logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Five - Joshed

"Hello. Sino 'to?" agad na tanong ng dalaga.
"Ang bilis mo namang makalimot." sagot ng nasa kabilang linya.
"Christian?" Alangang tanong ni Clarissa. She did not saved Christian's number kaya lumabas itong unregistered nung tumawag sa kanya.
"Di mo pala sinave number ko." Tugon ng binata na may halong pagkadismaya.
"Why would I?" Tanong ni Clarissa.
"Akala ko friends na tayo?" Pagbalik na tanong ng binata.
"Nakipagmeet lang ako, pero hindi ibig sabihin friends na tayo." Diretsong sagot ng dalaga.
"Aw."
"Aw?"
"Ang sakit naman nun." sagot ng binata.
"Anong problema? Nabuhay ka yata?" Pagbabago ng usapan ni Clarissa habang sumesenyas si Rosie sa kanya na para bang nagtatanong kung sino yung kausap niya.
"Hindi naman ako nawala." sagot nito.
"Eh, bakit nagparamdam ka ngayon?" tanong ni Clarissa, tsaka sumenyas kay Rosie na tila ba sinasabing siya yung pinag-uusapan nila kanina. Agad namang lumabas si Rosie para bigyan ng privacy yung usapan nung dalawa. Pauwi na din sila at hindi pa niya naayos yung gamit niya dahil inuna niyang makipagkwentuhan kay Clarissa sa halip na mag-ayos ng gamit niya.
"Feeling ko kasi pag di ako nagparamdam kakalimutan mo na ako agad. Hindi nga ako nagkamali." sagot ni Christian.
"Dapat ba kitang kausapin?" tanong ng dalaga.
"Nakalimutan mong ikwento yung kwento mo."
"Talaga bang hindi ka pa nakakamove on dyan?" di makapaniwalang sagot ng dalaga.
"Hindi, yun naman yung reason ko bakit kita inaya makipagkita." tugon ng binata.
"Busy lang sa clinic, daming patient."
"Kaya pala. Kumusta naman?" pangungumusta ng binata.
"Pauwi pa lang. May tinapos lang ako." sagot ni Clarissa tsaka ito lumabas ng opisina para daanan si Rosie.
"Late na ah." pasado alas otso na nung mga oras na yun, halos tatlong oras na mula ng oras na dapat na oras ng uwi ng dalaga.
"Oo nga eh. Wala eh, ot kasi eh." halata sa boses ni Clarissa yung pagod mula sa maghapong trabaho nito. "Rosie tara na." pag-aya nito sa kaibigan na siyang dinaanan niya sa office nila.
"Sunduin kita?" tanong ni Christian.
"Ha?"
"Pauwi pa lang din kasi ako, galing ako ng Taguig, medyo malapit na ako sa clinic niyo. Pwede kitang daanan." sambit pa ng binata.
"Hindi wag na, may kasama ako eh." pagtanggi ni Clarissa.
"Saan ba siya umuuwi?" muling tanong ng binata.
"Sa Caloocan."
"Ayun pala eh, okay lang naman sa akin na isabay siya." pamimilit ni Christian.
"Wag na. Kaya naman mag commute." mariing pagtanggi ng Clarissa.
"Clarissa, baka pwedeng magpasundo kay Jaime? Ang sama ng pakiramdam ko." sambit ni Rosie kaya taas kilay siyang napatingin dito.
"May pasok si Jaime." agad na sagot ng dalaga.
"Yun ba yung kasama mo?" tanong ni Christian nung marinig si Rosie.
"Oo." sagot ni Clarissa.
"Mukhang masama pakiramdam ng kasama mo. Sunduin ko na kayo, malapit na ako." sagot ni Christian.
"Hindi na." pagtanggi ni Clarissa.
"I insist. Hintayin niyo ako." sagot nito bago tuluyang maputol yung usapan nila.
"Rosie ano yun?" agad na tanong ni Clarissa sa kaibigan.
"Masama nga pakiramdam ko." sagot ni Rosie tsaka humawak sa ulo nito.
"Wag ako." iiling-iling na sagot ng dalaga.
"Magpasalamat ka na lang magkikita na ulit kayo." sagot ni Rosie tsaka naunang maglakad palabas ng building nila.
Patuloy sa pagbabangayan si Clarissa at Rosie habang pababa sila sa building ng clinic. Ayaw sana na magpasundo ni Clarissa kay Christian dahil matagal na din mula nung huling nagkausap sila pero dahil sa kalokohan ni Rosie nagpumilit tuloy itong pumunta sa clinic para sunduin sila.
"Ayaw mo 'nun? Magkikita ulit kayo?" muling tanong ni Rosie sa kaibigan.
"Hindi nga ako interesado sa kanya, tsaka mamaya masamang tao pala yun at kinukuha lang yung loob ko." sagot ni Clarissa.
"Grabe ka naman mag-isip ng masama dun sa tao. Baka gusto ka lang talaga maging kaibigan." pagtatanggol ni Rosie kay Christian.
"Hindi ako maghahanap ng kaibigan sa gitna ng pandemya 'no." paninindigan ni Clarissa. "Kung nagkita man kami before, hindi ko pinlano yun." dagdag pa niya.
"Baka tadhana na naglalapit sa inyo?" sagot ni Rosie.
"Baka ikaw ang naglalapit sa amin." inis sa sagot ni Clarissa. "Kung hindi dahil sa'yo hindi naman magpupumilit yun eh." patuloy pa niya. They were already outside their building habang hinihintay si Christian pero hindi pa din sila natatapos sa pagtatalo nila.
"Green flag yun, concern siya sa kaibigan mong masama ang pakiramdam." sagot pa ni Rosie. Pero hindi sapat na dahilan yun para magtiwala siya agad dito.
"Madami pa ding red flags." pagkontra ni Clarissa.
Una na sa red flags ni Christian yung paghahanap niya ng makakameet-up sa omegle. Pangalawa yung padalos-dalos na pagdedesisyon niya na makipagkita. At pangatlo ay yung bigla na lang siyang magpaparamdam matapos ng ilang araw na hindi nila pagkakausap ng dalaga.
"Kilalanin mo muna kasi." seryosong sabi ni Rosie. Nakukuha naman ni Clarissa yung gustong iparating ng kaibigan pero wala pa talaga sa isip ni Clarissa na mag entertain, she was too focus on herself at wala siyang panahon para umintindi ng ibang tao.
"Wala akong plano." paninindigan ng dalaga.
"Unang beses pa lang kayong nagkikita, hindi mo pa masasabi agad yun." sagot ng kaibigan. "Ikaw na din nagsabi, mukhang disenteng tao naman yun."
"Tigilan mo ako Rosie. Pinapasakit mo ulo ko." reklamo ni Clarissa tsaka niya ito tinalikuran. Kilala niya ang kaibigan, hindi talaga siya titigilan nito hangga't hindi siya sumasang-ayon sa ideya nito.
"Sinasabi ko lang yung possibility. Tignan mo, akala mo na ghost ka na, yun pala naghihintay lang na kausapin mo din siya." pangangatwiran pa ni Rosie.
"Baka bored lang ulit." tipid na sagot ni Clarissa.
"Judgmental mo." inis na sabi ni Rosie. This time siya naman yung tumalikod kay Clarissa. Alam din ni Rosie na pag ayaw ni Clarissa, hindi talaga ito mapipilit.
"Sinasabi ko lang yung totoo. Kaya lang naman nakipagkita yun kasi bored siya nung time na yun." sagot ng dalaga. Pareho silang nanahimik hanggang sa may pulang sasakyan na huminto sa harap nila. Kasunod nun ay yung paglabas ni Christian mula sa sasakyan.
"Kanina pa kayo?" pagbati nito nung makalapit siya sa dalawa.
"Kalalabas lang din namin." sagot ni Clarissa.
"Hello, Rosie nga pala." agad na napatingin si Clarissa sa direksyon ng kaibigan dahil nauna pa itong bumati kay Christian. Kanina lang ay nagmamaktol na ito at ayaw ng kumibo dahil sa inis sa dalaga pero nagawa nitong bumati sa hindi niya kakilala.
"Hello. Christian." pagtugon naman ng binata. hindi kagaya ng nakagawian, hindi na sila nag shake hands pa dahil iniiwasan nga yung contact.
"Ano mo?" tanong ni Rosie kay Clarissa na para bang hindi alam kung anong kwento sa kanilang dalawa.
"Kaibigan ko." tipid na sagot ni Clarissa.
"Ngayon lang tayo nag meet 'no? Di ka pa na kwento sa akin ni Clarissa." muling pagbaling ni Rosie ng atensyon nito sa binata.
"Bago lang kami nagkakilala ni Clarissa." sagot naman ng binata.
"Walang boyfriend 'to. Pwede mo ligawan." dagdag pa ni Rosie, dahilan para kurutin siya sa tagiliran ng kaibigan.
"It's okay, pwede naman din." natatawang sagot ni Christian.
"Ay wow, mapagpatol ka din pala 'no?" di makapaniwalang sabi ni Clarissa dahil sa inasta ng binata.
"Joke lang." tugon nito. "Dinner? Kumain na ba kayo?" agad na ding pinagbuksan ng pinto ni Christian sila Clarissa para papasukin sila dito.
"Hindi pa, sa bahay na lang." sagot ni Clarissa.
"Pwede naman kayong kumain muna, pababa na lang ako mamaya para hindi ako maging abala." sagot ni Rosie tsaka ito mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Halata din sa boses nito ang pag-aalaska sa kaibigan. "Dun ka na sa harap umupo."
"No, social distancing. Hindi ako pwede sa passenger seat, galing tayo ng clinic baka ma-exposed naman si Christian." sagot ni Clarissa. Naalala niya pa nung unang beses na nagkita sila at sa likod siya umupo dahil kailangan nilang panatilihin yung isang metrong distansya mula sa isa't-isa para sa safety nila.
"Okay lang. Wala ka din kasing mauupuan sa likod, nandyan kasi yung tv na kinuha ko kanina sa Taguig."
"Oh, I see. Okay lang ba sa'yo? Kaya ko naman ipagsiksikan yung sarili ko kay Rosie." sagot ni Clarissa tsaka nagmamadaling buksan yung pintuan sa likod, pero agad siyang pinigilan ni Christian at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.
"Hindi na, dito ka na lang sa tabi ko." sagot ng binata. Clarissa was left with no choice but to seat on the passenger seat. Bago pa tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan si Christian ay agad niyang sinamaan ng tingin yung kaibigang nakaupo sa likuran niya. Kibit-balikat naman si Rosie nung malingunan niya.
"Mukhang pagod na pagod ah?" komento ni Christian nung malingunan na nakadukdok na agad yung ulo ni Clarissa sa bintana nung makapasok siya. Pero hindi pagod yung dahilan kundi kahihiyan sa ginawa ng kaibigan.
"Medyo. Inaantok na ako eh." sagot ni Clarissa tsaka siya umayos ng upo.
"Idlip ka muna." sagot ng binata tsaka nagsimulang magmaneho. "Medyo traffic pa naman." dagdag pa nito.
Tahimik nilang binabaybay ang Rizal Avenue nung magsalita si Rosie. "Nanliligaw ka ba kay Clarissa?"
"Hoy baliw." gulat na sabi ni Clarissa.
"Hindi." sagot ng binata. "Pero we'll find out in the soon kung doon papunta." dagdag pa nito.
"Pero may chance?" muling tanong ni Rosie.
"Siraulo." Nararamdaman ni Clarissa na nag-iinit na yung pisngi niya dahil sa mga itinatanong ng kaibigang si Rosie kay Christian. Hindi niya alam kung paano patitigilin si Rosie sa mga tanong nito, dahil kilala niya ang kaibigan niya, hindi talaga titigil hangga't hindi nasasagot lahat ng tanong niya.
"I really enjoy her company." tipid na sagot ng binata.
"Wow, showbiz ka masyado sumagot ah." natatawang sabi ni Rosie. Muli siyang natahimik at akala ni Clarissa tapos na siya, pero mukhang nakaisip na naman ito ng tanong. "Ano palang work mo? Buti may time ka pang magsundo?"
"Seaman." sagot ni Christian.
"Clarissa?" di makapaniwalang sabi ni Rosie. She knows how much Clarissa hates seafarers, in a way na lagi niyang sinasabi na seamanloloko dahil nga sa experience niya sa mga patient niya pag nagkukwento. "Hindi mo nabanggit yan." dagdag pa nito.
"Hindi daw lahat manloloko sabi niya." sagot ni Clarissa.
"Ang dami sa clinic, sa omegle ka pa naghanap." natatawang sagot ni Rosie.
"Hoy grabe ka, hindi naman ako naghahanap." Clarissa couldn't believe herself.
"But you found one." sabat naman ni Christian.
"Wow." Clarissa said in her disbelief. Hindi niya inakalang makikisakay si Christian sa pang-aalaska ng kaibigan.
Napuno ng pang-aalaska ni Rosie at pagsakay ni Christian sa mga biro nito yung biyahe nila hanggang sa makarating sila malapit sa bahay nila Rosie. Nagkakwentuhan yung dalawa habang tahimik lang siya nakikinig.
"Uy Christian, pwede pakitabi na lang doon sa waiting shed, dyan na ako bababa." paki-usap ni Rosie nung matanawan nito yung waiting shed na binababaan niya.
"Malapit ka na ba dito?" tanong ng binata habang maingat na nagmamaniobra patungo sa waiting shed.
"Oo, salamat sa ride. Sa uulitin." sagot ni Rosie bago ito makababa.
"Oo naman, walang problema. Ingat." tugon naman ng binata.
"Ingat kayo, magpayong at baka umulan." sabi pa nito bago niya tuluyang isara yung pinto ng sasakyan.
"Ingat ka." tatawa-tawang sagot ng binata. "Makulit yung kaibigan mo 'no?" komento ni Christian habang nakatingin kay Rosie na kumakaway mula sa labas ng sasakyan.
"Madaldal." iiling-iling na sagot ni Clarissa.
"Kumusta ka naman?" tanong ng binata,
"Okay naman, medyo pagod lang." sagot ni Clarissa.
"Madaming tao?" muling tanong ng binata.
"Medyo, wala namang problema sa madaming tao. Ang problema ko yung dami ng papel na kailangan kong i-check. Kaya ako napapa-OT dahil doon eh. Kung hindi ko magagawa lahat sa isang araw, matatambakan ako ng matatambakan." pagkukwento pa nito.
"Kaya pala. Nakakakain ka naman on time?" tanong ng binata.
"Halos hindi na nga, minsan kasi sa sobrang late ko na makauwi pagdating ko sa bahay maglilinis na lang ako tapos diretso tulog na lang." reklamo ng dalaga.
"Alam mong hindi maganda yan." komento ng binata.
"Kasi naman, minsan pasado alas otso na ako nakakalabas, siyempre bibiyahe pa ng higit dalawang oras kasama na yung traffic doon. Yung oras ko para kumain, itinutulog ko na lang." ramdam ni Christian yung pagod at frustration ng dalaga pero wala itong magawa dahil trabaho niya yun.
"Gusto mo kumain muna tayo?" tanong ni Christian.
"Hindi ka pa ba kumakain?"
"Hindi pa. Ano bang gusto mong kainin?"
"Jollibee." kasabay nun yung pag light up ng mukha ni Clarissa. She really can't say no when it comes to Jollibee.
"No one can say no to Jollibee talaga 'no?" natatawang sagot ni Christian.
"Yes. Kaya kong kumain ng kahit anong Jollibee foods every day." parang nabuhayan ng dugo si Clarissa dahil sa sinabi ni Christian at yung kaninang patulog niya ng mata, napuno ng excitement, parang bata na dadalhin sa paborito niyang kainan.
"Okay sige. Pahinga ka muna, gisingin kita pag nasa Jollibee na. "Wag kang mag-alala wala akong gagawin sa'yo." paalala ng binata. Kunot-noo naman siyang tinignan ng dalaga.
"Excuse me?"
"Alam ko na yang mga ganyang tingin miss." sagot ni Christian tsaka patuloy sa pagmamaneho. Hindi na nagawang sumagot pa ni Clarissa dahil mauuwi lang din sa bangayan yung usapan nila. She was too sleepy to argue kaya pinalampas niya na lang yung sinabi ng binata.

Bình Luận Sách (48)

  • avatar
    GirlyMine

    Nice timely story, I'll read this soon

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Leo Morales

    yeah no

    17/08/2023

      1
  • avatar
    Mary Ann Barnizo

    I'll support

    04/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất