logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

5

Sabay kaming napabuga sa hangin habang nakatitig sa labas. Wala na yung balak naming lumabas at gumala dahil sa lakas ng ulan, nakatitig lang kami sa labas na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
"Anong gagawin natin? Wala akong homeworks, kayo meron?" tanong ni Ravier na may kumot na nakabalot sa katawan niya, nilalamig daw siya at ayaw niyang magsuot ng hoodie kaya dinala niya 'yung batman niyang kumot dito sa sala.
"Wala rin," sagot naman ni Ryla.
Lumingon silang dalawa sa akin kaya nag-isip ako kung ano bang pwedeng gawin. Isip bata ang mga ito kaya kahit anong sabihin ko gagawin namin, kahit bahay-bahayan pa 'yan o chinese garter.
I smiled. "Mag-inuman na lang tayo," sabi ko.
Imbis na sumang-ayon sila, malakas na batok ang nakuha ko kay Ryla habang si Ravier, tinignan lang ako at umiling.
"Ang sakit mo mambatok ha, walang awa," nakanguso kong sabi habang hinihimas ang parte na binatukan niya.
"Wow, walang awa? Kahit malamig ang panahon hindi pag-iinom ang magandang gawin, masama kaya sa katawan ang alak lalo na sa katulad mong hindi matigil-tigil sa paninigarilyo. Tigilan mo nga ako, Mara." Inirapan ko siya dahil ano namang masama sa pag-iinom pa minsan-minsan?
Hindi naman araw-araw, OA talaga siya.
Napakamot ako sa hinampas niya. "Hindi pa naman ako mamamatay sa sinabi ko at tiyaka ano ba kasi dapat ang gagawin natin sa labas?"
"Skydiving," singit na sagot ni Ravier.
Hindi makapaniwalang tingin ang aking pinukol sa kanila. 
Talaga? Sayang naman... gusto ko pa man din gawin sa buhay ko 'yun tapos hindi matutuloy dahil sa ulan? Nakakainis naman.
"Huwag ka ng ngumuso diyan, marami pa namang araw hindi lang ngayon. Ang pangit mo na nga ngunguso ka pa." Tinignan ko ng masama ang kakambal ni Ryla.
Pansin ko lang ha... walang imik ang babaita baka hinahayaan niya lang ito dahil sa sinabi kong gagawin namin. Kambal nga talaga sila.
I rolled my eyes. "Pangit na kung pangit, walang magbabago doon."
"O siya! Siya!" Pumalakpak si Ryla kaya parehas namin siyang tinitigan ng kambal niya. Mukha naman siyang may naisip na gawin kaya pakinggan natin.
Her face turns serious. "Matulog na lang tayo, inaantok na ako ang hirap patulugin ni Mara kagabi, eh," saad niya na nagpailing sa'ming dalawa ni Ravier.
Ang galing naman ng gusto niyang gawin namin at ano raw? Nahirapan siyang patulugin ako?
Nakakahiya naman. Nakakahiya talaga.
▪▪▪
"Kumain ka na, nga pala may iniwan ako sa kwarto mo na pera gamitin mo 'yun na baon hanggang next week. Sabihan mo rin ako sa tuition na babayaran mo sa susunod mong exam para maibigay ko sa'yo ng maaga. Nga pala... nasa kwarto mo ang dress na gagamitin mo sa kasal, ikaw na ang bahala kung pupunta ka o hindi," sabi ni Tita Sabel na naglalapag ng pagkain sa mesa.
Pag-uwi ko kanina lang, siya ang una kong nadatnan sa bahay. Ang pinagkaiba lang, hindi niya ako pinagalitan o nagtanong kung bakit ngayon lang ako umuwi.
Himala bumait kahit papaano. I mean, mabait siya sadyang maingay lang.
Wala naman talaga ako dapat balak na umuwi muna sa bahay kasi inaalala ko na baka nandito sila Fabius. Pero pagdating ko, siya lang ang aking naabutan.
Hindi na ako nagtanong kung nasaan sila dahil wala akong pakialam sa kanila sadyang sila lang ang nangingialam sa buhay ko. Lalong lalo na yung kabit ni patay.
Kumuha ako ng pagkain tiyaka siya tinitigan. "Pupunta po ako, isa po si Ate Iona sa sumuporta sa pag-aaral ko noon. Ang kapal naman po ng mukha ko kung hindi ako pupunta bilang isa sa mga brides maid niya."
Sabihin na nating galit ako kay Ate pati sa magiging asawa niya, pero kahit ganun hindi ko pa rin kinakalimutan na malaki ang naging tulong nila sa'kin. Magkaiba ang galit ko sa pagsisinungaling nila at sa tulong na binigay nila sa akin noon.
Kaya kong isantabi ang dalawang 'yan dahil hindi pa naman ako ganun kasamang tao.
She sighed. "Sige... sasabihan ko ang Ate mo para bigyan ka ng mag-aayos sa'yo sa araw na 'yun pati na rin ang susundo. Kumain ka na kailangan ko ng umalis, iniwan ko lang saglit ang pinsan mo sa isa nating kamag-anak."
Tumango lang ako bilang sagot.
I watched her pick up all her things, including some of the plastic bags full of groceries. Paglingon niya, isang ngiti ang iniwan nito sa akin bago tuluyang umalis ng bahay at iwan akong mag-isa.
Now that the house is quiet again, I can hear my heart beating so fast for no specific reason.
Dahil siguro pagod ako? Lol.
Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang mapagdesisyunan kong magsalita. "Alam kong nandiyan ka, 'wag kang parang tanga na nagtatago para lang panoorin ako."
Rinig ko ang mga yabag niya mula sa gilid ko kaya naman nilingon ko siya na parang nahihiya pang lumapit sa'kin.
To be honest, I didn't notice him at first because my attention is on Tita Sabel, but when she picked up her plastic bags a little while ago, I saw her look next to me. That's why I silently look at my side and there... I saw Fabius hiding like a stalker who is so creepy.
Akala niya siguro hindi ko siya mapapansin.
"Ano... aalis naman ako pero--" I cut him off by looking at him intensely.
Wala akong pakialam sa dahilan niya at ayokong marinig. Inubos ko lang saglit ang pagkaing kinuha ko saka tumayo para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
I came back and put a new plate on the table. "Hindi magluluto si Tita kung walang bisita, kumain ka kung gusto mo pero kung ayaw mo makakaalis ka na."
Tuloy-tuloy akong umalis para pumasok sa kwarto ko, napabuntong hininga pa ako ng maalala ang sinabi't ginawa ko sa kanya bago ako umaalis. Kung bakit naman kasi nandito pa siya, iniisip ko tuloy kung ano na naman bang pinag-usapan nila ni Tita habang wala ako.
Hihiga pa lang ako sa kama nang magulat ako sa ingay na nanggaling sa labas kaya dali-dali akong lumabas. Malay ko ba kung may magnanakaw.
Paglabas ko, nakita ko si Fabius na nakaupo sa sahig at pinagpapawisan.
"Anong nangyari sa'yo at nandyan ka sa sahig?" tanong ko kahit hindi gumagalaw ang paa ko para lapitan siya.
Umangat ang tingin niya pero wala itong sinabi. Sa pagtama ng mata namin, kita ko ang sakit sa malalim niyang pagtingin. Kaya kahit ayoko siyang lapitan, lumapit pa rin ako para tignan kung anong nangyayari. Baka mamaya kinulam na pala siya diyan.
Kumunot ang noo ko nang pagmasdan ko siya. Para kasi itong naliligo sa sarili niyang pawis at namumula ang dalawa niyang pisngi.
'Wag niya sabihing may lagnat siya? Ako lang ba o talagang hindi ko napansin ito kanina?
I sighed. "Kumapit ka sa'kin, dun ka sa kabilang kwarto baka mamatay ka diyan."
"A-yos lang ako," sagot niya kahit halata namang hindi siya makatayo ng maayos na nagpairap sa akin. Sapilitan kong kinuha ang kamay nito at nilagay sa balikat ko.
Tigas pa rin ng ulo.
"Ayos mo mukha mo, tumayo ka na diyan bago pa kita iwan dito hanggang mamatay ka," banta ko na mukha namang effective kasi nagsimula na siyang tumayo.
Hindi ako masyadong nahirapan sa pagtayo kasama siya dahil hindi siya ganun kabigat. Mas matangkad nga lang siya sa'kin ng ilang inch.
Pinahiga ko muna siya sa kama saka binuksan ang bintana para mahanginan siya saglit. Hindi ko alam kung ayos lang pero hindi naman niya ikamamatay kung makakuha siya ng pneumonia diba?
"May lagnat ka nga," bulong ko nang hawakan ko ang noo nito. 
Buti na lang at hindi gaanong mabaho ang pawis niya, malagkit lang. Kumuha ako ng towel sa cabinet na katabi lang ng kama para pamunas sa kanya.
Grabe, napaka-bait ko talaga pwede na akong kunin ni Lord. Automatic ang mga ginagawa kong galaw, eh. Kainis.
Tinignan ko siyang pinapanood ako. "Alisin mo 'yang damit mo, kukuha lang ako ng damit sa kabilang kwarto."
Kahit parang ayoko siyang alagaan, hindi ko siya matitiis tanga yung sarili ko, eh. Imbis na magalit heto ako't inaalagaan siya.
Alam kaya ni Tita na may sakit siya? Kung bakit naman kasi nandito 'yan ngayon, naging kargo ko pa tuloy, kakauwi ko lang jusmi.
Pagbalik ko sa kwarto na pinaglagkan ko sa kanya, nakita ko siyang naghihirap na mag-alis ng damit kaya napailing na lang ako habang papalapit sa kama. Nilapag ko muna ang mga dala ko saka siya tinulungang alisin ang damit niyang may pawis. Pagkatapos, kinuha ko ang towel na basa para ipunas sa katawan niya.
"Hindi ka na naiilang sa'kin," bigla niyang sabi.
Tss. Sa ilang taon na 'yun inaasahan niya bang katulad oa rin ako ng dati? Baliw siya para isipin 'yan.
Pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas ng katawan niya. Wala naman kasi sa'kin ang magpalit ng isang lalaki dahil ilang beses ko na itong ginawa kay Ravier nung nagkasakit siya, nasanay na siguro ako. Sa tigas ng ulo nun na ayaw pumunta sa hospital, kami ni Ryla ang naging nurse niya takot kasi siya sa lugar na 'yun.
Kahit ako rin naman wala lang akong choice nung pinasok nila ako.
Tinulungan ko muna siyang magsuot ng shirt saka sinunod ang mukha niyang may pawis. "Kailangan ba na mailang ako sa taong inakala kong patay na?" tanong ko.
Wala itong naging sagot sa tanong ko.
Am I being harsh? Of course not, I am just being myself and in the first place he is the one who hurts me and gives me the pain that I did not want to feel.
I held out my hand. "Give me your phone, tatawagan ko sila para sunduin ka rito."
May kinuha siya sa bulsa nito at tahimik na inabot sa'kin ang kanyang iphone. Yaman talaga ako kasi samsung ang gamit ko.
"If you still remember the day you said yes, that's my password," he said that made me stop.
Kahit parang ilang segundo akong huminto, nilagay ko pa rin ang sinasabi niyang password na nagpabukas dito. Ramdam ko ang pagtitig niya kaya tinignan ko siya bago pindutin ang unang pangalan na nakita ko sa contacts.
"Humiga ka na," utos ko na agad niyang sinunod. Nakailang ring pa sa kabilang linya bago niya ito sagutin.
"Napatawag ka? Bumalik na ba si Mara diyan?" bungad na tanong ni Denver.
"Sunduin niyo ang kaibigan niyo rito, may lagnat siya ayokong alagaan ito ng matagal," sagot ko na mukhang ikinagulat niya dahil sa hindi niya pagsagot agad. Tumahimik sa kabilang linya kasunod ng pagbuntong hininga.
"Sige, papunta na ako." Matapos kong marinig ang kanyang sagot, pinatay ko na ang tawag saka binalik ang telepono kay Fabius na ayaw atang maalis ang tingin sa'kin.
I stood up. "Papunta na raw si Denver, hintayin mo na lang siya at magpahinga ka."
"Bakit hindi si Kaius ang tinawagan mo?" agarang tanong nito.
Kahit parang hindi gaanong nag-sink in sa utak ko ang tanong niya, isa lang naman ang dahilan nito na mukhang hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya.
"Dahil 'yun ang una kong nakita, ano bang mauuna sa D at K? Hindi ba D? Matulog ka na."
"May isa pa akong tanong," sabi niya na nagpahinto sa'kin sa pagtayo mula sa kama. Hinintay ko ang sinasabi niyang tanong, masyado na akong mabait ngayon kaya sige sasagutin ko.
"Bakit mo ako inaalagaan? Kung galit ka talaga sa akin hindi ba dapat iniwan mo na lang ako kanina?"
Akala ko ba isa lang tanong nito? Bakit naging dalawa? Bangag ata siya ngayong may sakit.
Kinuha ko ang damit niya at ilang towel na ginamit ko na pamunas sa kanya. "Galit ako sa'yo at hindi 'yun maaalis sa akin sa tuwing nakikita kita. Pero hindi ako pinalaki ng magulang ko na maging masama kahit pa sinaktan ako at nahirapan dahil sa taong 'yun. May konsensiya ako Fabius, kahit kay Althea na pinaka-kinaiinisan ko, gagawin ko pa rin katulad ng ginagawa ko sa'yo."
"W-ala ba talaga akong pag-asa, Mara?" muling tanong nito. Tumayo na ako at iniwan siyang hindi sinasagot ang kanyang tanong.
Kahit pagbaliktarin ko pa ang mundo, alam ko sa sarili kong mayroon siyang aasahan sa akin. Dahil kahit galit ako sa kanya at gulat sa paglitaw niya, hindi nawala ang mga ala-ala naming dalawa. Lalong lalo na ang hiling ko na hindi ko akalaing matutupad.
At yun... yun ang pinakamasakit sa parte ko dahil alam ko sa aking loob na malaki ang pag-asa niya para sa akin na dapat kong pigilan.
Napaupo ako sa sofa. "Hindi ko alam," bulong ko sa hangin.

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất