logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Always

Always

heatherasteriaxx


01.

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This story or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express permission of the author by any means available. Plagiarism is a crime punishable by law.
...
"Asaan ka na ba?!" tanong ko kay Ella nang matawagan ko siya. Thirty minutes na akong naghihintay dito sa isang coffee shop pero hanggang ngayon, hindi pa siya dumadating! Ang usapan, 9:30, nandito na dapat siya! Aba, alas diyes na, wala pa'rin!
"Traffic, eh! Maglibot ka nalang muna, bahala ka. Malapit lang naman ang mall diyan. Tawagan nalang kita pag nandyan na ako, okay? Bye." mataray na sabi niya mula sa kabilang linya bago binaba ang tawag.
Napairap nalang ako at binulsa ang cellphone ko. Siya na nga 'tong late, siya pa 'tong nagtataray.
Naisipan kong gusto kong bumili muna ng libro kaya tumayo na ako at lumabas ng café. Malapit lang naman dito ang mall kaya linakad ko nalang. Pagdating ko ay dumiretso ako sa NBS at pumunta sa books' section.
I saw a romance novel and was supposed to grab it but someone got it first. Napatingin tuloy ako sa kanya at sa katawan niya. Maputi siya, mukhang may lahi. Mas matangkad 'din siya sa akin ng kaunti. 
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. Naramdaman ko bigla ang tibok ng puso ko... bakit parang may kakaiba?
Napatingin ulit ako sa lalaki. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya habang tinititigan ako. Nakipagtitigan 'din ako hanggang sa dumapo ang paningin ko sa mga mata niya.
Those eyes look familiar.
Bakit parang nakita ko na siya noon pa? Bakit parang may parte sa isip ko na nagsasabing kilala ko siya kahit ang totoo ay ngayon ko lang naman siya nakita?
Tumikhim ang lalaki kaya napaiwas ako ng tingin. "Uhm, miss, have we met before? You look familiar." bigla niyang sabi.
"Actually, no. I think this is my first time seeing you, Mr- I'm sorry, what's your name?" hindi ko tinuloy ang sinasabi ko para tanungin muna ang pangalan niya.
"Call me Ivan" he said and smiled.
"Ivan." ulit ko sa pangalan niya. "Chelseah." pakilala ko tsaka naglahad ng kamay. Agad naman niya itong tinanggap ngunit nang hawakan ko ang palad niya ay may kakaiba akong naramdaman. Weird.
"So, uhm. Would you like to go grab some coffee? My treat." pag aaya niya bigla.
"Actually, I just had coffee," pagtanggi ko. Hindi ko 'din naman siya masyadong kilala kaya ayaw kong sumama nalang basta-basta. Not that he looks like he's up to something at mapapahamak ako kapag kasama siya. He looks nice, honestly. But, he's still a stranger and the number one rule my mother thought me was to never talk to strangers.
"Okay then. See you around, I guess?" he smiled charmingly. Nginitian ko naman siya at tumango.
He started walking away but there's a voice inside my head saying that I should spend more time with him so I called him again. Buti hindi pa siya masyadong nakalayo.
"I-Ivan? It's still early but, do you want to have lunch with me?" pahabol ko. Lihim naman akong napangiwi.
What the hell are you thinking, Seah? Are you crazy?!
Napatigil ako nang bigla siyang ngumiti at tumango. That smile...
"Gladly." he said and again, flashed a smile. Okay, fine. He's handsome.
Binayaran muna namin ang libro na nakita namin. Iisa nalang 'yun kaya ang sabi niya, hiramin nalang daw muna niya saglit tapos kapag nabasa niya, ibibigay nalang niya sa'kin. Para din daw may rason na magkita kami ulit.
Siya na ang pinagpili ko ng kakainan namin kaya lubos ang pagtataka ko nang dalhin niya ako sa Jollibee. Tinanong ko siya kung bakit but he just laughed and shrugged, not knowing why. Basta kusa nalang daw kaming napunta dito. Natawa nalang ako at pumayag na doon kumain. Wala namang problema, namiss ko din fries and float nila dito.
Naghanap ako ng table habang siya naman ang um-order para sa'min. Maya-maya ay dumating na siyang may hawak na tray at linapag 'yun sa lamesa namin.  Dalawang burger steak meal, dalawang large fries, dalawang sundae, at dalawang coke float. Agad naman akong napangiti. Mukhang mabubusog ako ngayon.
"Takaw natin, ah?" I joked which made him chuckle.
"What? Hindi naman." he denied while laughing. Natawa nalang ako at umiling bago nagsimula nang kumain, ganun 'din naman siya. Inuna ko lang saglit ang fries, sinawsaw ko sa sundae.
Susubo na 'din sana ako sa burger steak nang bigla akong pigilan ni Ivan. Nagtataka naman akong tinignan siya. Puno pa ng kanin ang bunganga niya kaya linunok niya muna 'yun.
"Bawal ka sa mushrooms, 'di ba?" kunot ang noong pagpapaalala niya. Napatingin tuloy ako sa pagkain ko at napatampal sa noo. Oo nga! Nakalimutan ko!
"Wait lang, paano mo nalaman na bawal ako sa mushrooms? Ngayon lang naman tayo nagkakilala, ah?" takang tanong ko.
Allergic ako sa mushrooms. Namumula ako at nahihirapang huminga kapag kumain ako 'non kaya iniiwasan ko. Hindi ko alam kung bakit nawala sa isip ko 'yun ngayon.
"Actually, hindi ko din alam. Nakita kong isusubo mo yung mushroom kaya pinigilan kita. Hindi ko din alam bakit ko ginawa yun." naguguluhang sabi niya.
So paano 'yun? Hmm, probably just a coincidence?
Natapos kaming kumain habang nagkuwekwentuhan lang tungkol sa kung ano-ano. It's weird that I actually feel comfortable around him. I mean, we just met but we talk as if we've known each other for years.
Medyo maaga pa naman nang makalabas kami ng Jollibee kaya naisipan naming manood muna ng movie. Nakakatuwa nga kase parehas kami ng gustong panoorin. Pagkatapos 'non, gumala pa kami sa mall.
Magdidilim na nang maisipan naming umuwi. Hindi na din namin namalayang madilim na sa labas dahil sobrang naaliw kami sa presensya ng isa't-isa.
Nag-offer si Ivan na ihatid ako pauwi, um-oo nalang ako kasi mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, wala naman sigurong gagawing masama itong taong ito. At isa pa, mahirap na 'ring mag abang ng taxi ngayon.
Itinuro ko sa kanya ang daan papuntang village namin. Pagdating namin doon ay nag pasalamat na ako at bababa na sana nang pigilan niya ako,
"Uh, Chelseah?" tawag niya.
"Hmm?"
"It was nice meeting you, I had a lot of fun." he said while smiling from ear to ear.
"Ako din, nag-enjoy. Thank you for today." I sincerely said.
"Oh, do you mind if I ask for your number? Bagong lipat lang kasi kami dito, wala pa akong masyadong kilala." wala sa sariling sabi ko. Kakalipat lang kasi namin dito sa Pilipinas two months ago from the States. As of now, ang malditang si Ella lang ang kaibigan ko. Childhood friend ko kasi siya kaya sobrang close namin kahit gaga siya.
"Ah, talaga? Sige, sandali." aniya at dali-daling kinuha ang phone mula sa bulsa.
Pinakita niya ang screen ng cellphone niya kung saan naka-flash ang phone number niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at dinial 'yun, making his phone ring. Sinave ko na ang number niya, ganun din naman ang ginawa niya. Nag-usap pa kami saglit hanggang sa nagpaalam na din siya.
Napangiti ako habang papasok ng bahay. Being with him for the whole day made me happy for an unknown reason.

Bình Luận Sách (57)

  • avatar
    Nancy C. Tabuena

    👍🏻

    12d

      0
  • avatar
    Trisha Rocero

    really good

    20/06

      0
  • avatar
    Charlene Joy Cangas Masayao

    beautiful

    29/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất