logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Chapter 4
''Hindi ko akalain na magkikita ulit kayo ni Lance at sa gano'ng klase ng pagkakataon pa.'' Napailing si Ralph, bago sumimsim ng iniinom na kape.
''Yeah. Me too.'' Malalim akong napabuntong hininga, bago ibinaba ang hawak na tasa at napatingin sa labas.
Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop. Nabanggit ko kasi sa pag-uusap namin sa phone kanina ang tungkol sa pagkikita namin ni Lance kahapon. Kaya naman ay dali-dali siyang nag-aya na pumunta rito para mas makapag-usap kaming dalawa ng maayos. Nagkataon din kasi na wala siyang pasok ngayong araw.
''Ano naman ang naging reaksyon ni Dylan? Nabanggit mo rin na sinundo ka niya. So I assume that he saw the two of you together.''
Nilingon ko siya at hindi ko napigilan ang mapasimangot nang makita ang sinusupil niyang ngiti sa mga labi.
''He looked surprised as well. Pero hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kaya dali-dali ko ng hinila si Dylan paalis.''
Napakunot siya ng noo at nagdududa kong tinitigan. ''Ayon lang? Wala na bang ibang nangyari pagkatapos no'n?''
Tinaasan ko siya ng kilay bago napaiwas ng tingin.
"Ano naman ang iba pang mangyayari?"
He shrugged. ''I already know you, Shane. When you look away and played with your fingers while talking to someone, it means you're nervous or you're not telling them anything. So spill it. Tell me what exactly happened now. Gusto kong idetalye mo lahat. Dahil malakas ang pakiramdam ko na mayroong kulang sa kuwento mo.''
Naiinis na nilingon ko ulit siya. Napaayos siya ng upo bago sumandal at ngumisi.
Kinagat ko ang ibabang labi. He got me there. Ni hindi ko man lang namalayan na pinaglalaruan ko na pala ang mga daliri ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
He really knew me too well. Just like Dylan.
Sa totoo lang ay kanina pa nagtatalo ang kalooban ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa mga sinabi ni Lance sa 'kin o hindi na lang.
But I guess, I don't really have a choice right now. Hindi talaga ko makakapaglihim sa lalaking 'to. Ralph is really an observant person. So I just oblige to his request.
Just like what he wants to, I told him exactly everything that happened and Lance said. Sinimulan ko sa naging pagkikita namin ni Lance sa restaurant hanggang sa paghatid sa 'kin ni Dylan pauwi. Muli tuloy umusbong ang nararamdaman kong inis kay Lance.
Pagkatapos kong magkuwento ay napansin ko na tila naging balisa si Ralph. Ni hindi nga rin niya ko magawang tingnan sa mata. I wonder what the problem is.
''Hey, is there anything wrong?'' This time he looks at me. He opens his mouth, just to close it after. It looks like he wants to say something, but he's hesitating.
''Come on! Tell me what's bothering you. Ang daya naman kung ako lang ang maglalabas ng saloobin dito,'' pang-uudyok ko pa sa kanya.
He smiled and shook his head. "Wala naman. It's just that, what if there is a certain reason that made Lance leave you? Na hindi naman talaga niya ginusto ang mga nangyari?" halos pabulong niyang tanong.
Natigilan ako. Sa totoo lang ay naisip ko na rin naman ang tungkol sa posibilidad na 'yon. Kahit sobrang sakit ay pilit ko pa ring pinaniwala ang sarili ko na baka nga may rason naman talaga kung bakit ako nagawang talikuran at iwan ni Lance rati.
Pero sino ba ang niloloko ko? Sarili ko lang naman. Kaya kahit ano pa ang rason niya ay wala na kong pakielam. He still left me. He left us. If he only chose me, then maybe we are a happy family now.
"I don't know. Wala naman na kong pakielam sa kanya o kahit sa mga rason niya. Isa pa ay may pamilya na rin naman siya. He should focus on them." I took a sip of my coffee when I felt my heart being stabbed by those words.
Napatango naman siya. "Okay. If that's what you want. Anyway, wala ka bang ibang lakad ngayon?"
Napaisip naman ako. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong scheduled appointment ngayon.
"Wala naman. Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Napangiti naman siya. "Good. Because we are going somewhere that can make you feel better."
‐----
Napayakap ako sa sarili ko at hinayaang tangayin ng malakas na hangin ang buhok ko. There's no use of fixing it anyway. Instead, I just closed my eyes and welcomed the breathe of fresh air.
Nandito kami ngayon sa People's Park in the Sky. Ralph told me that I needed some fresh air to breathe things out. Right now, I admit that the view and cold wind made me feel a lot better.
"Ano na ang plano mo niyan ngayon?"
We are both leaning on the hood of his car. I opened my eyes and enjoy the sight of the beautiful scenery in front of us.
"Nothing. As soon as I finished my business with him, then there's no need for our path to cross again."
He chuckled. "You can never be so sure. Maliit lang ang mundo, Shane. The mere fact that you are dating his cousin made it more impossible to happen."
I rolled my eyes at him. Here we go with dating Dylan issue again. "How many times do I have to tell you that me and Dylan are not dating? We're just friends. Just like us."
Sanay naman na ko sa tingin ng ibang tao sa 'min ni Dylan na higit pa kami sa pagiging magkaibigan. Kahit ilang beses ko naman kasing ipaliwanag na magkaibigan lang kami ay hindi rin naman sila naniniwala.
Yes, Dylan has confessed his feelings for me. But that doesn't mean that we were dating already.
Hindi man ako nakatingin kay Ralph ay alam kong nakasimangot siya.
"Friends my ass. But seriously, what's the real score between the two of you?"
Sa pagkakataong 'to ay nilingon ko na si Ralph. Pero diretso lang ang tingin niya sa harap habang tila malalim ang iniisip. Minsan ko lang siyang makita na ganito.
"I admit that I like him. But you know, it's still a different thing. I don't want to make it official just because I like him. It will be unfair to him."
Bukod ro'n ay ayoko ring isipin ni Dylan na kaya lang naging kami ay dahil naawa ko sa kanya. He is a great guy and he deserves more than that.
Napatango naman siya. "Yeah. You're right."
But what he did next made me froze on my spot. He faced and pulled me into a tight hug.
Just like that, tears started to fall from my eyes. And I hate it. Because I have told myself many times already that I will not cry again.
But here I am, swallowing my own words all over again.
Kahit gaano ko pa baguhin ang sarili ko ay bumabalik at bumabalik pa rin ako sa dating ako.
"Just cry it out. Don't ever think that to cry means you're weak. It just simply means that you're strong enough to let out your true feelings." Hinagod niya ang likod ko.
"Always remember as well that I am just here for you so you may share the pain that you are feeling with me. Kilala mo naman ako, mahilig ako makihati." He laughed so hard that made me slap his shoulder. He really never failed to make me feel better.
Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Maybe this is all I need. A comfort and I found arms as the safest place for now.
Dati, sa tuwing may problema o naiiyak ako, isang tawag ko lang sa kanya ay pupuntahan niya agad ako. Naalala ko pa minsan na pumunta siyang magkaiba ang suot niyang tsinelas o sapatos dahil sa sobrang pagmamadali.
Hindi siya nagsasawang pakinggan ang paulit-ulit na pagdadrama ko sa kanya. Hindi siya nagsasawang patahanin at patawanin ako bago pa man ako tuluyang makatulog.
Sa mga ganitong pagkakataon ay mas gusto ko na si Ralph ang nakakausap at nakakasama ko. I didn't want to bother Dylan because it will be insensitive of me.
He is important to me as well. Kaya hangga't maaari ay ayokong masaktan siya, dahil nasasaktan pa rin ako ng dahil kay Lance. That's why everytime when he's around, I am portraying the strong and independent version of myself
But with Ralph, I can be my true self.
"Thank you for being always there for me," I whispered in between my sobs. Hindi na siya nagsalita pa at patuloy lang sa paghagod ng likod ko.
Ilang minuto rin kaming nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa kumalma na ko.
And he is right. Dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat na pinapasan ko ngayon.
"Ang panget mo talaga kapag umiiyak ka," he said the moment I pulled away from the hug. Nakangisi na siya ng nakakaloko sa 'kin ngayon.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, habang nagpupunas ako ng luha.
"Sino kaya sa 'ting dalawa ang panget? Ikaw nga 'tong hanggang ngayon ay wala pa ring girlfriend! Seriously, what are you looking for a girl?"
The tables has been turned. Akala siguro niya ay makakawala siya sa 'kin. Ilang beses ko ng tinangkang itanong sa kanya ang tungkop sa bagay na 'yon. Pero hindi lang ako nabibigyan ng pagkakataon.
Napakamot naman siya sa ulo at napanguso. "Sa wala pa kong nagugustuhan, eh!"
I crossed my arms at him. "Fine! But you can't stop me to find you one, you know. Minsan talaga ay nagdududa na ko sa 'yo, eh. Sa dinami-rami ng inireto ko sa 'yo, ni isa ay wala ka man lang nagustuhan! To think that most of them are models and well known personalities. 'Yong totoo Ralph, bakla ka ba?"
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa 'kin. "Hey, I'm not! Sa wala pa talaga, eh! Alangan namang ipilit ko, 'di ba? Ayoko namang maging sanhi ako ng pagiging brokenhearted nila kapag nagkataon. Gwapo lang ako pero hindi ako marunong manakit ng damdamin ng iba," he said while wiping his invisible tears.
Binatukan ko nga. "Ang taas din ng self-confidence mo, eh. Pero seryoso, kung ako lang naman ang iniintindi mo kaya hindi mo mapagtuunan ng pansin ang sarili mong kaligayahan, then don't. I didn't want you to be stuck with me. You have a life too."
Sa totoo lang ay nag-aalala rin naman ako sa kanya dahil buong buhay niya ay sa 'kin na halos umikot. Ni hindi na nga ata siya nagkaroon ng iba pang mga kaibigan.
He shook his head and placed both of his hands on my shoulders. "Ang makita kang masaya ang isa sa mga bagay na ikaliligaya ko. Kaya wag mo na rin akong intindihin pa. Kung darating ang babaeng para sa 'kin, eh, di ayos. But for now, there's no need to rush things. So while I have yet to meet her, I wouldn't mind to be stuck with you." He genuinely smiled at me.
Kinurot ko siya sa magkabilang pisngi. "What will I do without you?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Well, without me, maybe you're pstill lost until now."
I nodded. "That's for sure. Thank you for everything," I sincerely said.
He patted my head. "You're always welcome."
-----
I am now in my room while looking at the pile of brochures scattered on my bed.
All of the houses illustrated on it comes from different styles and interior designs. At iba't-ibang klase rin ng pamilya ang nakatakdang tumira sa mga 'to.
I hug my knees and bow my head. Isipin ko pa lang na isa sa mga 'yon ay ang pamilya nina Lance at Chloe ay tila may kung anong sumaksak sa puso ko.
I was in deep thoughts when I almost jump in surprise, the moment I heard my phone ring. Kinuha ko 'to mula sa mesa at diretsong sinagot.
"Hello?" I asked in a tired and sleepy voice.
"Hey. Did I wake you up?"
Napaayos naman ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Dylan. "Nope. Patulog pa lang ako."
"Oh. I'm sorry. Anyway, I just called to check on you and to say goodnight." He chuckled.
Napailing at natawa na lang din ako. "Ikaw talaga. Thank you and goodnight too."
Akala ko ay ibinaba na niya ang tawag dahil natahimik na siya sa kabilang linya. Kaya naman ay inilayo ko ang phone mula sa tainga ko at tiningnan 'to. Nang makita kong umaandar pa rin naman ang oras nito ay muli ko 'tong inilapit sa taing ko.
"You still there?"
I heard him let out a deep sighed. "Yeah. It's just that I miss you."
Kinagat ko ang ibabang labi at napasandal sa headboard. "But we're just together this morning."
"I know. Still, I just can't help it." His voice sounds frustrated. "But just don't mind me. You sleep now, okay?"
Napatango naman ako kahit hindi niya ko nakikita. "Okay. You too."
After that, the call ended. Napahilot ako sa sentido ko habang nakatingin sa phone ko at napapaisip.
What if I finally give it a try? Siguro naman ay matututunan ko rin siyang mahalin.

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    25d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất