logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Three - Ride

"Sinong mag-aakala na yung inasahan nating dalawang linggong lockdown ay aabutin ng anim na buwan? Ni hindi pa nga tayo sigurado kung matatapos na nga ba talaga." dagdag pa ni Clarissa.
Magkakahiwalay lahat ng lamesa, higit isang metro ang distansya ng bawat upuan sa isa't-isa. Kung nasa iisang lamesa naman mayroon namang acetate na naghihiwalay sa mga taong magkakasama upang magsilbi itong proteksyon.
"Who would've thought na mangyayari 'to sa mundo 'no?" dagdag pa nito, tsaka muling inilibot yung paningin sa paligid niya. Lahat ay magkakahiwalay at naka distansya sa isa't-isa.
"Ibang-iba na talaga yung panahon ngayon. Sinong mag-aakala na yung dating puno ng tao na Maynila, halos magmukhang ghost town pagdating 10 pm ano?" sagot ni Christian. 
Ang dating bente-kwatro oras na buhay sa Maynila, nalimitahan dahil sa pinatutupad ng curfew. Yung noon na  maingay at magulong kalsada halos hindi na makitaan pa ng mga taong pakalat-kalat. Lahat ng tao nakasuot ng face mask, ni wala kang makikitang nagtatanggal dahil sa takot na dapuan sila ng kumakalat na sakit.
"Exactly." iiling-iling na sagot ng dalaga. She really can't believe herself, dahil nakipagkita siya taong hindi niya kilala. Ni wala siyang ideya kung saang lupalop ba ng nanggaling ito. "Sobrang risky nitong ginagawa natin, we barely know each other, we're in the middle of a pandemic kung saan anyone could be a carrier, but here we are, sitting across from each other, having our dinner." dagdag pa ng dalaga. 
"Now that you've mentioned it narealize ko na medyo delikado nga." sagot ng binata, tsaka niya inilibot yung paningin niya. Walang masyadong tao doon sa restaurant. Kahit pa nagluwag na yung protocol, hindi pa din dumadagsa yung mga tao sa labas dahil na din sa pag-iingat. He just realized it now that they were already sitting across from each other. "Pero as long as we stay one meter apart from each other, I think we can lessen the risk." dagdag pa ng binata. "Our food's coming."
"If there is one thing that you wish na sana nagawa mo before the pandemic happen, ano yun?" tanong ni Clarissa habang kumakain sila.
"Umuwi ng province?" alangang sagot ng binata. "Nakauwi kasi ako dito sa atin nung January, kung alam ko lang na magkakaroon ng madaming lockdown at hindi ako makakauwi ng probinsya, umuwi na sana ako agad." dagdag pa ng binata. 
"Tagal mo na palang nasa Pinas, bakit di ka pa agad bumalik sa province niyo?" tanong ng dalaga. 
"I had to sort some things." 
"I see." sagot ni Clarissa. Tsaka niya muling inilibot yung paningin niya sa paligid, sobrang laki na talaga ng ipinagbago ng mundo. 
"Dito tuloy ako nakulong sa Maynila for almost a year. I hope things would get better soon." dagdag pa ni Christian dahil wala namang kahit sino ang nag-akala na magkakaroon ng pandemya. "How about you? Ano yung bagay na sana ginawa mo bago pa nagka-pandemic?" tanong ng binata. 
"Kumain ng samgyup." undecided man kung sasabihin ba niya, pero she did. 
"Samgyup?" takang tanong ng binata. 
"Oo, yung samgyupsal." pag-uulit ng dalaga. 
"Bakit? You haven't tried it before?" muling tanong ng binata bilang paninigurado kung tama ba yung narinig niya. 
"Wag mo akong tignan ng ganyan, it was my choice not to eat it before." depensa ng dalaga. 
"Wala naman akong gustong ipahiwatig, sinigurado ko lang kung yun ba talaga yung tinutukoy mo." natatawang sagot ng binata. 
"Oo, yun nga. Never ko kasi natry noon kasi I'm not a fan of eat all you can restaurants. Hindi din ako ganun kahilig sa meat kaya nanghihinayang akong kumain dati sa ganun kasi alam kong hindi ko mamamaximize yung food." paliwanag ni Clarissa. It was really one thing on her bucket list bukod sa makarating sa iba't-ibang lugar sa bansa at maakyat yung mga bundok sa bawat probinsya ng bansa. Pero pandemic happened bago pa niya masimulang gawin lahat ng yun.
"Ah, I see. Kaya pala." tatango-tangong sabi ng binata matapos magpaliwanag ng dalaga, tsaka ito bumalik sa pagkain niya.
Katahimikan ang bumalot sa paligid nila matapos yung maikling usapan. They barely know each other kaya wala silang mapag-usapan hanggang sa matapos silang kumain. 
"Samgyup tayo?" papalabas pa lang sila sa kinainan nilang restaurant matapos kumain nung muling magsalita si Christian. Tinitigan lang siya ni Clarissa habang hinihintay yung kasunod nitong sasabihin. 
"Katatapos lang nating kumain." sagot ng dalaga. 
"I mean next time." sagot ng binata. 
"At may plano ka pang makipagkita ulit?"
"Kung papayag ka lang naman." pagbabakasakali ng binata. 
"Para-paraan ka lang talaga 'no." komento ni Clarissa. She just can't believe what Christian is saying. Hindi sila magkakilala, it was their first meet-up and she feels like may plano pang muling makipagkita ito sa kanya. 
"Natutuwa lang ako sa'yo. Ang komportable mo kasing kausap." seryosong sagot ng binata. 
"Paanong komportable?" takang tanong ng dalaga. It was her first time na masabihan ng komportable siyang kausap dahil usually, ang first impression sa kanya ay suplada kaya people tend to avoid her sa takot na baka masupladahan niya. 
"Komportable ka kasi kaya siguro komportable din yung pakiramdam ko ngayon." 
"Yes, ang risky nitong ginawa ko. I don't even know why I did." iiling-iling na sambit ng dalaga. 
"Risky pero parang wala kang kakaba-kaba." 
"Hindi ka naman mukhang kidnapper. Tsaka if you're planning to, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, walang pang ransom yung pamilya ko, mali ka ng tinatarget mo." pagbabanta nito sa binata. 
"Siyempre hindi ako kidnapper 'no." depensa ng binata. 
"Kaya nga hindi ako kinakabahan."
"Hindi ka din mukhang pabebe." agad na napahinto at kunot-noong sinundan ng tingin ni Clarissa si Christian matapos yung sabihin nito. "I mean hindi ka mukhang pa-impress." dagdag pa ng binata. 
"Sabi nga ng kaibigan ko, amasona daw ako. Hindi daw bagay sa akin magpabebe kaya ayaw kong subukan." sagot ng dalaga. 
"Wala akong sinabi."
"Yung kaibigan ko nga nagsabi." pag-uulit ni Clarissa. They were already outside Christian's car habang nag-uusap sila at bago pa man niya buksan ang pinto para pumasok, muli siyang nagsalita. "Pero kasi, I don't see the need na magpabebe. Hindi ko kailangan magpa-impress sa'yo kasi we don't know each other." patuloy pa niya. "And that's what I like about omegle."
"Yung alin?"
"You can be true to yourself, sa kausap mo kasi hindi ka nila kilala. Whatever you say, parang walang bias, walang judgement kasi they don't know you, kaya wala silang prior opinion tungkol sa'yo na pwedeng makaapekto doon sa magiging usapan niyo." paliwanag pa ni Clarissa. 
"Gaano ka na pala katagal nag o-omegle?" muling tanong ng binata.
"I discovered it when I was still in college, tinuro sa akin nung blockmates ko. Para daw magkajowa ako." 
"So naghanap ka ng jowa sa omegle?" tanong ng Christian.
"Of course not. Excuse me ha." mabilis na sagot ni Clarissa. Never na pumasok sa isip niyang maghanap ng boyfriend sa internet, lalong lalo na at sa omegle.
"Oh, kung hindi, how did you ended up using omegle?" muling tanong ng binata, he doesn't want to drop the topic kaya patuloy siya sa pagtatanong tungkol dito.
"It was the last day of our final exam, I can really feel the pressure kasi dean's lister ako back then. I have no one to talk to about my stress during that time kaya nag resort ako sa omegle. Dun ako nakahanap ng comfort, kahit papaano nabawasan yung pressure na ako lang din naman mismo yung nagbigay sa sarili ko. Then after nun nagtuloy-tuloy na, na everytime I have to sort my mind I always use the app. And it really helps." pag-alala niya sa kung paano siya nagsimulang gumamit nung app na yun. 
"Buti may mga nakakausap kang nakakatulong 'no?"
"Oo, pero it takes a lot of time na makahanap ng matinong kausap dun ah." 
"Oo nga, I remember a few days ago, may nakausap ako. Babae yun, gusto makipag meet, hindi ako pumayag." pagkukwento naman ni Christian.
"Oh? Eh diba yun yung gusto mo? Meet up?" takang tanong ni Clarissa, since Christian was looking for someone na makikipag meet-up pero nung may gustong makipag meet-up sa kanya, he refused.
"Siya kasi hindi lang meet gusto niya." iiling-iling na sagot ng binata habang nagmamaneho ng kotse. 
"What do you mean?" muling tanong ng dalaga. 
"Pa-walk."
"Pa-walk?" Clarissa has no idea on what Christian just said.
"Bayaran." 
"Oh, I see. Di sila natatakot?" hindi niya inasahan yung narinig niya. 
"Kapit daw sa patalim, wala na daw makain pamilya niya." paliwanag ng binata. 
"Ah, okay." 
"Kaya nga sinwerte ako at nakita kita doon." pagbabago nito ng usapan nila. 
"Bakit?" takang tanong ni Clarissa, how can he say that he's lucky. 
"Alam kong iba ka sa mga nakausap ko doon. I feel like magkakasundo tayo." confident na sagot ng binata. 
"Di ka sure." tipid na sagot ng dalaga habang pinagmamasdan yung nakapulang traffic light sa harap nila.
"I can tell." sagot ng binata habang pahapyaw na sinulyapan siya nito mula sa rearview mirror. Tsaka nito muling ibinaling yung atensyon sa manibela nung muling magkulay berde yung ilaw ng traffic light. Nasa likod ng sasakyan nakaupo si Clarissa para mapanatili nila yung social distancing kahit nasa loob sila ng sasakyan.
"Kailan mo planong umuwi sa inyo niyan?" tanong ng dalaga habang patuloy na binabaybay ang kahabaan ng Rizal Avenue.
"Hindi ko pa alam, pag medyo mas lumuwag na yung protocol?" sagot nito dahil kahit nagluwag na, madami pang din hinihingi na requirements para makapasok sa ibang probinsya, parte na din ng pag-iingat nung probinsyang uuwian niya. 
"Sabagay, mahirap naman kung ipipilit diba." sagot ng dalaga. 
"Yes." sagot ng binata. "Ikaw?" muling sambit ng binata, tsaka siya lumingon sa likod bago pa sinabi yung kasunod nitong sasabihin. "Gaano ka na katagal nakabukod?"
"Four--- five months I guess, May ako lumipat eh. Mga ganun siguro." sagot ng dalaga. "Uy sorry ah, dito pa ako umupo sa likod."
"No, it's okay. It's for our safety naman, besides, inaya kita kaya dapat lang na ihatid kita pauwi may curfew pa naman." sagot ng binata habang patuloy sa pagmamaneho. "How's your quarantine life so far?" muling tanong nito.
"Ang boring. Like sobrang boring, lalo na nung nag ECQ for two weeks last August. Two weeks akong walang ginawa, para akong mababaliw sa apartment. Hindi ko na din ginustong umuwi sa parents ko dahil mahirap na." sagot ng dalaga.
"Boyfriend?" panibagong tanong ng binata. 
"Boyfriend? Hello? I wouldn't be here sitting with you kung meron 'no. Ano ka ba?" 
"Oo nga naman."  
"It's okay." tugon ng dalaga. Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan matapos ng usapan nilang yun. Hanggang sa muling nagsalita si Clarissa. "Bakit ikaw? May girlfriend ka ba?" agad na napatingin si Christian sa direksyon ng dalaga matapos marinig yung tanong nito, it's like he's asking kung seryoso ba si Clarissa sa tanong nito sa kanya.
That's exactly how Clarissa felt when he asked her about having a boyfriend. "If yes, pakibaba na lang ako dyan sa tabi." dagdag pa nito habang itinuturo yung waiting shed sa tabing kalsada.
"Uy wala, grabe naman. Chill ka lang." sagot ng binata. 
"Oh, diba now you know how I felt when you asked me about that thing." sagot ni Clarissa. "Pero seryoso, mabuti na yung malinaw kaysa naman magulat na lang ako one day biglang may humila ng buhok ko dahil sumakay ako sa kotse at sumama ako sa lalaking may girlfriend." paliwanag ng dalaga.
"Ibang klase din imaginations mo 'no?" natatawang  sagot ni Christian.
"Better be safe than sorry." mabilis na tugon nito.
"Suitors?" muling tanong nito. 
"Wow. Teka, parang alam ko na saan patungo 'tong usapang 'to." sagot ni Clarissa
"Uy grabe, I just want to know kung pwede." sagot ng binata.
"Meron naman, wala lang akong mapili."
"Wow, walang mapili. Mukhang madami." di makapaniwalang sagot ni Christian.
"I mean meron, may mga nanligaw, it's just that wala akong magustuhan." paliwanag ni Clarissa.
"Mukhang mataas ang standards mo." komento ng binata dahil sa sinabi ng dalaga. "Ano bang hanap mo sa lalaki?" muling tanong ng binata.
"Wala." tipid na sagot ni Clarissa.
"Wala?"
"Wala akong hinahanap sa lalaki, I mean wala akong standard na gusto ko sa lalaki. Kumbaga, kung sino yung dumating at nag click edi go, ineentertain ko naman. Kaso, madalas kasi sa umpisa lang okay, then pag tumagal lumalabas na yung totoong ugali." paliwanag ni Clarissa. She maybe attracted sa physical appearance at first, pero first thing that she consider sa love interest niya ay yung ugali, may consistency and respect. 
"Sabagay, wala naman kasing nagpakita ng totoong intensyon sa umpisa eh."
"Ikaw?" pagbalik na tanong ni Clarissa. 
"Are we playing 21 questions here?" natatawang sabi ni Christian.
"Sasagutin mo o mananahimik na lang tayo dito?" seryosong tanong ni Clarissa.
"Sige, ako ang gusto ko sa babae yung independent. Yung babaeng kaya niyang dalhin yung sarili niya, someone who doesn't depend her worth on the people around her." seryosong tugon naman ng binata na hindi naman inakala ng dalaga.
"Wow, that was deep." komento ng dalaga dahil sa lalim ng pinaghugutan ng sagot ng binata. 
"Okay, next question. My turn." sagot ng binata.
"Hoy wait lang, may follow up pa ako." mabilis na sabi ng dalaga.
"Dapat turn ko na, mamaya ka na." sagot naman ni Christian.
"Dali na." pamimilit ng dalaga.
"Okay sige. Ano yun?" Christian was left with no choice but to let Clarissa ask again.
"How will you know that the woman you are dealing with is ganyan? Parang ang hirap kasing ma-determine agad nun." 
"I can tell." 
"Paano nga?" muling tanong nito.
"Pag nakita ko na siya, I will know." muling sagot ng binata tsaka ito panandaliang sumulyap sa dalaga mula sa rearview mirror para i-emphasize yung sinasabi niyang hindi maintindihan ng dalaga. "Pero sa ngayon, ayaw ko munang isipin. I don't want to be involved in any romantic relationship at all." dagdag pa nito.
"Okay, that's good. At least we're on the same track." tatango-tangong sagot ng dalaga. "Paki tabi na lang dyan." sa sobrang libang sa kwentuhan nila, hindi niya na namalayan na halos nakarating na sila sa apartment niya at muntik pa silang lumagpas.
"Oh, sorry, dito na ba. Napasarap yung kwentuhan natin, nawala sa isip ko." sagot ng binata, na siya namang nagdadrive lang at hindi naman talaga alam kung saan sila papunta. 
"Okay lang. I won't invite you na pumasok pa ah, you know, protocols." sagot ng dalaga, bago ito bumaba ng sasakyan. 
"No, it's okay, I understand." tugon ng binata.
"Okay. Thanks for the ride." pasalamat ni Clarissa.
"No worries, I hope this won't be the last." sagot ni Christian.  

Bình Luận Sách (48)

  • avatar
    GirlyMine

    Nice timely story, I'll read this soon

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Leo Morales

    yeah no

    17/08/2023

      1
  • avatar
    Mary Ann Barnizo

    I'll support

    04/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất