logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Chapter 3
Pagkatapos ng nakakalokang komprontasyon namin kanina ay natahimik na ulit kami habang bumibiyahe pabalik. Mabuti na lang dahil sumasakit na ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanya.
Though I can see through my peripheral view that he keeps on stealing glances at me. Napasimangot ako. Hindi na ko magpapadala sa mga arte niyang ganyan.
Dali-dali akong bumaba nang sa wakas ay nakarating din kami sa pinag-iwanan ng kotse ko. Kani-kanina lang ay nag-text ulit si Dylan na papunta na siya kaya hihintayin ko na lang siya.
Sumakay na lang siya ng taxi dahil siya na raw ang magmamaneho ng kotse ko para maihatid ako pauwi. Mahihirapan pa tuloy siyang umuwi mamaya. Ang kulit kasi, eh.
''Shane! Wait!'' Lance grabbed my arm and made me face him. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin ay mabilis akong napaatras at nakaramdam ng ilang.
''W-What?''
Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. Dahil do'n ay malaya kung napagmasdan ang kanyang mukha. Para siyang nahihirapan na hindi ko maintindihan.
Pwes, kung sakali mang totoo ang emosyon na ipinapakita niya ngayon ay kulang pa 'yan sa kanya. Kumpara sa mga pinagdaanan ko? Walang-wala pa ang nararanasan niya ngayon.
Hindi ko alam kung gaano katagal na naghinang ang mga mata namin. Hanggang sa masabi niya ang isang salita na matagal ko ring hiniling na marinig mula sa kanya.
''Sorry. I'm really, really sorry.'' His face looked so sincere that I almost believe in him again.
Hindi ko agad nagawang makapagsalita. Ni hindi ko magawang gumalaw. Tila bigla kong nawalan ng lakas at gusto kong bumigay na lang.
Shit! Bakit ba pagdating sa kanya ay nagiging mahina ko?
Then he started to lean closer. My mind was shouting at me to push him away, but I just can't.
His lips almost touch mine when...
''Shane.''
Gulat kaming napalingon sa nagsalita. Agad na napalayo ako kay Lance nang makita si Dylan.
Ang sama ng tingin niya kay Lance. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom niya ng kamao. Do'n palang ay alam ko ng hindi magiging maganda ang susunod na mangyayari kaya.
But wait.
Shane. He called me Shane. Dylan made it a habit to call me by my second name and he only called me by my first name when he's mad.
Shit.
Mabilis na nakalapit sa 'min si Dylan at nagulat na lang ako nang bigla niya kong hinapit sa beywang palapit sa katawan niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
''Long time no see. Hindi ko alam na nakabalik ka na pala.'' Walang emosyon niyang tiningnan si Lance.
Napakunot noo ako. Kung gano'n ay si Lance palang pala ang nakakabalik dito. Dahil paniguradong mababalitaan naman ni Dylan kung sakaling nakauwi na rin sina Ate Shirley.
Lance looked down on Dylan's hand that were still wrapped around my waist. Nahigit ko ang hininga nang mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Dylan ro'n.
''Yeah. Pero hindi ko rin alam na ganyan na pala kayo kalapit ngayon. Because the last time I checked, the two of you were not even friends with each other.'' Umigting ang kanyang panga, habang matiim na nakatingin sa 'kin.
Dylan shrugged. ''Well, people change. Most especially the feelings.'' Mahina ko siyang siniko nang bigla siyang ngumisi.
Natawa si Lance, bago napailing. ''Really? But it seems like there's no feelings, that's been changed,'' he said while looking at my eyes directly, before he return his attention to Dylan.
Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa na para bang nagpapatayan na nang dahil sa matalim nilang tingin sa isa't isa.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang akmang susugurin ni Dylan si Lance. Kaya naman ay pumagitna na ko at hinarap si Lance.
''It's getting late already. Mauna na po kami sa inyo, Sir. Just call me if you want some tripping again.'' Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at agad kong hinila si Dylan papasok ng kotse ko.
Hindi ko pa man naaayos ang pagkakalagay ng seatbelt ko ay mabilis ng pinaharurot ni Dylan ang kotse paalis. I glance at the side mirror and saw Lance's pained expression. Pain crossed his eyes.
Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita ko siyang gano'n. It feels like we are sharing the same feeling right now.
Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na dapat siya iniintindi pa. Mas lalong wala na dapat akong pakielam sa kung ano ang nararamdaman niya. Kailangan na ang sarili ko muna ang intindihin ko.
''You didn't tell me that it's him that you're going to meet with. I thought it's a girl?''
Napalingon ako kay Dylan na diretso lang ang tingin sa daan. Mahihimigan ng pagkainis ang boses niya.
Malalim akong napabuntong hininga, bago muling itinuon ang atensyon sa labas. "That's what I thought too. Pero kanina ko lang nalaman na ang sekretarya lang pala niya ang tumawag para mag-set ng meeting naming dalawa.''
Nang hindi siya umimik ay bahagya ko siyang nilingon. Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela nang mapatingin siya sa side mirror. Seryoso rin ang mukha niya na tila mayroong malalim na iniisip.
Pero nagulat na lang ako nang bigla niyang bilisan ang pagmamaneho. Dahil do'n ay mahigpit akong napahawak sa kinauupuan ko. Thank God I was wearing my seatbelt.
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam ang dapat kong sabihin. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito. Oo at masungit na siya rati pa. Tahimik at tipong walang pakielam sa paligid niya.
But now it's different. He looks scary.
Magmula ng naging malapit kami sa isa't isa ay ro'n ko lang nakita ang soft side niya. Hindi ko akalain na may pagkaloko rin pala siya. Palagi niya kong inaasar at magkatulong pa silang dalawa ni Ralph sa paggawa no'n. Tuwang-tuwa kasi sila sa tuwing napipikon ako.
Nakita ko rin ang pagiging mapagmahal, maalaga, gentleman, mabait, matulungin, romantic at cheesy niya. Mga katangian na malayong-malayo sa inakala kong siya.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla na lang siyang nagsalita.
''I don't want to think too much, but I guess, he planned it.'' His jaw clenched.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay naging normal na ulit ang pagmamaneho niya. Pero napakunot noo ako nang dahil sa sinabi niya.
''Did you think so? Kung sakali man na totoo ang hinala mo, bakit naman niya gagawin 'yon?''
Napailing siya. ''I don't know and I don't really want to know.'' Napatiim bagang siya.
''Anyway, did he mention something weird to you?'' Napaayos siya ng upo at bahagyang pinunasan ang namumuong pawis sa kanyang noo.
Natigilan ako nang dahil sa tanong niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Lance kanina.
I want you back.
Napahilot ako sa sentido ko. Nagdadalawang isip ako kung kailangan ko pa bang banggitin sa kanya ang tungkol sa mga napag-usapan namin ni Lance kanina.
Ngunit sa bandang huli ay napagdesisyunan kong itago na lang ang mga 'yon sa sarili ko.
''Wala naman.''
Muli akong napatingin sa labas nang hindi na siya kumibo pa.
Ayoko talagang magsinungaling sa kanya. But right now, that's the best thing to do to control the tension.
Besides, they're still cousins. I don't want my personal issues with Lance interfere with their relationship. Hindi dapat sila gano'n makitungo sa isa't isa. They're family for Pete's sake.
Hindi ko rin tuloy maiwasan ang makonsensya. Wala naman dapat sila sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa 'kin, eh. Hindi na nga sila malapit sa isa't-isa, pagkatapos ay mukhang pinalaki ko pa ang distansya sa pagitan nilang dalawa.
''We're here.''
Napakurap ako at napaayos ng upo. Ni hindi ko man lang namalayan na huminto na ang kotse at nandito na pala kami sa parking lot ng condominium building na tinitirahan ko.
Nauna siyang bumaba at mabilis na umikot papunta sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto.
''Thanks.'' I smiled at him when he reached for my hand.
''Good night, Chrystelle. Pasensya na pero hindi na kita mahahatid sa unit mo. I just need to do something.''
I closed my eyes the moment his lips touched my forehead.
''It's okay. You take care. Salamat ulit.''
He handed me my key, then patted my head like he usually does, before turning his back and started to walk away. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid na tila ba mayroong hinahanap, pero hindi ko na lang pinansin. Mag-aabang pa tuloy siya ng masasakyan.
Nakagat ko ang ibabang labi. Mabuti na lang at walang nangyari na kung ano kanina.
Walang gana kong naglakad hanggang sa makarating ako sa unit ko. Nang makapasok ay hindi na ko nag-abala pang buksan ang ilaw at dire-diretso kong tumuloy sa kwarto ko at pasalampak na humiga. I feel so exhausted.
Nakatitig lang ako sa kisame. Hanggang sa magsimulang mangilid ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.
''Bakit ka pa ba kasi bumalik? Okay na ko, eh. Unti-unti ng nagiging maganda ang takbo ng buhay ko. Kaya bakit kailangan mo pang sirain ulit?'' Pinunasan ko ang luhang nagsimulang lumandas sa pisngi ko.
''I hate you, Lance. I really, really hate you!'' Para kong tanga na nagsisisigaw habang umiiyak at pinapalo ang unan ko.
Nang hindi makuntento ay napaupo ako sa gilid ng kama, bago pinagsusuntok ang kutson nito.
''Bakit kasi ngayon lang? Anim na taon, Lance! Anim na taon!'' Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita na para bang naririnig niya ko.
Nababaliw na ata talaga ko at nagagawa ko ng kausapin ang sarili ko ngayon.
I thought I was already okay. That I have already moved on. I thought I have totally forgotten him and was ready to face him again.
Pero sa isang iglap, ang lahat ng paghihirap na naranasan ko para makabangon at makapagsimula ulit sa loob ng anim taon ay bigla na lang nabuwag nang dahil lang sa nakita ko siya ulit.
Ang unfair naman, eh. Bakit ba ko patuloy na nasasaktan hanggang ngayon? Ayos na nga ko, 'di ba?
Then something hit me.
I thought I wasn't in love with him anymore. I thought I was already happy without him in my life.
Or so I thought.
Dahil alam ko sa sarili ko na halos bumigay na naman ako sa kanya nang dahil lang sa humingi siya ng tawad sa 'kin. Kung hindi nga lang siguro dumating si Dylan ay baka kung ano na ang nangyari.
Then his lips. His fucking lips. Kanina habang papalapit ang mukha niya sa 'kin ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko man lang siya nagawang itulak. Para kong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin at tila ba gusto kong madama ulit ang pakiramdam ng nakalapat ang labi niya sa 'kin.
God. He's really good at messing things up.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa unti-unti na kong nakatulog.
-----
Kinabukasan ay nagising ako nang dahil sa ingay na tila nagmumula sa kusina.
Napamulat agad ako ng mga mata. Ramdam ko na namamaga pa ang mga 'to, pero hindi ko na ininda pa. Tila nilipad papalabas ng bintana ang antok na nararamdaman ko. Dahan-dahan akong bumangon, bago maingat na lumabas ng kuwarto ko.
Kinuha ko ang unang vase na nahawakan ko at tahimik na tinungo ang kusina. Pero agad ko rin naman 'tong binitiwan nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na kasalukuyang nakatalikod sa direksyon ko at nagluluto.
"Dylan?" I asked out and it made him turn to me.
"Oh. You're awake already. Sandali na lang at patapos na rin 'to." Nginitian niya ko, bago muling tumalikod at nagpatuloy sa ginagawa.
Dylan has a spare key to my unit. Maging si Ralph ay mayroon din. Pero madalas niyang nakakalimutang dalhin sa tuwing pumupunta siya rito.
"What are you doing here in this early? Maaga pa ang pasok mo, 'di ba?"
I pulled a chair and propped my elbows on the table while watching him. He's even wearing my pink apron and he looks cute in it. Napansin ko ring naka-long sleeves at slacks na siya. Ready to go to the office anytime.
Bigla namang kumalam ang sikmura ko nang dahil sa bango ng niluluto niyang bacon at omelet. Sa totoo lang ay mas magaling siya magluto kaysa sa 'kin. I still suck in cooking.
"Yeah. I just drop by to cook you some breakfast. Saka gusto rin kitang makasabay kumain. Na-miss ko rin ang ganito, eh." He chuckled.
Bigla ko tuloy naalala ang panahon na kolehiyo pa kami. Madalas siyang pumupunta ng maaga rito para lang magluto at makasabay ako kumain. Pagkatapos ay sabay na rin kaming papasok.
Pagdating naman sa school ay si Ralph ang madalas kong kasama. Balanse lang naman ang paglalaan ko ng oras sa kanilang dalawa. Pero nagkakasama rin naman kaming tatlo minsan.
I sighed. I am really lucky to have him in my life. "Nakapagpasalamat na ba ko sa 'yo?" I whispered.
Hindi naman ako manhid sa kung ano ang nararamdaman niya para sa 'kin. But for now, I just can't give him back the same feeling.
Natigilan naman siya, bago ilang sandali lang ay biglang natawa. "Yeah. Actually, I lost count already."
Natahimik na lang ako. Sabagay, ang mga salitang 'yon lang naman ang masasabi ko sa kanya sa ngayon.
"You cried."
Napakurap ako. It is not a question. It is a statement.
"I'm not," I lied.
Mabuti na lang at hindi na siya nagsalita pa. Pagkatapos niyang magluto ay kumain na rin kami. An awkward silence surrounds us until we finished eating.
Bigla kong naalala si Ralph. I wanted to see him right now.
"I gotta go. Call me if you need me." He winked and I just rolled my eyes.
"Okay. You take care." He leaned forward and kissed my forehead.
"I will."
Nginitian ko siya bago hinatid hanggang sa labas ng pinto. Hinintay ko muna siyang makasakay ng elevator bago ko sinara ang pinto.
Dali-dali naman akong bumalik sa kuwarto ko at kinuha ang phone ko na nasa loob ng bag.
I dialed Ralph's number and right after the three rings, he picked it up.
"Ralph, let's meet."

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    25d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất