logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Natapos ang lahat ng mga estudyante sa pagsusulat pero hindi parin bumabalik ang aming guro. Nakikita kong naiinip na rin yong iba.
Tumunog bigla ang bell hudyat na tapos na ang klase at oras na ng pananghalian. Mabilis na umalis ang mga estudyante at iniwan ang ipinapagawa ng aming guro sa kani-kanilang mga lamesa. Nang makita na ganun rin ang ginawa ni Cindy ay agad ko ring ipinatong ang aking papel sa aking lamesa at sumunod na sa kanya sa paglabas.
Kung ang agahan at hapunan ay sa dormitoryo, ang pananghalian naman ay dito mismo sa University. Dito nagkikita-kita ang lahat ng mga estudyante sa Manderstein at sabay-sabay na kumakain anuman ang lebel.
Agad na kaming humanap ng puwesto matapos makakuha ng pagkain. Pumuwesto kami sa dulo at pinakasulok na bahagi. Habang kumakain, napansin ko ang isang lamesa na nakahiwalay sa lahat ngunit bakante.
"Bakit walang kumakain diyan?"
-tanong ko kay Cindy sabay turo don sa bakanteng lamesa
"Yan? Ang Magic 8 lamang ang puwedeng kumain diyan".
-sagot nito
"Magic 8?"
-takang tanong ko
"Sila ay parang mga lider ng mga estudyante rito. Galing sila sa mga pinakamayayaman at pinakamalalakas na angkan. Matalik silang magkaibigan kung kaya isang araw napagdesisyunan nilang walo na itatag ang Magic 8. Suportado naman ang mga ito ng unibersidad kung kaya ay walang naging problema. Kung sa labas may mga ranking ng mga clans, dito may ranking rin ng mga estudyante. Isang malaking karangalan ang mapasali sa Magic 8 dito sa Manderstein. Nirerespeto sila ng mga estudyante at kinatatakutan kaya ikaw wag kang magkakamali na makalaban ni isa sa kanila, para mo na rin kasing kinalaban ang buong university pag ganun."
-mahabang paliwanag nito sa akin
"Hindi naman yan ang pinunta ko dito".
-mahinang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain
Habang tinatapos ko ang pagkain ay bigla kong naalala si Ethan. Bakit di ko pa siya nakikita dito?
"Cindy lahat ba ng estudyante ay pumasok ngayon?"
-mahing tanong ko sa kanya
Napakawalang-kuwenta ng tanong ko kung tutuusin pero nagbabakasakali akong malaman kung saan ko makikita si Ethan.
"Ang alam ko kasi hindi puwedeng mag-absent sa first day kaya sa tingin ko lahat ng estudyante ay andito ngayon".
-sagot niya bago bumalik ulit sa pagkain
Mabilis kong inisa-isa ng tingin ang lahat ng mga estudyante na andito ngayon, ngunit hindi ko ito nakita. Napabuntong-hininga nalang ako at inubos ang juice na nasa baso ko.
"Ay oo nga pala! May wala pala ngayon!"
-biglang alala ni Cindy
Naging excited ako sa isasagot nito. Baka isa na dun si Ethan.
"Yong Magic 8 wala sila ngayon. May isang linggo sa kada buwan na hindi sila pumapasok".
Nawala bigla ang saya ko. Kabilang kaya siya dun? Hindi siguro kasi wala naman siyang nababanggit na ganun. Sinasabi niya lahat sa akin kaya baka umabsent lang talaga siya ngayon.
"Bakit naman?"
-tanong ko upang pilit na buhayin ang aming usapan kahit nawalan narin ako ng gana dito.
"Ewan! Ang sabi may dapat daw silang gawin bilang parte ng Magic 8".
-saad nito
"Okay".
-tanging nasagot ko
Asan ka na ba kasi Ethan?
.....
Isang linggo na ang nakalipas simula ng mag-aral ako sa Manderstein University at isang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan. Hindi ko na alam kung talaga bang dito siya nag-aaral o pinagtataguan lang niya ako. Ayoko namang tanungin si Cindy ng diretso at baka malaman niya na magkakilala kami. Nagsisimula na rin talaga akong mabuweset sa hindi niya pagpapakita sa akin.
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kuwarto. Masyado pang maaga para lumabas at hindi pa rin naman tumutunog ang hudyat para sa agahan. Pinilit kong matulog ulit pero narinig ko ang biglaang pagka-unlock sa doorknob ng aking kuwarto at ang mabilisang pagsara rin nito. Agad akong nagpanic sa narinig at mabilis na bumangon. Pero agad rin namang nawala ang takot na naramdaman ko nang makita kung sino ang pumasok.
Ethan is standing at the door smiling at me. He's spreading his arms as if expecting that I will give him a hug.
Tiningnan ko lang siya at bumalik na ulit sa paghiga. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman akala niya nakakatuwa iyon. Isang linggo siyang di nagpakita tas ngayon papasok siya basta-basta sa kuwarto ko ng walang paalam.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na matulog. Bahala siya sa buhay niya!
"Are you not going to talk to me? Or just hug me?"
-mahina niyang tanong
Ramdam kong naglalakad siya palapit sa akin. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang unti-unting paglubog ng kama sa bandang likuran ko.
"Hey babe what's wrong?"
-tanong niya habang sinusubukang kunin ang kumot na nakabalot sa aking mukha
"Nothing".
-I answered coldly
Pilit ko ring hinihila pabalik ang kumot.
"Are you mad? Is it because I never show up for a week?"
-tanong niya ulit
"What do you think?"
-mataray kong saad rito
Bumangon ako sa pagkakahiga at hinarap siya. Agad siyang tumawa ng malakas. Really? Is this person having any mental health issues right now?
Tumigil siya sa pagtawa at hinarap ako.
"Babe you're seriously making me think that you are in love with me. Please do me a favor, don't be too obvious".
-sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04

      0
  • avatar
    Marvin Ayun

    so good 💯

    07/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất