logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 07

Please enjoy reading!
Kabanata 07
Abala ako sa pagsusuklay ng buhok ko sa harapan ng tukador ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iluwa no'n si Vijay.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Hindi ka ba marunong kumatok?"
Kung pumasok kasi s'ya sa kwarto ko akala mo eh kwarto n'ya din. Never pa kasi s'yang kumatok. Kapag gusto n'yang basta pumasok, papasok na lang s'ya ng walang pasabi.
"Hindi pa ba obvious?" Kibit-balikat na aniya bago lumapit sa pwesto ko.
"Ano na namang kailangan mo?" Naiiritang sabi ko.
Kahit na gusto ko s'ya laging kasama at kausap hindi ko pa rin maiwasang hindi mairita sa presensiya n'ya lalo na kapag naaalala kong may Venice s'ya tapos nilalandi n'ya ako!
Pero kahit anong pilit kong paalalahanan na huwag akong maging marupok pagdating sa kaniya, isang tingin n'ya pa lang sa akin lumalambot na agad ang puso ko. No'ng nagpaulan yata ng karupukan ay nasalo ko lahat.
Napatanga na lang ako nang ngumisi s'ya bago yumuko palapit sa mukha ko. "Kukuha ng vitamins ko." Aniya bago ako hinalikan ng mabilis.
Nagiging habit n'ya na ang pag-halik-halik sa akin! At ako naman si tanga, walang ginagawa kung hindi magpakarupok sa mga halik n'ya!
"Gusto mo na naman bang makagat ko 'yang labi mo?" Dinuro ko pa s'ya ng suklay na hawak ko.
Nakangisi na naman ang gago. "More than willing, future girlfriend."
"What?"
Parang ayaw ma-process ng utak ko ang narinig ko o kung tama ba ang narinig ko. Future girlfriend?
"Bingi ka na rin pala ngayon, future girlfriend."
"Ano?"
"Wala ka bang ibang salitang alam kung hindi what at ano?" Iritadong aniya.
Nang makabawi ako sa pagkagulat dahil sa itinawag n'ya sa akin ay nginisihan ko s'ya kaya binigyan n'ya naman ako ng nagtatanong na tingin, lalo na ng lumapit ako sa kaniya.
Nanlaki ang mata n'ya ng ikawit ko ang dalawang kamay ko sa leeg n'ya. Hinila ko s'ya payuko dahil mas matangkad s'ya sa akin.
Hinaplos ko nang marahan ang batok n'ya bago ko inilapit ang labi ko sa may tainga n'ya. Kaya ramdam na ramdam ko kung paano nanigas ang katawan n'ya.
"Bumili ka nang paaasahin mo, gago!" May diin na sabi ko bago ko s'ya itinulak.
"Nakaka-dalawa ka na sa'kin..."
"Madadagdagan pa 'yan kung hindi mo ako titigilan." Pagbabanta ko.
"Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ka nahuhulog sa akin." He smirked.
"Tigilan mo ako Vijay Verlice, masyado na akong maraming pinagdaanan kaya huwag mo na akong paglaruan." Seryosong sabi ko bago ko s'ya tinalikuran.
Inayos ko ang mga notebooks ko at books sa bag. Natigil lang ako ng muling magsalita si Vijay.
"Hindi kita pinaglalaruan, Linnett."
Muli ko s'yang hinarap. "Eh ano pa lang tawag sa ginagawa mo? Nilalandi mo ako dito sa kwarto ko tapos sa labas naman hita ni Venice ang himas-himas mo? Paki-explain nga, masyadong malabo, isulat mo sa one whole, back to back."
Hindi ko naman itinatanggi na gusto ko s'ya. In fact, gusto ko na s'ya simula pa lang no'ng una kaming magkita. Pero ito? Itong mga ginagawa n'ya, hindi nakakatuwa! Nakakagago!
"Balikan mo ako kapag malinaw na sa'yo 'yang feelings mo, huwag mo akong idamay sa kalituhan mo."
Pagkasabi noon ay iniwan ko na s'ya sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na s'ya hinintay na magsalita.
Nalilito na talaga ako sa mga ginagawa n'ya nitong mga nakaraang araw. Kuntento na sana ako kahit hindi n'ya alam ang feelings ko. Kuntento na sana ako kahit na nasasaktan ako tuwing dinadala n'ya si Venice dito sa bahay.
I'm happy and thankful for my life because he found me during the time that I'm lost. I'm not asking for more. Pero ngayon, iyong mga ginawa n'ya, nalilito na ako at naguguluhan!
Should I trust him? But how? Paano ko pagkakatiwalaan ang mga sinabi n'ya kung lamang naman ang oras na kasama n'ya si Venice.
I don't know. Nagbubuhol-buhol na ang utak ko.
Pababa pa lang ako ng hagdan ng magulat ako sa paghila sa akin ni Vijay. Niyakap n'ya ako mula sa likod bago n'ya isiniksik ang mukha n'ya sa leeg ko.
"Hayaan mong patunayan ko sa'yo na hindi kita pinaglalaruan, Linnett." Namamaos ang kaniyang boses.
Para akong nanghina sa paraan ng kaniyang pagsasalita at sa higpit ng yakap n'ya sa bewang ko.
"Bitawan mo ako Vijay." Lakas-loob na sabi ko kahit na nanlambot ang mga tuhod ko ng halikan n'ya ang leeg ko.
"Pakinggan mo muna ako please..." Nagmamakaawa ang namamaos n'yang boses.
Hinawakan ko ang kamay n'ya sa bewang ko at sinubukan ko iyong alisin pero mas hinigpitan n'ya lang ang paghawak sa bewang ko.
"Bitiwan mo ako pwede ba!"
"Linnett, huwag namang ganito! Talk to me please, let me prove myself..."
"Go prove yourself, but let me go first, mala-late na ako sa school, gago!"
Nang ma-realize n'ya ay saka n'ya lamang ako binitawan.
"Shit oo nga pala, may recitation kami sa first subject!" Realization hits him.
Inirapan ko na lang s'ya. "Puro kasi kalandian."
Pareho kaming nagmamadali palabas ng bahay. Pero kahit na nagmamadali kami ay naisisingit pa rin ni Vijay ang kalandian n'ya. He is really something.
"Hintayin mo lang ang mga gagawin ko, future girlfriend. I'll make sure na maiihi ka sa kilig."
"Bastos!"
Mabuti na lang dahil nakaabot pa kami sa unang klase namin. Nagulat pa nga si Macey dahil na-late ako dahil normally ay maaga akong pumapasok. Hindi naman kami nakapag-tsismisan dahil dumating na ang first subject teacher namin.
Nang dumating ang first break namin ay nai-kwento ko kay Macey ang nangyari sa bahay kaninang umaga.
Kinilig pa nga gaga dahil nagkakatotoo na daw ang sinabi n'ya na may gusto sa akin si Vijay.
Pero half-half pa rin ang tiwala ko. Ayaw ko kasi ibigay ng buo ang tiwala ko sa mga sinabi ni Vijay.
Hindi ako madaling maniwala sa mga salita dahil sa naranasan ko sa mga totoong magulang ko. They always promised me their time pero hanggang pangako at salita lang sila. Kaya mas gusto ko na ipapakita sa akin at ipaparamdam kesa sasabihin lang dahil ayaw kong nadi-disappoint ako sa bandang huli.
Natatakot akong umasa lang ulit ngayon kahit  mayroong nang maliit na pag-asa ang umuusbong sa puso ko.
"Huwag mong pigilan ang sarili mo na magmahal pero huwag mo ding sosobrahan." Turan ni Macey habang naglalakad kami palabas ng building namin.
"Galing mag-advice ah, parang hindi pasmado ang dila." Pagbibiro ko.
"Syempre balance din ako, hindi pwedeng laging kalokohan at kabastusan lang, dapat marunong din mag-seryoso." Aniya.
"Kaya ako'y sa'yo..." Natatawang sabi ko.
"By the way, una na ako sa'yo may family dinner kami mamaya eh." Paalam ni Macey.
"Ang bait na anak ah, sumasama sa ganiyan."
"Syempre hindi pwedeng puro kakirihan lang. Baka takot 'tong mabawasan ang allowance." Pagbibiro n'ya.
Napailing-iling na lang ako. "Gagi, umuwi ka na nga."
Nang maghiwalay na kami ni Macey ay lumakad na ako papuntang parking lot dahil isasabay daw ulit ako ni Vijay. He's really trying to prove himself.
Nasa pinakasulok naka-park iyong kotse n'ya kaya medyo malayo ang nilakad ko dahil masyadong malawak ang parking area.
Pero agad akong napahinto dahil sa naabutan ko. Ito 'yong pinakahuli kong inaasahan na masasaksihan ngayong araw. Though I know that they have the right to do such thing.
Nakasandal si Venice sa kotse ni Vijay habang hinahalikan n'ya ito. Nakatalikod mula sa pwesto ko si Vijay kaya hindi n'ya ako makikita samantalang nakapikit naman si Venice na halatang nag-eenjoy sa ginagawa nila.
Ngayon napatunayan n'ya na talaga ang sarili n'ya, depruta s'ya!
Sabi ko konti pa lang ang pag-asa ko sa kaniya pero bakit parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit dahil sa nakikita ko ngayon.
Nakakagago lang talaga sana hindi n'ya nalang sinabi iyong mga sinabi n'ya kaninang umaga. Depruta talaga s'ya!
Nagulat ako ng may nagtakip ng mata ko at hinila ako paalis sa kinatatayuan ko.
"Who are you?" Pagtatanong ko pero hindi n'ya binitawan ang mata ko hangga't hindi kami nakakalayo doon sa pwesto nila Vijay.
Nagulat ako ng bumungad sa akin iyong kaibigan ni Vijay, si Nhiel.
"You can cry now..." Sinserong aniya habang diretsong nakatingin sa akin ang nangungusap n'yang mga mata. Ngayon ko lang s'ya natitigan ng ganito kalapit. Hindi maitatangging gwapo rin talaga s'ya.
Mabilis akong napailing. "Hindi ko ibinubuhos ang luha ko sa mga hindi deserving na tao." Madiing sabi ko.
Naglalaro pa rin sa isip ko kung paano sila naghahalikang dalawa. Nakakagago ang pota!
Iyon pala ang paraan n'ya ng pagpapatunay na hindi n'ya ako pinaglalaruan. He really has his unique ways, huh!
Napatingin ulit ako sa kaharap ko ng magsalita ito. "By the way, hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala sa'yo, Nhiel Llanes. Pasensya na kung hindi maganda ang ipinakita ko sa'yo no'ng una tayong nagkita."
Bigla ko tuloy naalala ang pagsipol-sipol n'ya sa akin sa bahay.
"Ilibre mo na lang ako ng ice cream dahil wala ako sa mood ngayon then let's forget about that day."
Ayaw ko na kasing dagdagan ang inis at galit na nararamdaman ko ngayon. I needed someone right now. Wala naman si Macey ngayon at tadhana na ang kumilos para dalhin sa akin ang lalaking nasa harapan ko.
"Sure!"
Nhiel saved my day. Dinala n'ya ako sa isang ice cream parlor. Masaya s'yang kasama, masyadong maraming kwento. Bagay silang magkasama ni Macey dahil parehas sila ng level ng kadaldalan.
Hindi n'ya na rin in-open up iyong nakita namin kanina.
Hindi pa kami nakuntento sa ice cream lang, nag-arcade pa kami. And we really both enjoy our time together.
Hindi ko nga namalayan na inabot na kami ng alas otso ng gabi. Pero hindi naman ako nag-alala dahil inihatid naman ako ni Nhiel and he made me feel safe with him.
"Thank you for saving my day, Nhiel." Turan ko pagkababa sa kotse n'ya.
"Wala 'yon, next time ulit?" Nakangiting aniya.
"Why not?" Masayang sabi ko. "By the way ingat sa pagda-drive, thank you ulit and good night." Bumeso pa ako sa kaniya pero agad akong napabitaw ng marinig ko si Vijay na magsalita.
Nakaupo ito sa harapan ng bahay namin. Naka-uniform pa rin ito at naka-sukbit ang bag sa balikat n'ya.
"Nilalamok na ako kahihintay sa'yo, nakipag-landian ka lang pala." Sinipa n'ya pa ang mga bato sa harapan n'ya bago s'ya pumasok sa loob ng bahay.
Itutuloy. . .
--
Kathleenix 💙

Bình Luận Sách (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    2h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    4h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất