logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 Take It or Take It

NATANGA na lamang si Eilaine sa lahat ng pinagsasabi ni Mateo sa harapan niya.
“The deal is good. Take it or take it.” Kampanteng wika pa ng lalaki. Magkaharap sila sa mesang kainan na tanging iba’t ibang mga prutas lamang ang nakalatag sa pagitan nila.
Pumilas siya ng isang saging mula sa bungkos niyon, binalatan at kapagkuwan ay isinubo. Na-i-stress siya! Kailangan niya ng pampakalma at pagkain ang kasagutan.
Kahit may laman pa ang bibig ay nagsalita siya. “Grabe ka sa akin. Alam mo ba ‘yon?” Paghihinampo at medyo pagtutol niya sa kasunduang inilalatag ng lalaki sa kanya. Gagawin lang naman kasi siya nitong sekretarya, kusinera, taga-linis ng bahay at kasa-kasama sa taniman ng hasyenda – in short, sa pagsasaka! Ang kapalit niyon ay ang pag-tira niya ng libre sa mansyon habang may sahod na tatanggapin.
Oo nga at kailangang kailangan niya ng trabaho, pero huwag naman sana iyong trabahong bukod sa ikakukuba ay baka maaga niya ring ikamatay. Wala na bang ibang pagpipilian?
“Baka may gusto ka pang idagdag sa job descriptions ko.” Sarkastiko niyang wika.
“Marunong ka ba magmasahe?”
“Eh?!”
“Marunong o hindi?”
“Hindi.”
“Fine. So, wala na akong idadagdag. Magsisimula ang trabaho mo ngayon.”
“Eh?! Seryoso ka talaga diyan? Wala ba akong karapatang mag-isip muna?”
“Wala.”
“Grabe ka talaga sa akin!” Naipadyak pa niya ang paa na nasa ilalim ng mesa dala ng inis.
Umabrisyete lamang ang lalaki at mataman siyang tinitigan. Matagal. Iyong klase ng tingin na nakakapagpalubog sa kinauupuan.
“Bumalik ka na ng Maynila at ihanda ang sarili mo para sa pagpasok sa kulungan.”
Ilang beses siyang napakurap-kurap. May puso ba ‘tong kausap niya?
“A-ang sungit mo, ah! Eto na nga magtatrabaho na. Ano ba ang una kong gagawin?”
“Anong kurso ang tinapos mo?”
“Computer Engineering.”
Tumango-tango ang lalaki at tila nag-iisip.
“Parents?”
“Wala. Hindi ko kilala. Yung nakapulot sa akin, nasa heaven na last year pa.”
“Edad?”
“Ni Lolo Gideon bago siya mamatay? 78.”
Tinignan siya nang masama ng lalaki. “Edad mo.”
“Ah. Linawin mo kasi. Twenty-two.”
“May boyfriend, anak or asawa?”
“Wow. Tinanggap mo muna ako sa trabaho bago mo ako ininterview. Ayos ka ring amo, ah. Amazing!” Sarkastiko niyang pamumuri sa lalaki.
“Sagot.” Mariin pa rin ang pagkakatingin ng lalaki sa kanya. Ang sungit talaga. Sayang pogi pa naman.
“None of the above. Searching sana. Kaso yung na-search ko may sabit na pala kaya back to coke no sugar ang status ko.”
Kumunot ang noo ng lalaki at na-cutan siya sa dito. Ang weird. Niya. Kailan pa nakaka-pag cute sa isang tao ang matinding pagkunot ng noo? Nahihibang na siya. Mukhang napasukan na ng malamig na klima ng Ganduyan ang utak niya.
“Coke no sugar?” Tanong ng lalaki at mas lalo pa yatang dumami ang kulubot nito sa noo.
“Zero. As in Coke Zero. Gets mo na? Huwag tayong slow, hindi bagay sa’yo, pogi ka pa naman.”
Muling umangat ang gilid ng labi ng lalaki. Para itong nagpipigil na mapangiti na ewan. “Sigurado ka diyan?” Tanong ng lalaki sa kanya.
“Oo naman. Hindi sa pinupuri kita o binobola kaya huwag lalaki ang ulo mo. Nagsasabi lang ako ng totoo base sa nakikita ko. Iyon nga lang kahit pogi ka, mukha kang masungit. Tsaka para kang papatay ng zombie kung makatingin.”
“Tss.” Tumayo na ang lalaki at tumayo na rin siya. Gaya-gaya siya eh, bakit ba? “Ipagpatuloy mo na ang paglilinis.” Utos ng “amo” niya. “Bukas ng umaga, sasama ka sa akin sa hasyenda. Pero bago iyon, magluluto ka muna ng almusal.”
Nalaglag na naamn ang panga niya. “Seryoso ka talaga diyan? Gagawin mo talaga akong chiminayaya?”
“Hindi ako nakikipagbiruan.” Seryosong wika ng lalaki.
Tinignan na naman siya nito ng nakamamatay at muli ay napalunok na lamang siya ng laway. Nagpahaba siya ng nguso. “Sabi ko nga no jokes allowed. Ang O.A. mo kung makatingin. Kumakain ka ba ng tao? Sinasabi ko sa’yo, hindi ako masarap.” Umiling-iling pa siya at nag-abrisyete. “Sayang ang effort mo ng pag-nguya sa akin.”
Napaangat ang kanang kilay ng lalaki. Unti-unti ay lumapit ito sa kanya kaya naman paunti-unti rin ay napapaatras siya. Napalunok siyang muli ng laway nang binasa ng lalaki ang mapupulang mga labi nito.
“Sigurado ka bang hindi ka masarap? Paano kung titikman kita?” Sa unang pagkakataon mula nang nakadaupang palad niya ito ay ngayon lamang ito ngumiti. Dangan nga lamang ay nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng lalaki mula sa mga mamamasa-masang labi nito.
Anak ng kabayo! Takteng amo! Ibang klaseng pagkain yata ang nais nitong gawin sa kanya. Rawr! Tumatakbo ang imahinasyon niya.
Kaya naman habang may espasyo pang natitira sa pagitan ng mga mukha nila ay kumaripas na siya ng takbo. “Naiihi ako!” Sigaw niya nang nakatalikod sa amo at ang tunton na nga niya ay ang banyo. Birhen pa ang mga labi niya at ayaw niyang ipakain iyon kay Mister Sungit-Na-Ang-Sama-Pa-Tumingin.
Ngunit sa kabilang banda ay napapaisip rin siya. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan? Lalo na ng isang poging amo na bagama’t ubod ng sungit ay pakiramdam naman niyang may bait pa rin itong itinatago.
Mabilis siyang napailing-iling dahil sa itinatakbo ng isipan niya. Okay, nababaliw na siya. Ihi lang ang katapat nito.
NANG sumunod na araw ay opisyal na ngang amo ni Eilaine si Mateo. Alas-singko pa lamang ng umaga ay abala na siya sa paghahanda ng pagkain. Ang bilin ni “Amo” sa kanya dapat raw ay ala-sais ng umaga ay nasa taniman na sila. Pagkatapos nilang kumain nang sabay- yes, sabay ulit sila ay patungo na sila sa bukirin ng lalaki.
“Shet! Sa'yo lahat ng ito?” Nanggigilalas na wika ni Eilaine. Lulan sila ng sasakyan ng lalaki. Mabuti nalang at hindi siya marunong magmaneho dahil baka gawin rin siya nitong driver kung nagkataon. Si Mateo ang nasa manibela at katabi naman siya nito. Pumasok sila sa isang lupain na may malaking arko sa bungad. Ang nakasulat sa arko ay Hasyenda Suarez. Kaya malakas ang kutob niya na lahat ng kasalukuyan niyang natatanaw ay lupaing pag-aari ng lalaki. At mahaba pa ang daan na tinatahak nila.
“Wala kang karapatang magmura.” Saway ni ‘Amo’ sa kanya.
“Sorry na, Amo. Pwera biro, sa'yo lahat talaga ito?” Patuloy siyang namamangha sa mga nakikita niya. Tadtad ng iba't ibang mga pananim na maayos na nakahanay ang mga lupa sa nadadaanan nila. Hindi nga siya pamilyar sa ibang mga halaman na nakapunla doon. Bukod sa mga gulay na nakatanim sa mga patag na lupa ay may natatanaw rin siyang mga hagdan-hagdang palayan sa ilang kabundukan.
“Oo.” Maikling sagot ng lalaki. “And no follow up questions allowed.”
Walanjong amo talaga. Ang dami pa naman sana niyang gustong itanong. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nakikita niya at pagkatapos ay pagmamay-ari pa ito ng masungit na lalaking nasa tabi niya. “Ano ba 'yan, ke aga-aga nagsusungit ka na. Kapuputok pa lang ng araw, oh. Chill ka lang diyan. Pero bakit nga sobrang yaman mo?”
Ayan na naman ang pamatay na tingin ng lalaki para sa kanya.
Napahaba tuloy ang nguso niya. “Ang daya. Ikaw nga diyan, halos buong autobiography ko alam mo na pati kasuluksulukang singkong duling na utang ko sa Maynila alam mo, samantalang yung sa'yo, waley. Ngangabels. Ang damot.”
“Hindi mo kailangang malaman. Employer mo ako at empleyado kita kaya impormasyon lang tungkol sa'yo ang dapat na malaman.” Ang mga mata ni Mateo ay nakatuon sa kurbadong dinadaanan nila.
Tumunganga siya sa bintana na nasa kanyang gilid. Idinungaw niya ang ulo sa labas ng bintana at binusog na lamang niya ang mga mata sa magagandang tanawin. “Papa Lord, ang unfair po talaga ng buhay, ano po?” Bahagya siyang tumingala at natanaw niya ang maaliwalas na kalangitan. Okay na sana na may nagmagandang loob para tulungan siya sa problema niya ngunit saksakan naman ito ng sungit. We can never really have it all. Sadnu?
Nahagip ng mata niya si Matthew sa kabilang bahagi ng kalsada na nagbubuhat ng mga buslo ng gulay. “Uy! Si Broccoli Man!” Masaya niyang wika. “Mag-slow down ka.” Wika niya sa kanyang amo na tila ba wala itong karapatang suwayin ang ipinaguutos niya.
“Inuutusan mo ako?”
“Hindi, pinapakiusapan.” Ngunit imbes na magdahan-dahan sa pagmamaneho ay inihinto ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng truck na pinagkakargahan ni Matthew ng mga gulay.
“Hi, Matthew!” Bati niya kay Broccoli Man.
“Ma'am Eilaine! Magandang araw po. Good morning din po, Boss.” Balik-bati ni Matthew.
Tinanguan lamang ni Mateo si Matthew bilang tugon sa bati nito. Maya-maya lang ay nag-usap ang dalawang lalaki sa wikang Ilokano kaya naman hindi siya maka-relate.
“Boss mo yan?” Tanong niya kay Matthew.
“Oho Ma'am. Lahat ho ng taga-Hasyenda Suarez boss po siya.” Sagot at imporma naman ni Matthew.
“Big time ka talaga, Amo.” Hindi niya napigilang maikomento.
“Ma'am Eilaine, bakit po Amo ang tawag niyo kay Boss? Hindi ba ho pagiging blogger ang trabaho niyo?”
“Ah. He-he! Alam mo yung part-time job? Uso kasi ‘yon. Kaya heto. Boss ko na rin siya. Sige Matthew ha. Una na kami. Keep up the good work at huwag ka masyado magpa-pogi sa pagbubuhat. Baka sumikat ka na naman.”
At makabiktima ng mga babaeng katulad ko na isang malaking hopia.
Ngiti lamang ang isinukli ni Matthew sa sinabi niya at pinaandar na rin ni Mateo ang sasakyan.
“Malakas ang kutob ko na si Matthew ang dahilan kung bakit ka nagtungo dito sa Ganduyan.” Bakit parang dumilim ang mukha ng lalaki? Bad trip na naman ba ito? Dahil ba sa inutusan niya ito kanina. Sorry na!
“Oo pero hindi one hundred percent.” Sagot naman niya habang ang mga mata ay nakatanaw na sa daan na tinatahak nila. Medyo nailang kasi siya sa pinakawalang ekpresyon ni Mateo at hindi niya alam kung bakit.
“Bakit?”
Muli siyang humarap sa lalaki upang asarin. “No follow-up question allowed!” Aniya at ngumisi.
Death glare ang ibinigay ng lalaki sa kanya.
Yung tipong katapusan na talaga ng buhay niya.

Bình Luận Sách (119)

  • avatar
    Jojo Valeros Suaso

    it's a nice story..I love it so much

    12/02

      0
  • avatar
    Melinda Regalado Oña

    nice story

    11/01

      0
  • avatar
    Rica Indino

    nice story

    11/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất