logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

Magkatabi kami ngayon ni Ryle. Mahaba ang lamesa nila at mukhang kasya ang benteng tao dito. Nasa harap namin ang nanay niya, nagulat ako nang bigla siyang pumalakpak ng tatlong beses.
Anong meron? Taka kong tiningnan ang paligid. Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa dumating ang maraming katulong na may dala dalang ibat ibang pagkain.
Sabay nila iyong nilagay sa lamesa, pagkatapos ay agad rin silang umalis. Hindi ba sila sasabay samin? Ang rami naman nito.
"Kumain ka ng marami, iha." nakangiting sabi ng mom ni Ryle, nahihiya akong tumango.
Kukunin ko na sana ang sandok sa menudo kaso inunahan ako ni Ryle.
"Ako na." seryosong sabi niya at siya na ang sumandok doon.
"Salamat." mahinang sambit ko.
Nang matapos siya ay maglalagay na sana ako ng kanin sa pinggan ko nang inunahan na naman niya ako.
"Kaya ko naman." bulong ko sakanya.
"I'm your boyfriend so let me do this kind of stuff, okay?" seryosong sabi niya at tumango na lang ako.
Ganito pala pag may boyfriend ka? Nagiging baldado ka?
Kakain na sana ako nang napatigil ako nang lagyan na naman niya ng ibang pagkain ang pinggan ko. Okay lang sana iyon pero nagulat ako nang hindi parin na tumitigil sa paglagay ng pagkain.
"Uuyyyy tama na." bulong ko habang hinihila ang tshirt niya.
"Alam kong malakas kang kumain." natatawang sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi kaya." nakangusong sabi ko.
"Hindi kaya." paggagaya niya sabay pisil sa magkabila kong pisngi.
"Ano ba!" iritadong singhal ko at lalo akong nainis nang ginulo pa niya ang buhok ko. "Tumigil ka nga!" iritadong sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa ulo ko at nagtagumpay naman ako.
"Tumigil ka nga." maarteng panggagaya niya.
"The both of you are so adorable." nakangiting sabi ng nanay ni Ryle kaya napatigil kaming dalawa.
Bahagyang tumikhim si Ryle at nagsimula na kaming kumain.
"Goodbye Rachel! I'm so glad to finally meet you. The both of you are perfect for each other." nakangiting sabi ng nanay ni Ryle at pagkatapos ay nagbeso kami.
"C'mon let's go, gumagabi na." tamad na sabi ni Ryle kaya galit na tiningnan siya ng nanay niya.
"Stop it Ryle!" galit na sabi ng mom niya at inirapan lang siya ni Ryle. Aba't tong batang to walang respeto. "Pag nagiging bad boy yang si Ryle ay batukan mo agad okay? Wag kang matakot!" sabi niya na nagpatawa sakin.
"Sige po." nakangiting sabi ko at yinakap na naman niya ako.
Agad niya rin itong kinalas.
"Sige umalis na kayo at baka gabihin pa kayo." sabi niya at tumango ako.
Tinalikuran ko na siya at sumabay na sa paglalakad ni Ryle.
"Ihahatid na kita." sabi niya na agad kong inilingan.
"Wag na. Okay lang ako, maglalakad-"
"Malalaman ni mom kung hinatid ba kita o hindi. My mom have connections." sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Napanganga ako nang makita ang sasakyan niya. ISANG PULANG MERCEDES! Alam ko to! Mahilig kasing manuod si tatay sa isang channel sa tv na tungkol sa mga sasakyan. Ito nga yung paborito niya!
"Kotse mo to?" gulantang na tanong ko.
"Yes, sumakay ka na." sabi niya sabay bukas ng pinto at agad na rin akong pumasok.
Tutal ay first year college na naman siya kaya pwede na siyang makapagdrive.
Nang nakapasok ako ay agad kong sinuot ang seatbelt at kinandong ang bag ko, naamoy ko ang pabango ni Ryle kaya agad kong tinakpan ang ilong ko. Nang sumakay na rin si Ryle ay nagtaka siya nang makita ang itsura ko.
"What's wrong?"
"Wala." nakangiting sabi ko at tumingin na lang sa bintana.
Ang baho ng pabango niya at ang sakit pa sa ilong. Ba't ba kasi ang tapang ng pabango niya? Nakita ko sa peripheral vision ko na bahagya niyang inamoy sa sarili niya.
"You don't like my cologne?" tanong niya na agad kong inilingan.
"Hindi, hindi! Ang bango nga, eh." natatawang sabi ko sakanya.
Ang baho. Hindi ko nalang sasabihin dahil baka umiyak siya. Nag kibit balikat siya at pinaandar na ang sasakyan.
"About the deal. Don't worry, I'm going to pay you." biglang sabi niya.
Nasa bintana lang ang paningin ko. Papayag na ba talaga ako? Malalim akong bumuntong hininga at tumingin sakanya.
"Kailan to matatapos?" tanong ko.
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
"May 14 at night. We'll end it."
Today is January 23. Malapit lapit na din ang araw na yun. Hindi naman na ako pwede humindi dahil nakilala na kami ng mom niya. Atsaka kailangan ko din yung pera para kay tatay.
Tangina, papayag na ba ako?
"Wala nakong ibang choice diba?" tanong ko na tinanguan niya.
Umirap ako sakanya at malalim na bumuntong hininga.
"May galit ba yung kapatid mo sayo?" biglang tanong ko na nagpatawa sakanya.
Wala sanang ganito kung hindi dahil sa kapatid niya.
"Well, maybe?" sambit niya. "We're actually close to each other and he's kinda overprotective to me." natatawang sabi niya.
Napatingin ako sakanya.
"Mahal na mahal mo siguro yung kapatid mo." mahinang sabi ko.
Gulat siyang napatingin sakin. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya ngumiti at tumango.
"Yes, I love him so much. Kahit ginawa niya to satin." natatawang sambit niya na mahinang tinawanan ko din.
"Sana may kapatid din ako." mahinang sambit ko.
Wala nang nagsalita saming dalawa kaya tumingin nalang ako sa bintana.
Mukhang hindi ko din gugustuhin magkaroon ng kapatid. Siguradong pagdadaanan niya din yung mga pinagdaanan ko. Siguradong mahihirapan din siya.
"Teka. Dapat may kontrata tayo." biglang sabi ko sakanya.
Tumango siya at may inabot siya sa likod. Binigyan niya ko ng isang notebook at ballpen.
Binuksan ko ito sa likod at nagulat ko nang makita ang buong pangalan ko doon. Ilang beses iyon inulit hanggang sa mapuno ang buong papel.
"Ano to?" kunot noong tanong ko.
Mas lalo akong nagtaka nang makitang R ang nakalagay na middle name ko doon.
"Wala akong middle name." sambit ko sabay tingin sakanya.
Nakatingin lang siya sa daan pero sunod sunod ang paglunok niya. Anong meron?
"R-really? Wala ka palang middle name?" tanong niya na tinanguan ko.
"Hindi kasal ang nanay at tatay ko." sabi ko sabay tingin uli sa papel.
Nagulat ako nang mabilis niya iyong pinunit at tinapon sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sakanya.
"Ano yun?" tanong ko.
Wala talagang respeto.
"Sino ba yang tinanongan mo tungkol sakin? Mali yata yung nabigay na information." kalmado kong tanong. Kumunot ang noo ko nang makita na R ang middle name na nakalagay dito. "Wala akong middle name." kalmadong sabi ko sabay baling sakanya na ngayon ay nakatitig sa papel.
Sunod niyang ginawa ay hininto niya ang kotse sa gilid ng daan. Madilim ang paligid pero maraming kotse ang dumadaan kaya kahit papaano ay may ilaw kami.
"It's a mistake." kinakabahang sabi niya at marahas na kinuha ang notebook.
Pinunit niya iyon sabay tapon sa labas.
"Nag tanong tanong ka ba tungkol sakin?" naniningkit mata na tanong ko sakanya.
"Yes, a-and what's w-wrong w-with that?" nauutal niyang sabi.
Bakit mukha siyang kinakabahan?
"Mukhang maling info ang nakuha mo tungkol sakin." kalmadong sabi ko sabay kuha sa notebook. "Ilalagay ko dito ang lahat ng tungkol sakin." sabi ko at nagsimula nang magsulat.
"Ito ang pangalan ng nanay at tatay ko, hindi Vanessa at Bren." sabi ko sabay lahad sa kaniya ng notebook.
"Jose Luis Algabre and Almalina Algabre." mahinang bulong niya.
"Pamilyar ba sayo?" tanong ko at agad siyang umiling. "Magsulat ka rin." nakangiting sabi ko sabay lahad ng ballpen sakanya.
"Mukhang hindi na kailangan, I think you already know me so well." confident niyang sabi na nagpawala sa ngiti ko.
"Hindi mo ako fan, hindi ko nga alam yung complete name mo eh." nakangusong sabi ko na nagpangisi sakanya.
"Gusto mong malaman?" nakangising sabi niya na dahilan ng pag irap ko.
"Bahala ka." pagod kong sabi.
"Eto naman di mabiro." natatawang sabi niya at napasulyap ako sakanya nang makita siyang nakangiting nagsulat doon.
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa natapos siya.
"Ang haba naman niyan." natatawang sabi ko sabay tanggap sa notebook na binigay niya.
"Gumawa na ako ng kontrata." sabi niya at tiningnan ko ang sinulat niya.
"Janssen middle name mo?" natatawang tanong ko. "Ba't tunog Johnson?" dagdag ko sabay tingin sakanya.
Lalo akong natawa nang makitang nakabusangot na siya.
"Ryle Johnson baby-"
"Yes?"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita. Potangina. Malakas ko siyang hinampas gamit ang notebook na nagpatawa sakanya ng malakas.
"J-johnson baby powder yung sasabihin ko." nahihiya kong sabi. "Tangina mo." bulong ko na nagpasinghap sakanya.
"Do you curse so much?" natatawang tanong niya.
Depende lang naman sa mood ko. Nagkibit balikat ako na kinangisi niya.
CONTRACT
I Ryle Janssen H. Castañeda promise to protect and care Rachel Daniella Algabre while she's my temporary girlfriend.
I have created these exclusive rules that is strictly required in this contract. These rules is needed to be followed by the two of us. (These rules can't be removed or changed once it's already written on a sheet of paper.)
1. Make everyone believe that we're on a relationship.
- be sweet to each other if there are people around.
- have some anniversaries. (Para paniwalang paniwala sila.)
"Ano to? Pati mga estudyange sa Neurelia University dapat makaalam sa relasyon natin?" gulat kong tanong na tinanguan niya.
Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin nang makitang kinikitkit niya ang dulo ng lapis.
"What?" tanong niya.
"Dugyot mo." tipid kong sabi.
Muli kong tiningnan ang notebook.
"You don't have other choice but to follow what's written in there. " nakangising sabi niya sabay turo sa sinulat niyang- ANO TO?!
"These rules can't be removed or changed once it's already written on a sheet of paper" pagbabasa ko sa tinuro niya at agad akong bumaling sakanya. "Masyadong makapal ang mukha mo, Castañeda." naiiling kong sabi.
"Ako na nga itong sinagabal mo at tumulong sayo, ikaw pa ang may ganang gumawa ng mga rules?" iritadong singhal ko sakanya.
"Can't you atleast read all of it bago ka magreklamo? Para sa huli nalang yung sigawan." tamad niyang sabi na inirapan ko.
Bumalik ako sa pagbabasa.
2. Rachel Daniella Algabre can't hurt Ryle Janssen H. Castañeda because he's her boyfriend ofcourse. (Trivia: Girlfriend don't hurt their boyfriend.)
- don't turn Ryle Janssen H. Castañeda into a battered boyfriend.
Rule number 2 niya na nagpairap sakin.
"Kakasabi lang ng nanay mo kanina na pwede kitang saktan kahit saan at kahit kailan." nakangising sabi ko sakanya.
Ako na ang nakangisi ngayon.
"You got me there." natatawang sabi niya pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Fine! You can write your own rules." iritadong sabi niya.
3. No secrets.
- you need to tell each other how you feel. ( Just tell me if you're not comfortable.)
- you can tell your problems to me. (I am a good adviser.)
- you can be vocal anytime, anywhere. (Always remember that.)
Matagal akong napatitig doon.
Why would he write something like this?
"You often do useless things." mahinang sabi ko.
"What do you mean?" takang tanong ni Ryle.
Malalim akong bumuntong hininga at tumingin sakanya.
"No secrets? I can be vocal anytime? Why would I tell my secrets to you? Why should I be vocal to you? Who are you?" sunod sunod kong tanong habang tinitingnan siya ng diretso.
I might sound so rude pero pareho kaming walang mapapala pag ginawa namin to. Atsaka panandaliang deal lang to. I'm planning to immediately move on and forget everything pagkatapos ng lahat ng to.
"I'm sorry. What I'm trying to say is, it's all useless. We'll eventually forget each other after the deal and also we've just met. I can't trust you that fast so I can't tell you anything." kibit balikat kong sabi.
Binasa ko ang labi ko nang makitang nakatitig lang siya sakin. Do I sound so rude? Ayaw ba niya ng sinabi ko?
"U-um you know what, f-forget it. J-just let it be." nahihiya kong sabi at nagpatuloy na sa pagbabasa.
Dahan dahan akong tumingin sakanya nang pagkatapos ko yung sabihin ay gumalaw siya at inayos ang rear mirror na para bang wala siyang narinig kanina.
Umiling ako at inirapan siya.
"Palagi mo nalang akong iniirapan. There's nothing deep about it okay I just want to be friends with you." natatawang sabi niya.
"May kaibigan ako."
"Isa lang."
Napahinto ako nang marinig ang sinabi niya. Pano niya nalaman na isa lang ang kaibigan ko? Hindi naman niya pwedeng sabihin na isa lang dahil si Riza lang ang nakita niya dun sa cafeteria. Alam kong alam niya na maraming possibilities.
"Anong pangalan niya?" nakangiting tanong ko.
"Riza Menzel." mabilis niyang sabi.
Agad nawala ang ngiti ko. Nang makita niyang hindi nako nakangiti ay unti unti ding nawala ang kasiyahan niya.
Pinagkrus ko ang braso ko ang tinitigan siya ng mariin.
"Pano mo nalaman, Ryle Janssen Castañeda?" seryoso kong tanong.
Lalong kumunot ang noo ko nang makita siyang namumutla.
"Siya lang naman ang palagi mong kasama-"
"Have you been watching me?" diretso kong tanong na agad niyang inilingan.
"No! Never! Sino ka naman para tingnan ng isang katulad ko?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako ngumisi.
"Sino nga ba ako para tingnan ng isang Castañeda? Diretsuhin mo ko pano mo nalaman lahat ng yan? Starting from my wrong parents name to my one close friend." madiin kong sabi.
Napapikit ako sa galit nang ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin niya ko sinasagot. Nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya.
"Isa." pagbibilang ko na nagpatingin sakanya sakin.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Dalawa."
"W-wait-"
"Pag to umabot ng tatlo lilipad ka talaga mula diyan sa kinauupuan mo ngayon." galit kong sabi na lalong tumakot sakanya.
"Tat-"
"I like you!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tumitig ako sakanya habang siya naman ay nakapikit lang ngayon ng mariin.
Ilang segundo akong natameme bago ako bumuntong hininga.
"Sinong niloloko mo?" mataray kong tanong at umupo na ng maayos.
Pinili ko nalang tumahimik ang tingnan ang labas.
Ilang oras kaming nasa daan hanggang sa narating na namin ang ospital. Hindi kami masyadong nagtagal sa daan dahil isang mercedes ang sinsakyan namin.
"Salamat." tipid kong sabi sabay tanggal sa seatbelt ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang nagsalita si Ryle.
"I'm sorry." sabi niya na nagpatigil sakin.
Bumaling ako sakanya at kita ko ang gulat sa buong mukha niya. Mukhang hindi niya napansin na narinig ko iyon. Hindi ko ba dapat marinig yun?
"Anong sorry?" takang tanong ko sakanya at dahan dahan siyang hinarap.
"I mean......." pabitin niyang sabi. "Im sorry f-for d-dragging you into this." pilit ngiting sabi niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya. Halatang hindi talaga yun ang sasabihin niya.
"Okay lang yon, wala na naman tayong magagawa pa." kibit balikat na sabi ko sakanya.
Wala nakong panahon para mag isip ng kahit ano tungkol sakanya. Ang dami ko pang kailangang gawin.
"By the way, are you cool with the rules?" tanong niya.
"Bakit pwede ko pa ba yun punitin ay sunugin?" tanong ko.
"Nope." natatawang sabi niya.
"Sige na, una na ako." nakangiting sabi ko at binuksan na ang pinto sabay suot ng backpack ko.
Nang tuluyan nakong makalabas ay nanlaki ang mga mata ko nang may bigla akong maalala. Agad kong kinatok ang bintana. Mabuti naman ay mabilis niyang binuksan yun.
"Lumabas ka muna." pag uutos ko sakanya.
Kumunot ang noo niya bago niya buksan ang pinto at lumabas. Nang nasa harap ko na siya ay malalim akong bumuntong hininga at tumingin sakanya ng diretso.
"Pwede manghiram ng phone mo?" pilit ngiting tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang kinuha ang telepono mula sa bulsa niya at nilahad iyon sakin.
"Pwede mo ba kong picturan diyan sa kotse mo?" nahihiya kong tanong habang nakaturo sa sasakyan niya.
Napatingin din siya doon bago siya tumingin uli sakin.
"S-sure." sabi niya na puno ng pagtataka.
Pwepwesto na sana ako sa kotse niya nang bigla siyang nagsalita.
"Say please muna." nakangising sabi niya na mabilis konv sinunod.
"Please." sabi ko.
Ilang minuto siyang napatitig sakin bago siya umiling at mahinang natawa. Nagkibit balikat ako sa lumapit na sa kotse niya. Pumwesto ako sa tabi ng kotse niya at ng peace sign.
"1,2,3, smile!" nakangiting sabi niya na sinunod ko.
Nakangiti akong lumapit sakanya at sabay naming tiningnan ang litrato.
"Ganda naman." panunukso niya na inirapan ko.
"Mambobola naman." natatawang sabi ko na nagpatawa sakanya. "Pahiram muna ng phone mo, ipapakita ko lang kay tatay." nakangiting sabi ko na tinanguan niya.
"Go ahead." nakangiting sabi niya sabay lahad ng phone niya.
Kinuha ko iyon at tumakbo na papasok ng ospital. Mabilis kong tinahak ang kwarto ni tatay. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sakin si tatay na nanonood ng tv. Kitang kita sa mukha niya ang lungkot.
"Tay?" pagtawag ko sakanya, sinara ko muna ang pinto bago inilagay ang bag sa upuan.
Humakbang ako patungo sakanya.
"Anak! Sa wakas at umuwi ka na." agad sumaya ang mukha at boses ni tatay nang makita ako.
"Pasensya na tay at ngayon lang ako nakauwi." malungkot na sabi ko sabay yakap sakanya.
"Ano ka ba! Walang problema, ang importante ay umuuwi ka." natatawang sabi niya.
Nakangiti akong pumikit at dinamdan ang pagyakap ko sakanya. Ang ganda sa pakiramdam. Talagang yakap niya ang pahinga ko.
"May sopresa po pala ako tay!" masayang sabi ko sabay kalas sa yakap namin.
"Ano?" excited niyang tanong.
Mahilig si tatay sa mga surprise pero paminsan minsan ko lang iyon nagagawa kasi wala akong masyadong pera panggastos.
"Ipikit niyo po muna ang mga mata niyo." nakangiting sabi ko at agad iyong sinunod ni tatay.
Dahan dahan kong nilagay ang phone sa hita niya.
"Sige na po tay!" sigaw ko at agad siyang nagmulat ng mga mata.
Agad dumapo ang paningin niya sa phone na nasa hita niya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya nang makita ito.
"Ikaw ito anak?" gulat na tanong ni tatay at agad siyang bumaling sakin. "Kaninong telepono ito?" naniningkit matang tanong niya.
"Hiniram ko lang yan tay." nahihiyang sabi ko.
"Naku! Isauli mo na ito at baka makasira pa tayo." nag aalalang tanong ni tatay.
"Isasauli ko naman iyan, tay. Tingnan niyo muna." nakangiting sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"Ang ganda ng kotse, nak." nakangiting sabi niya.
Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at nakangiting tiningnan siya. Bahagya kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Pumasok na naman sa utak ko ang mga bagay na hindi ko dapat iniisip katulad ng pano kung mawala si tatay? Anong gagawin ko?
"Pero mas maganda ang anak ko." pagbawi niya sabay halik sa noo ko.
"Talaga?" nakangiting tanong ko at tatlong beses siyang tumango na nagpatawa sakin. "Syempre, sayo kaya ako nagmana." mayabang kong sabi.
Napansin ko ang pagtigil niya na nagpakunot sa noo ko. May nasabi ba akong hindi maganda?
"Anak talaga kita." pilit ngiting sabi niya.
May problema ba?
"Tingnan niyo na ng matagal tay dahil kailangan ko na yang isauli ngayon." natatawang sabi ko.
"Ngayon? Sige, tititigan ko na ito para ma save sa memory ko." nakangiting sabi niya sabay tingin sa picture.
Dadating din ang panahon na hindi na natin kailangang manghiram ng gamit, tay. Gagawin ko ang lahat para dumating ang panahon na hindi mo na kailangang tumingin sa letrato para makita ang kotse na iyan. Mag iipon ako para mabili ang lahat ng gusto niyo ni nanay.
"Nasaan po pala si nanay?" tanong ko.
"Baka nasa bahay." sabi niya habang hindi tinatanggal ang paningin sa litrato.
Ilang minuto iyong tinitigan ni tatay hanggang sa sumakit ang mga mata niya, agad ko siyang pinahiga. Nang masiguradong tulog na siya ay agad akong lumabas para isauli itong cellphone. Habang naglalakad ako ay biglang may tumawag sakin.
"Miss!" pagtawag ng isang nurse kaya agad akong tumigil.
"May problema po ba sa tatay ko?" kinakabahang tanong ko at agad akong nakahinga nang maluwag nang umiling siya.
"Paid na po pala kayo, ito po yung resibo." nakangiting sabi niya sabay bigay sakin ng resibo.
"Ano?" takang tanong ko.
Sinong nagbayad? Dali dali kong tiningnan ang resibo at totoo nga! Paid na ang bill!
"Sino po ang nagbayad?" takang tanong ko.
"Ang boyfriend niyo po." nakangiting sabi niya sabay bigay sakin ng notebook at tinalikuran na niya ako.
Nakanganga kong tiningnan ang nurse na ngayon ay naglalakad na papalayo. Nang makabalik ako sa ulirat ay agad akong tumakbo papunta sa labas pero agad akong nanlumo nang makita na wala na doon ang sasakyan ni Ryle. Nakaalis na siya.
Napatingin ako sa notebook na binigay ng nurse, ito yung sinulatan namin kanina.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất