logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2
Hindi ko kaagad siya nakilala no'ng una dahil sa iba na ang ayos ng buhok niya maging ang kulay nito. Light brown na 'to ngayon, hindi katulad rati na itim na itim. He even looks more matured now. Especially with his business suit.
Napaangat naman ng tingin si Aileen sa direksyon ko. ''Oh. There she is, Sir."
Agad akong umupo at pilit na ngumiti sa harap nila.
"By the way, Ms. Sandoval this is my boss, Mr. Buenavista. He's the one who plans to look and buy for a house,'' nakangiting pagpapakilala ng sekretarya niya sa 'ming dalawa.
Agad na pinakalma ko ang sarili dahil ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. I faced him with confidence and still with a fake smile on my face.
Kahit na ang totoo ay gusto kong tumakbo, sumigaw at magwala. Gusto kong pumikit bago dumilat ulit dahil baka panaginip lang ang lahat ng 'to.
Kinurot ko ang hita ko at medyo napangiwi ako nang dahil sa sakit na naramdaman.
Damn! He is really true!
"Are you okay, Ms. Sandoval?" Lance asked with an amused look.
That made me back to my senses.
''Of course, I'm fine. Nice to meet you, Mr. Buenavista. I'm Shane Chrystelle Sandoval, the real estate agent that you're secretary contacted with.'' I offered my hand to him and he took it eagerly.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ko nagawang mautal sa harap niya.
Naaalala ko pa rati na palagi kong iniisip at pinaplano kung paano ba ko aarte o magsasalita sa oras na makaharap ko siya ulit.
Pero nabalewala ang lahat ng 'yon ngayon. I didn't expect to see him in this kind of situation.
Life is really unfair.
Agad ko ring binawi ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. There's something different from the way he looks at me and I didn't like it.
''I guess it's better if we eat first before I discuss.'' They both agreed in my relief.
Kung tutuusin ay busog pa naman ako. But damn! Mas gugustuhin ko pa ang kumain magdamag kaysa ang makipag-usap sa kanya!
Ang buong akala ko ay sira na ang araw ko ng dahil sa pangungulit ni Ralph kanina. Hindi ko alam na may mas isisira pa pala 'to.
Why? Why now? Why the hell did he come back? Hindi pa ba sapat ang ginawa nilang pananakit sa 'kin? Ano pa ba ang gusto niya?
I know that I'm just overreacting. But can you blame me? What they did to me was really traumatizing!
Tahimik lang kami habang kumain. Pero kanina ko pa minumura at pinagsisigawan si Lance sa isip ko. Swerte nga niya dahil hindi pa siya nabubulunan.
Hindi ko alam na nakabalik na pala siya. Sabagay ay pinagbawalan ko rin naman si Dylan na magbanggit ng kahit ano tungkol sa kanya. Now I wonder if Ate Shirley and his family is with him too.
Pagkalipas kasi ng isang taon magmula ng umalis siya ay sumunod naman sa kanya si Ate Shirley at ang buong pamilya nila sa Canada. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay tanging si Dylan lang ang naiwan dito.
Oo at matagal na panahon na ang lumipas. Okay na nga ko, eh. Pero hindi ko lang talaga akalain na babalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko nang dahil lang sa nagkita kami ulit ngayon.
Hindi naman talaga gano'n kadaling kalimutan lang ang lahat. Because it already left a permanent scar in my life and in my heart.
Pero hindi ko hahayaan na malaman niya pa 'yon.
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng maging potential buyer ko ay ang lalaki pa na 'to?
Oh wait. Is Chloe in here too? And their child...
Ipinilig ko ang ulo ko. Wala na kong pakielam pa sa kanila. Hindi ko na dapat pinoproblema pa ang mga gano'ng klase ng bagay.
Lalong-lalo na kung may kinalaman sa kanya. Dahil magmula ng iniwan at tinalikuran niya kami ng magiging anak sana namin ay kinalimutan at hindi ko na siya kilala.
''Are you really okay, Ms. Sandoval? Does your head hurt?''
Gusto kong matawa nang dahil sa tanong niya. He looked so worried and it really sucks. Minsan na kong nagpadala sa ganyang arte niya at wala na kong balak na mapaglaruan pa ulit.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga mata.
"Oh, yes. No worries. Because I'm more than okay right now.'' I smiled so sweetly at him.
Damn him! Ang kapal din naman ng mukha niyang tanungin ako kung okay lang ba ko. He didn't have any idea on what kind of hell I get through just to be who I am right now.
''So, let's start? Ipapakita ko na lang po muna sa inyo ang brochure ng mga model house namin sa iba't ibang lokasyon para malaman ko po kung saan n'yo gusto unang pumunta.'' I took out the brochures inside my bag and started showing and explaining to them each detail.
Ganyan nga, Shane. Act normal and be professional. Don't let him break your guard down again.
-----
Tahimik lang akong nakatanaw sa labas. Kahit ang totoo ay kanina pa ko nangangalay ng dahil sa posisyon ko.
Papunta na kami ngayon sa isa sa mga subdivision na pag-aari ng pamilya ko para tumingin ng mga model house namin do'n.
Pero sa kasamaang palad ay nakasakay ako ngayon sa kotse niya at kaming dalawa lang ang magkasama. Pinauna na kasi niya ang sekretarya niya at babalikan na lang daw namin ang kotse ko mamaya.
That made me argue with him. It was supposed the other way around. Pero dahil sa ayoko na rin namang makipagtalo pa ay hinayaan ko na lang siya.
Ngunit kahit anong pigil ko ay hindi ko naiwasan ang mapaisip kung ano na kaya ang trabaho ng lalaking 'to ngayon at may secretary pa talaga siya? Bukod ro'n, base sa suot, tindig, pananalita at kahit sa kotse niya ay masasabi kong successful na rin siya.
Well, the only thing that comes up in my mind is that maybe Chloe gives him all he wants. That's why. Baliw na baliw sa kanya ang babaeng 'yon, eh.
I sighed. I really hate this kind of set-up. When the one who left and played with you will suddenly come back as if nothing happened.
Buti pa siya.
''So, I heard that you're the daughter of the CEO of Sandoval Land Company, huh,'' he said out of the blue. Maybe he's trying to start a conversation.
''Unexpectedly, yes,'' I answered with my eyes still fixed outside.
I heard he chuckled. ''Nakakatawa lang talaga. Kung nalaman ko lang sana agad ang lahat, malamang ay hindi na tayo umabot sa ganito at masaya na tayo ngayon.''
Napakunot noo ako nang dahil sa sinabi niya. Lalo pa at hindi ko naintindihan ang mga huling salita na kanyang sinabi, dahil binulong na lang niya 'yon. Tila biglang lumungkot din ang boses niya.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Pero mas minabuti kong wag na lang. Mamaya isipin niya pang gusto ko lang siyang kausap. As if naman.
''I also heard that you're dating my cousin.''
That made me turn to him. Tinaasan ko siya ng kilay. Just wow. Saan naman kaya niya narinig ang balitang 'yon?
''What if I am? Wala naman sigurong masama. After all, I'm single.'' I shrugged.
Pero halos mauntog na lang ako sa dashboard nang bigla na lang niyang itinabi at inihinto ang kotse.
''Ano bang problema mo? Magpapakamatay ka ba?'' I glared at him.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng masama. But I didn't expect what he responds.
''Ditch him,'' he answered without even looking at me.
A-Ano raw?
''What? What do you mean?'' naguguluhan kong tanong sa kanya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. Walang emosyon ang kanyang mukha. I must say that he's not the same Lance I used to know before as well. Sabagay, hindi ko naman talaga nakilala ang totoong siya no'n.
''Ang ibig kong sabihin ay layuan mo siya at wag mo siyang sagutin.''
I was stunned for a second. But when I have finally realized what he just said. I can't help but to let out a mocking laugh.
''And why should I do that? Can you at least give me one acceptable reason for me to do that?''
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang trip niya sa buhay. He's gone for six years. Six freaking years! Then here he is, suddenly ordering me to do something. Aba matindi naman siya.
Napangisi siya. ''Simply because you didn't know him that much. And believe me, he's not the person you thought he is. You can't trust him.'' Bakas sa boses niya ang galit sa hindi ko malamang kadahilanan.
After of all the things that he had done to me, siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon? Oh, come on. He must be kidding me!
Hindi ko na napigilan ang tumawa nang dahil sa sinabi niya. He's really impossible. ''Parang mas bagay atang sa 'yo ko sabihin 'yan. I have been with Dylan for almost 7 years already. And you? I have just been with you for some couple of months. Ngayon sabihin mo sa 'kin kung sino ang hindi ko pa talaga kilala at hindi ko mapapagkatiwalaan?''
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa 'kin para lang siraan at igaya pa sa kanya ang pinsan niya. Okay na ko, eh. Tapos bigla na lang siyang babalik para lang guluhin ulit ang lahat. Sobra naman na ata 'yon.
Dylan never leaves me like what he did. Palagi lang siyang nandiyan sa tabi ko at hindi siya aalis hangga't hindi pa ko nagiging okay. Isa siya sa tumulong sa 'kin para makabangon ulit at makapagsimula ng bagong buhay.
And yes. He's courting me for two years already. Sa totoo lang ay wala na kong mahihiling pa sa kanya. He's too perfect and too good for me. Such a good catch.
It's just that I'm not yet ready to enter into a relationship again. I know that it's been a long time already, but I just wanted to focus on some other things right now. Hindi katulad rati na nagpadalos-dalos ako sa ginawa kong desisyon.
Because this time, I want to be sure and to be secure.
Ilang beses ko na rin naman sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon. But he said that he understands and he's willing to wait. That made me admire him even more.
I admit that I like him. I really do. But I don't think it's enough for me to say yes to him.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pilit kong binabawi 'yon, pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak dito.
''Shane, trust me. Wag na wag mo siyang sasagutin. He doesn't deserve you.''
That's it. I've enough.
How dare he talk to me about trust? Hindi niya ba alam na siya ang dahilan kung bakit ako nahirapan na magtiwala ulit? Little did he know that I was being traumatized because of what happened? 'Yong tipong napa-paranoid ako sa bawat taong nakakausap ko at iisiping baka may masama lang silang balak sa 'kin.
Tinabig ko ang kamay niya, bago mabilis na lumabas ng kotse. Wala na kong pakielam kung maglakad ako. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang makalayo sa kanya.
Dire-diretso lang akong naglalakad. Pero bigla kong napahinto nang dahil sa sinigaw niya.
''Is that how you treat your client, Ms. Sandoval? Should I call someone to complain your behavior?''
Alam ko na kahit nakatalikod ako sa kanya ay nakangisi siya sa 'kin.
I balled my fist. He's playing dirty. Isa pa no'ng huling beses na narinig ko ang mga salitang 'yan ay inalis ako ni Papa sa pagiging agent.
Calm down, Shane. He's still your client. You shouldn't disappoint your father now.
Pagkatapos ng ilang beses kong pagbuntong hininga ay kampante lang akong naglakad pabalik sa kotse niya. Damn him! Matapos lang talaga ang transaksyon ko sa kanya ay hinding-hindi ko na talaga siya pagtitimpian.
''I'm so sorry, Sir. Shall we go now?'' Pilit ko siyang nginitian. Napatango naman siya, bago kami bumalik sa kotse at muli siyang nagmaneho.
Natahimik na kami pareho hanggang sa makarating na kami sa pupuntahan namin. Thank God he didn't push through with that subject. Because it will surely make me insane.
Pagkapasok namin sa isa sa mga model house rito ay agad ko siyang inilibot at sinimulang i-discuss ang features nito. Kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang mawala sa paningin ko.
"Actually, Sir, there had already been a number of houses with this kind of model that have been sold in the last few days and the units were almost sold out. But we can still secure you a slot if you already like this one."
Mataman naman siyang nakikinig sa 'kin. Paminsan-minsan ay nagtatanong din siya. I was hoping that he'll go to take this one already.
But I know that just like some of us, we'll eventually look for the other options too.
Anyway, that's where he good at.
''Can you please stop acting like you didn't know me at all and stop calling me Sir as well? You can call me Lance or hubby instead.''
Bigla kong natigilan sa paglalakad at pagsasalita nang dahil sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.
Ramdam kong nanginginig na ang kamay ko nang dahil sa sobrang galit. To the point that I wanna slap his face so hard right now. How can he manage to say those words so casually?
He's really pissing me off. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. But I will not gave in. Ipapamukha ko sa kanya na hindi na ko katulad ng dati. Hubby his ass!
I smiled so sweetly at him. ''Oh. As far as I remember, I didn't say that I didn't know you. We were classmates way back high school so why would I didn't? And I don't see there's a problem with me calling you, Sir because it's just natural since you're my client." I crossed my arms.
"I think it's better if we just both acts professionally. After all, what we're talking right now is purely business.''
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat na para bang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
''Okay. If that's so, Ms. Sandoval.'' He sighed.
Hindi naman na siya umimik pa ulit pagkatapos. Mabuti naman.
Pinuntahan din namin ang ilan pa sa mga model house na narito. Pero gano'n na lang ang dismaya ko dahil wala man lang siyang nagustuhan ni isa. Ang weird pa ro'n ay kada bahay na mapupuntahan namin ay palaging ako ang tinatanong niya kung gusto ko ba 'to, kung ayos lang ba para sa 'kin ang design, kung ilang kwarto at floors ba raw ang gusto ko, etc.
In short, kung ano lang ang mga gusto ko.
'Yong totoo, siya ba talaga ang bibili o ako?
Pagkatapos ng ilang oras naming pag-iikot, sa wakas ay napagod rin siya. Tatawagan na lang daw niya ko ulit kung kailan naman namin pwedeng puntahan ang iba pang mga subdivisions na nasa ibang lokasyon naman.
Nakakainis! Magkikita pa tuloy ulit kami.
Kung tutuusin ay pwede ko naman siyang ipasa sa ibang agent. Pero ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya at baka kung ano-anu naman ang isipin niya at lumaki pa lalo ang ulo niya.
Akala ko ay aalis na kami. Ite-text ko na nga sana sina Dylan, eh. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya kong hinila palapit sa isa sa mga kainan na nasa labas lang ng subdivision.
Feeling niya? Close kami?
Pero dahil sa gutom na rin naman ako ay nagpahila na lang ako. Ayoko rin namang gumawa ng eksena rito.
Dedma lang ako sa kanya habang kumakain. I was about to drink when I felt my phone vibrated. I took it out of my pocket and saw a message from Ralph, then Dylan.
Napangiti na lang ako. I was very lucky to have these two protective and loving guy with me.
Una kong binasa ang text ni Ralph.
Ralph
Hey, best friend! Pauwi ka na ba?
Agad naman akong nagtipa ng reply ko sa kanya.
Hindi pa best, eh. I was still with a client right now. Pero malapit na.
Then I hit send.
Sunod ko namang binuksan ay ang text ni Dylan.
Dylan
Hello pretty :) Don't skip your meal, okay? Hanggang anong oras ka ba riyan?
Mas lalong lumawak ang ngiti ko at napailing na lang. Mahilig kasi akong magpalipas ng gutom. That's why he always reminds me to eat on time.
No worries. Because I'm actually eating right now. At hindi ko pa rin alam kung hanggang anong oras ako rito. Pero tatapusin lang namin ang pagkain namin. Then we will go already.
Pagkatapos ay inilagay ko na ang phone ko sa loob ng bag. Pag-angat ko ng tingin ay ro'n ko lang napansin na nakatitig pala si Lance sa 'kin.
Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang mukha lang siyang masaya ngayon.
''Why? May dumi ba ko sa mukha?'' kunot noong tanong ko sa kanya.
He shook his head, then leaned his back on the chair. ''You're smiling. A genuine one. You should do that more often. Hindi katulad kanina na pilit lang ang mga ngiti mo.'' He smiled.
Nahigit ko ang hininga, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.
Damn this heart! Why are you beating so fast again?
Napaiwas ako ng tingin. ''Akala ko naman kung ano na. Ang babaw naman ng kaligayahan mo.'' Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sana lang ay hindi niya mapansin na medyo nanginginig ang kamay ko.
Ilang taon na ang lumipas pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa 'kin? Kainis!
''Isang bagay lang naman ang nagpapaligaya sa 'kin, eh. 'Yon ay ang makita kang masaya. Pero mas maganda sana kung babalik ka sa 'kin at maging isa ulit ako sa dahilan ng pagngiti mo.''
Muntikan na kong mabulunan nang dahil sa sinabi niya.
What the fuck? Wala man lang bang preno ang bibig niya?
Saka saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng salitang 'yan na para bang wala siyang ginawa sa 'kin?
With that, I quickly grabbed my drink, then look at him in disbelief. Is he for real?
''Hindi ko talaga alam kung saan ka ba humuhugot ng lakas ng loob para sabihin mo sa 'kin ang mga 'yan. To think that you already have a child with Chloe! Pero kung umasta ka ay akala mo binata ka pa. Isipin mo naman ang pamilya mo. So please, be a man and grow up.''
Ano raw? Ako babalik sa kanya? Samantalang siya nga 'tong nang-iwan sa 'kin! Letse siya!
Tinaasan niya ko ng kilay. Parang balewala lang sa kanya ang lahat ng sinabi ko. ''Well, wala naman sila rito at hindi naman nila malalaman. Kaya pwede kong gawin at sabihin ang kahit na anong gusto ko. And to tell you honestly, I want you back.''
My jaw dropped. What the hell? He's so vulgar!
Ano ba ang gusto niyang palabasin? Dahil kung makapagsalita siya akala mo ay siya 'tong naiwan. Nahawa na rin kaya siya sa kabaliwan ni Chloe? Ito ba ang epekto ng Canada sa kanya?
''You know what, I don't really get it why are you doing this all of a sudden. Pero pwede ba ay maghanap ka na lang ng ibang mapaglalaruan mo. Because I don't have such time with this stupid game and drama of yours.'' I stood up and left him. Balak ko sanang ako na lang ang magbabayad ng kinain ko pero bahala na siya.
Alam ko na naging bastos ang pagtrato ko sa kanya. Pero kung tutuusin ay siya naman 'tong nagsimula. The nerve of that guy!
Mabilis kong pinahid ang mga luhang hindi ko namalayan na kumawala na pala sa mga mata ko.
Sabi ko sa sarili ko ay hinding-hindi na ulit ako iiyak ng dahil sa kanya.
But why now?
Damn you, Lance Buenavista! I hate you to the moon and back!

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    25d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất