logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chasing, Cars

Chasing, Cars

Celery


Prologue

"Ely?"
Nag angat ako ng tingin mula sa ipad na hawak ko. Tinaas ko rin ang suot ko shades, para makita ko ng malinaw ang taong tumawag sa akin.
"Oh my gosh," lumipad ang kamay ko sa bibig ko saka tumayo, "Sav?" Turo ko sa babaeng kaharap ko na may suot na navy blue pencil skirt partnered with a white top, with a navy blue business jacket. Black heels, and a floral scarf. Her hair is tied up into a neat bun. Pag tingin ko sa likod niya ay may hawak siyang itim na maleta.
"I can see that you're already a flight attendant, huh?" Tumatangong sabi ko habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.
Sav nodded her head, "Syempre naman!" Dumukwang siya palapit sa tainga ko, "jowa ko ang isa sa piloto ng airlines, kaya couple goals kami," bahagya pa siyang humagikgik ng may pagkamalandi kaya nginiwian ko siya.
"Hindi ka pa rin nag babago, Sav," umiiling na sabi ko.
"Ikaw, kumusta ka na? Ang tagal ko ng walang naririnig sayo," bahagya pa siyang ngumuso na nag patawa sa akin.
I shrugged, "Ayun, I finished taking my Architectural course, and I'm already done taking my licensure exam," pagkwento ko.
Suminghap naman siya bigla, "Architect ka na pala?!"
"Yeah..."
"Late pero, comgratulations!" Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, "proud ako sayo, Ely."
Maya-maya pa ay nabaling ang tingin niya sa mga gamit ko sa tabi. Taka naman niya akong binalingan ulit ng tingin, "Where are you going?"
I sighed, "Just a quick conference meeting sa Paris," simpleng sagot ko, "and I will fetch someone there also," dagdag ko.
Nanalaki agad ang mata niya, "Anong flight mo? Baka sa flight mo yung team ko naka assign," aligagang sabi niya at pilit na pinahagilap ang ticket ko.
I was about to give her my ticket ng bigla siyang tawagin ng team niya. Sav looked at me apologetically, "Sorry, kailangan ko ng umalis," she looked back again to her team, "sana sa flight mo ako naka assign. Pero, masaya ako na nakita ulit kita, Ely," sumeryoso ang boses niya.
I smiled at her, "Ako rin," saglit kong tinignan ang team niya na hindi kalayuan sa akin, "sige na, baka ikaw nalang iniintay nila," nginuso ko ang bandang likuran niya.
"Talk to you soon," tinapik niya ako sa balikat, bago siya nag lakad papunta sa team niya.
I stayed for a while sa boarding area bago ko narinig ang flight number ko. Agad kong kinuha ang hand carry ko, saka nag lakad papunta sa exit gate.
"Welcome on board, mam."
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Sav pag pasok ko. Nginitian ko naman siya pabalik, "Thank you."
Iginaya niya ako papasok ng eroplano, na agad ko namang sinunod. The cold and smoky air welcomed me, as I walked down the aisle. I looked for my seat so I could already fix my things.  Napangiti pa ako ng malapad ng malaman ko na ang pwesto ko ay malapit sa bintana.
I made myself comfortable on my seat, as I wait for the other passengers to go inside the aircraft.  Nag suot din ako ng airpods ko at nag patugtog muna, habang nag iintay. Since I took a night flight, I wear my neck pillow already....ready to sleep.
"Ladies and gentlemen, this is Savannah Ricafrente, and I'm your chief flight attendant."
Lihim akong napangiti ng marinig ko ang boses ni Sav na nag sasalita sa speaker.
"On behalf of Captain Dela Fiento Señor and the entire crew, welcome aboard!"
Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang apelyido ng lalaking pilit ko ng kinakalimutan.
What the actual fuck?!
Bakit sa dinami-rami ng maaaring maging piloto sa flight ko, ay siya pa?! I already know that he is a pilot, and this things is possible to happen, but I didn't expect that he will be the captain on my flight right now!
Talaga nga naman na hahanap at hahanap ng butas ang tadhana para muli na naman kaming pag tagpuin dalawa.
Buong byahe ay inabala ko nalang ang sarili ko na matulog. Iniisip ko na maaaring hindi kami magkita ngayon dahil may sari-sarili kaming gawain.
Tama! Tama!
Bakit nga ba ako nag papanic ng ganito?
Nang lumapag kami sa Abu Dhabi, since connecting flights ang Manila to Paris France, agad kong kinuha ang mga gamit ko sa taas para makalabas ng eroplano. We have 5 minutes waiting time, before we board again. I felt hungry since it's already midnight, so I walked towards the convenient store to buy some foods.
Pinili ko na mag stay sa boarding area, dahil 5 minutes lang naman ang free time namin. Payapa akong kumakain ng snacks ko habang nagkakalikot sa phone ko. I was busy checking my emails, when my phone rang, requesting a call from my facetime.
Mom calling.....
Agad kong sinagot ang tawag at inangulo ang camera para, "Hi mo---"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko, ng mauna na mag salita ang kausap ko.
"Mommy!"
Hindi ko maiwasan na mapangiti, "Hi Jillian. How is it going, baby?"
Mas nilapit ng anak ko ang mukha niya sa screen ng phone, "Are you near? I missed you so much na po," ngumuso bigla ang anak ko.
"Just one more flight, and mommy will be there already, hmm?"
Agad na rumehisto ang tuwa at galak sa mga mata ng anak ko, "Really mommy? Are you going to fetch me here, so I could go home na po?"
Tumango naman ako, "Yes, baby."
"Yehey!"
Saglit pa kaming nag usap ng anak ko, bago ako mag paalam dahil boarding time na namin ulit. Kagaya kanin ay pumunta na ako sa exit gate, at nag lakad patungo sa eroplano na sasakyan ko. Hindi na ako nagulat ng si Sav na naman ang bumati sa akin pag pasok ko.
As soon as I saw my seat, I immediately fix my things first and sat down comfortably. Hindi na rin ako nagulat ng marinig ko ang announcement ni Sav sa speaker.
"Cabin crew, please take your seats for take-off."
Heto na naman at narinig ko na naman ang boses ni Carson mula sa speaker ng eroplano. All through the ride, I was sleeping. Nagigising nalang ako pag kakain na, at madalas, si Sav ang nag hahain ng pagkain ko.
"Ladies and gentlemen, we have just landed at Paris Charlss de Gaulle Airport....."
Hindi ko na naintindihan masyado ang mga sinasabi sa radio speaker, dahil naging abala akonsa pagkuha ko ng gamit sa itaas.
As soon as I stepped outside the airplane, I already felt the cold air brushing against my skin. Nasa loob pa rin ako ng airport, pero nararamdaman ko na ang lamig ng klima sa Paris. I walked towards the immogration while my right hand is inside the pocket of my black trench coat, while my left hand is the one holding my hand carry.
Nang tuluyan akong makalagpas sa immigration, at nakuha ko na ang lahat ng mga gamit ko, agad akong nag tungo sa arrival area. Mom said they will be here in a minute, so while waiting, I sat down first.
"Elyszien....."
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I saw a pair of shoes in front of me, and I slowly looked up to confirm the owner of the voice.
"Carson....."
His face is stoic, and his jaw clenched when we looked at each others eyes. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko para maharap ko siya.
Carson licked his lower lip, "Hey, it's been a while huh."
Tumango ako, "Yes.....it's been a couple of year since we last talked."
"How are you?"
Nag angat ako ng isang kilay, "I'm fine. You?" Pabalik kong tanong.
He nodded his head, "I'm perfect."
Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay namataan ko si Jillian na karga ni mommy at kinakawayan ako. Napalunok ako ng tignan ko muli si Carson sa harapan ko, "I-i should go," tinignan ko ulit ang kinaroroonan ni Jillian, "n-nandyan na sundo ko."
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nag simulang humakbang palayo. Ngunit hindi pa ako tuluyan nakakalyo, ay hinawakan ni Carson ang braso ko, kaya napaharap ako muli sa kanya.
"Are you married?" Kunot noo niyang tanong.
Nag salubong ang dalawang kilay ko, "Uhm, no."
Nakita kong sumilay ang tipid na ngiti na gumuhit sa labi niya, "Single?"
Nag baba ako ng tingin sa kamay niya na nasa braso ko, at pilit na tinatanggal iyon, "Yes I am," sagot ko.
"Well then, how should I call you?"
Sinalubong ko muli ang tingin niya, saka tipid na nginisian siya.
"Architect....Architect Peñaverde."
Gulat ang rumehisto sa mukha niya sa narinig mula sa labi ko. I smirked even more at him and turned my back on his, and started walking.
Jillian ran towards me as soon as she saw me fast approaching.
"Mommy!"
Tumatakbo siya sa akin habang nakabuka ang dalawang braso niya, handa na para salubungin ako ng yakap.
"Hi baby!"
Lumuhod ako para mag pantay kaminng anak ko saka siya hinalikan sa ulo nito. Habang magkayakap kami ng anak ko ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin.....at hindi nga ako nag kakamali.
There, I saw Carson standing at the exact place where I left him. He is looking at me....looking at us with the same amount of pain and regrets visible on his eyes.
Mapait akong napangiti saka muling hinigpitan ang pagkakayakap ko sa anak ko, habang nakatingin kay Carson.
Ayoko........minsan na niya kaming ipagtabuyan ng anak ko, ayoko ng mangyari ulit iyon.

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Yuri Dump

    Xfg

    14d

      0
  • avatar
    Benvinido Tulipas

    nice

    16d

      0
  • avatar
    PolpayPapy

    lbabybaykykay@gmail.com lbabybabykykay252@gmail.com

    06/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất