logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6:

So close, these bots were moving closer and closer to us, and as well as the tip of his knife.
Inihahanda ko na ang gunting sa kaliwa kong kamay, hindi ko alam kung kanino ko ito itatama, kung sa kanya ba o sa dalawang bots na papalapit sa amin.
Nabigla ako nang tanggalin ng lalaki ang kutsilyo sa aking leeg at agad na sinaksak sa leeg ng bot ang kutsilyong iyon na para bang sanay na sanay syang pumatay.
Natumba ang bot sa harapan nito, buti alam nya kung saan patatamaan, hindi na ako nag-tataka kung bakit punong-puno ng dugo ang damit nya.
Gagamitin ko na ang pag-kakataong ito upang makalayo sa kanya.
Binilisan ko ang takbo patungo sa kwarto kung nasaan ang kapatid ko ngunit bigla akong hinila pabalik ng lalaki.
"BITAW! ANO BANG PROBLEMA MO?" sigaw ko rito ngunit hindi sya nakikinig.
Inaatake na sya ng isang bot but he's still refusing to let me go.
"Ano bang gusto mo!?"
Halos naka-kaladkad na nya ako dahil sa mga pag-kilos nito, he's aming for the bot's neck, hindi sya makakilos ng maayos dahil hawak nya ang isa kong kamay at hindi naman ako maka-alis sa bisig nya.
Eto lang ang paraan na naiisip ko..
Nag-mamadali akong lumapit rito at sinubukang saksakin ng gunting na hawak ko ang kamay nya, nataranta ako kaya't hindi ko ito nadiinan, nagasgasan ko lamang sya pero sapat na iyon para mabitawan ako.
He hissed as he stare at me.
Dahil malaya na rin ang kamay nya sa pag-kakakapit sa akin, nakakilos ito ng maayos at agad na tinulak ang bot pababa sa 1st floor.
Hindi ako makakilos sa kaba, nakatayo lamang ako malapit sa kwarto kung nasaan ang kapatid ko, mabilis kumilos ang lalaking ito, natatakot akong talikuran sya, just from the image of his knife and how bloody it is, alam ko na agad na hindi ito mag-dadalawang isip na patayin ako.
Dahan-dahan itong lumalapit sa akin at tinututukan ko lamang ito ng gunting, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
"Wag kang lalapit." sinubukan ko itong pag-bantaan pero dire-diretso parin sya.
"Tingin mo natatakot ako sayo?" nakarinig ako ng onting pag-tawa sa dulo ng mga salita nito.
Ibinaba ko ang kamay ko at tinitigan sya.
The more I look at him, the creepier he becomes, a bloody knife on his bloody hands, damit na puno ng dugo, probably mula sa iba't-ibang tao, ang kaliwang mata nya na kulay itim, hindi sya normal, hindi ko alam kung ano sya, pero hindi sya tao.
"Bakit ka naman matatakot sakin, hindi nga kita matamaan ng maayos." sagot ko rito. "..but maybe this, will scare you.." I added as I shouted, enough for the whole floor to hear.
Nakarinig ako ng mga pag-takbo at nakita kong may mga tumatakbong bots mula sa aming kaliwa at kanan.
Hubog sa mukha nito ang pag-aalala at inihanda nya ang kanyang kutsilyo sa harapan bago tumingin sa akin.
"Ano bang ginagawa mo?" naiiritang tanong nito. "Hindi mo ba alam na pati ikaw mapapahamak dyan?"
"Alam ko.."
Padami sila ng padami, palapit ng palapit.
If your opponent show no fear against you, find anything that will probably scare them.
Nag-mamadali akong tumakbo papunta sa kwarto ng ni Ren,
Hinabol ako ng lalaki kaya't binilisan ko pa lalo..
If we ever get stuck in this room, he'll probably kill me immediately.
Nadapa pa ako dahil sa papel na naka-kalat sa gitna, malapit na ako sa pintuan kaya't ginapang ko na lamang papasok, I hear my brother shouting pero hindi ko sya maintindihan.
I locked the door as soon as nakapasok ako, agad ko ring hinarang ang stainless na lamesa sa gilid.
Nakarinig kami ng mga kabog mula sa labas.
"ATE-"
"SHH!" sigaw ko rin sa kapatid ko upang patahimikin sya.
Nasa tapat ng pinto ang mga bots, may mga kalabog, pag-kahulog at sigaw kaming narinig ng kapatid ko.
Hindi na sya makakaligtas pa dyan, they were probably eating his flesh already.
Lumapit ako sa kapatid ko at sinubukan tanggalin ang kamay nito sa kama, nakatali sya gamit ang bakal.
"Pano to matantanggal?"tanong ko rito.
"Pindutin mo yung green, sa gilid."
Hinanap ko ang green sa gilid ng bakal at buti na lamang ay agad ko itong nakita, nag-mamadali along pinindot ang dalawang green upang matanggal ang pag-kakatali nito sa kama.
Tinulungan kong tumayo ang kapatid ko, naka-suot sya ng hospital gown.
Bakit ganyan ang itsura nya?
Pinag-masdan ko ito nang mag tungo sya sa cabinet at kumuha ng damit.
"Ikaw talaga!" hindi ko na napigilan pa at hinampas ko ito sa likod habang nag-papalit ng damit.
"Ano?" tanong nito sa akin.
"Anong ano?anong ginagawa mo rito?Paano ka napadpad dito?"tanong ko pa rito at tinulungan syang hilahin pababa ang damit nya nang mabilis itong matapos.
"Mahabang kwento."
"Makikinig ako." diretsong sagot ko sa kanya.
"Wala nang oras para dyan, umalis na tayo dito."
Tumingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap, kung alam mo lang Ren kung anong pinag-daanan mahanap lang kita.
"Hoy.."mahinahon na pag-tawag ko rito at hinarap nya naman ako, hawak ang isang Arnis.
"Natutuwa akong makita ka--" napahinto ako sa pag-sasalita sa kadahilanang biglang pag-yakap nito sa akin, ang higpit ng yakap nya, something that I really, really miss.
"Te, di ko alam kung paano ka napunta dito.."
"Hindi ko rin alam kung paano ka napunta dito Ren, mag-paliwanag ka mamaya pag naka-alis na tayo dito, sumasakit na ulo ko sa kaiisip kung anong kalokohang pinasok mo bakit ka nakakulong dito.."
Tumango lamang sya sa akin at bumitaw na sa pag-kakayakap.
"Sino yung lalaki kanina?" tanong ni Ren habang dahan-dahang sumisilip sa labas.
"Hindi ko kilala, nakita ko lang..may kakaiba sa kanya."sagot ko rito.
"Umalis na tayo hanggang busy pa sya sa mga bots." Alam nya rin pala ang tawag sa mga bots, nag-tungo naman ako upang maki-silip.
Medyo malayo na sa amin ang lalaki kaya't di nya naman na siguro mapapansin kung lalabas kami.
"Tara na." Inurong ng kapatid ko ang lamesa upang makalabas na kami.
"Sandale, mauuna na ako." Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan itong inikot.
"Te, don't get bitten."
"Paano mo nalaman yung tungkol sa bots?" nag-tatakang tanong ko rito.
"Handa akong i-explain lahat pag safe na tayo.." tinapik pa nito ang likod ko, I guess this is a sign for me to open the door so I did.
"My, ang dami pala!"
Ang daming bot na dumadaan sa escalator na dinaanan ko kanina, we won't make it alive there.
"San tayo dadaan, Ren?"
Hinawakan nito ang kamay ko and he leads the way.
Napalingon ako sa lalaki na nakikipag-laban parin sa mga bots, Buhay parin pala sya.
Napalunok ako nang mag-tapat ang mga mata namin, he saw us.
Binuksan ni Ren ang isang pinto sa floor na ito at agad akong napaatras nang may mga bots na nag-labasan dito.
Ginamit ni Ren ang arnis upang itulak ang bots papasok sa pintuan.
"Hayaan mo na yan!" sigaw ko rito at hinawakan ang braso nya.
"Sa likod mo!" Lumingon agad ako sa aking likuran at nakita ang lalaki kanina na nakatayo sa likod ko habang may hawak na isang upuan.
Itinaas nya ito na para bang ipu-pukpok sa akin, buti na lamang ay naka-ilag ako at tumakbo ako pakaliwa.
Nabigla ako nang bigla nitong itulak ang kapatid ko gamit ang upuan papasok sa pintuan kasama ng ibang mga bots.
"REN!" sigaw ko bago pa sumara ang pintuan.
I heard groans and mga bumabagsak from the room.
Tumakbo ako palapit sa pinto upang buksan ito ngunit hinila ng lalaki ang buhok ko hanggang matumba.
Nag-mamadali akong tumayo dahil may bot na papalapit sa akin, Isinalubong ko ito at itinulak sa lalaki hanggang sunggaban sya ng bot at sinubukang kagatin.
I took this chance to run towards the door where my brother is, I tried to open the door but it was locked.
"REN!" I shouted but no one was answering, mga pag-hulog ng bagay ang mga naririnig ko, I think he's still there, alive.
Sinubukan ko ulit itong buksan ngunit naka-lock ito mula sa loob.
I cursed before kicking the door.
"REN ANDYAN KA--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang makaramdam ako ng malakas na pag-tulak mula sa likod ko kaya't malakas rin akong nauntog sa pintuan.
Napahawak ako sa ulo ko at agad na humarap kahit malabo na ang nakikita ko.
Yung lalaki, andito parin sya, how come he's still alive!?
Papalapit ito sa akin at blurry ang aking paningin.
I remember meron nga pala akong hawak na gunting, I swing the scissor in front of me to prevent him from getting closer.
"Tss." I heard him hissed, I think I cutted him a bit, napahawak ito sa kanyang dibdib.
Nakita ko ang silya sa sahig at agad ko itong dinampot.
Hinampas ko ito sa ulo nya at sa katawan nya, napa-atras ito sa aking ginawa, he's loosing his balance already.
Ihahampas ko na ulit sya ng pangatlo ngunit napansin kong may bot na papalapit sa amin kaya't wala akong choice kundi ang bot ang hampasin ng upuan at itulak pababa sa 1st floor kasama ng upuan.
Tanga, tanga mo.
Bakit pati yung upuan nahulog ko?
Hindi ka nag-iisip, Ray.
Humarap ako kung nasaan ang lalaki and he's not there anymore.
Lumingon pa ako sa paligid at tumalikod nang maramdaman kong may kumikilos sa aking likuran.
Humarap ako and I was taken aback when he suddenly smacked my face.
It stings..
Nakaramdam ako ng luha sa kanang mata ko, kung saan ako natamaan, it feels like my whole face is burning.
Napa-atras ako palayo sa kanya, nanlalabo ang paningin ko.
Naaaninag ko na papalapit ito sa akin at tinulak nya ako hanggang mauntog ang ulo ko sa pader.
Nanghihina ang paa ko at ang sakit na ng katawan ko.
Hindi ko na kayang suportahan ang sarili ko, nararamdaman ko ang dahan-dahang pag-bagsak ng katawan ko sa sahig ngunit bago pa ako tuluyang bumagsak ay hinila nya ako sa kwelyo at ipinatayo.
Sinubukan ko itong itulak palayo pero mabilis nya akong hinila at inuntog ulit sa pader.
Pinipilit kong ayusin ang paningin ko upang matitigan ng maayos ang mga mata nito.
Wala nga syang eyeball sa isang mata, tanging itim lang ang nakikita.
Umiba ng tingin ang lalaki at lalong hinigpitan ang hawak sa kwelyo ko, to the point na onti nalang ay hindi na ako makakahinga.
"Ba't ayaw mo ipakita?" I teased as it's obvious how uncomfortable he becomes whenever I look at his other eye.
May tinaas ito sa kabilang kamay nya and I suddenly flinched ngunit walang kahit ano ang sumayad sa balat ko.
"The password?" tanong nito at hawak ang isang envelope, wait..that's a tablet holder.
"Ano?"
"Sabihin mo ang password and maybe I'll let the both of you live."
Ano bang password ang sinasabi nya?
Binitawan ako ng lalaki at binuksan ang hawak nya.
May tablet ito sa loob, more like Ipad.
Pinindot nya ang button sa gilid at kailangan nga ng password, so why is he asking me about that?
"Hindi ko alam, hindi ko nga alam laman nyan!" naiinis na sigaw ko rito, so kaya nya ko inaatake was because of that stupid tablet, what made him think na alam ko ang password nyan?
"Doktor ka, dapat alam mo yan--"
"Hindi ko nga alam! Hindi ako doktor, okay?" sigaw ko sa lalaki at itinulak sya palayo sa akin upang magkaroon ng malawak na space.
Tinanggal ko ang ilang butones ng coat na suot ko mula sa taas.
"Anong ginagagawa mo?"
Agad itong umiba ng tingin.
"Hindi, tumingin ka.." sambit ko at lumapit pa mismo sa kanya, tinulak ko ang dibdib nito upang harapin lamang ako.
Hinubad ko ang coat ng Doktor na suot ko at hinagis to sa sahig pati yung ID at salamin na suot ko.
Tinuro ko ang suot kong damit na color orange na may P sa gitna.
"Kita mo yan? Preso ako, tumakas ako para hanapin yung kapatid ko hindi para makipagbugbugan sayo!"
Hinawakan ko ang labi ko dahil nakaramdam ako ng kirot, dumudugo na pala ito dahil sa malakas na pag-kakasampal nito sa akin.
Tinitigan ko ito ng masama bago tuluyang punasan ang labi ko.
Yung kapatid ko nga pala!
Agad akong humakbang patungo sa pintuan kung nasaan ang kapatid ko at napahinto ako nang makarinig ako ng malalakas na putok ng baril, putok ito ng baril ngunit may kakaiba, parang tunog ng laser ang dating.
Bumukas ang pintuan kung nasaan ang kapatid ko at sya agad ang nakita ko.
"Ren!"
Palapit na ako at napahinto ulit dahil nakita kong may tatlo itong kasama sa likod nya at ang isa ay tinututukan ng baril ang kapatid ko.
Isang babae at dalawang lalaki.
Nilingon ko sa likod nila ang mga bots na nakahiga at wala nang buhay.
Naka coat rin sila ng pang-doktor and I think they were all just the same.
Kulay asul ang mga mata nila, they don't look like normal.
"Give it back." sambit ng babae na may hawak na baril sa ulo ni Ren.
Nakatingin ito sa hawak ng lalaki sa tabi ko, sa tablet.
Napalunok ang lalaki at nilagay sa likod nya ang hawak nito.
"Bitawan nyo yung kapatid ko." Humakbang ako palapit sa kanila at nabigla ako nang hilahin ako pabalik ng lalaki.
"Isa ka pa.." Naiiritang bulong ko at hinila ang kamay ko.
"Wag kang lalapit dyan." Tinuro nito ang sahig at agad akong tumingin rito, may line na laser sa baba, mula sa baril nila.
May sinipang kahoy ang lalaki palapit sa line at bigla itong naputol.
So if I cross the line..wait I wouldn't cross it out alive.
"Just give it back and you're free.." dagdag pa ng babae, trying to convince him.
"Free? So this is freedom?" I can sense his sarcasm with his words.
"Kill them and take the tablet!"
Palapit sa amin ang dalawang, bakit pati ako madadamay?
Lumapit ako sa lalaki at agad na hinila ang tablet sa kamay nito.
"ANO--"
"Bitawan nyo yung kapatid ko or else.." tumakbo ako palapit sa bintana at nilabas ang kamay ko kasama ng tablet.
"Bitawan mo sya kung ayaw nyong hindi nyo parehas mapakinabangan to." Pag-babanta ko at lalo pa itong nilabas sa bintana, sumilip ako sandali sa baba.
"Whatever the hell this tablet contains, once it reaches the ground, it'll be over." She's still not replying.
Humakbang ang lalaking tauhan nila palapit sa akin at agad ko itong tinaasan ng kilay.
"Sige, lumapit ka.."
Humakbang rin ang lalaki sa gilid ko palapit. "Ibalik mo yan."
"Oh, ano yan?" Huminto naman ito nang sitahin ko.
"Kahit ibigay mo yan sa kanila, papatayin ka parin nila." Tinitigan ko ang lalaki ngunit binalik ko ang tingin sa kapatid ko.
Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba, wala na kong naiisip pa.
"Okay fine, Miss." binitawan ng babae ang baril na nakatutok sa ulo ng kapatid ko.
"Umalis ka na.." utos ko kay Ren na nakatayo lamang.
"Ate, hindi kita iiwan dito."
"Ren, kumilos ka na!" sigaw ko sa kanya at dahan-dahan itong nag-lakad palayo sa babae.
"Lumabas ka, antayin mo ko don." Tinuro ko ang pinto, bakit hindi parin sya kumikilos?
"ANO BA!" pinandilatan ko ang kapatid ko at agad naman itong lumabas ng pintuan, narinig ko ang mga yapak nya pababa ng hadgan.
Sa fire exit pala ito lumabas.
"Now, Miss..the tablet." Her voice was so sweet, so sweet that it sounds so alarming.
Dahan-dahang lumalapit sakin ang tauhan nito at dahan-dahan kong binababa ang tablet na ito.
"Wag mong ibigay! Papatayin ka rin nila!" Hindi ko pinapansin ang di pag sang ayon ng lalaki sa desisyon ko.
Malapit na ang lalaki sa akin at yumuko ito upang kunin ang tablet na nilagay ko sa baba ng sahig.
Malapit na nitong makuha ang tablet ngunit nag-salita ako.
"Sandali.." yumuko ako at tumingin sakin ang lalaki sa aking harapan.
I hope this plan won't mess up.
Hinawakan ko ang tablet at mabilis itong pinadulas sa sahig patungo sa lalaking kanina lamang ay binagbabantaan ang buhay ko.
Mabilis nya itong kinuha at lumingon sa akin.
"Front!" sigaw nito at bago pa ako makaharap ay nakaramdam na ako ng pag-sampal mula sa Doktor na nasa harapan ko.
Nakarinig na naman ako ng tunog ng laser at nilingon ko ang lalaking may hawak ng tablet, they were shooting him.
Bakit ba papunta sya sa babae?
Pwede naman syang umalis na?
"A-aray.."
Nilingon ko ulit ang lalaki sa harapan ko na mahigpit na hinihila ang buhok ko.
Kinuha ko ang libro na nakakalat sa sahig at inihampas ito sa ulo nya, makapal ang libro kaya't masakit ang impact nito, nabitawan nya ako at sinubukan kong tumayo bago nya ako sipain sa likod at bumagsak sa sahig.
Tsaka ko lamang napansin na all this time, may hawak pala akong gunting.
Nakarinig ako ng pag-kasa nya ng baril at ginamit ko ang pag-kakataon na ito upang tusukin ng gunting ang paa nya.
Rinig sa buong floor ang sigaw nito dahil sa sakit.
I grabbed the book at hinampas ko ito sa mukha nya.
I was about to hit him again when he smacked me using the gun at napa-atras ako.
May inaayos ito sa baril kaya't ang mata nya ay hindi nakatingin sa akin.
Nag-mamadali akong batuhin ito ng libro sa mukha at nang matamaan sya ay agad ko itong pilit tinulak palabas ng bintana ngunit nakakapit sya sa gilid kaya't hindi ko sya natuluyan.
Hindi ko gustong gawin to..
Tinusok ko ng gunting ang kamay nitong nag-su-suporta sa kanyang hindi mahulog at napabitaw ito dahil sa sakit.
Bigla naman nitong hinila ang kamay ko nang pahulog na sya sa baba, kaya't pati ako ay nahulog sa bintana, sinubukan kong humawak sa kahit ano ngunit tanging isang pako lamang ang nahawakan ko, isang pakong malapit nang bumigay..
Bumangga ang lalaki sa maliit na kahoy sa labas ng bintana at tuluyang napabitaw sakin at nahulog.
Bumagsak ang katawan nito sa sahig at nilapitan ng mga bots, buhay pa ito, buhay habang kinakain nila..
This is the part where I realized that I really don't wanna die.
Bumibigay na ang pako at hindi ko na alam pa kung saan hahawak.
Hindi ko rin masyadong magamit ang isa kong kamay dahil masakit pa ito.
Paonti-onti na ring kumikirot ang sugat ko sa tagiliran.
This is bad..
Dahan-dahan ko nang naririnig na nagci- creak ang pako.
What do I do?
Matatanggal na ito..
Sinubukan kong hindi gumalaw at nag-isip kung anong pwedeng gawin.
Blanko.
I can't think of anything in this state.
"AHH."
Naramdaman ko ang pag-tanggal ng pako sa pader at ang pag-baba ko.
If I die, I hope the heaven will take care of my brother..
I closed my eyes and embraced death..
Pero nakaramdaman ako ng malamig na kamay na nakahawak sa akin.
Binuksan ko ang mata ko at tumingala, only to find the man who almost killed me just a minute ago saving me right now..
"I got you ."

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất