logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Chapter 6
"So, what do you think?"
I glanced at him and saw that he's now busy scanning the invitation that I gave to him. Mayamaya pa ay unti-unti naman siyang napatango.
"Well, I'm good with it. Wala naman akong nakikitang rason para hindi tayo pumunta."
Nandito kami ni Ralph ngayon sa cafeteria ng kumpanya. Dumaan ako rito para sabayan siyang kumain ng meryenda at para na rin maibigay ang invitation na pinaabot ni Mia.
Habang si Dylan naman ay hindi ko pa nakakausap. He's quite busy these past few days, that's why.
Napahinga ko nang malalim. "Pero Ralph, paano kung imbitado rin pala siya?" Just the thought of us being in one place made me want to decline the invitation.
He looked at me as if I've suddenly grown two heads. "So? It's been six years, Shane. I know that what he did is too painful to forget. But you should have moved on already. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan."
Natigilan naman ako nang dahil sa sinabi niya. Tila kutsilyo ang talim ng bawat salita niyang 'yon na tumagos sa kaloob-looban ko.
"I know and I have moved on already. But—"
"But you still love him?" He eyed me suspiciously. His lips pursed in a thin line, suppressing himself to grin.
Hindi na naman ako kaagad nakasagot. I was trying to come up with a right word to counter back, but all I can do is to shut my mouth.
Napailing naman siya at tumayo na. "Wag mo ng sagutin. Your eyes say it all." Kinuha niya ang invitation, bago muling tumingin sa 'kin. "Break time is over. Kailangan ko na ring bumalik. May iba ka pa bang pupuntahan?" Nakangiti na ulit siya na para bang walang nangyari.
That's the one thing I like about Ralph. He can be so serious at one time, but within a split of seconds, he will be back to his old self.
Napatayo na rin ako. "Wala naman. Dinaan ko lang talaga ang invitation dahil ngayong Sabado na 'yan."
We started to walk outside the cafeteria. Lahat ng makakasalubong namin ay binabati ako at tanging ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila.
"Kailan mo pala sasabihan si Dylan tungkol do'n? Basta ko kahit anong mangyari pupunta ko."
I shrugged. "Bukas na lang siguro. He's still busy right now."
Bago pa man ako tuluyang makalabas ng building ay nagpaalam na kami sa isa't isa. He even insisted to walk me until the parking lot, but I refused. It's work time already and I don't want him to bother.
When he is nowhere in sight, I suddenly felt my phone vibrated. I took it out of my pocket and I can't help but to smile like a kid when I noticed that it is Mama calling.
"Hello, Ma!" I greeted cheerfully at her.
Natawa naman siya sa kabilang linya. "Aba. Ang saya ng anak ko ngayon, ah."
I smiled. "Syempre naman po. Makakausap ko kayo, eh."
Sobrang miss ko na rin kasi talaga sila. Bihira ko lang kasi sila makausap dahil sa sobrang abala nila sa negosyo at wala rin akong ideya kung kailan ba ang balik nila.
"Sus. Ikaw talagang bata ka nambola ka pa. Anyway, where are you?" I heard a noise of passing vehicles on the background. She's probably outside.
I roamed my eyes at the place and found a sofa in the main lobby. I settled myself first before I answered.
"Company."
Halos mailayo ko naman ang phone ko sa tainga ko nang bigla siyang sumigaw ng malakas.
Seriously, bakit parang tumatanda ata ng paurong ang Mama ko?
"Okay ka lang ba, Ma? Ano pong problema?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
She laughed. "Wala naman, hija. It's just that, your timing is perfect. May potential investor kasi tayong pupunta ngayon diyan. Gusto niyang makita at malibot ang buong kumpanya. Pero dahil nga wala kami riyan ngayon, pwede bang ipagkatiwala muna namin siya sa 'yo?"
I rolled my eyes. Kahit kailan ay hindi ako nakikielam sa mga kaganapan ng negosyo namin. Kaya nga mas pinili kong maging isang empleyado.
"But, Ma! Don't you think Director Sanchez—"
"Oh, sweetie! I'm sure that Director Sanchez and the others will not mind. Isa pa ay kinausap na rin namin sila tungkol dito at pumayag na sila."
Napangiwi ako. Napag-usapan na pala talaga nila bago pa man ipaalam sa 'kin.
"No worries. You're just going to tour him around. 'Yon lang naman ang gagawin mo. We already made it clear to him that we will be the one to explain any single details about the company and all. So again, can we trust you on this one, sweetie?" Mama said in a sweet voice that no one can protest with.
I rolled my eyes. "Fine! As if I have a choice. Where is he anyway?" Naiinis talaga ko ngayon pero hindi ko na lang pinahalata. Besides, I don't want to disappoint them too.
"Well, his secretary just called me. Malapit na raw sila riyan. Hintayin mo na lang sila sa board room."
Tumayo na ko at nagsimulang humakbang papunta sa elevator. "Okay. I'll go there now."
"Thanks, sweetie! I need to go. You take care, okay?"
Napangiti naman ako. The elevator suddenly opened and the group of employees that was about to step outside greeted me. I just nod at them. Agad naman akong pumasok pagkalabas nilang lahat. I pressed the 8th button where the board room is located.
"I will, Ma. Kayo rin diyan. Pakikamusta na lang po ako kina Papa at Clark."
Nagpaalam na kami sa isa't isa, bago tuluyang naputol ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit naman sa dinami-rami ng pwedeng mag-tour sa kung sino man 'yon ay ako pa ang napili nina Mama?
Well, though I'm doing the tripping thingy to my clients on each house, still, I am not a tour guide!
Sa totoo lang ay matagal na nila kong pinipilit na mamahala sa iilang hotel na pagmamay-ari namin, pero mariin kong tinanggihan. Alam ko naman na ang mga taong kasalukuyang humahawak sa mga 'yon ay talagang naghirap na marating kung nasaan man sila ngayon. Kahit ang mga directors ng kumpanya. Kaya ayoko na porke't isa ko sa mga anak ng may-ari ay mabilis ko lang makukuha ang gano'ng klase ng posisyon.
Isa pa ay mas gusto kong mamuhay ng normal at walang iniintindi na mabigat na responsibilidad. It's not as if I can't do it. I just don't want to.
Mabilis kong tinungo ang board room pagkalabas ng elevator. Nakita kong nag-aabang na sa labas no'n si Charie, ang sekretarya ni Papa. Iginiya niya ko papasok at malaya ko namang inilibot ng tingin ang paligid.
"Do you want to have some coffee, Ma'am Shane?" she asked with a smile.
Napalingon naman ako sa kanya. "Oh sure, please. The usual," nakangiti ko ring sagot sa kanya.
Napatango naman siya bago dali-daling umalis. Hindi naman 'to ang unang beses na ipagtitimpla niya ko ng kape kaya alam na niya kung ano ang gusto ko.
Naglakad-lakad muna ko palibot sa board room. I'm not usually here because my presence is not needed anyway. Isa pa, pakiramdam ko kasi ay ang hirap huminga sa lugar na 'to. This place screamed power and I hate it.
Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto.
"Come in."
Dahan-dahang bumukas 'yon at iniluwa si Charie na mayroong dalang umuusok na tasa ng kape.
"Just put it there." Itinuro ko ang pinakadulo at pinakagitnang bahagi ng mahabang lamesa. Mabilis naman siyang sumunod.
"Thanks."
Muli niya kong nginitian. "Ma'am Shane, the visitor will be here in a couple of minutes. Please call me if you need anything," she informed and I just nodded.
Nang makalabas na ulit siya ay umupo na ko sa dulo at pinakagitnang upuan. I took a sip of my coffee and turned the swivel chair around, facing the wall.
Hindi ko talaga lubos maisip kung paanong nakakatagal si Papa sa loob ng board room na 'to na pinupuno ng mga mapagmataas na tao. Sabagay, ilang taon na rin naman niya 'tong pinamamahalaan. I guess, he's used to it already.
Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang hinaharap ng kapatid ko rito kapag nagkataon.
Solong anak si Papa kaya wala siyang ibang pagpipilian kung hindi pamunuan ang family business nila ng mag-isa. Pero kahit papaano ay tumutulong rin naman sa kanya ang iba pa nilang mga kamag-anak sa pamamahala ng maliliit na branch.
Ngunit pagdating sa mismong pagpapalakad ng kumpanya ay gusto pa rin ni Papa na hands-on siya.
I was in deep thoughts that I didn't even hear someone knock on the door and opened it. Dahil halos mapatalon na lang ako sa gulat at mabitiwan ang hawak kong tasa nang may biglang nagsalita.
"I didn't expect the daughter of the owner to welcome me with her back. Such a high and mighty way, huh?"
Hindi ko agad nagawang makagalaw. That voice. I knew it.
It's him.
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang itanong kay Mama o kay Charie kung sino ba ang darating na bisita.
But I bet, Mama has no idea as well. Hindi naman niya siguro hahayaan na makapasok pa sa buhay namin, lalong-lalo na sa buhay ko si Lance. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa 'kin.
But who am I kidding.
Dahan-dahan akong tumayo at lumingon. Agad na bumungad sa paningin ko ang isang gwapong nilalang na mala-demonyong nakangisi sa 'kin.
Saglit akong natulala. He's wearing his usual business suit. May attache case pa siyang hawak habang nakapamulsa ang kanang kamay niya.
"Done checking me out, Ms. Sandoval?" He gave me an amused look.
Agad naman akong nakabawi at napatikhim. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to!
Pero imbis na sumagot ay binaling ko lang ang atensyon ko kay Charie na nakatayo sa isang tabi habang may pinipigil na ngiti.
"Why didn't you inform me that the visitor is here already via the intercom?" medyo inis kong tanong sa kanya. Napansin kong nasa likod naman ni Lance ang secretary niya na si Aileen, na hindi ko mawari kung natatawa ba o ano.
Napatingin ulit ako kay Charie at halata sa mukha niya ang pagkagulat. She was about to say something when Lance did first.
"Actually, she did several times already. But it seems that you're too lost in your own thoughts that you didn't even paid attention to it. Kaya pumasok na kami. But still, you didn't notice our presence. Now tell me, is there something bothering you, Ms. Sandoval?" He's still smirking at me and how I want to wipe it out on his face.
I glanced at Charie, confirming if what he said is right and she just nodded.
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Gano'n ba kalalim ang iniisip ko at ni hindi ko man lang narinig ang pagtawag niya sa intercom at ang pagpasok nila?
I motioned Charie to come over and gave her the cup that I'm still holding. Ramdam ko kasi na nanginginig na ang mga kamay ko at baka maibagsak ko na lang 'to bigla.
"I'm sorry about that. I was indeed in deep thoughts. Anyway, it's good to see you, Mr. Buenavista. I am actually surprised to see you, since my parents didn't tell me that you're the one I'm meeting with today," I said in a formal tone. Kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang pagmumurahin.
He shrugged. "Oh. That's so sad to hear. But, are we just going to stand and talk here?"
I want to roll my eyes, but I stop myself from doing so. Instead, I started to walk towards their direction and lead them the way.
"Please follow me. I'll show you around."
Nakahinga ko nang maluwag, nang sa wakas ay hindi na siya umimik pa ulit.
Pinuntahan namin ang bawat departamento ng kumpanya. Pinakilala ko rin siya sa mga empleyado rito. Hindi man ako direktang tumutulong sa pamamalakad ng kumpanya ay kabisado ko naman kahit papaano ang mga pasikot-sikot dito at kakilala ko rin ang lahat ng head ng bawat departamento maging ang mga board of directors.
Nang makarating kami sa HR Department ay napansin kong natigilan siya nang magtama ang paningin nila ni Ralph.
Suddenly, I felt uneasy. The way they look to each other is far different from the way I used to see before.
They seemed to be a stranger that just met.
Si Lance ang unang nagbawi ng tingin at nakipagkamay sa head ng HR team. I looked at Ralph and he gave me a confused and questioningly look. I just mouthed later to him and he nodded.
"Ah, Ms. Shane. Can I ask you a question."
My attention turned to Aileen  whose eyeing Ralph as well.
"Yes, sure. What is it?"
"Do you know him?" she asked while still looking at Ralph, whose currently busy watching Lance's moves.
"Oh. His name is Ralph Dela Cruz. He's my best friend actually."
Her eyes twinkled with excitement as if she hit some kind of a jackpot prize.
"Hmm. Ralph," she murmured.
Nagdududa ko siyang tinitigan. "Why? Do you have a crush on him?" Lihim akong napangiti nang medyo mamula ang kanyang pisngi.
I grinned. Mukhang nakita ko na ang bibihag sa mailap na puso ng best friend ko.
But before she could even react, we're both cut off by Charie, who is now informing me for our next destination.
Mahigit isang oras din naming inilibot ang bawat departamento ng kumpanya. Minsan kasi ay napapatigil pa kami dahil napapakuwento pa si Lance sa mga head.
While I, on the other hand, is silently wondering about how did he able to reach where he is right now.
Hindi naman sa minamaliit ko siya. Highschool palang naman kami ay nakikitaan ko na talaga siya ng potensyal. Pero nakapagtataka lang talaga na mayroon na pala siyang sariling kumpanya ngayon.
And he is an investor, huh?
No'ng unang beses na makita ko siya ulit ay hindi ko na naiwasan ang mapaisip. Ang buong akala ko kasi ay isa rin siyang normal na empleyado na may mataas na posisyon sa kung saan man siya nagtatrabaho ngayon.
But to be an investor to a company is another story.
Ngayon ko napagtanto na marahil ay hindi naman dahil kay Chloe ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Hindi naman siguro siya aabot sa sitwasyong ipapahawak at ipapangalan nila sa isang Buenavista ang negosyo nila.
As we continued to roam around, I learned that Lance owns a land company as well. But they're more focus on hotels, unlike us.
Nakahinga ko nang maluwag nang sa wakas ay natapos ko na rin siyang ilibot. I walked them to the parking lot. Pinauna ko na si Charie dahil paniguradong may mga trabaho pa siyang kailangang asikasuhin.
I am still wearing a fake smile on my face. Napahinto kami nang marating namin ang kinapaparadahan ng kotse niya. But before he could open the door of his car, he turned to me with a smirk on his face.
"So, I guess I will be seeing you around then, Ms. Sandoval."
Pakiramdam ko ay mapupunit na ang mukha ko sa lawak ng pagkakangiti ko.
"Oh. That's a thing that I'm not sure of. I am not usually here, Mr. Buenavista."
He shrugged. "Let's see then."

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    25d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất