logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

TAOZ- 6

Lian Pov.
"Mari!" Binigay ko kay Rex ang pares ng arnis na puno na ng dugo at Lumapit sa kaibigan ko."Salamat sa Diyos at Ligtas ka" ani ko at niyakap siya.
"Hindi ko sila nagawang iligtas Lian, W-wala akong nagawa... K-kung nakita mo lang kanina kung gaano sila ka saya ng Sinabi ko na makakaalis na tayo sa lugar nato... I failed them Lian"
"Shh, Ginawa mo ang lahat Mari. Wag mong sisihin ang sarili mo, Okay? Tara na"  Kinuha ko ulit ang arnis kay Rex at Lumabas na kami ng Store. May nailigtas parin kaming 8 tao na kasamahan namin.
"We need to go, Please walk silently as you can" ani ni Dylan.
Napatingin kami sa iisang direksyon nang may narinig kaming ingay.
"Andito na sila" ani ni Gio. Nagbulungan na ang mga tao at unti unting umaatras.
"Mari at Gio, kayo na ang bahala sa kanila. Make sure na safe kayong makalabas." Ani ko.
Binigay din ni Dylan ang phone kay Gio.
"P-Pero paano kayo?" Natatarantang ani ni Mari.
"Kami na ang bahala dito, Umalis na kayo. Goodluck, Mari. You must survive, You must ALL survive. Now go!" Hinila na ni Gio si Mari at sumunod na sa kanila ang mga kasamahan namin.
"Are you ready, boys?" Ani ko.
"We are born ready, Miss" ani ni Rex.  I smirked.
Gio pov.
"Dito po tayo, Mag ingat sa paglakad" mahinang ani ni Mari.
"Kailangan na nating bilisan, Baka maabutan tayo"  ani ko.
Pagliko namin ang hallway ay may nakita kaming iilang mga zombies. Dahil sa madilim pa ay hindi nila kami nakita. Dumaan kami sa gilid ng hallway ay halos dumikit na sa mga wall at pinto ng mga stores. Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa gilid ng mata ko.
Kunting galaw lang namin ay maaari na nila kaming maramdaman. Ganun rin ang ginawa naman sa ilan pang hallway na dadaraanan namin.
Nang makarating na kami sa huling hallway ay wala akong makitang zombies na nakakalat sa hallway. Pinili parin naming mag ingat sa paglakad upang makasiguro lang.
Nasa huling tatlong stores na kami ng may narinig kaming ingay. Napansin ko rin na unti unti nang sumisikat ang araw.
"Don't... move" mahinang ani ko sakanila. Huminto muna kami at tumingin sa unahang bahagi ng hallway.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako ngayon.
"Walk... slowly" ani ni Mari.
Habang unti unting kaming umaatras ay may nakita  akong isang zombie, Timing na sumikat na ang araw at kitang kita na kami.
Ang nag iisang zombie na nakita namin ay nasundan ng marami pa.
"RUN!!!"
.............
Lian Pov.
"Taran na! Kailangan na nating Humabol!" Ani ko.
"Let's go! Hurry!" Ani ni Rex. Tumakbo na kami at Tinungo ang papuntang exit.
Nasa huling Hallway na kami ng napahinto kami, Merong Sumalubong samin na grupo ng mga Sundalo.
"Tumabi kayo!" Sigaw ng isa sa kanila. Hinila ako ni Rex at Tumakbo kami papalapit sa kanila.
Agad nilang Pinaputukan ang mga humahabol saming mga infected. Napa upo ako at Takip sa teinga ko.
"Don't worry, We're safe" ani ni Rex at hinawakan ang Kamay ko. Napatingin ako sa kanya at Yumakap.
"Salamat" naramdaman ko na parang nailang siya sa ginawa ko kaya Bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Sir, Nasan po ang iba pa naming kasamahan?" Tanong ni Dylan sa isang Sundalo.
"Nasa labas napo sila, Lumabas na kayo. Pasasabugin na ang buong mall" Tumakbo na kami papuntang Gate.
"Tara na!" rinig ko pa na ani ng Sundalo sa nga kasamahan niya.
"Lian!" Tumakbo papunta sakin si Mari at Niyakap ako.
"M-mabuti naman at ligtas kayo" ani ko sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang sobrang takot na naranasan niya sa loob ng mall.
.
.
.
.
.
.
"May isang costumer kami na inatake at namatay.  Susunduin po dapat siya ng Ambulansya. Dahil sa hindi pa Dumating ang susundo sa kanya ay sa clinic muna namin siya inilagay. Titingnan po sana namin pero ng bumalik na kami sa Clinic ay wala na siya. Dun na nag simulang magkagulo sa mall." Pahayag ko sa isang reporter.
Dalawang araw ng Makalabas kami sa mall ay Pumayag narin kaming Kunan ng Pahayag ng mga reporter. May usap usapan na maaring galing ang virus sa isang laboratoryo. May isang Scientist daw na gumawa ng isang experiment. Yung lalaking namatay sa mall ay isa sa mga tinurukan niya ng experiment na yun. Pumayag sila na na mag paturok dahil sa perang ibibigay ng scientist.
".....hindi lang siya iisa, hinahanap na ngayon ng mga police ang 24 na taong kasama niya. At alam natin na madali lang silang dumami. Hindi lang nagtatapos sa mall ang lahat, Lian. May paparating pa."
Ng marinig ko iyon ay bigla akong kinabahan. Hindi lang natatapos sa mall, ma iba pang maaring infected at gaya ng sabi niya madali lang silang dumami.
.
.
.
.
.
.
"Hello, Guys!" Masayang ani ni Mari na kararating lang. Napa usapan namin na magkita kita sa isang Coffee shop.
"Tagal mo naman, pa importante ka talaga noh" tukso ni Gio.
"Hoy! Wag ka nga dyan, namiss mo lang ako eh" ani ni Mari.
"Yuck, kadiri. Pinagsasabi mo" napatawa kami sa kanila. Tuwing nagkikita sila ay nagbabangayan na agad sila.
"Uhmm, Lian. Anong order mo?" Ani ni Rex. Binigay niya sakin ang menu at binasa ko naman.
Tatawag na sana kami ng waiter ng......
"Ahhhhhhhhh!"

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Nimrod Selma Gambe

    sarap

    12d

      0
  • avatar
    Zian Kyle Coronejo

    it was so good na biniro nila

    13d

      0
  • avatar
    Yasir Ksim

    bshshsnsjsjsjs

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất