logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Missing Secret Princess (Filipino)

The Missing Secret Princess (Filipino)

AstraeaDeinsleif


Chương 1 Prologue

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao na nag-uusap sa silid na ito, mukhang hindi pa nila nararamdaman ang presensiya ko dahil patuloy lang sila sa pagdidiskusyon ng tungkol sa negosyo.
"Should I go inside, Miss?" tanong ng kasama ko.
"No, let them talk. I want to hear their fucking side comments about me."
Tumango na lang siya at gaya ko ay pinakinggan niya lang din ang mga sinasabi ng mga tao na nasa loob ng kwarto. Mga taong bago sa larangan ng negosyo, or should I say new citizen in my world?
Patuloy ang pagtatalo ng mga tao sa loob, ang iba ay tahimik habang ang iba naman ay hindi na natiis ang diskusyon kaya nakisali na rin. Kailan ba naging ganitong kagulo ang mundo ko?
"Ladies and gentlemen, please calm down."
"Calm down?! Bumabagsak na ang sales ng wine natin and even the sales in the farm. Ano bang ginagawa ng amo mo? Nagpapakasarap sa buhay?"
"The export of our company is too slow, akala ko ba mabilis nating mailalabas ang mga produkto natin papuntang ibang bansa?"
"You're just the secretary of her assistant, why are you here? Ang kailangan namin ay yung may ari ng kumpanyang ito, hindi ang katulad mo!”
"Nasa out of town po siya ngayon for business meeting. Matatagalan pa po siyang bumalik, and Miss Michelle is with her also."
People and their mindset, masyado na atang nakain ng pera ang pag-iisip ng mga taong ito. Masyadong takot na mawalan ng kita ang mga negosyo na ipinasok nila sa kumpanya ko.
Marami pa akong narinig na hindi magaganda patungkol sa akin. I don't want to prove them that I'm a loser. I'm not born to be called loser, I'm born to be a leader.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, gusto ko pang marinig ang mga sasabihin nila. Nawiwili ako sa mga naririnig ko, hindi ako makapaniwala na ganito pala ang mga negosyante, mga takot mawalan ng pera. Umiikot na lang sa pera ang utak nila.
"Go inside, may tatawagan lang ako." agad na tumango ang kasama ko at mabilis siyang pumasok loob para harapin ang mga taong nagkakagulo dahil lang sa takot na malugi ang negosyo.
Natatawa na lang ako sa tuwing naririnig ko ang mga pagtatalo nila. Samantalang ako, gusto kong mamuhay ng simple na walang iniisip na problema kagaya nito.
Maybe they called me cold hearted, straight forward and unpredictable person because of what they see in me. But they don't know what I want in my life.
Matapos ang ginawa kong pagtawag sa isa sa mga taong inutusan kong kunin ang mga updated sales ng ibang negosyo ay bumalik ako sa pwesto ko kanina kung saan rinig ko lahat ng mga sinasabi ng mga negosyante loob.
"Nandito ka na pala Michelle, nasaan na ang amo mong mahilig pumunta ng ibang bansa?! Palagi na lang ikaw ang nakikita namin, kung hindi ikaw itong sekretarya mo ang nakikita namin. Where is your lazy boss?"
Someone call me lazy eh?
"Mr. Benedicto, bago ka lang dito sa grupong ito. Wala kang karapatan na sabihan ang namumuno nito ng mga bagay na hindi totoo tungkol sa kanya."
"Why Mr. Dizon? Nakilala at nakausap niyo na ba ang pinuno ng grupong ito? Bakit hindi kayo makasagot? Wala naman 'di ba? Mabuti pang palitan niyo na ang pinuno ng grupong ito!"
Eksaheradang binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok sa conference room. Mabilis na tumayo ang mga tao sa loob habang ang iba naman ay nakaupo at gulat sa ginawa kong pagpasok. Umupo ako sa swivel chair na nakapwesto sa gitna ng mahabang lamesa kung saan naka-upo ang mga ka-meeting ko.
Some of them already know me because of the mask that covers my identity to them. Ang iba ay nagtataka kung bakit may isang babae na nakamaskara ang pumasok at umupo sa harapan nila.
"Speak."
Agad nireport nila Michelle at Juvia ang mga sales at stocks report ng mga negosyo na hawak ng kumpanya. Nakatalikod ang upuan ko sa mga taong kasama ko.
"Sinong nagsabi na nagpapakasarap lang ako sa buhay?" natahimik sila Michelle sa ginagawa nila ng magsalita ako.
"At sinong nagsabing pagsalitaan ng ganun si Juvia?" agad kong inikot paharap ang upuan ko para makita ang mga mukha ng mga taong nandito ngayon sa silid na ito.
Nakita ko na tahimik at halatang natakot ang grupo nila Mr. Dizon sa malamig kong pagtatanong, habang ang iba naman ay nagtataka sa sinasabi ko.
"Una, may nagsabotahe ng delivery truck ng mga wine kaya hindi laging umaabot sa quota ang delivery. Pangalawa, natutuyo ang lupa ng mga taniman ng mga bigas at kung ano ano pang naitatanim."
Isa isa kong tiningnan ang mga taong kasama ko.
Nagtataka sila kung sino ako. Ang iba naman ay nakatingin lang sa akin.
"Masyado kayong takot na mawalan ng kita, dahil mawawalan kayo ng source para sa mga luho niyo. Bago lang kayo dito sa kumpanya na ito, kung makapagreklamo kayo, parang kayo pa ang mas mataas sa mga nauna sa inyo. How rude is that?"
Rinig ko ang singhapan ng mga tao. Isang babaeng nakamaskara lang naman ang nagsabi sa kanila ng mga ganun bagay.
"Sino ka bang babae ka?! Ipakita mo sa amin ang mukha mo!" natawa ako sa narinig ko.
"Seeing my face is a sin. You will regret once you know who am I. So, be contented to the privilege that I have been given to you."
Isa isa ko silang tiningnan. Ang iba ay may pagtataka, ang iba naman ay takot. Ito talaga ang buhay na pinasok nila.
"Nalaman na namin kung sino ang nagsabotahe ng mga truck for wine delivery at nakakuha na ng water supply para sa mga palay at iba pang tanim sa farm. All the problem is solved." si Michelle na ang nagsalita para sa akin.
"Meeting adjourned." tumayo na ako at lalabas na sana ng napatigil ako sa tanong ni Mr. Benedicto.
"Who are you?"
For the last time, I look at them and smirk.
"The superior of this group. The Princess that you never wish to encounter."

Bình Luận Sách (27)

  • avatar
    Ruel Hayaban

    Story was good love to read more

    12/06

      0
  • avatar
    Shinzou Sasageyo

    thank again

    05/06

      0
  • avatar
    Christian Setenta

    So good

    22/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất