logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Hindi parin ako nakahinga ng maluwag nang makapasok na ako sa coffee shop. Meron paring posibilidad na pumasok siya dito.
"Okay ka lang ba? Mukha kang balisa." takang tanong sakin ni Roy.
"Wala lang to." pilit ngiting sabi ko.
Kinukuha ko na ngayon ang uniform ko dito sa coffee shop para makapagbihis na. Ilang minuto akong nagtagal sa CR dahil pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Bakit bako kinakabahan? Malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago lumabas.
"Maaga palang dumating dito ang tatlo kaya swerte ka ngayon." tamad na sabi ni Betty sabay alis sa pwesto niya at ako naman ang pumalit doon.
Ako ang cashier ngayon.
"Pasensya na." pilit ngiting sabi ko.
Late na naman ako ngayon.
"Okay lang. Sanay na kami." natatawang sabi niya na nagpanguso sakin. "Ano ka ba? Joke lang." nakangiting sabi niya at kinuha na ang tray.
Nang narinig ko ang tunog ng bell na nakasabit sa pinto ay agad akong ngumiti.
"Welcome to Tulips Coffee Shop, what's your-" agad nawala ang ngiti ko nang makita kung sino iyon.
Tangina.
"Hi miss. I want......." bitin niyang sabi habang tinitingnan ang menu namin.
Chill ka lang Rachel isipin mo ang mga magulang mo. Pilitin mong huwag suntukin ang gagong nasa harap mo ngayon. Chill ka lang.
"I want you." nakangising sabi niya.
Galit akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Wala po kaming binebentang YOU." sabi ko habang diniinan ang huling salita.
"Wala ba? Then do you have a Rachel coffee and a Daniella cake?" sabi niya habang tinitingnan parin ang menu.
Mas lalo akong naiinis dahil kitang kita sa mukha niya ang pagpipigil tawa niya.
"Wala din po, sir. Check niyo po sa Mars baka nandoon." walang emosyong sabi ko.
Oo, pumunta ka sa Mars at wag ka ng bumalik pa.
He chuckled. "Yan kasi ang gusto ko." nakangusong sabi niya.
"Well, unfortunately. Wala kaming ganyan." nakangiting sabi ko.
Relax lang Rachel. Isa parin siyang costumer. Potanginang, costumer yan.
Magsasalita na sana siya pero napatigil siya nang may biglang tumawag sakanya. Gulat kong tiningnan kung sino yun.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Tyros ang tumawag sakanya. Nasa likod niya sila Nathan at si Zach. Kala ko ba ay maaga silang dumating dito?
"Hey, Ryle!" masayang sigaw ni Tyros.
"Tyros Lozano!" sigaw din pabalik ni Ryle.
"Yo!" pagbati naman ni Zach sabay fist bump sakanya.
"How are you?" nakangiting tanong ni Nathan sabay tapik sa balikat ni Ryle.
"Well, still enjoying my freedom." kibit balikat na sabi niya na nagpairap sakin.
Talaga lang ha? Bakit ba ko naiinis sa lahat ng mga sinasabi niya?
"Alright, just call us when you need anything, okay?" nakangiting sabi ni Tyros.
"Sure!" masayang sabi niya at tumango naman ang tatlo.
Napatingin ako kay Betty na nasa gilid ko ngayon.
"Patay." kinakabahang sabi niya.
"Patay talaga pag hindi mo sila inasikaso agad kaya go na." natatawang sabi ko at agad niya namang pinahiran ang pawis sa noo niya at malalim na bumuntong hininga.
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa tatlo kaya napatingin na ako kay Ryle na ngayon ay nakatingin na sakin.
"Ano?" mataray kong tanong.
"Can you check my order again? Baka meron kayo?" nakangiting sabi niya.
Hindi pa ba siya titigil?
"Wala talaga, sir. Sorry po. Try niyo nalang po sa ibang coffee shop." kunwari malungkot kong sabi.
"You know, my new favorite are Rachel coffee and Daniella cake." nakangiting sabi niya.
"Sinong nagtanong?" walang emosyong sabi ko na nagpatawa sakanya.
Napatingin ako sa likod niya at inis kong tiningnan si Ryle.
"Meron pa po ba kayong order? Marami pa po kasing ibang costumer na kailangan kong bigyan ng atensyon." pilit ngiting sabi ko.
"Why can't I have all your attention, then?" walang emosyong sabi niya at bahagya niya pang tinagilid ang ulo niya habang nakatingin sakin ng ditretso.
Bobo ba siya? Hindi niya ba alam na isa akong cashier ng coffee na ito?
"Meron ba akong atraso sayo?" galit kong tanong. "Meron ba akong masamang ginawa o hindi magandang nasabi para ganituhin mo ako?" kunot noong tanong ko.
"Nakalimutan mo yata." walang emosyong sabi niya.
"A-ano?" takang tanong ko sakanya.
"Ito ang kabayaran sa pagligtas ko sayo." seryosong sabi niya na lalong sumiklab sa galit ko.
"Ito?! Edi sana hinayaan mo nalang akong mabastos doon! Hindi ko naman hiningi ang tulong mo diba?! Pilit kitang inayawan! Ikaw itong nagpumilit na tulungan ako!" galit kong sigaw sakanya.
"Rachel." mahinang tawag sakin ni Roy na ngayon ay nasa likod ko.
Hinawakan niya ako sa balikat para pakalmahin ang galit na nararamdaman ko. Napatingin si Ryle sa kamay ni Roy na nasa balikat ko at kumunot ang noo ko nang makita ang galit sa mga mata niya.
"Remove your goddamn hand on her." maawtoridad na utos ni Ryle habang hindi inaalis ang paningin sa kamay na nasa balikat ko.
"Ano ba ang problema mo?" iritado kong tanong sakanya pero hindi niya ito pinansin. "Don't make me say it again." galit na sabi niya habang nakatingin kay Roy.
Ilang segundo silang nagtitigan hanggang sa inalis ni Roy ang kamay niya sa balikat ko.
Napatakip ako sa bibig ko nang may biglang nagsipasok na nga lalakeng nakasuot ng tux.
"Anong ginagawa niyo!" sigaw ni Roy sakanila pero hindi nila iyon pinansin.
Lahat ng mga tao ngayon ay nagsisigawan dahil sa takot. Napatingin ako sa isang lalake na lumapit kay Ryle.
Kumunot ang noo ko nang makitang may ibinulong ito sakanya.
Kilala ba niya ang mga ito?
"Mga tauhan mo?" seryosong tanong ko sakanya.
Pinalayo niya ang lalake sakanya at taas noong hinarap ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko na lalong nagpagalit sakin.
"Sino ka para manggulo dito?" nakangising tanong ko. "Palabasin mo ang mga tauhan mo dito!" malakas kong sigaw sakanya.
Ilang segundo niya kong tinitigan bago niya binigyan ng tingin ang lalake kanina. Kumunot ang noo ko nang may ibinulong ito sa ibang kasamahan niya.
"Get out, everyone!" utos ng lalake.
Tangina?!
Galit kong nilingon si Ryle na ngayon ay walang emosyong nakatingin din sakin.
Gustong gusto kitang suntukin gago ka.
Ilang minuto ang lumipas bago natahimik ang buong coffee shop. Isa sa mga tauhan niya nalang din ang naiwan dito.
"Are you a deaf?" galit niyang tanong habang tinitingnan si Roy.
"Magiging okay ka lang ba dito, Rachel?" tanong ni Roy habang hindi inaalis ang paningin kay Ryle.
"Salamat, o-okay lang ako." pilit ngiting sabi ko sakanya.
Tumango siya at nagsimula nang maglakad palabas. Nang tuluyan na siyang umalis ay galit akong bumaling kay Ryle.
"Pwede akong mawalan-"
"I will deal with your boss later." seryosong sabi niya habang nakatitig sakin.
"Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko.
Hindi pwedeng magsabay ang galit namin ngayon dahil siguradong sasabog kaming dalawa.
"He's your boyfriend?" tanong niya sakin.
Ano?
"Ano namang pakealam-"
"Just answer my question." madiing sabi niya.
"Hindi, walang kami."
"Good." sabi niya na nagpakunot sa noo ko.
"Ano?" takang tanong ko sakanya at inirapan niya lang ako. Ito na naman ang kabaklaan niya. "Pwede mo na bang sabihin ang kailangan mong sabihin para makabalik na ang mga tao dito?" tamad kong tanong sakanya.
"I need you to be my girlfriend." seryosong sabi niya na nagpatigil sa mundo ko.
"Sira na ba yang ulo mo?" tanong ko na inilingan niya. "Ayoko." madiing sabi ko.
"You have no choice." sabi niya.
"Hindi. Marami akong choice at hindi kasama doon ang pagiging girlfriend mo." mataray kong sabi.
"I'll pay you."
"Kaya kong magtrabaho, kaya kong mag ipon kaya wag na." nakangiting sabi ko at tinalikuran na siya.
Pumunta ako sa likod at nagsimula nang mag ayos ng mga gamit.
"Please, I need you." pagmamakaawa niya sakin.
Sarkastiko akong tumawa. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakin?
"Ano ako tanga? Pagkatapos mo akong pahirapan, hihingi ka ngayon ng tulong sakin? Anong tinira mo?" iritadong sabi ko habang nagmamadaling inaayos ang bag.
"I don't want this too, okay? But I don't have a choice!" madiing sabi niya na nagpatigil sakin. No choice? Kunot noo ko siyang tiningnan. "My goddamn brother send this picture to my mother." sabi niya sabay pakita ng isang litrato.
Nagulat ako nang makitang kaming dalawa iyon, makikita sa litrato na malapit na kaming magkahalikan pero natatandaan ko na nag uusap lang kami dito.
"Nag uusap lang naman tayo-"
"Pero iba ang pinapakita ng litrato." agad na sabi ni Ryle.
"Bakit di mo sabihin sa nanay mo ang totoo?" nakapameywang na tanong ko sakanya.
"I already told her a thousand times pero ang tigas ng ulo niya! Damn." iritadong sabi niya.
"Edi problema mo na yan." kibit balikat na sabi ko at naglakad na papunta sa back door.
Pupunta nalang ako sa bago kong trabaho ngayon. Alam kong makakapagexplain si Roy kay boss Carl kung bakit ako umalis ng maaga.
"Rachel!" pagtawag sakin ni Ryle.
"Goodluck!" sigaw ko sabay kaway sakanya at naglakad na papalayo.
Roy's POV
"Damn!" iritadong singhal ni Ryle sabay sipa sa upuan.
Napailing nalang ako habang tinitingnan siya. Nandito parin kami sa labas, wala nang mga tao. Kami nalang nila Betty at Dave. Pano pa kaya babalik ang mga costumers namin neto?
Ilang oras siyang nakaupo doon bago siya biglang tumayo at sinipa ang upuan.
Malakas akong tumikhim kaya napatingin siya sakin. Papaalisin ko na sana siya pero dali dali siyang nagmartsa papunta sakin. Marahas niyang hinila ang kwelyo ko.
"Stay away from her." madiing sabi niya habang nakatingin sakin na puno ng pagbabanta.
"Sino ka ba?" kunot noong tanong ko sabay takwil sa kamay niya.
Mas matangkad siya sakin ng kaunti pero wala akong pakealam. Hindi siya dapat nanggugulo dito.
"Don't worry, you'll know me soon." taas noong sabi niya na nagbigay sakin ng kaunting kaba.
"Bakit nga ba ako lalayo kay Rachel? Kaibigan ko siya at sa pagkakaalam ko ay wala pa siyang jowa."
"Dig more information, dumbass. You're talking to her boyfriend right now." maangas niyang sabi na nagpatigil sakin.
Mayabang din pala ang isang to. Kala ba niya hindi ko narinig ang sigawan nila kanina?
"Hindi mo to teritoryo, Castañeda. Naligaw ka yata?" nakangising tanong ko. "Kung ang mga estudyante sa Neurelia University ay napapasunod mo dito-" napahinto ako nang galit niya na namang hinila ang kwelyo kong.
"Trust me, I can make every single land be my territory." madiing sabi niya sabay tulak sa akin. "Stay away or I'll throw you away." huling banta niya bago umalis.
Rachel's POV
Dalawang kilometro ang dapat kong lakarin para makapunta sa bahay na lilinisan ko. Hindi lang siya bahay, mansion ang lilinisan ko. Ayos na rin yon, malaking lilinisin, malaking pera ang matatanggap ko.
Suot ko parin ang uniform ng coffee shop, doon nalang ako magpapalit ng damit. Meron akong dalang isang simpleng short at itim na t shirt para hindi madumihan ang uniporme ko.
Nang makadating nako ay napanganga ako dahil sa ganda nito.
Sa loob pala ng isang village ang mansion na ito? Ang lalaki ng mga bahay! Ang raming mansion! Kung linisin ko kaya lahat ng mansion dito? Edi rarami ang pera ko!
5pm palang kaya baka hindi ako papasukin. Maghihintay nalang ako dito sa labas.
"Kuya pwede po bang manghiram ng upuan?" nagbabakasakaling tanong ko sa guard na nagbabantay doon.
"Upuan? Taga rito ka ba? Base sa itsura mo baka nakatira ka lang sa daan, baka madumihan pa tong upuan." nakapameywang na sabi niya.
"Wag nalang po, salamat." nakangiting sabi ko at tumalikod na.
Wala akong ibang mapipilian kundi ang umupo sa tabi ng daan.
Hindi alam ni kuya na ilang kilometro ang nilakad ko kaya ang haggard ng mukha ko ngayon. Kinuha ko ang panyong nasa bag ko at pinunasan ang pawis sa leeg at sa mukha ko, para naman maging presentable ako sa harap ng amo ko.
Ilang minuto akong nakaupo doon hanggang sa may nakita akong dalawang babae, siguro mas matanda pa sila sakin. Kinausap nila ang guard pero mukhang sinabihan din sila ng hindi magagandang salita ng guard kaya padabog silang naglakad papunta sakin.
"Ang yabang! Kung makalait mukhang sinong gwapo! Mas gwapo pa nga ang tatay ko eh!" iritadong sabi niya sabay upo din sa tabi ko. "Nilait ka rin ba ng mukhang asong yun?" tanong niya sakin.
"H-hindi naman." sabi ko.
Medyo nagulat pako dahil sa biglang pagtanong niya sakin.
"Ako pala si Dianne." pagpapakilala niya sakin sabay lahad sa kamay niya, agad ko naman yong tinanggap.
"Rachel ang pangalan ko." nakangiting sabi ko at tumango siya.
"Nandito ka ba para maglinis ng mansion?" nakangiting sabi ng kasama niya.
"Oo, kayo din?" gulat kong tanong sakanila at sabay silang tumango.
"Ilang araw na namin hinihintay na may mangailangan ng trabahante sa village na yan." sabi niya at tinuro ang village.
"Ganun ba? Bakit?" tanong ko sakanya.
"Hindi mo alam?" takang tanong niya sakin. Anong kailangan kong malaman? Umiling ako sakanya. "Maraming artista ang nakatira diyan! Kaya nga dali dali kaming pumunta dito nang makita namin sa newspaper na may dapat linisin dito na mansion" sabi niya. "Nagbabakasakali kasi kami na yung magiging amo namin ay isang gwapong artista!" masayang sabi niya.
"Ahhh kaya pala." sabi ko habang tumatango.
"Ako pala si Kath." pagpapakilala ng kasama niya.
"Rachel." nakangiting sabi ko.
Umupo na rin siya sa tabi ni Dianne.
Ilang oras kaming naghintay doon at nag usap ng kung ano ano hanggang sa tinawag kami ng guard. Agad kaming tumayo at naglakad papunta doon.
"Kayo ba yung maglilinis sa mansion ng mga Castañeda?" tanong niya.
"Opo!" sabay na sabi ng dalawa.
Ano?! Castañeda?! Mansion ng mga Castañeda?! Bakit hindi ko yon nabasa sa dyaryo? Marami namang Castañeda siguro dito sa buong pilipinas. Baka nagkataon lang na magkatulad sila.
"Pasok." istriktong sabi niya at pinadaan na kami.
Nang malayo layo na kami sa guard ay agad pinakawalam ni Dianne ang inis niya.
"Pag dumating ang panahon na mayaman na ako, dito ako titira tapos isisibak ko sa pwesto yung guard na yon! Nakakainis! Mukhang nakalimutan niya kung ano lang siya! Isa lang siyang guard!" iritadong sigaw ni Dianne at tumawa lang kami ni Kath.
"Ang mansion ba ng mga Castañeda ang lilinisin natin?" kinakabahang tanong ko kay Kath.
"Ewan." kibit balikat na sabi niya. "Basta mansion yun na yun." nakangiting sabi niya.
Maganda silang dalawa. Mas maputi si Kath kaysa kay Dianne. Mala chinita rin ang dating ni Kath, kitang kita iyon sa mga mata niya, napaka natural din ng buong mukha niya, walang bakas ng make up. Mahaba ang buhok niya, hanggang bewang, magkatulad kami habang kay Dianne ay hanggang sa balikat lang.
Maganda rin naman si Dianne lalo na ang ilong niya, napakatangos. May konting make up siya sa mukha na lalong nagpaganda sakanya.
Nakaponytail ang buhok ko ngayon at medyo madumi pa ang suot ko dahil sa layo ng linakad ko. Pero okay lang yan, paglilinis naman yung pinuntahan ko dito.
Ilang minuto kaming naglakad dahil sabi ng guard ay nasa pinakadulo pa ang mansion.
Nang nasa tapat na kami ng mansion ay napanganga ako ng makita ko yon.
"Yan ang lilinisin natin?" nakangangang tanong ni Dianne.
Sonrang dumi ng paligid. Ang daming bote ng alak at tissue ang nagkalat.
Unti unti kaming lumapit doon, hinawakan ko ang gate at agad kumunot ang noo ko.
"Pintura?" takang tanong ko.
At mukhang bago lang ito.
"Mukhang nagkasiyahan sila kagabi." kibit balikat na sabi ni Kath.
Merong ibang ibang guhit ang lahat ng dingding. Meron ring mga sulat na bastos. Ang ibang dingding ay puno ng maitim na pintura. Marami ring mga party cups ang nagkalat sa lupa.
Nauna nang pumunta sa pintuan si Dianne kaya sabay na kami ni Kath sumunod sakanya. Tatlong beses kumatok si Dianne.
"Yes!" sigaw ng isang babae.
Nasisiguro kong boses iyon ng babae. Ilang segundo kaming naghintay hanggang sa nabukas na ang pinto.
"I'm sorry I don't have any money with me right now." nakangiting sabi niya na nagpakunot sa noo naming tatlo pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino iyon.
D-dito siya nakatira? Tangina, sa laaht ng pwede kong linisan bakit bahay niya pa?
Isa siya sa mga estudyante sa Neurelia University. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan sila ni Ryle. Siya si Candy Crizelle Cruz. Mayaman at maldita. Isa sa mga investors sa University ang mga parents niya kaya nagagawa niya ang gusto niyang gawin.
"Hindi po kami pumunta dito para manlimos ng pera." magalang na sabi ni Dianne pero may bahid na galit ang boses niya. 
Hinawakan ko ang braso nuya at hinila siya sa likod. Ako ang pumalit sa pwesto niya at kinakabahan kong hinarap si Candy.
Mas lalo akong kinabahan nang taas kilay niyang sinundan ng tingin si Dianne.
"Pasensya na, hindi niya po kayo kilala." nakayukong sabi ko gamit ang nanginginig kong boses.
"You know me?" tanong niya at dahan dahan akong tumango. "Nag aaral ka ba sa Neurelia University?" dagdag niya at muli akong tumango. "You're not mute aren't you?" tanong niya kaya agad akong napayuko.
"Sorry po." mahinang sabi ko.
"Warn them." mataray niyang sabi.
Pumasok na siya sa loob at hinayaan niyang nakabukas ang pinto.
"Sino yon?" tanong sakin ni Dianne.
"Nag aaral ka sa Neurelia University?" gulat na tanong sakin ni Kath.
"Candy ang pangalan niya. Mayaman siya at kinatatakutan ng lahat kaya Dianne please, kailangan mong taasan ang pasensya mo sakanya." nag aalalang sabi ko sakanya at tumango siya.
Bumaling ako kay Kath.
"Sa Neurelia University ako nag aaral pero hindi ako mayaman. Kumakayod lang ang tatay ko para makapag aral ako doon." sabi ko kay Kath.
Dahan dahan kaming pumasok sa loob at bumungad samin ang maraming kalat. Mukhang meron ding naganap na party dito sa loob. Kumunot ang noo ko nang makuta na ang kulay ng mga kagamitan doon ay kulay pink, blue, at green.
Tangina, power puff girls ba ang nakatira dito?
Napabaling ako sa sala nang may narinig akong sigawan ng dalawang lalaki.
"Ang weak mo naman dito, bro!"
"Nakatiyamba ka lang, gago!"
"Tiyamba? Wala yan sa dugo namin. Panalo! yan ang nasa dugo namin!" natatawang sigaw ng isa.
"Panalo panga." sabi ng isa.
Parang kilala ko ang boses na yon. Saan ko na ba ito narinig?
"Boys! There are three girls outside!" sigaw ni Candy na ngayon ay nasa itaas na.
"Nandiyan na sila?" tanong ng isa.
Parang kilala ko talaga ang boses na yun!
Hinintay ko siyang magpakita samin. Nang makita ko kung sino yun ay agad nalaglag ang balikat ko.
Pota, nakatira siya dito?

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất