logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

6

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa'kin si Denver na agad tumingin sa mata ko. Walang imik ko siyang pinapasok sa loob at dinala sa kwarto kung nasaan si Fabius na mukhang tulog na ata.
"Mukhang tulog pa siya, mamaya kaunti na'tin siya gisingin," sabi niya na aking sinang-ayunan.
Hindi ako masamang tao isa pa, hindi pa dalawang oras magmula ng makatulog si Fabius kaya hahayaan ko muna siguro.
"Kamusta ang lagay mo?" biglang tanong ni Denver.
Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kwarto, hindi pa man ako gaanong nakakapasok nang dumating siya at umupo sa ibabaw ng kama.
He looked around. "Kahit na parang nagbago ang ugali mo, ayaw mo pa rin ng makalat. 'Yung mga paborito mo noon, nagbago na rin ba o hindi?"
"Wala ka na dun, pwede bang umalis ka sa kwarto ko?" inis kong sagot. Gumilid pa ako para ipakita sa kanya ang nakabukas na pinto ngunit tanging ngiti ang sinagot nito.
"Mahal mo pa ba si Fabius?"
"Gusto mo pa rin ba ako?" balik kong tanong dahil sa inis ko sa kanya.
He paused for a while but his smile never fades, para bang may sinasabi ang mata nito na mukhang alam ko na.
He nodded. "Oo naman, mula noon hanggang ngayon. My feelings for you have never changed but I respect Fabius, that's why these feelings are just for me. But I also want you to keep this in mind that if you need me I'm right here you can ask for anything because I'm ready to help. Hindi na kita iiwan at papabayaang mag-isa."
I smirked. "Sinabi niyo 'yan sa'kin noon, kaya tigilan mo ako sa kasinungalingan mo't lumabas ka na sa kwarto," utos ko na tinuro pa ang pinto gamit ng aking hintuturo.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mara. Do you still love him?"
I can see through his eyes the interest in what I'm going to say. I don't want to think about this but I can feel that he wants me to say no. Pero kahit na ano man ang maging sagot ko... I wouldn't care.
"It's up to you to think, now get out of my room. May pagkain sa kusina, kumain ka kung gusto mo alangang pagsilbihan ko pa ang mga unwelcome guests." Nagkibit balikat siya at humiga ng tuluyan sa kama. Hinila niya pa ang malaking stuffed toy sa gilid at niyakap ito bago pumikit.
"I'm tired and jealous kaya matutulog na rin muna ako kaysa kumain, I love your scent anyway. Good night, Xiomara," he said while cuddling my stuffed toy that Ravier gave me not long ago.
Napaawang ang bibig ko habang pinapanood siyang humiga sa sarili kong kama.
Ano ba naman ang araw na ito! Dapat pala hindi na lang ako umuwi, ukis ti saba!
"Magbibilang ako, kapag hindi ka pa umalis d'yan--"
"Hihilain kita rito para ikaw na lang ang kayakap ko, mas malakas ako sa'yo kaya ayos lang naman substitute lang itong stuffed toy mo," mapanloko niyang sabi kaya inis akong napasuklay sa aking buhok.
"Kainis! Bahala ka na nga d'yan!"
▪▪▪
Sinundot sundot ni Ryla ang tagiliran ko kaya malakas na hampas ng notebook ang nakuha niya mula sa akin. Natawa pa ang kambal niya pero parang wala sa kanya ang pagkakahampas ko dahil nginisihan niya ako.
"Yieee... hindi niya matiis ang ex niya, ikaw Mara ha, sabihin mo gusto mo pa rin siya kaya inalagaan mo noh?" tukso nito na ikinairap ko.
Kung bakit nga ba kasi nakalimutan ko ang ilang gamit ko sa bahay nila, 'yan tuloy hindi na niya ako tinitigilan.
Pano ba naman, bigla na lang silang dumating na kambal na wala man lang pasabi kahapon. Eh, sakto ang sarap ng tulog ng dalawang kulugo sa magkabilaang kwarto kaya 'yun inaasar ako nitong si Ryla na kesyo hindi ko raw matiis si Fabius at talagang may isa pa akong pinatulog na lalaki sa mismo kong kwarto.
"Pero iba ka rin ha, yung ex mo nasa guest room pero yung kaibigan niya nasa kwarto mo at kayakap pa ang stuffed toy na regalo ni alien. Hahahaha! Kung nakapili ka na ng isa sa kanila, ireto mo ako sa isa ha? Ang pogi, eh."
Binatukan siya ni Ravier ng pagkalakas lakas. "Puro ka pogi, nakita mo na ngang wala siyang nagawa tukso ka pa rin ng tukso bangag ka ba?  Walang magkakagusto sa'yo sa ugali mong 'yan. You shouldn't base your man just on his face, attitude and sincerity dapat tanga neto."
"Gago ka talaga noh?! Bakit kailangang mambatok? And excuse me, ano bang pakialam mo eh 'yun nga ang gusto ko kaya shut up ka na lang d'yan, maligno ka." Nag make faces lang si Ravier kaya iiling akong sumandal sa upuan.
"Isama mo kami sa kasal, ah sasabihin ko kay Tita Sabel mo na imbitahan kami," sabi ni Ravier na pinulupot pa ang kamay sa braso ko.
"Ano namang gagawin mo doon? Tiyaka si Tita Sabel ba ang ikakasal para imbitahan ka? Ang kapal naman ng mukha mo." Hindi niya pinansin ang kakambal niya dahil busy siyang magpa-cute sa akin.
Kung hindi siya gastos ng gastos, gusto naman niya sumasama sa akin kapag may pupuntahan akong malayo. Marahil bored siya kaya ganun.
I shook my head. "Kahit naman imbitahan kita, may gagawin ka sa araw na 'yun remember? Competition mo sa ibang school kaya wala rin."
"Hahaha! Bleh... buti nga sa'yo, kawawang alien hindi makakapunta sa kasal." Lumuwang ang pagkakahawak niya sa braso ko at bago pa man ako makapagsalita, tumakbo na palayo si Ryla na agad namang hinabol ng kapatid niyang isip bata.
Good thing may mga itsura at utak sila masyado silang pinagpala, sakit nga lang sa ulo.
"Hey there," biglang sabi ng kung sino na nagpaalis ng tingin ko sa kambal.
Pagkakita ko kung sino, hindi na ako masyadong nagulat dahil mula noon pa makapal na ang mukha niya.
"Anong problema mo't nandito ka?" walang gana kong tanong. Umupo ito sa tabi ko at may nilapag na isang paper bag.
"Pinapaabot ni Fabius, baka kasi kapag siya raw ang nagbigay hindi mo tanggapin." Tumaas ang aking kilay.
So, kapag siya feeling nila tatanggapin ko?
"Before you could take this away or give it back to him, it's a pair of heels fit for his only princess. 'Wag mo sanang tanggihan dahil gusto niya talagang bumawi at humingi ng tawad. Pinapasabi niyang ito na lang daw ang isuot mo sa kasal para hindi ka na maghanap pa ng iba na ibabagay sa dress," mahaba niyang sabi.
I looked around, finding if he is around as he always did, but I think he is still not completely healed by his fever. Hindi sa nag-aalala ako sa kalagayan niya because I know I did my part yesterday as he is one of the guests of Tita Sabel.
"I'll keep it, pero hindi ko isusuot dahil ako mismo ang magbabalik sa kanya nito." Nilapag ko sa baba ng mesa ang paper bag saka tinuon ang sarili ko sa notebook na puro lang naman drawing. Doodles at kung ano-anong mga salita na sinusulat ko.
Sabi sa akin ni Ryla ang dugyot at para raw akong bata. Malay ko ba sa kanya hindi naman ako nag-aaral or nagre-review hindi nga uso sa'kin 'yun kaya siguro hindi ako nakakakuha ng dos.
Pagdating ng kambal, naalis ang ngiti nila at napatingin sa katabi kong kulugo na walang balak umalis. Tinignan pa ako ni Ryla gamit ng kanyang mata pero tinignan ko lang siya ng blanko.
"Hi, I'm Denver Manzano, friend of Mara and her suitor back then," pagpapakilala niya. Masamang tingin ang binigay ko sa kanya pero hindi niya ako syempre papansinin.
Tatanggapin pa lang sana ni Ryla ang kamay na nakalahad nito ng si Ravier ang nakipagkamayan. Kita sa kamay nilang dalawa ang pagkakahigpit ng hawak niya rito.
"I'm Mara's fiancé." Napailing na lang ako sa naging sagot niya na ikinatawa ni Denver.
"Ah... really? Are you serious about that? Because it's not a good joke, there are two men who are really in love with her and I am one of them. Kaya mo bang makipaglaban sa'min?"
Potek na makipaglaban 'yan.
Ravier laughed at him. "Love? Kaya pala iniwan niyo siyang mag-isa, what a stupid love you had for her. Grabe pala kayo magmahal noh? Mapanakit na nakaka-gago."
Kahit na tumatawa siya habang nagsasalita, kita ko ang pagka-seryoso ng mata niya. Kita ko rin sa gilid ng mata ko si Ryla na matamang nakikinig at nananonood.
"I have reasons, kaya 'wag mo akong husgahan kung wala kang alam. After all, gusto kong buma---"
"Because of that she almost died not only twice remember that, kaya ngayon irarason mo pa rin ba 'yun? 'Yan pa rin ba ang rason mo kapag bangkay na ang nakalatag sa harapan mo?" sarkastikong sagot nito na nagpatahimik kay Denver. I can feel the tension between them kaya naman tumayo na ako, baka mamaya mas lalo lang silang magkainitan. Ayokong pag-usapan ang nakaraan.
"Tama na 'yan, tara na," utos ko na kinuha ang iba kong gamit.
"How?" tanong ni Denver. Nginisihan lang siya ni Ravier saka kinuha ang bag nito.
"You don't need to know because you don't even deserve to hear her past, you leave her behind, remember? Love? Don't mention this word if you don't even know its true meaning because people like you shouldn't receive love if you nearly killed someone because of your bullshit mind." Umangat ang gilid ng labi ni Ryla sa sinabi ng kakambal niya.
"You look good, mister... pero mukhang wala kang utak. Why don't you try to find it? Baka kasi mamaya sa sobrang pagkawala ng utak mo pati yang yabang mo hindi na epektibo para sa'ming mga may utak na ginagamit ng maayos. And oh... iaabot na lang namin ang invitation sa kasal nila ha? I hope hindi ka pumunta," mahabang sabi ni Ryla bago ako hilain palayo sa kanya.
Kahit natawa ako kaunti sa ginawa nilang dalawa, hindi ko maitatanggi na titigan kanina si Denver sa reaksyon niya sa sinabi ni Ravier. I know Fabius won't tell him anything because they are rivals in the past. That's why seeing his reaction is a bit priceless because his face is full of questions. Sana lang hindi niya ako buryuhin ng mga tanong, pursigido pa man din yang alamin ang nakaraan.
"Ipapahanda ko na ang pari, magpakasal na kayo agad ni Ravier para hindi ka na lapitan ng mga katulad niya. Sayang ang mukha niya, utak lamok naman pala," nakasimangot na sabi ni Ryla habang naglalakad kami.
"Bangag, kayong dalawa na lang ang magpakasal... mga baliw." Umakbay sa'kin si Ravier kaya naman inalis ko dahil ang bigat ng kamay niyan parang mga isang sako ng bigas.
"Oh! Payag na si nanay Ryla tara na Mara hindi ka magsisisi na pakasalan ako. Gaganda ang lahi ng pamilya mo kapag ako ang naging asawa mo," mapanloko niyang sabi. Kahit kailan talaga ang dalawang ito.
Siniko ko siya habang si Ryla naman ay kinurot ko sa tagiliran. "Salamat sa ginawa niyo pero wala akong balak na mag-asawa, d'yan na nga lang kayo mga baliw talaga."
Mabilis na lakad ang ginawa ko para makaalis sa kanila, tinatawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Alam ko namang iniiba nila ang usapan dahil sa sinabi ni Ravier. Sensitive kasi sa akin ang nangyari noon at sinabihan ko na sila na 'wag na nilang ipaalala.
But then, because of these people from the past who came out of nowhere, unti-unti na namang bumabalik ang lahat.
I hate it but I can't escape it now that they're all back with the person I thought died years ago.

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất