logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

“Class malapit na ang foundation day. Alam niyo naman kung ano ang nagaganap tuwing foundation day. Kailangan niyo rin sumali sa activities dahil dagdag points yon” paliwanag ng aming guro. Malapit na malapit na talaga. Wala pa naman akong plano sumali.
“Yes ma’am” we chorus.
“Dance contest ang napili. Kasi noon paramihan ng maibenta sa bawat booths pero ngayon para fair naman ang lahat. Dance contest na ang napili ng ating Dean. You will be group by your strands. ABM A, B, and C will reconcile for the dance competition. Are we clear?”
“Yes ma’am”
Ito na ang pinaka-ayaw ko. Tsk! Excited naman ang mga kaklase ko dahil alam nilang walang klase. Nakaka-umay na rin kasi puro research tapos may gen math pa.
Nagmartsa kami patungo sa gym. Ang iba naman ay masayang tumatakbo samantalang ako naman ay nagmamaktol pa. Our teacher already prepared a music and dance steps for us. Zumba naman always ang ginagamit namin. Zumba rin kasi ang theme kaya ayon. Remix lang ito. Girl in the mirror ang pinaka-unang kanta at babae ang sasayaw hanggang sa may mag-mi-mix na namang ibang kanta at doon na papasok ang mga lalake.
Halos 120 plus kaming mga estudyante na nandito sa gym. Ayon ang mga section A nagpakitang gilas naman kaagad. Meron ding mga grade 12 kagaya nina Thalieya. Siguro they’re here para manood.
“Quiet!” Umalingawngaw ang buong gym dahil sa sigaw ni Mrs. Montecello. Sobrang ingay ba naman naming lahat. Umupo muna kami sa bleacher.
We never done this before. Its our first time to join the activities in foundation day. Noon kasi nag-ce-celebrate lang kami sa classroom at gumagala sa campus lalo na dahil may booths. My thoughts vanished when someone dragged me. My forehead literally creased as he pulled me into tight hug.
“Ano?!” Kunwaring inis na sabi ko. He sighed and pouted his lips. Napa-iling nalang ako. Hindi na ito bago sa akin dahil palagi niya ako niyayakap minsan inaakbayan. Wala siyang pinipiling lugar. Pati sa crowded places ginagawa niya ito.
“Bakit hindi ka na pumupunta sa bahay?” Nakasimangot na tanong niya. Ibinaon niya ang mukha sa aking leeg. Para siyang batang inagawan ng candy. Tss.
“Eh? Pupunta ako huwag kang mag-alala” lumayo siya sa akin bahagya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. He glared at me intently.
“Dapat lang! Hahanapin ka kaya ni Daddy kapag umuwi na siya” he exclaimed. My lips parted a bit. Uuwi na si tito? “Uuwi na siya” parang nabasa niya ata ang nasa isipan ko. O sadiyang halata lang talaga ang mukha ko dahil sa gulat.
He smirked. “Baka aalukin ka na ng manugang mo.” He laugh heartily. Uminit ang pisngi ko. Ayan na naman siya sa biro niya. “Magpapasakal kana raw sa akin” natatawang sabi niya.
Hinampas ko siya ngunit tawa lang siya ng tawa. “Ikaw kaya sakalin ko?!” Inis na sabi ko.
“Formation! Formation!” Lumayo ako at bumalik sa puwesto ko. Meron din palang kinuhang dance instructor ang teacher namin.
Nagpa-ulit ulit kami dahil palaging nawawala sa puwesto ang ibang estudyante. Paano hindi mawawala eh ang dami kaya namin tapos nakakalito ang mga steps.
Namumuo na ang pawis sa aking noo at pagod na pagod na rin ako. Break na namin. Ang dami pang kakemehan na sinabi si Mrs. Montecello. Ang ibang estudyante ay lumabas para bumili sa Cafeteria.
Uupo na sana ako ng bigla may humablot sa akin sabay sampal sa mukha ko. Sobrang lakas pa ng tunog. Namuo ang luha sa aking mga mata sa sobrang sakit.
“Ahas! Mang-aagaw!” Sigaw ni Thalieya. May bigla na namang humablot sa akin tapos sinampal si Thalieya. Mas malakas pa sa sampal niya.
“You bitch!” Si Shiela. “How dare you?!” Gigil na gigil siya pero pinigalan agad siya ni Aeron.
“Ahas yan Shiela! Inagaw niya sa akin si Garry!” Pulang-pula na si Thalie dahil sa galit. Shiela just rolled her eyes at her.
Hinarap ako ni Shiela. “Are you okay?” Nag-aalalang tanong niya. I forced to smile and nodded.
“Go to guidance office now!” Kinabahan kaagad ako dahil narinig ko ang boses ni Dean.
“Tara na” sabi ni Lukas sabay hawak sa aking pulsuhan. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Pagkarating namin sa Guidance Office ay umupo kaagad kami. Kaharap namin si Thalieya. Si Dean ang lolo niya kaya walang kumakalaban sa kaniya.
Bumuka ang baba ni Dean pero natigil din dahil biglang bumukas ang pinto. Bumungad si tito Anthon na naka-pilot attire pa. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi talaga imagination ang lahat. Andito si tito Anthon. Oh my geesh!
“I’m Mr. Cortez the guardian of Ms. Ocampo” magalang na bati ni tito. Hindi pa rin ako naka-recover sa gulat kaya tinapik ako ni Lukas. Nagmano agad ako kay tito. “How are you, darling?” Niyakap niya ako kaya yumakap ako pabalik.
Lumawak ang aking ngiti. “Okay lang po, tito” sabi ko sabay hiwalay sa yakap.
“So, what’s the problem here, Sir”
“Care to explain Ms. Ocampo and Mr. Cortez?” Magalang na sabi ni Dean. Nagulat din siya sa biglaang bungad ni tito kanina.
“Thalieya accused and slap Lei. Inagaw daw ni Lei ang boyfriend niyang si Garry tapos sinampal niya si Lei” nakasimangot na paliwanag ni Lukas. The explanation made the dean’s face in horror.
“You’re suspended for 1 week, Thalieya!” Pinilit ni dean na hindi pagtaasan ng boses si Thalieya. Kitang-kita ko ang gigil ni dean nang sabihin niya yon.
Nagulat ako dahil hindi niya dinepensahan ang apo niya. Palagi niya kasing dini-defend si Thalieya kapag napapasabak siya sa Guidance Office.
“Let’s go?” Napalingon kami kay Tito. “Btw sir, its okay, na 2 days lang ang suspension” tumango si dean at magalang kaming nagpaalam.
Kinuha ni Shiela ang bag namin sa classroom kaya hindi na kami bumalik pa at samakay na rin kami sa sasakyang dala ni tito.
***
Kakatapos lang naming magpractice pero ayaw pa umuwi ni Lukas. Umupo nalang kami ni Shiela sa bleachers upang manood sa kanila na nagpa-practice ng bastketball. Nagtatalo pa ang dalawa.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo sila sa amin at masinsinan ang pinag-uusapan nila. Nang tignan nila ang isa’t isa ay parang may tension sa gitna nila. Nag-one-on-one lang silang dalawa. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa tension na nararamdaman ko.
“Did you find it strange?” I gazed at Shiela. Tutok na tutok din siya sa dalawa. Tumango nalang ako. “Magkaaway ba silang dalawa?”
“Hindi ko alam parang hindi naman. Hindi naman bayolenteng tao si Lukas at lalo na si Aeron” Sagot ko.
“Then, why the heck they’re acting like kid? Look at them. Parang mga bata na may pinagtatalunan” lumingon ako sa dalawa na nag-aagawan ng bola.
Nanlaki ang mga mata ko ng matumba sila pareho. Pumunta kaagad kami sa kanila upang awatin.
“Ano ba?!” Sigaw ko upang matauhan sila. Hinawakan ko si Aeron at si Shiela naman kay Lukas. “Segi, ganiyan pala kayo ha. Ang matatalo ang mag-arrange ng bola. Ang mananalo ang maglinis ng gym”
“Game!” Agresibong sagot nilang dalawa. Hindi ba nila narinig ang consequence? Tangek!
Bahala na nga sila. Tss.
“Go Aiden!” Napabaling ang tingin ko kay Shiela na katabi kong umupo sa bleacher. Ngumiti si Lukas at nagthumbs-up kay Shiela.
Selos na naman, Lei?! Kumirot bigla ang puso ko. Bakit ba palagi akong nasasaktan kahit sa kaunting bagay lang.
“G-Go Aeron!” Hiyaw ko. Ginanahan naman kaagad si Aeron na maglaro. Tama. Yung confession niya pala. Kailangan ko siyang kausapin mamaya.
Ilang minuto lang ay parang nabadtrip si Lukas kaya nalamangan na siya ni Aeron. Ayan na naman ang tensiyon. Hanggang sa hindi na nakahabol si Lukas at tuluyan ng natalo sa laro.
“Yeyyy! Aeron won!” Tili ko. Sobrang saya ko kasi siya ang manok ko pero may kaunting lungkot dahil natalo si Lukas. Pero kinomfort kaagad siya ni Shiela at binigyan ng towel at tubig. I have no choice kundi si Aeron ang i-cheer.
Buti nalang at malayo sina Lukas at sinimulan na rin nilang isilid ang mga bola na nagkalat sa gym.
“T-Teka lang”
“What do you want?” Tanong ni Aeron.
“About sa confession letter mo. I just want to say na hindi pa ako ready at—”
“At may gusto kang iba” pinutol ni Aeron ang sinabi ko. I actually don’t know how to reject. This is so embarrassing.
“S-Sorry Aeron”
“Don’t be. I just want you to know my feelings kasi wala namang mawawala kung sasabihin ko. Ni-re-respeto ko ang damdamin mo kaya don’t be sorry just for that, Cass. It’s not big deal for me. My grandpa said that its better to confess than never. I’m trying not to but it more get harder if I didn’t confess. I like you so much, Cass. I know you don’t like me but I hope your heart change its beat. Sana sa akin nalang siya titibok. But I’m not dreaming anymore for that. I’m Happy as long as you are” nakangiti lang siya habang sinasabi niya yo’n.
Nakangiti na rin ako sa kaniya. I can’t believe na may ganitong lalakeng kayang umintindi sa desisyon mo. He’s the standard.
“I hope you will find the one for you” my heart warm.
“I hope he’s the one for you, Cass”
“Thank you so much” niyakap ko siya at agad din siyang humiwalay sa akin dahil nahihiya siya kasi pawis na pawis pa siya pero ang bango pa rin.
“Hoy, linisin mo na nga ang gym!” Inis na sigaw ni Lukas na kakatapos lang mag-arrange ng mga bola.
“Shiela hindi ka ba sasabay?” Tanong ko. I want to be friend with her. Sobrang ganda niya tapos siya pa ang girl crush ko simula noong grade 7 pa lang ako.
“No” matamis na ngiti ang iginawad niya.
Kinuha na ni Lukas ang bag niya pati ang akin ay dinala niya na rin. Nagsimula na kaming maglakad kanina pa sa gym at hindi mawala ang kunot na noo ni Lukas.
“Bad mood?” Nakataas ang isa kong kilay. He pouted. Ang cute niya talaga. Para siyang batang inagawan ng candy.
“Crush mo si Aeron?” Nagtatampong boses na tanong niya. Natawa ako naman ako sa tanong niya.
“Hindi”
“Doon kana sa kaniya. Magaling siya magbasketball” nagkatinginan kami ngunit umiwas agad siya.
I chuckled. “Kahit nanalo siya ikaw pa rin ang nanalo sa puso ko” nakangiting sabi ko. Oo ikaw lang, Lukas, wala ng iba pa. Ikaw lang at sana ako lang din ang nasa puso’t isipan mo.
“B-Bakit?” Nauutal na sabi niya at kitang-kita ko ang tainga at leeg niya na sobrang pula. Yung pisngi niya rin ay unti-unting namumula.
“Number one best friend kaya kita. Mahal na mahal kita, no! Simula siguro no’ng bata pa tayo” natatawang sabi ko. Hindi lang dahil best friend kita. Mahal kita dahil ikaw ang pinipili ng puso ko. Sad to say that. Sana hindi nalang ikaw. Para kasi akong nakakulong parang sobrang mali. Dahil dapat best friend lang pero lumagpas.
“A-Ah oo naman. Best friend nga pala tayo” mapakla siyang tumawa. “Kwek-kwek tayo?”
Tumango ako. “Game!”
Sana sa susunod pwede na. Puwede naman siguro? Pero yong isip ko ay hindi sumasang-ayon. Ewan ko ba. Bakit kaya kailangan pa mag-away ng puso at isip ko kung pwede naman silang magteam work.
May point maman ang utak ko. My goal is my dream. Yan pala ang dapat kong unahin. Iyon lang naman dapat talaga. Saka na yong pag-ibig. Love can wait sabi pa nila. Love can wait all the time.
But what if I cant have him because I’m too late. Huli na ako kasi inuna ko ang pangarap ko. I smiled bitterly at my thoughts.

Bình Luận Sách (12)

  • avatar
    Mylene Bulilan

    hello gd morning

    12/07

      0
  • avatar
    FansBini

    😲 wow

    22/06

      0
  • avatar
    Usha Claire B. Palomares

    niceee

    17/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất