rin ako.
"Hindi ka pa ba tapos maghilamos?" Biglang may bumukas ng pint—YUNG PINTO!
"Aaaaah!!! Azeya! Isara mo nga!" Napasigaw ako. Grabe! Nakakagulat naman 'tong si Azeya! Nakahubad pa naman ako!
"Feelingero." Sabay sara niya ng pinto. May narinig pa 'kong sinabi niya. "Wala namang malaki r'yan, e!" Ano raw? Minamaliit niya ba ang aking... Tsk! Hindi 'to maliit! Humanda siya!
Lumabas ako sa bathroom. Syempre, nakabihis na ko. 'Tapos ay saka ko siya sinugod! Sinakal ko siya! At sinuntok! Pero syempre, imagination ko lang yun.
"O, bakit?" Nagpamewang pa siya habang hawak ang sandok. Nagluluto kasi siya.
Itinaas ko naman ang kamay ko upang sampalin—este upang kunin ang sandok sa kanya. "Ako na lang diyan." Binigay naman niya ang sandok. At ako na ang kumuha ng niluto niyang umagahan. Naisip ko kasing wala rin akong panlaban sa kanya. Hindi nga siya tao, 'di ba? Kumusta naman ako sa kaniya?
After naming mag-almusal, nilisan na rin namin ang hotel. May mas mahalaga raw kaming misyon ngayon. At kailangan naming magawa ito sa lalong madaling panahon. Pero ako na dakilang taga-usap sa kanya ay nakatikom ang bibig. Well, may aftershock pa kasi ako. Ikaw ba namang masilipan ng babae sa banyo? 'Di ka ba magugulat?
"We're here," saad niya at huminto ang kotse sa tapat ng isang gate. Lumabas kami pareho at nakita ko ang pangalan ng building na hinintuan namin.
"Homizon International High" or H.I.H. Mukhang pang-sosyal ang school na 'to, ah? Lahat ng students na nakikita kong papasok lahat naka-kotse. Astig!
"Ah—sorry!" Nabangga ako ng isang lalaki dahil nakaharang ako sa gate. Ang tangkad niya. At mukhang suplado.
"Harang." Yun lang 'tapos ay tumalikod na siya. Ang cold niya, boy version ni Azeya!
"Anong hinihintay mo r'yan, pasko?" Ayan at sinungitan na naman po ako ni Azeya. Buhay nga naman. Kung minsan, unfair!
***
May gumagalang beast sa Homizon International High. At pinangalanan siya ni Azeya na Capricorn. Ang target daw ni Capricorn ay magagandang babae, 'tapos ay kukunin niya lahat ng dugo nito at saka papatayin. Yun ang sabi ni Azeya. Nagpanggap kami bilang mga high school students para 'di nila kami makilala—part of our mission.
"Okay, good morning, class," sabi ng prof na magtuturo. May salamin sa mata at kulot ang buhok.
"Good morning, Sir!" bati ng mga estudyante. Naalala ko tuloy no'ng high school pa 'ko.
"Oh, we have new students here. Come here in front. Introduce yourselves."
Well, syempre kami ni Azeya... at pati yung lalaking suplado ang tumayo. Aba, transferee din pala 'to?
"I'm Azer—" Siniko ako ni Azeya. Oo nga pala, nagpapanggap lang kami. "I'm Azer John Seph. Nice to meet you all." Nag-bow pa ko.
"I'm Sephiel. That's all." Si Azeya. Ayos, ah? So, ako lang mahaba ang speech?
"Zack Codden." Yun lang at nagkabanggaan sila pabalik sa mga upuan nila.
Mukhang nakakaamoy ako ng giyera sa pagitan nina Azeya at Zack, ah? Zack pala name nya. Hmmm... ZackEya! Pft.
"I'll go first," wika ni Zack.
"I'm the lady," sagot ni Azeya.
Patay... Pareho nga pala silang suplado at suplada. Sasabog sila pareho. Anong dapat gawin? E 'di sumingit ako sa gitna nila.
"Okay. Please settle down guys," giit ng prof at nagtitigan lang yung dalawa. Para akong nakakakita ng kidlat sa pagitan nila. Pagkatapos no'n ay naupo na rin sila pagkatapo na parang walang nagyari.
"CLASS dissmised." Ayan lang ang naintindihan ko sa buong araw ng pamamalagi namin sa school na 'to.
Ang tindi ng mga students dito. Wild! May nagbabatuhan ng papel kahit may prof. May nang-aalipusta sa mga prof. Ang ingay sa room. Hindi man lang nila ginagalang ang mga prof! Grabe. At ito pa ang matindi! Yung dalawa kong kasama, naging instant celebrity pa.
"Hi! I'm Jay. Nice to meet you Seph—"
"Get lost." Ayan ang laging sagot ni Azeya sa mga lalapit sa kaniya. Ang mean. Oo nga pala, Sephiel ang ginamit niyang pangalan no'ng nagpakilala siya.
"Hi, Zack!"
"Istorbo." Ayan naman ang laging sagot ni Zack sa mga lalapit sa kaniya.
Oh well, walang duda. Bagay nga sila.
"Hey!" May umakbay sa 'kin. Himalang may nakapansin sa 'kin?
"Uh, hi?" alanganing sagot ko.
"Alam mo, mukhang kawawa ka rito sa sulok. Tara! Libre kita!" sabi niya sabay hila sa 'kin. Lalaki nga pala siya.
At nasa canteen na nga kami. Ang sosyal talaga ng school na 'to. Grabe lang. "Hulaan ko, taga-public school ka dati, 'no?" sabi niya habang kumakain ng pasta.
"Uhh... oo. Ganoon na nga," sagot ko naman. Ang hindi niya alam, college na 'ko.
"Hmm..." Tumango-tango naman siya. "Alam mo, bro, I'll go straight to the point, ha? Type ko yung kasama mong girl."
Halos mabilaukan ako. Si Azeya? Type niya? Tsk! Kung alam lang niya!
"Ah..." awkward kong sabi at kunwaring natawa. "Gano'n?"
"Oo. She's sexy, matapang, maganda. Yun ang mga type ko. Hot chick." Hindi rin naman mukhang babaero 'to, 'no? Halatang-halata lang.
"Hot chick? Ano siya, sisiw?" pamimilosopo ko.
"Teka, bro, crush mo rin ba siya?" tanong niya sa 'kin, dahilan ng paglaki ng mata ko sa gulat.
"Ano? Hindi, ah!"
"Oh, well, that't good." Ngumisi pa siya. "Ilakad mo ko sa kaniya."
"Pero kita mo namang suplada siya, 'di ba? Mahihirapan ka sa kaniya."
"Don't worry. I can handle her with my charm," pagmamayabang niya. Well, kung tutuusin, gwapo nga ang isang 'to. May blonde na buhok. Matangos na ilong at white skin. Mga 5'9 ang taas.
Pero compared sa Zack Codden na yun, mas gwapo yung Zack. Hoy! Hindi ako bakla, ah? Nagde-describe lang.
(A/N: Zack Codden came from Being Zack Codden written by Uunknown123. Hiniram ko lang sya. Kindly read his story :) To know him more :) Ayan libre plug ka Mr. Uunknown123 xD Haha xD Thank you po :))
After lunch, bumalik na 'ko sa room. At nagulat ako sa nadatnan ko. Si Azeya, may hawak na espada habang nakatutok sa leeg ni Zack. Si Zack naman ay may hawak na silver gun at nakatutok sa leeg ni Azeya. Mukhang sakto lang ang dating ko bago pa sila magpatayan.
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ko. Napatingin sila sa 'kin tapos dineadma ulit ako. Ayos, ah!
"Patahimikin mo 'yang alaga mo," malamig na sabi ni Zack.
"Ikaw ang gumawa, hindi ako utusan," sagot ni Azeya. Ako ba ang pinagtatalunan nila? Ayos. E 'di wow. Tsk.
"Woah! Hey, guys! Quit it!" At pumagitna si... si Blonde hair. Yung lalaki kanina na nanghila sa 'kin. Ibinaba nila pareho ang weapons nila. Aba. Sumunod sila kay blonde hair!
"Alam kong school 'to para sa mga basagulero, but, not in this room, okay? Gusto niyo bang ma-expelled?" At tumalikod sa isa't isa ang dalawa.
Humarap si Blonde hair kay Azeya. "Hi, Sephiel. I'm James. Nice to meet you." At hinawakan niya ang kamay ni Azeya, 'tapos hinalikan yung likod ng palad niya. Wow. Ang gentleman, ah? At hindi man lang siya pinigilan ni Azeya? As in wow na wow! Siya na kaya si Mr. Right ni Azeya?
"Ang sakit sa mata," rinig kong bulong ni Zack tapos lumabas siya ng room. Wait. Nagseselos ba si Zack? Woah! Ang cool nito! May love triangle!
Sinundan ko palabas si Zack. Gusto kong malaman kung may feelings ba siya for Azeya. Mas gusto ko siya kaysa kay James Blonde. Pft.
"Zack! Sandali!" Papunta siya sa field. Kaya ayun, hinabol ko. Huminto naman siya at tumingin sa 'kin. As usual, cold look. Boy version nga 'to ni Azeya.
"What do you want?" cold niyang sabi.
"May gusto lang naman akong itanong, e."
"I'll give you ten seconds. Go."
Grabe! Mas matindi 'to kay Azeya! Ten seconds lang? "Crush mo ba si Sephiel?" mabilis kong sabi. Ten seconds lang daw, e.
"No." Iyon lang at tumalikod na siya. Pero hinabol ko pa rin siya. "Stop following me." Lingon niya sa 'kin.
"Magkakilala ba kayo?"
"Nagtanong ka na, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?" Alam kong naiirita na siya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Nag-cross arms pa ko. Feeling cold rin.
"Hindi.ko.siya.kilala. Okay ka na ba ro'n, ha?" may diin niyang sabi.
"Eh, bakit nakatutok yung baril mo sa kaniya? Bakit kung magtitigan, kayo, parang may galit kayo sa isa't isa? Ano ba talag—"
Natigilan ako nang tinutukan niya 'ko ng baril sa ulo. "Magkukusa ka bang manahimik o patatahimikin kita?"
I froze. Bakit ba lahat sila, trip akong patayin? Ano ba talaga ko rito? Kawawang nilalang naman pala ako.
After that, he walked alone. Ayoko nang sumunod. Baka mamaya, kalabitin talaga niya yung baril niya. E 'di mamamatay ako, 'di ba? I just decided to go back to the classroom. Tutal doon naman talaga dapat ako.
***
BAGO kami umuwi, dumaan muna si Azeya sa isang grocery store. Iniwan niya 'ko sa kanto. Babalikan na lang daw niya 'ko. Ang bait niya, 'no? Medyo nasasanay na rin naman ako sa coldness noya kaya okay lang.
"Iniwan ka na naman niya?" narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Paglingon ko, si Zack pala.
"Ikaw pala." Nginitian ko lang siya. "Pauwi ka na?"
"Obvious ba?" sabi niya sabay lagay ng dalawang kamay sa bulsa ng pants niya. Isa rin 'tong cold e. Pakiramdam ko tuloy, lagi akong may kasamang ice prince at princess.
"Teka, Zack. Galit ka ba kay Sephiel?"
"Yung babaeng mahangin? Hindi." Babaeng mahangin? Yun pala ang tingin niya kay Azeya. Siguro nga ay tama siya.
At may biglang lumipad sa harapan ko, dahilan ng paglaki ng mata ko. Isang SWORD!
"Azeya?!" sigaw ako sa gulat. Ikaw kayang walang malay na biglang liparan ng espada sa harapan mo? Magugulat ka, 'di ba?
Bigla naman akong napatakip sa bibig ko. Sephiel nga pala dapat dahil nandito si Zack. Kasi naman! Nilingon ko si Zack at mukha namang hindi niya napansin ang isinigaw kong pangalan ng babaeng bumato ng espada sa akin. Mabuti naman kung gano'n.
"Anong kailangan mo?" she said with a cold tone. Nakita kong may dala siyang plastik. May laman sigurong groceries.
"Masama bang tumambay rito?" sagot naman ni Zack at ibinato pabalik yung sword niya.
"Sinabi ko na sayo, wala rito ang hinahanap mo. Mag-aaksaya ka lang ng lakas," mahinahong sabi ni Azeya. Teka! Parang may mali, e. Nararamdaman ko.
"May tama ka." Lumapit si Zack kay Azeya. Teka nga! May mali talaga sa scene, e!
"Huwag kang lalapit!" sigaw niya 'tapos ay tinutukan si Zack ng espada.
"Dadalhin kita sa ospital," saad ni Zack. At sandali nga. Kailan pa sila nagkabati? Paki-explain naman, o!
"Don't come near me!" Azeya shouted with a different tone this time. Parang hirap siya. Parang nahihirapan. Nakita kong napahawak siya sa kaliwang balikat niya. Tapos napaluhod. The heck! May tama nga siya ng bala!
Kinarga siya ni Zack, yung pang kasal. I dunno but, I feel something is wrong. Undo! Undo! Nag-i-imagine na naman ako, e!
"Open the door!" sabi ni Zack. Oo nga pala! At mabilis ko namang binuksan ang pinto ng kotse. Binitbit ko na rin ang plastik na may grocery pagkatapos ay ako ang nag-drive. Sila sa backseat. Yakap ni Zack si Azeya. Naku! Chansing to, ah! Bawal PDA sa Pinas!
But... nag-aalala ako kay Azeya. Kung sana ako na lang yung humahaplos sa pisngi niya...
Bigla naman akong namula sa naisip. Ano ba, Azer Zarften? Focus ka nga sa pagda-drive! Puro kalokohan na naman ang iniisip mo, e! Argh!
NAKARATING naman kami sa ospital kahit wala ang utak ko sa pagmamaneho kanina. Ang sabi ng doktor, hindi naman daw malala ang tama. Daplis lang. Pero mabuti raw at maagap na natignan iyon dahil maaari daw magkaimpeksyon ang sugat.
"Masyado kayong abnormal." Again, back to normal Azeya na naman siya. "Ang layo sa bituka nito."
"Pero pwede ka pa ring mamatay," sabat ni Zack. "From the infection." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
Pagkatapos ng eksenang 'yon, pumunta kami sa isang lugar na 'di ko alam. Parang lumang warehouse na bodega na bahay ng multo. Ang dilim kasi. At ang sangsang ng amoy ro'n.
"Ilapag mo na mga gamit mo r'yan," sabi ni Zack. Nilapag ko naman. Ako taga-dala nila ng mga bag nila, e. Ang bait nila, 'di ba?
"Azer, ikuha mo naman ako ng tela." Si Azeya naman. Ako naman si hanap ng tela. At nakakuha naman ako.
"Maglatag ka na lang dyan." Si Zack
Teka, mukha ba akong utusan? Bakit puro ako ang gumagawa? Ang unfair!
"Sige." Ayan, try ko naman maging cold. Sana mapansin nila. At dahil wala naman silang pakialam, natulog na lang kami.
***
Kinabukasan, sabay-sabay na kaming pumasok nila Zack. Kaya pala nandoon sa school na 'yon si Zack ay dahil may hinahanap ito. Pero hindi ko kilala. At ayoko nang alamin.
"Huling araw na natin dito," sabi ni Azeya.
"Ha? Kakapasok lang natin kahapon, ah? Ang bilis naman?"
"Hindi tayo nagpunta rito para mag-aral. Misyon nating hanapin si Capricorn," she explained to me again.
"O-okay..." Iyon na lang ang nasabi ko at pumasok na kami sa campus. "Nahanap mo na ba siya?" tanong ko.
"Oo. Nakilala ko agad siya from the very start," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. H-holding hands kami?
Bigla namang umalingawngaw sa sistema ko ang isang mabilis na tunog. Ano yun? Imagination ko ba yun? Bakit parang... tibok ng puso ko yun? Anong...
"Oh, Seph—What's the meaning of that?" sabi ni James blonde habang gulat na gulat na nakatingin sa kamay namin ni Azeya. Oo nga pala! Oh my goat!
"Ah, uh... ano, kasi..." Ayan na. Natataranta na nga 'ko! Kainis!
"Kami na," simpleng sabi ni Azeya.
Muli ko na namang narinig ang malakas na pagtibok ng puzo ko. Ang puso ko... Nagwawala! Bakit kaya? Hiningal ba 'ko pagpasok ko?
"I don't believe you. Look at him, he's in shock." Nag-smirk pa si James.
Sumeryoso naman ako. Aba! Makiki-eksena rin ako, 'no! "Bakit, ramdam mo ba yung nararamdaman ko? Tsk. Mahal ko kaya siya. At naunahan kita!" Pareho 'ata silang nagulat ni James sa sinabi ko. Walang nagre-react, e.
Narinig ko naman na may umubo sa likuran. At alam kong si Zack yun.
"That weakling? Bakit siya pa ang pinili mo? Hamak namang mas gwapo at macho ako kaysa sa kanya," pagmamayabang niya.
"Wow, ah! Salamat sa compliment," sarcastic kong sabi. Nakakainis, e. Hindi na 'ko magpapa-api ngayon. Nevah!
"Huwag mo namang maliitin. Kawawa na nga, e," sabi ni Zack. Aba't loko 'to, ah!
"Mr. James," sabi ni Azeya. "Believe it or not, we're now a couple," sabi niya na may poise pa.
Nag-iba namang bigla ang aura ni James. At hindi maganda ang feeling ko sa mangyayari. Parang nagkakaroon 'ata ng war between Azeya and James. Matapos mag-iba ng aura ni James, humaba ang maikli niyang blonde na buhok. Nagulat pa 'ko nang biglang sumulpot sa harap namin si Zack. Parang humarang silang dalawa ni Azeya. Kumbaga, shield ko sila.
"A-ano bang nangyari sa kanya?" tanong ko.
"Siya na nga si Capricorn," saad ni Azeya. "Nagagalit siya kapag may isang babaeng hindi niya nakukuha."
Mayamaya pa ay agkaroon na ng sungay si James. Hindi na siya si James! Mukha na siyang taong kabayo. Kalahati ng katawan niya ang nag-transform bilang kabayo. Pagkatapos yung upper part ay mukhang toro dahil may sungay siya. Kakaiba na ang anyo niya!
Inilabas ni Azeya ang espada nya. Si Zack naman ay ang silver gun. "Ililigaw ko siya. Itakas niyo lahat ng tao na nandito," utos ni Zack sa 'min. Pero hindi kumikilos si Azeya.
Bumwelo si Azeya. "Bakit pa? Wala naman akong pakialam sa kanila!" 'Tapos ay sinugod niya si Capricorn. Pero nakakailag ito.
"Tsk. Hindi maaasahan..." bulong ni Zack, 'tapos lumingon siya sa 'kin. "Ikaw na ang gumawa. Tutal mabait ka naman," sabi niya 'sabay ng pagputok niya sa baril niya. Natamaan si Capricorn.
Ako naman, as usual, tumakbo. Lahat ng madaanan kong rooms ay walang laman. Wala bang tao? 'Buti kung—
"Nagulat ka ba dahil wala nang tao?" sabi sakin ni—James! Nandito siya! E, sino yung kalaban nina Azeya? Lagot!
May lumabas na patalim sa likod niya. Actually, mga patalim... Ang dami! At lahat ng yun, lumipad papunta sa 'kin. Sa unang pag-atake niya, nakailag pa 'ko. Pero nang sunod sunod na, nasugatan na ako sa balikat! Aray!
"Naku, Nasaan na ang gf mo? Hindi ka ba niya tutulungan?" pang-asar pa niya. "Kawawa ka naman. Iniiwanan ka na lang niya."
"Hindi totoo 'yan!" Kinuha ko ang isang tubo sa may kanto ng room at sinugod ko siya. Pero sadyang mabilis siyang kumilos kaya hindi ko siya matamaan.
"Mahina!" 'Tapos ay may tumusok na lang sa likod ko. Lumampas sa dibdib ko. Ramdam ko yung sakit at hapdi... Pero may mas nakikita pa 'ko...
"Kuya!"
May tumatawag... Sino 'yon?
"Kuya!"
Minulat ko ang mga mata ko... Teka, nasaan ako? Bakit parang wala ako sa mundo ko?
"Kuya James!" May batang tumatakbo palapit sa 'kin. James? Hindi ako si James.
"Louie!" May lumampas na lalaki sa 'kin. Matangkad at blonde ang buhok. Para akong transparent na nilampasan at tumagos sa kaniya
"Kuya ko!" Kinarga nung James si Louie. Teka... Kilala ko siya, ah?
"Buti naman at okay na ang bunso ko," nakangiting sabi ni James. "Ano? Gusto mo bang maglaro tayo?"
Masayang-masaya naman si Louie. "Opo, Kuya! I miss you na po, e."
At nag-iba ang scene. Biglang dumilim...
"Siya ang kapatid ko... Siya si Louie..." rinig kong sabi ng nagsalita sa isip ko.
"Isa siyang experimental subject. Ikinulong nila ang kapatid ko dahil sa pag-aaral nila.. Wala silang awa. Hindi sila naaawa sa kaniya habang pinahihirapan siya. Habang humihiyaw siya... Wala akong magawa! Dahil hindi ko kayang suwayin ang papa namin! Bakit? Bakit ko pa siya nakilala?"
Ipinakita niya sa 'kin ang isang eksena kung saan hinahataw ang isang batang lalaki ng latigo. Paulit-ulit. Maraming beses... At rinig na rinig ko ang paghiyaw niya. Hirap na hirap na siya. Pero wala akong magawa. Hindi ko siya malapitan...
May isa pang scene. Magkasama sila ng batang lalaki habang kumakain ng lugaw. Nakahiga lamang ito sa hita niya. Halata sa mga mata nito ang paghihirap. Ngunit pinipilit niya pa ring ngumiti.
"Kuya... Mahal po kita..." sabi ng bata. At naluha ang kaniyang kuya. "Lagi kong aalalahanin ang iyong mukha, Kuya."
Hinaplos ng kuya nito ang mukha ng bata. "Oo... Alam ko. Mahal na mahal ka rin ng kuya."
Hindi ko alam, pero ako na kuya rin sa aking mga kapatid ay nakakaramdam ng lungkot para sa kaniya.
"Kuya, gusto ko na pong magpahinga... Pagod na po ako..." sabi ng bata. "Pinipilit ko pong idilat ang mga mata ko... pero kusa na po silang pumipikit..."
Pinipigil ni James ang ang iyak. "Sige na. Kung hindi mo na kaya... ipikit mo na ang mga mata mo. Ikamusta mo ako kay Mama, ha?" Matapos niyang sabihin iyon ay nawalan na ng malay ang bata.
Dumilim ang paligid. Nakita ko ang nag-iisang liwanag sa dilim na 'yon. Si James. Natutulog siya habang umiiyak.
"James..." tawag ko sa kaniya.
"Hindi mo na siya maginggising pa. Dahil sa akin na sya." Isang malaking boses ang sumambulat sa 'kin. Pagkaraa'y nakita ko si Capricorn—ang anyo ni James kanina.
"Pakawalan mo na siya! Hindi mo dapat 'to ginagawa!"
Tumawa siya. "Ano ako, tanga? Hinding-hindi ko gagawin 'yan. Isa pa, siya ang pumili sa kapalarang 'yan."
Tinitigan ko siya nang masama. Naramdaman kong may kung ano sa katawan ko. At lumitaw ang isang lalaki sa tiyan ko!
"Ikaw!" sigaw ni Capricorn.
"Ako nga." Tuluyang nakalabas ang lalaki sa tiyan ko. May mahaba siyang buhok at may matutulis na kuko. Wala siyang anumang saplot sa katawan. At kita ko ang matalim niyang mga mata...
Sino siya?

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất