HINDI nagbibiro ang taong-aso nang sabihin niyang nanganganib ang buhay ko at buhay ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ko alam kung pansin ba ng mga kasama ko, pero ilang beses pa kaming muntik na mapahamak. Marami ang naging banta sa 'min sa mga nakalipas na araw. May kung anu-anong nilalang na lang ang bigla-bigla kung lumalabas sa kung saan na kaagad din namang tinatapos ng taong-asong nagbabantay sa amin. Pati na rin si Baito ay tumutulong. Nagi-guilty ako dahil alam kong ako ang may kasalanan. Kung 'di dahil sa kuryosidad ko ay hindi sila madadamay. Hindi ako mapakali dahil sa tuwing nakikita kong masaya sila, hindi ko mapigilang isipin na bigla na lang silang mapapahamak ng dahil sa akin. Laking pasasalamat ko na nga lang dahil may isang nilalang na inilalayo kami sa kapahamakan kahit na masama pa ang loob niya. Ilang beses siyang nagrereklamo sa akin. Wala pa akong panahon para intindihing mabuti ang mga nangyayari at ang kakaibang larawan na dumidisenyo sa 'king palad sa tuwing malapit ang taong-aso ay kinakailangan pa rin ng mas malinaw na pagpapaliwanag. Hindi ko iyon makukuha at maiintindihan sa loob ng maikling panahon lang. Sa ika-pitong araw, tulad nga ng estimasyon namin, nawalan na kami ng stock ng pagkain kaya nagpasiya na kaming umuwi. Okupado ang isip ko ng ibang bagay sa mga oras na 'yon kaya ang taong-aso ay panandaliang nawala sa pag-iisip ko. Katulad no'ng una ay tulog kaming lahat sa biyahe dahil sa pagod. Naghiwa-hiwalay din kami noong makababa kami sa kanto ng compound namin. Hindi na rin kami nakapagpaalam ng maayos sa isa't isa dahil kaming lahat ay kating-kati nang umuwi. Pinauna ko na silang lahat at nag-stay ako sa waiting shed. Nagpahinga muna ako saglit, total ay malapit lang sa bungad ang uuwian ko, 'di gaya n'yong lima. Noong tuluyan akong nakapagpahinga ay buong sigla na muli akong tumayo mula sa sementong upuan ng waiting shed. Dala-dala sa aking likuran ang mabigat kong bagahe ay handa na ulit akong maglakad pauwi. I turned my heels sideward only to be welcomed by a hard, almost wall-like, surface. Kaagad na bumulaga sa akin 'yong taong-aso, huli na para pigilin ko ang pagpihit ko kaya naman bumangga ang noo ko sa matigas niyang dibdib. “Mag-iingat ka nga pagkilos mo!” nakangiwing sigaw nito sa akin at mahina akong itinulak palayo sa kaniya. Hindi ko pinansin ang bastos na ugali nito at pinasadahan siya ng paningin. “Saan ka sumakay? Paano ka nakasunod sa 'min ng mga kaibigan ko? Baka may makakitang tao sa 'yo at biglang matakot d'yan sa itsura mo!” nanlalaki ang mga matang sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid. Baka may makakita sa kaniya na gano'n ang itsura niya! Ano na lang ang mangyayari? Tumaas ang isa niyang kilay at humalukipkip siya. “Lumulan ako sa itaas ng malaking bagay na gumagalaw na siyang sinakyan ninyo ng mga kaibigan mo kaya walang nakakita sa akin, at kung magkagano'n man na may nakasaksi, ang kailangan ko lamang gawin ay gapiin ang mortal na 'yon.” Suminghap ako sa isinagot niya. “Seriously!” I screamed. “Teka! Ano ang problema mong mortal ka!” sigaw niya. “Nasisiraan ka na ba!” nanlalaki ang matang sabi ko. “Teka, nagiging tao ka, 'di ba? Nakita ko kung paano ka naging tao no'n! Iyong nawala ang mga buntot at tainga mo! Umikli pa nga ang mga kuko't pangil mo n'on, pagkatapos, nag-iba ang kulay ng buhok mo! Nakita ko 'yon!” “Ano naman kung nakita mo?” maangas na tanong niya at ngumuso. “Alam mo ba ang magiging reaksyon ng taong makakakita sa 'yo?” anas ko. Siguro, kung ang mga kaibigan ko lang ang mga makakakita sa kaniya, mapag-uusapan pa namin. Malalawak ang pag-intindi namin sa bawat isa. Gano'n kaming magkakaibigan. Pero kung ibang tao na? Who knows what might happen! Mamamatay sa takot 'yon at kung mamalasin pa ay baka tuluyan niya rin. Hindi ako nag-aalala sa kaniya kundi sa taong maaaring makakita sa kaniya. Malinaw ko pang naaalala na no'ng una kaming magkita ay muntik niya rin akong tuluyan. Isa pa, kung gano'n ang itsura niya ay hindi ko siya maaaring isama sa bahay. Siguradong dadalhin siya sa perya ni Papa. “Bumalik ka sa pagiging tao!” utos ko. Umiling siya at mas lalong pinagbutihan ang pagkahalukipkip. “Wala akong kakayahang gawin ang gusto mo,” masungit na sabi niya. I stared at him, gaping like a fish. “Anong sinasabi mo riyan? Pero ... nakita kita...” Nabitin sa ere ang gusto kong sabihin. Teka nga. Ang sabi niya ay wala siyang kakayahan? “Dahil taglay mo ang sagisag ko,” bigla ay saad niya. Nangunot ang noo ko at mas lalong wala akong naintindihan sa tinuran niya. “Atch! Hindi mo ba maintindihan? Ang ibig sabihin lang n'on, lahat ng kakayahan ko'y nakasalalay sa iyo!” naiinis na sabi niya at napapadyak. “Kaya mo akong pasunurin sa kung ano man ang nanaisin mo! Ikaw lang, mortal, ang may kakayahan niyon dahil kung pagsasamahin ay lahat ng kakayahang mahikang taglay ko ay nasa iyo na magmula na mapasa 'yo ang aking sagisag!” tuloy-tuloy na paliwanag niya at kalauna'y biglang napahinto. Parang may na-realize siya sa sinabi niya, at mukhang iyon ay tunog-mali sa pandinig niya samantalang ang kaninang nakaawang ko labi ay unti-unti namang napangisi. “Kaya kong gawin 'yon dahil lang sa na sa 'kin 'yong sinasabi mong sagisag mo?” I am that ... powerful? Namamangha akong napatingin sa kanang palad ko. Hindi na ako gano'ng nagulat noong nagliwanag iyon, hindi katulad nang unang beses ko 'yong nakita ay talaga namang nagtaasan ang mga balahibo ko. It looks like an eye to me, but unlike an actual eye, its iris' shapes like a crescent moon. “Paano ba gawin? Gusto ko ay maging tao ka na ngayon,” nakangiting sabi ko. Gusto kong makumpirma kung totoo ngang taglay ko ang kakayahang pasunurin siya. Ibig sabihin lang kasi n'on, kontrolado ko ang bawat kilos niya. Parang ang saya naman yatang isipin. Bukod pa ro'n, baka kasi may makakita pa sa kaniya ngayon, problema pa kung mangyari man 'yon. Kailangang magmadali na kami sa pagkilos. “H-Hindi ko sasabihin sa 'yo!” Ang labi niya ay halos maging kasing putla na ng kulay niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ayaw mong sabihin, ha? Napaurong siya nang itapat ko sa kaniya ang nagliliwanag na aking palad. Ganito rin ang ginawa ko noon. Sa takot ko sa tangkang paglapit niya ay itinapat ko sa kaniya ang aking mga palad para mapigilan siya. Ang tanging iniisip ko lang noon ay san'y hindi niya ako magawang saktan. Bigla no'ng nagliwanag ang palad ko, at isang iglap ay nag-iba ang anyo niya. I could still remember. Every single thing. “Magbagong-anyo ka, ngayon din!” Bigla, katulad noong una, ay nawala na lang na parang bula ang mga tainga't buntot niya. Nawala ang talim ng pangil at mga kuko niya. Naging itim na itim ang kulay ng kanina'y maputi niyang buhok. Bahagya iyong umikli at kitang-kita ko ang paglitaw ng pares ng tainga sa dapat nitong paglagyan tulad ng sa isang normal na tao. I just stood there, witnessing everything. Nakakamangha dahil sa kabila ng pagbabago niya ay nanatili ang ganda ng mga kulay ginto niyang mata. Napaamang ako nang mapagmasdan ko iyong suot niyang higit sa lahat ay hindi nagbago. He looks so old-fashioned. “A-Ano ang kalapastangang ito! Bakit ibinalik mo na naman ako sa pagiging kawangis ninyong mga mortal!” Tiningnan niya ang mga palad na para bang diring-diri siya sa sarili niya matapos tuluyang mawala niypng kulay asul na liwanag na bumalot sa aming paligid. Tapos nang ganap ang pagbabagong-anyo niya at mukhang balik na siya sa kaniyang huwisyo. “Ano bang inaarte mo? Kaya mo namang bumalik sa pagiging aso, 'di ba?” Ano bang ikinagagalit niya? Ginawa ko lang naman 'yon para hindi siya mapahamak o makagawa ng malaking gulo dito sa lugar namin! Baka sabihin pa ay takas siyang mabangis na hayop o kaya naman ay i-surrender siya sa kung saan. “Aso? Alam ko kung ano 'yon, a! Hindi ako aso!” saad niya at lumapit ng sobra sa akin. Dinukdok niya ang noo ko gamit ang kaliwa niyang hintururo. “Ako ay isang makapangyarihang nilalang! Galing ako sa lahi ng mga matataas na uri ng Soro! Hindi aso! Napakalakas ng loob mong lapastanganin ang uri ko!” “Soro?” blangkong tanong ko at pasimpleng kinapa ang noo kong dinutdot niya. Nagpupumintig iyon sa sakit. “Maganda ang lahi ninyo kung gano'n.” Soro? Is that some kind of a monster? Kung ganoon ay ngayon lang ako nakakita ng halimaw na maganda ang itsura. Aside from the set of his golden eyes, mahahaba rin ang kaniyang pilik mata na pati iyong sa bandang ilalim ay kitang-kita. Matangos ang kaniyang ilong. Even his mouth bears a pair of glossy peach lip that seem so soft. Bukod doon ay matangkad din siyang nilalang. Ibang-iba ang mga nasa komiks. Ang papangit ng mga naro'n. Napangiwi na lamang ako at napakamot sa 'king sentido nang makita kong natigilan siya't namula ang kaniyang pisngi, pati yata ang tainga niya ay mapula rin. “For now, let's get going. Ipakikilala kita sa pamilya ko. Wala na akong ibang choice dahil wala ka namang ibang pupuntahan,” sabi ko bago hinubad ang suot kong bag sa 'king likuran at inabot 'yon sa kaniya. “Ipagbuhat mo muna ako nito.” Malapad ko siyang nginitian. I saw my palm shone. Tumango siya at parang wala pa sa sarili na kinuha sa akin ang bagaheng ipinapasa ko sa kaniya. I was humming whilst he trailed behind me. Komportable naman ang katahimikan kaya kahit hindi kami mag-usap na dalawa ay ayos lang. At isa pa, mukhang mahihirapan din akong kausapin siya dahil sa bawat paglingon ko sa kaniyang kinalalagyan ay sasamaan niya ako ng tingin o 'di naman kaya ay mag-iiwas ng mga mata. Napapabuntonghininga na lamang ako. He really looks like an untamed puppy Noong makarating kami sa tapat ng bahay ay nabungaran ko kaagad si Isaiya sa harap ng nakabukas na front door ng bahay namin. Nakaupo siya sa pinakataas na baitang ng hagdanan habang binu-bully si Alpha. Ngiyaw nang ngiyaw ang kawawang pusa dahil hawak ito ni Isaiya sa buntot. “Isaiya!” malakas kong tawag. “Pakibukas naman 'tong gate!” utos ko. “Ate!” nakangiting sikmat ng kapatid ko at biglang hinagis si Alpha sa kung saan. Nakapaang tumakbo patungo sa kandado ng gate si Isaiya. Nang mabuksan niya 'yon ay bigla siyang napaurong nang magawi ang tingin sa 'king balikat. Probably, he's looking behind me. “S-Sino 'yang kasama mo, Ate?” manghang tanong nito. Hindi ko muna ito pinansin at hinila ko papasok ng gate ang kasama ko. “Sina Mama at Papa?” tanong ko habang papunta sa pintuan. “Nasa dining sila,” sagot nito. Tumango lang ako at hindi pa rin tinitigilan ang paghila sa kasama kong panay ang reklamo sa 'king likuran. I was hearing their loud footsteps, parehas pa sila ni Isaiya na nakapaa. “Pa! Ma!” masiglang tawag ko noong matanawan ko ang mga magulang ko na magkatabi sa tapat ng dining table. Nang lingunin ako ni Papa ay ngumiti ang mga mata nito, ngunit kaagad ding naging blangko iyon noong makita ang nilalang na kasama ko. Napagmasdan ko pang pati ang paghawak ko rito ay pinasadahan niya rin tingin. Nagmano sa mga magulang ko na para bang normal na araw lang ito at walang kakaiba. Kaagad kong itinabi sa akin 'yong taong-aso. We stared at each other in pure silence. “Anak, nawala ka lang ng halos isang linggo, pagbalik mo ay may nobyo ka nang bitbit,” pigil ang hiningang sikmat ni Mama na bumasag sa katahimikan, pagkagayon ay pilit niyang pinananatili sa labi ang mga ngiti. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at binitiwan ko ang kamay ng aking katabi. “Hindi! Hindi gano'n 'yon!” “Sania, sino 'tong kasama mo?” Pinasadahan ng tingin ni Papa itong aking katabi. Ang wirdo ng itsura ni Papa habang pinagmamasdan ang huli. Mula sa kakaiba nitong kasuotan, kakaibang kulay ng mga mata, and mind to remind you, ang mga paa nitong walang sapin kaya sobrang dumi na. Halos mahampas ko ito dahil sa klase ng tingin nito kay Papa. Mukhang may balak pa siyang patula— “Hoy, Tanda! Bakit ganiyan ka kung tumitig sa 'kin, ha?” Parehas na suminghap si Isaiya at si Mama habang si Papa ay mukhang aatakihin dahil sa inasal ng taong-aso sa kaniyang harapan. Kaagad kong hinila ang isa niyang tainga at mapagpatawad na tumingin sa mga magulang ko. Paakyat kami ng hagdanan tungo sa 'king k'warto. “Magpapaliwanag ako mamaya!” pahabol ko at awang-awang tiningnan si Papa sa kinauupuan nito. Pilit siyang pinakakalma ni Mama. Shock na shock talaga si Papa. “What was that! Mali ang inasal mo! 'Wag na 'wag mo nang uulitin 'yon!” panimulang sermon ko sa oras na makaapak kami sa loob ng aking simpleng kuwarto at maisara ko ang pinto. Pilit kong pinigilan ang pagtaas ng boses kong nanggigigil. “Heh!” singhal nito pabalik bago ibinalibag ang bagahe kong buhat-buhat niya magmula pa kanina. Unti-unti ay nagbabalik ang tunay niyang anyo kaya sandali akong napaisip kung paano na lang nangyari 'yon. Nangyayari ba 'yon kapag naiinis o nagagalit siya? Nati-trigger ba ng galit na nararamdaman niya ang katawan niya para muli siyang bumalik sa dati? “Huwag mo nga akong dinidiktahan na mortal ka! Ginawa ko 'yon dahil hindi ko nagustuhan ang titig sa akin ng matandang 'yon!” sigaw nito sa akin. I gasped exasperatedly. Ang pangit talaga ng ugali niya! “You—I had enough of you!” sigaw na biglang nagpatigil sa kaniya. Nakaawang ang mga labi niya akong pinagmasdan. Ang pag-ii-slit ng kaniyang mga itim sa mata ay unti-unting bumabalik sa normal habang nanlalaki ang mata niyang nakatitig sa akin. “G-Galit ka? B-Bakit? Bakit galit ka sa akin! Wala akong kasalanan!” Muli na namang tumaas nag boses niya. “Sa ayaw mo man o sa gusto, magpapakabait ka na simula ngayon dahil nandito ka sa pamamahay ko! Naikntindihan mo ba!” Itinuro ko siya. Nasa isip ko lang na umupo siya ay biglang nagliwanag ang aking palad, tapos ay bigla na lamang siyang umupo sa sahig na parang upong-aso habang paunti-unting tumatango. Naka-squat siya sa sahig at ang mga palad niyang nakukubli ng mahabang manggas ng kaniyang suot ay parehas na nakalapat sa sahig sa kaniyang harapan. Mukhang wala pa siya sa sarili at nakaawang ang kaniyang mga labi habang tinititigan ako.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
deserve mo ng 500 tip Kasi maganda
25/05/2025
0Thank you for the help with me
12/10/2024
0nice stodyt
14/07/2024
0Xem tất cả