logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Rafael’s POV
Lalaine is the reason kung bakit ko isinama si Angela sa party. Alam ko kasing dadalo ito sa birthday ni Bernard. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko nang bigla na lamang siyang umalis matapos kong ipakilala si Angela. I saw pain in her eyes, kung nasasaktan ko siya at kung mahal pa rin niya ako bakit niya ako sinaktan?
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ngunit nang sumunod sa kanya si Fernan ay nag-panick na ako. He is also my close friend kaya nag-paubaya siya sa akin kay Lalaine. Sabay kaming nanligaw ni Fernan sa kanya pero ako ang sinagot niya. Sa selos na naramdaman ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahabol ang babaeng nang-iwan sa akin.
Natagpuan ko siyang umiiyak habang yakap ni Fernan kaya hinablot ko siya mula sa kanya. Galit na iniwan kami ni Fernan sa parking lot.
“Is it true? Na ikakasal na kayo ng babaeng yun?” Umiiyak na tanong niya sa akin.
“Yes.” Sambit ko.
“Ito na siguro ang karma ko dahil sa pag-iwan ko sayo Rafael. Sana maging masaya kayong dalawa.” Sagot niya sa akin sa pagitan ng paghikbi.
F*ck! I saw her crying in front of me and I can’t believe na dahil iyon sa kin. Ano ang dapat kong gawin?
“Don’t worry Rafael, hahayaan na kita. Babalik na rin naman ako ng America in two weeks from now, kaya hindi na rin tayo magkikita pa.” Wika niya na ikina-bigla ko. Babalik siya sa America? Iiwan niya ako ulit?! Aalis na sana siya nang bigla kong hawakan ang kamay niya.
“Iiwan mo ulit ako?” Mahinang sambit ko. Bumalik sa alala ko ang nangyari sa akin noong iniwan niya ako. Tinitigan ko siya. Medyo pumayat siya at wala na rin ang mahaba niyang buhok but still she's the girl I wanted to marry. Gustuhin ko mang itanong kung bakit niya ako iniwan natatakot ako sa magiging sagot niya.
“I still love you… and I want you back.” Paos na wika niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang kinabig para yakapin. I kissed her like there’s no tomorrow. But suddenly Angela’s beautiful face flashes into my mind. I stop myself and look at her.
“I kissed you, but you don’t deserve my forgiveness.” Seryosong wika ko sabay alis sa harapan niya. Wala akong paki-alam kung ano ang iniisip niya. Kapag iniwan niya akong muli hindi ko na siya babalikan pa. I’ve had enough. I have to move on and be with Angela.
Hinanap ko siya sa labas ng venue, pero hindi ko siya makita. Galit na tinungo ko ang loob kung saan dinaraos ang birthday ni Bernard one of my friend. Umigting ang panga ko nang makita kong siyang nakikipag-ngitian sa kaibigan ko. Ngiting ngayon ko lamang nakita simula nang makilala ko siya.
Damn! She’s so gorgeous. Nang makita ko siyang bumaba sa hagdan kanina nakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso. Kahit wala siyang make-up ay maganda na siya. Lalo pang tumingkad ang ganda niya dahil sa nilagay ni cheche at dahil na rin sa suot niyang damit. I can’t even look straight to her eyes. She’s really beautiful even her whole body makes me wanted to claim her. Pero may pumipigil sa akin.
Nang makita kong para na siyang hahalikan ni Bernard ay kumilos na ako sa kinatatayuan ko. She’s mine!
Nagulat siya nang makita niya ako. Kaagad kong hinigit ang braso niya ngunit pinigilan ako ni Bernard. Pinaalala niya sa akin na nasa Birthday party niya kami at huwag akong gumawa ng eksena. Pinigilan ko ang aking sarili. Kahit gustong-gusto ko na siyang agawin mula sa pagkakahawak niya.
"If something happens lumapit ka lang sa akin. I can save you from him." Wika ni Bernard na ikina-inis ko who the hell he is para sabihin yun kay Angela! I want to punch him, but I saw a lot of people looking at us. But still hinila ko parin si Angela palabas.
Nang makalabas na kami I started confronting her. But she denied it. Pero nang sinabi niya sa akin na nakita niya kaming naghalikan ni Lalaine I stop nagging her. Bigla akong natauhan sa sinabi niya. But how could I stop myself from thinking and loving Lalaine?
Habang nagtatalo kami I saw Lalaine. She’s drunk! Kaagad akong lumapit sa kanya at iniwan ko si Angela.
“What the hell? Bakit ka uminom? Niyakap niya ako hangang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay. Kaagad ko siyang inuwi sa condo niya. Dito ako umuuwi noong iwan niya ako. We have a lot of memories here that's why I wanted to be here when I feel drowning from pain.
Ibinaba ko na siya sa kama. Umuungol pa rin siya dahil sa kalasingan. Tinangal ko ang sapatos niya at kinumutan ko siya. Pinagmasdan ko ang mganda niyang mukha habang naka-upo sa gilid ng kama.
"Bakit mo ako iniwan Lalaine? Why did you choose to break my heart instead of marrying me? Do I really not worthy enough to be your husband? I can love you forever! I love you! I still love you." Sambit ko.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. We are both starring each other. Then I saw teardrops from her eyes falling from the side of her face.
"Rafael...." Sambit niya.
"Kahit ano pang dahilan ng pag-iwan mo sa akin. Hindi yun magiging sapat sa sakit na naramdaman ko nang iwan mo ako Lalaine. You ruined me! You make me lost and empty you make me feel stupid from waiting for you every day...You hurt me like hell! How could you? Going back here and said you still love me?"
"I'm sorry. If I could turn back time. I will still choose to leave you Rafael....."
Paulit-ulit na nagre-rewind sa utak ko ang sinabi niya. Matagal bago nag-proseso sa akin. Kung hindi pa siya nakatulog hindi ko pa marerealize ang sinabi niya.
"I'm sorry. If I could turn back time. I will still choose to leave you Rafael....."
Nang dahil sa sinabi niya ay natagpuan ko na lang ang sariling binabaybay ang labas ng condo niya. Napatigil ako sa labas ng pintuan niya, sumandal ako sa pader at hinawakan ko ang aking dibdib. Masakit marinig yun mismo sa kanya, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Kung may mas sasakit pa sa lahat ng sinabi niya ay ito yun.
Balewala ang sakit na pinagdaanan ko sa nakalipas na dalawang taon dahil kaya niya parin akong iwanan at saktan.
Damn her!
Laglag ang balikat na tinungo ko ang parking lot. Kaagad kong inutusan ang driver na ibalik ako sa venue. Mabuti na lamang at naalala ko pa din si Angela. Sobrang dami ng gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Lalaine kung hahayaan ko na lang ba siyang umalis muli. At kung tuluyan ko ng palalayain ang aking sarili. Ilang minuto din ang binaybay namin. Malakas na rin ang buhos ng ulan.
Pagkarating ko sa venue ay nag-uwian na pala ang mga bisita dahil maghahating gabi na rin. Pero kasalukuyan parin na naglilinis ang mga tauhan sa Venue. Kahit anino ni Angela ay hindi ko makita. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-konsensya dahil sa pag-iwan ko sa kanya gayong ako ang nagsama sa kanya dito. Hindi ko na mahagilap si Angela. Nagbakasakali akong nakauwi na siya. Kaya kaagad akong tumawag sa bahay.
“Hello? Nakauwi na ba si Angela?” Tanong ko sa sumagot ng telepono sa bahay.
“Yes sir, hinatid po ng kaibigan niyo. Basang-basa po siya sir at nanginginig.” Sambit niya.
“What? Sinong kaibigan? Bakit siya basa?” Kunot noo na tanong ko.
“Si Sir Inigo po, nabasa po kasi siya ng ulan. Pinagluto na lang po namin ng arrozcaldo para mainitan ang tiyan bago uminom ng gamot.” Sagot niya.
May sakit si Angela?
Kaagad kong pinatay ang phone at inutusan ang driver na ihatid na ako sa mansyon. Sinubukan ko din tawagan si Inigo. Kaka-ring pa lang ay sinagot na niya ito.
“What happen to Angela? Manang told me ikaw daw ang naghatid sa kanya at basang-basa daw siya. What did you do to her?” Seryosong tanong ko. Narinig ko ang palatak niya sa kabilang linya.
“Damn it Inigo!” Sigaw ko sa kabilang linya.
“Easy Bro! Masyado kang hot. Tapos na ba ang session niyo ni Lalaine kaya naalala mong may magandang babae ka palang iniwan sa venue? Lumabas siyang mag-isa sa venue at naglakad sa ulan. Mabuti na lamang at nagpasya na kong umuwi dahil na-bored na ako sa party ni Bernard at gusto ko sanang mag-club. Kaya lang mas worth-it yung babaeng hinatid ko.”
“Damn you! She’s my fiancé!”
Galit na sigaw ko sa kanya.
“How about Lalaine? Hahayaan mo na lang ba siyang iwan ka ulit? Baka mabaliw ka na ng tuluyan niyan? Mabuti pang ipaubaya mo na sa akin si Angela. I like her. Napaka genuine niyang babae I think virgin pa rin siya dahil hindi mo naman siya pag-aaksayahan ng panahon kung hindi diba? But sorry to tell you bro. Wala siyang kahit kaunting interest sayo. Hahahaha!”
“Gag*! Stay away from her! Wag mo siyang isali sa mga collection mo Ramirez!”
Sa galit ko ay hindi ko na inintay ang sagot niya. Binalibag ko ang cellphone ko sa kotse. Napakuyom Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Babaero si Inigo kaya alam kong hindi makakabuti ang pagdikit niya kay Angela. Madali nitong nakukuha ang babae gamit ang matamis niyang salita.
“Don’t mind me. Just drive faster.” Utos ko sa driver dahil panay siya lingon sa rear view mirror. Nagulat siguro siya sa ginawa ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating na ako sa bahay. Kaagad akong umakyat sa taas. Pinuntahan ko muna si Lola pero tulog na ito. Kaya dumiretso na ako sa kwarto namin.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakahiga si Angela sa kama. Nakatalikod ito sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko na siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hinipo ko ang noo niya dahil sabi ni Manang may lagnat daw ito. Nasa noo niya ang palad ko nang magmulat ang mga mata niya. “Anong ginagawa mo?” Gulat na wika niya sa akin. Para siyang napaso bigla sa hawak ko at kaagad siyang lumayo.
“Sabi sa akin ni Manang may lagnat ka daw? Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nag-alalang tanong ko sa kanya.
“Okay lang ako.” Sagot niya. Sabay talikod sa akin, humarap siya sa kabilang bahagi ng kama kaya nagtungo ako sa kabila.
“Anong sinabi mo kay Inigo? May ginawa ba siya sayo?”
Nakita ko ang pagsilay sa labi niya. Ngiti na hindi masaya kundi nang-uuyam na ngiti habang nakatingin sa akin.
“Sinabi ko lang ang totoo sa kanya. At kung may ginawa man kami hindi mo ako madadatnan ditong natutulog sa kama mo.” Sarcastic na sagot niya sa akin. Umigting ang panga ko sa sagot niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya umalis sa venue ng mag-isa.
“Magpahinga ka na bukas na tayo mag-usap.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Ano naman pag-uusapan natin Rafael? Hindi na matutuloy ang kasal natin dahil babalikan mo na si Lalaine? Ang babaeng mahal mo? Walang problema yun sa akin. Ipinagdasal ko na rin yun para makabalik na ako sa ampunan. At sa dati kong buhay.” Sagot niya.
“Sabik na sabik ka na talagang maka-uwi ano? Siguro dahil namimiss mo na ang lalaki mo? Sorry to disappoint you pero hindi yun ang pag-uusapan natin.” Nakangisi kong sagot na ikina-kunot ng noo niya.
“Kung hindi, ano yun?”
“We will get married in one week sa ayaw at sa gusto mo.”

Bình Luận Sách (241)

  • avatar
    Shekina

    sana meron pa kayong maraming story moon jae maganda kasi plz

    07/08

      0
  • avatar
    Ana Melecia Bugarin

    nice

    02/06

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda ng story🥰🥰

    31/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất