logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Butterflies of Bliss

Butterflies of Bliss

nikeinkshaaa


PROLOGUE

“Ano ba talagang nangyayari Herman? Bakit ganito na lang ang nangyayari sa kumpaniya natin? Yung mga artista natin ay lumilipat na sa kabilang estasyon? Ano na lang mangyayari sa atin kapag naubos na sila?!”
Natigilan ako sa ambang pagkatok sa pinto ng kwarto nina Daddy nang marinig ko ang problemadong boses na ‘yon ni Mama. Bahagya kasing nakaawang ang pinto kaya naririnig ko ang boses nila mula sa loob.
“Gagawan natin ‘yan ng paraan honey just relax gagawin natin ang lahat para hindi sila umalis ng tuluyan sa kumpaniya natin,” dinig kong tugon ni Daddy.
“Paano? May paraan pa ba? Wala na akong naiisip na ibang paraan Herman! Gosh this is driving me insane!”
Saglit na binalot ng katahimikan ang buong kwarto nila bago muling nagsalita si Daddy.
“Pagbalik natin rito galing sa paghatid sa mga bata sa Bicol magpapatawag kaagad tayo ng board meeting at pag-uusapan natin ang problemang ito kaya ‘wag mo na munang isipin ‘yon okay? Ang isipin muna natin ngayon kung paano sasabihin sa mga bata ang plano natin.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. What?
“Isa pa ‘yan papayag naman kaya ang mga anak natin na umalis at pumunta sa Mamita nila sa isang araw?” Bakas ang pag aalala sa boses ni Mama nang sabihin niya iyon.
Ano?! Sa isang araw kaagad?!
“We’ll make them understand the situation honey, you know our kids and they will understand us because we’re doing this for their own good.”
Our own good? Really? What the hell?
“Sabagay sigurado naman akong maiintindihan tayo ng mga bata, mana kaya ‘yong mga ‘yon sa’yo at saka matagal-tagal na rin nilang hindi nakikita si Mama kaya mabuti na rin ‘yong nando’n sila hangga’t hindi pa natin na aayos itong problema natin sa kumpaniya at least panatag ako na magiging maayos ang lagay nila doon kahit wala tayo sa tabi nila.”
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila at bumalik na lang ako sa kwarto ko. I was about to ask Dad and Mama if I can come to my friend’s birthday party this coming weekend, kaya ako pumunta doon sa kwarto nila, but I know that they will not allow me because they already have a plans!
Pabagsak akong humiga sa malambot kong kama at nakakunot noong tumitig sa kisame ng kwarto kong punong-puno ng mga gawang bituin. I like stars because it makes me calm.
Bakit pa ba namin kailangang umalis? Puwede naman nilang ayusin ‘yong problema sa kumpaniya kahit nandito kami, right? At saka bakit biglaan naman yata? Sa isang araw kaagad? Hindi ba puwedeng kahit next week na lang o kaya kaya 'wag na lang.
Hindi naman sa ayaw kong makita si Mamita. Of course I want to see her and be with her, it just that, pa’no yung studies namin rito? Ano yun iiwan lang namin ng basta-basta?!
“Ugh! Nakakainis!” Maktol ko at ibinaon ang muka sa unan.

Sa kalagitnaan ng paglalabas ko ng inis, bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya inis ko itong kinuha mula sa side table ko.
My right eyebrow raised when I saw Maya’s name on my phone screen.
“Ano na naman kayang problema ng babaeng ‘to at tinawagan ako?” Kausap ko sa sarili ko. Agad ko namang sinagot ang tawag ni Maya.
“What?” bungad ko.
“Ay galit? Wala man lang hello o kaya kumusta?” sabi niya sa kabilang liniya.
“Tsk. Magkasama pa lang tayo kahapon kaya ‘wag kang OA riyan. Ano? Bakit ka napatawag?” Nag-indian seat ako sa ibabaw ng kama ko at ipinatong ko sa ibabaw ng mga binti ko ang unan na nakatakip kanina sa muka ko.
“Yayayain sana kita punta tayo ng mall bibili tayo ng dress na susuotin para sa birthday ni Aria tapos gala tayo after.”
Umusbong na naman ang inis a dibdib ko ng maalala ko ang usapan kanina nina Mama.
“Yon na nga eh, hindi ko alam kung makaka-attend pa ba ko ng birthday ni Aria sa sabado.”
“Ha? Ano? Bakit? Hindi ka ba pinayagan nila tita? Grabe naman gurang ka na hinihigpitan ka pa rin.”
What? Anong gurang? Sinong gurang?! Siraulo ‘to ah.
Hindi ko na lang pinuna ang sinabi niya.
“Hindi ‘yon, hindi pa naman ako nakakapagpaalam―”
“Pa’no ka papayagan kung hindi ka pa naman pala nakakapagpaalam?!” Putol niya sa sasabihin ko.
“Magpapaalam na nga sana ako kanina kaso nga lang hindi natuloy―”
“Bakit naman?!”
“Kasi nga― puwede ba patapusin mo muna ako! Kanina mo pa pinuputol ang mga sinasabi ko!” bulyaw ko sa kaniya.
“Sorry naman sige hindi na mauulit okay continue.”
I rolled my eyes first before talking. “So ‘yon na nga magpapaalam na nga sana ako kanina kaya ako pumunta sa kwarto nila kaso narinig ko silang naguusap about sa company tapos bigla sinabi ni Daddy na ihahatid daw nila kami sa Bicol, do’n sa province na kinalakihan niy―”
“What?! O to the M to the G! What did you say?!” Halos mapapikit ako dahil pinutol niya na naman ang sinasabi ko.
“Ano ba? Mag kuwekuwento ba ‘ko o bababaan na lang kita?!” Nakakunot noong tanong ko.
“Sorry na nabigla lang naman ako eh. Galit ka naman agad. So, aalis kayo? Bakit naman? Kailan naman kayo aalis at babalik? Ano ‘yon mag babakasyon kayo sa kalagitnaan ng semester? Duh! By the way, puwede ba akong sumama?”
Baliw talaga.
“Hindi ko alam. Ang rinig ko sa isang araw na daw kami aalis at hindi ko alam kung kailan kami babalik,” sabi ko at muling huminga ng malalim.
“Pero sure naman siguro na babalik kayo ‘di ba?” bakas ang lungkot sa boses niya ng tanungin niya ‘yon.
“Yeah hindi naman ako papayag na hindi kami bumalik ‘no.”
“Mabuti naman kung ganon, sayang kung puwede lang sana akong sumama eh ‘di mag kakaroon pa sana kami ng quality time ng sweetheart ko.” My eyebrows raised because of what she said.
“Sinong sweetheart?” I curiously asked.
“Ano ka ba Kity! Eh ‘di si Kyrus!”
Yuck! Sweetheart amp!
“Kadiri ka Maya, as if naman papatulan ka ni Kuya Kyrus alam mo namang ang sungit-sungit no’n ‘tsaka ayaw no’n sa maiingay!”
“Akala ko ba bestfriend kita? ‘Di ba dapat chini-cheer mo ‘ko na icru-crush back ako ng Kuya mo?!”
Natawa ako ng bahagya dahil sa reaksyon niya. “Kaya nga, bestfriend kita kaya dapat magsabi ako ng totoo sa’yo ‘di ba? Hindi ka niya papatulan.”
“Ang sama mo talaga sa akin, oh siya sige na nga ibababa ko ‘to na mag ma-mall pa ako ng mag-isa balitaan mo ako ha?”
“Oo sige ingat ibon.”
Nang ibinaba niya na ang tawag ay muli na naman akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Tumingin ako sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table ko, it’s already 3:14 PM medyo mainit pa sa labas dahil alas-tres pa lang naman.
Medyo nawala ang inis ko dahil nakausap ko si Maya.
Maya has been my best friend since elementary school. Siya lang ‘yong nakakaalam ng mga sekreto ko dahil siya lang talaga ‘yong pinagkakatiwalaan ko. Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan iyong iba naming friends, of course I trust them too. It’s just that I’m not comfortable telling them about my personal life. May alam naman sila kahit papaano sa buhay ko pero hindi nga lang singdami at singlalim ng alam ni Maya.
Sa kalagitnaan ng pag mumuni-muni ko hindi ko namalayang tinangay na pala ako ng antok.
*****
NAGISING ako dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko. Kasunod nito ang boses ni Mama.
“Kity are you awake, anak? If yes lumabas ka na mag di-dinner na tayo hihintayin ka namin sa baba.”
“Yes, Ma susunod po ako,” sagot ko habang nakahiga parin sa kama ko. Nang marinig ko ang yabag ni Mama paalis ay ‘tsaka ako bumangon at pumasok sa banyo para maghilamos.
Madilim na sa labas kaya muli akong tumingin sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table ko, alas-syete na pala ng gabi halos apat na oras pala ako nakatulog.
I didn’t stay in my room too long, after washing my face. I immediately went downstairs. Kumpleto na sila doon pagdating ko sa dining nandoon na si Mama, Daddy at Kuya Kyrus na seryoso ang mga muka habang si Kuya Kendrick naman na maaliwalas ang muka na parang laging walang problemang dinadala.
Naku! Sure akong lkapag nalaman nitong aalis kami paniguradong mamomoblema rin siya kagaya ko.
“Finally! Dumating ka na rin Kits kanina pa ako nagugutom,” Kuya Kendrick said when he saw me entering the dining area.
I rolled my eyes before sitting beside him. “Stop calling me Kits, Kuya! It’s annoying.”
Tumawa siya ng bahagya. “Why? It’s cute Kits.” Pangaasar niya pa habang tuwang tuwa sa reaksyon ko.
Inirapan ko lang siya at bumaling kina Mama. “Why are you guys so serious? Is there any problem?” patay malisiyang tanong ko.
Sasabihin na ba nila sa amin ang plano nila? Ugh, hindi na ba talaga magbabago ang isip nila? I don’t want to leave.
“Nothing, but your mom and I want to tell something important to the three of you, but we'll tell you later, let's eat first,” seryosong sabi ni Dad.
Kahit na alam ko na kung ano ang sasabihin nila ay kinakabahan pa rin ako.
Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos no’n tahimik na lang kaming kumain, ramdam ko ang pagtataka ni Kuya Kendrick habang si Kuya Kyrus naman ay wala man lang nagbago sa itsura.
Kuya Kendrick and Kuya Kyrus are non-identical twins. They were twins, but there is a big difference in their behavior. Kuya Kendrick is goofy and sociable, while Kuya Kyrus is the opposite who is unsociable and always serious.
“Dad, what is the important thing you want to tell us? Can we know what it is now?” Basag ni Kuya Kyrus sa katahimikan sa kalagitnaan ng pagdidinner namin.
Parehas naman kaming dalawa ni Kuya Kendrick napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain at sabay na napatingin kay Kuya Kyrus pagkatapos ay kina Mama.
Dad cleared his throat. Tumingin muna siya kay Mama na tinanguan siya bago siya tuluyang bumaling sa amin.
“So impatient, son,” Daddy joked. “Napagdesisyunan namin ng Mama niyo na tumira muna kayo pansamantala sa Bicol kasama ng Mamita niyo―”
“What?!” Hindi na natapos ni Daddy ang sasabihin niya ng sabay na mag react ang kambal.
Sabi sa inyo eh hindi ako nag-iisang tutol sa gusto nilang mangyari. Well, hindi naman siguro ako mahihirapang pabaguhin ang isip nina Dad kasi may kasama naman akong kokontra sa kanila. Baka nga wala na akong gawin dahil sila na ang gagawa no’n.
“Please, listen to me first okay. Our company is in the middle of a crisis. Many do not continue to sign contracts with MBFP because they think they will not become famous and gain fans in our company―” Naputol ang sinasabi ni Daddy ng biglang magsalita si Kuya Kendrick.
“You don’t have to explain Dad we understand and we also missed Mamita. We haven't seen her for a long time,” bakas ang saya sa muka ng loko.
What is the meaning of this? Did he really just agreed?! I couldn’t believe this!
Akala ko pa naman kakampi ko siya. Nakakainis! So, I think my only hope is Kuya Kyrus.
“Really? Mabuti naman kung gano’n ang akala ko ay mahihirapan kaming kumbinsihin kayo,” sabi ni Dad kasabay ng paghinga nito ng maluwang.
“What about you, Kyrus? Do you want to live with your Mamita in the province?” Mama asked.
'Wag kang pumayag. 'Wag kang pumayag. 'Wag kang—.

“Of course Ma, just like Kendrick said we haven’t seen her for a long time and we won't also allow her to travel here alone anymore because Mamita is old so I think it would be better if we’re the one who just goes for her, right?” wika ni Kuya Kyrus hindi siya nakangiti ngunit bakas ang tuwa sa mga mata niya.
Nakaramdam ako ng panlulumo. Kapag pinilit ko pa ang gusto ko ako rin lang naman ang matatalo, alam kong hindi ako sa kanila manalo lalo na’t buo na ang mga isip nilang lahat. Nakakainis!

“What about you, Kity? Do you want to go too, right?” umaasang tanong sa akin ni Daddy.
Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
“Y-yeah,” labag sa loob na sagot ko.
Masayang pumalakpak si Mama ng marinig iyon.
“So, we’re settled. I’m sure Mamá will be happy if she knew that you’ll come to live with her,” she smiled genuinely. Ako naman ay pilit na ngiti lang ang ginanti.
“Ma,” tawag ko, bumaling naman siya sa akin.
“Yes, dear?”
“Pa’no po yung pag aaral namin rito?” nag-aalalang tanong ko natigilan naman siya.
“About that anak,” panimula ni Daddy. “We decided to transfer you in St. Laurent College doon ako grumaduate ng college no’n kabataan ko at gusto ko ring maranasan niyong makapag-aral do’n at nasisiguro ko sa inyong magugustuhan niyo ang eskuwelahang iyon,” masayang sabi ni Daddy.
“Pa’no yan Dad, tatanggap pa kaya sila ng mga transferee nasa kalagitnaan na nang second semester? Pa’no kung hindi na kami tanggapin do’n?” nag aalalang tanong ni Kuya Kendrink.
“We already did something in that matter anak, naka-usap na namin ang Dean ng SLC at pumayag na sila may slot pa naman daw para sa mga courses niyo hihintayin na lang ang mga requirements niyo na pinapaasikaso ko na kay Frida.”
“It's good then, Dad,” says Kuya Kyrus.
“I told you, honey. Our children are understanding,” proud na sabi ni Mama kay Daddy.
They really planned everything as if they expected us to agree to what they wanted. I think there’s really nothing I can do to change their minds. Kung gano’n kailangan ko na sigurong magsimulang mag-impake.
Muli kaming nagpatuloy sa pagkain ng hapunan, naging mas magaan ang aura ngayon kaysa kanina. Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto.
I took a quick half bath before I went to bed. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Maya.
To: Ibon
Hey, confirm! Mama and Dad told us na aalis talaga kami and worst lilipat pa kami ng school!
After a few minutes, I didn't receive a reply from her. Instead, my cellphone rang, and Maya's name was on my phone screen.
“Hel—”
“What did you just say?!” Sigaw na bungad niya dahilan upang ilayo ko sa tainga ko ang phone ko.
“Don’t shout!”
“Totoo ba talaga ‘yon? As in lilipat ka? Baka gino-good time mo lang ako ah.”
“Totoo nga at hindi ako makapaniwalang pumayag sina Kuya!”
“What the? For real?! So pa’no na yan ibig sabihin magtatagal kayo do’n?”
“Malamang!”
“Oh bakit parang hindi ka masaya? Buti ka pa nga makakapag out of town kung ako sa’yo enjoyin mo na lang ‘yan at least makakapag relax ka pa ‘di ba naku kung puwede lang talaga akong sumama baka mas nauna pa ko sa’yo sa airport.”
Bahagya naman akong natawa. “Malamang matutuwa ka talaga kasi makakasama mo ‘yong ultimate crush mo, eh ako wala naman ako no’n.”
“So kasalanan kong wala kang crush? Sa dami ba namang gustong manligaw sa’yo ni isa wala ka man lang pinapansin! Kaya 'wag mo kong artehan tatamaan ka sa’kin.”
I chuckled.
She really knows me.
Mahigit thirty minutes rin kaming nag chikahan bago namin maisipang magpaalam na. Bukas ko na lang siguro sasabihin sa iba naming kaibigan na aalis ako. Maybe, Maya is right. E-enjoyin ko na lang siguro ang pag-stay ko do’n para naman makapag-relax ako sa probinsiya malayo sa polusyon rito sa Manila.
“Sana maging maayos ang pag-stay namin do’n,” I whispered before falling asleep.
NIKEINKSHA | SUSHI

Bình Luận Sách (2)

  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất