logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Four

Natsumi
Brrr. Ang lamig, nakakainis naman, malamig na tubig pa eh. Kailangan makapagpalit na ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, buti hindi masyado nabasa.
Hindi ako papasok ng dalawang subject. Sinabihan ko si Michelle na hindi ako papasok ng dalawang subject, siya na ang bahala sa akin. Malapit na ako sa lumang Art Room. Wala naman atang tao dun kaya dun nalang ako didiretso.
Tinawagan ko agad si Alexis para madalhan ako ng panibagong uniform. Kung hindi ako magpapalit, lahat ng tao sa mansion ay malilintikan kapag nagkaroon ako ng sakit. Makakatanggap sila ng napakaraming sermon mula sa mga taong nagpapasweldo sa kanila.
Nakakainis. Pwede naman nila akong buhusan ng hindi ko alam o di kaya habang papasok ako sa room, huwag lang kung inaantok ako. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising. Pasalamat nga yung mga babaeng yun at hindi ko sila pinatulan, kung hindi baka nasa Guidance Room na ako ngayon. Pasalamat sila at hindi pa talaga ako nakatulog.
Wala pang isang linggo magkakarecord na agad ako. Itong mukhang ito? Maga-guidance? Hell no. Nilibot ko ang tingin ko sa buong room, malaki itong lumang Art Room, may locker? Lagayan siguro yun ng mga gamit ng mga pumupunta dito. Lumapit ako sa locker at binuksan yun.
Ang daming laman. 'Wag ka, isa palang nabubuksan ko. Puno siya ng damit na pwedeng gamitin kung magpe-paint ka. Binuksan ko naman yung isa, kung yung isa puro damit, ito naman puro paint brush, lahat ng klase, kumpleto lahat. Sumunod naman yung pangatlo, ang daming paint, iba't-ibang klase at kulay. Ang daming laman nitong lumang Art Room. Siguro madaming rin laman yung bagong Art Room. Nilagay ko muna ang bag ko sa tabi ng locker, may table kasi dun. Kumuha ako ng Art materials, magpe-paint muna ako pampatanggal inis.
Inayos ko na yung mga gagamitin ko at nagsimula na ako. Hindi ko na inisip kung ano ang ipipinta ko, basta guhit lang ako ng guhit. Syempre maingat ako sa paglalagay ng paint baka matalsilakan damit ko eh. Di kasi ako kumuha eh. Mga twenty minutes na ata akong nagpe-paint. Hindi ko parin tinitigilan. Gusto ko kasi perfect.
"Ate?" biglang may tumawag sa akin.
"Alexis? Ikaw na ba yan?" tanong ko habang nagpe-paint pa rin.
"Opo Ate, pasensya na kung natagalan ako. Traffic kasi." sabi niya.
"Okay lang." sabi ko habang nakatingin pa rin sa ginagawa ko.
"Dala ko na nga pala Ate yung pinapa--- what happened to you, Ate?!" sabi niya.
Napapikit ako ng bigla siyang sumigaw. Parang nabasag ata ng konti ang eardrum ko.
"Sinong gumawa nan sayo?" tanong niya ulit.
"Teka. Isa-isa lang ang tanong. Paano ko masasagot agad kung sunod-sunod ang tanong mo?" sabi ko.
"Sorry Ate." sabi niya with matching peace sign. Lumingon ako sa kanya pero sandali at binalik ko ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Sa unang tanong mo, anong nangyari sa akin? Binuhusan lang naman ako ng malamig na tubig habang nakatungo. Sa huling tanong mo, sinong gumawa? Si Jenthrix. Inutusan niya yung nakasagutan ko kahapon kasama ang mga kaibigan niya." paliwanag ko in sarcastic tone, pero hindi pa rin ako tumitingin.
Malapit na akong matapos ang painting ko.
"Talagang tinuloy niya?!" tanong niya. Halatang gulat siya sa tono palang ng boses niya.
"Yup." maikling sagot ko.
"Ano yan Ate? Nagpe-paint ka?"
"Can't you state the obvious?"
"Sorry. Wow ang ganda. Dark colors. Inis ka talaga sa nangyari." sabi niya. Nasa tabi ko na siya ngayon.
"Talagang kilalang kilala mo na ako." sabi ko. Tapos na ako sa painting ko.
"Syempre." nakangiti niyang sabi.
Tapos na pala ang first subject, napatingin ako sa relo ko. Tiningnan ko ulit yung gawa ko. Ang ganda. Si Alexis, umupo muna. May upuan naman dito sa Art Room. Kinuha ko na yung paper bag na pinaglalagyan ng damit ko.
Pumunta ako sa Rest Room ng mga Girls. Walang tao. Syempre may klase pa. One hour pa bago ang break time. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Pinatong ko muna yung paper bag, may patungan naman dito sa loob ng cubicle. Hinubad ko na yung uniform ko. Medyo natutuyo na. Kinuha ko na yung blouse sa paper bag. Nagpalit na rin ako ng palda medyo nabasa din kasi.
Lumabas na ako ng cubicle. Naghugas muna ako ng kamay, tapos napatingin ako sa salamin. Nakaya ko yun? Lumabas na ako ng Rest Room. Hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina. Hindi ko na dapat pagplanuhan ang gagawin ko kay Jenthrix. Habang naglalakad ako sa hallway, tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot iyon.
(Moshi-moshi Hime!)
"Oh?"
(Ayos pambungad ah? Wala man lang Hi or Hello dyan?)
"Ano bang kailangan mo?" ayaw agad sabihin.
(Badtrip?)
"Hindi goodtrip. Ang saya-saya ko nga eh." sarcastic kong sabi.
(Ay talaga? Halata nga eh. Sa boses mo palang para ka ng papatay eh.) he said sarcastically.
"Sapak gusto mo?" cold kong sabi. Ganan ako makipag-usap.
(Kung masasapak mo ako. Haha.)
"Kayang-kaya kitang puntahan dyan sa Japan. Bakit ka ba kasi napatawag?"
(I just want you to know na uuwi kami dyan this coming Saturday yun lang. Bye.)
"Sige na." tapos pinatay ko na yung tawag.
Pagkapatay ko nung tawag, may tinawagan naman ako.
Tinawagan ko si Michelle para ayusin ang pag-uwi ng dalawa kong pinsan.
Nakakainis, uuwi na sila, hindi ako patatahimikin ng mga yun. Naglakad na ulit ako pabalik sa lumang Art Room, saka ko na iisipin yung dalawang mokong na yun. Pagdating ko sa Art Room, nakita ko si Alexis nasa harapan ng painting na ginawa ko. Tutunawin sa tingin? Nilapitan ko siya.
"Tutunawin sa tingin?" I said coldly to her.
"Ate naman, masama bang tingnan ng malapitan. Nagagandahan kasi ako eh." sagot niya.
"Bakit ayaw mong mag-aral magpainting?" tanong ko.
"Eh hindi naman Fine Arts ang kukunin ko eh. Di ako magaling dyan. Business Management kukunin ko noh." huh? Anong nangyayari dito kay Alexis?
"Short question, long answer. Ikli ng tanong, haba ng sagot mo." sabi ko. Humarap siya.
"English na, tinagalog pa. Yung totoo Ate?" tanong niya.
"Ewan ko sayo. Gulo mo." sagot ko. Ang gulo niyang kausap. Layo ng sagot.
Umupo na muna ako. Naku, kukulitin na naman ako nung mga yun. Lagi nalang tuwing uuwi dito kinukulit ako. Palibhasa mga walang kapatid. Tiyak wala pa ring pagbabago yung mga yun. Masama pa rin ang ugali. Nagpalipas kami ng oras ni Alexis.
Pinauwi ko na si Alexis, pinadala ko na din yung kotse pauwi. Pumunta na ako ng Canteen, sa tabi nun may Cafeteria.
This university has an east wing and west wing, nasa east wing palang ako ng university. Parehas may malaking soccer field ang east and west wing.
Paano pa kaya kung may Olympic size pool dito? Meron nga palang ganun dito.
Hindi ko alam kung anong pinagkaiba ng dalawa, parehas naman kainan at may mga pagkain. Bumili ako ng food, medyo gutom ako eh. Sabay ring ng bell, dami ng tao dito. May babaeng tumigil dito sa table ko. Madami ng nakaupo. Bakit siya tumigil sa harapan ko?
I hope this is not a trouble.

Bình Luận Sách (27)

  • avatar
    Ruel Hayaban

    Story was good love to read more

    12/06

      0
  • avatar
    Shinzou Sasageyo

    thank again

    05/06

      0
  • avatar
    Christian Setenta

    So good

    22/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất